Chapter 2: Father and Son
(A/N: SPG alert)
Mac Romer's POV
"Ginawa mo na naman akong referee ninyo eh." Reklamo sa akin ni Michael ng nasa sasakyan na kami.
"Sabi ko naman kasi sayo hindi na ako pupunta eh." Pagmamaktol ko.
"Eh di nawalan naman ako ng trabaho."
"Oh eh bakit ka nagrereklamo ngayon? At ikaw ha ako ang boss mo kaya dapat ako lang sundin mo." Mataas pa ang boses na sabi ko sa kanya pero ang gunggong tumawa pa.
"Bilisan mo na kasing kunin ang Chairman position para hindi na ako laging nagmamakaawa sayo kapag pinapatawag ka ng Papa mo." Sabi pa niya.
"Alam mo naman na gusto ko na rin kunin ang posisyon na yon. At kahit hindi niya ibigay sa akin, ilalaban ko yon dahil ako lang dapat ang makakuha non." Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos namin mag-lunch ay dumiretso na kami sa private plane ko.
Isang Airbus A380. Niregalo to sa akin ng isang Prince bilang partnership gift sa negosyong na close deal ko. Ordinaryo bang tignan? Ganito lang naman ang itsura sa loob nito.
Nagkakahalaga lang naman ito ng humigit kumulang 500 million dollars.
"Sir, ito na po ang mga papers na kailangan mapirmahan ni Mr. Uy. Ayaw niya talaga na ako ang kumausap sa kanya dahil ang gusto niya ay kayo raw." Paliwanag ni Michael.
Tumango lang ako at naidlip na muna sandali.
"Wala na ang Mama mo anak." Malungkot na salubong sa akin ni Nanay Toots.
Hindi naman ako makakilos. Tatakbo na sana ako papunta sa kwarto niya pero pinigilan ako ni Nanay. Hindi nila gustong makita ko ang itsura ng Mama ko hindi nila gustong makita ko na nagbigti ito sa kwarto niya. Bakit ba nangyayari ang lahat ng to sa akin? Iniwan na nga ako ng babaeng mahal ko pati si Mama iniwan din ako.
"Sir." Nagising ako sa mahihinang yugyog sa balikat ko.
"Nandito na po tayo." Sabi niya.
Pilit ko namang inalis sa isip ko ang napanaginipan ko.
Nagpunta na nga kami sa building ni Mr. Uy
"I'm glad you made it Mr. Chua." Ngiting sabi nito.
"I have no choice, isa ka sa pinaka iniingatan naming kliyente." Ngiting sabi ko sa kanya.
Tumawa naman siya.
"Kaso may problema tayo. Tumawag sa akin ang Papa mo at ang sabi eh huwag daw akong pumirma sayo."
Nawala naman ang ngiti ko at seryoso siyang tinignan.
"Mr. Uy, mahal mo ba ang kumpanya mo? Baka lang kasi nakakalimutan niyo na hindi Chua ang Papa ko. Kaya nga ang apelyido ko ay Chua ay dahil ginusto ng Lolo ko na dalhin ko ang apelyido ng mga kumpanyang mamanahin ko. Ngayon kong hindi kayo pipirma, choice niyo yan wala akong magagawa dyan. Ang ayaw ko ay sinasayang ang oras ko. Tara na Michael." Akmang aalis na kami
"Sandali, sandali lang. Masyado namang mainitin ang ulo mo, ito na pipirma na." Pagkasabi niya non ay agad na nga siyang pumirma. Kinuha na ni Michael ang kontrata.
"Bakit hindi muna tayo maglibang sa Casino de Chua niyo dito sa Singapore?" Tanong niya sa akin.
"Mr. Uy, kung tungkol sa Casino hindi ako ang dapat mong kausapin dyan yung isang anak ni Papa." Pagkatapos kong sabihin non ay umalis na kami ni Michael.
"Iba ka talaga Sir, kahit ang Chairman di ka natatakot kalabanin."
"Malas lang niya at hindi siya isang Chua. Hangga't nabubuhay ako, sisiguraduhin ko na mapupunta sa akin ang lahat dahil ako lang ang nag-iisang may karapatan." Sagot ko kay Michael.
Nagkape muna kami ni Michael bago bumalik sa private plane.
"Michael, cancel mo muna yung sa Thailand. Just tell them masama ang pakiramdam ko."
"Sir naman, ilang buwan na silang nag-aantay na makadinner kayo." Pagrereklamo pa ni Michael.
"Ikaw nalang magpunta roon."
"What? Mas lalong magagalit ang mga yon dahil ako na naman ang pupunta." Reklamo pa rin niya.
"Alam mo minsan naiisip ko na mas boss ka pa sa akin. Icancel mo, bukas nalang ng tanghali. Just make sure to tell them na pupunta na talaga ako." Sagot ko sa kanya.
Natahimik naman siya. Wala rin naman kasi siyang choice kundi sundin ang mga utos ko.
"Sir, sasama ako ngayon sa night out niyo ha. Susunod lang ako kung saan kayo dadalhin ng bibiktima sa inyo ngayon para naman alam ko kung saan kayo pupuntahan." Sabi ni Michael pagkababa namin sa private plane.
"No need, magtataxi lang ako. Alam mo naman na ayaw kong lapitan ako dahil lang sa may magandang kotse akong dala. Itetext ko sayo ang address huwag kang mag-alala"
"Sir naman, ilang beses niyo na sinabi yan eh pero wala naman akong text o tawag na natatanggap."
"Mas mahaba pa kay Nanay Toots ang litanya mo eh." Reklamo ko sa kanya
"Sabi ko nga tatawag na ako ng taxi." Sabi niya at tatalikod na sana pero humirit pa.
"Basta Sir tatawag ka ha?" Sisipain ko na sana siya pero mabilis na siyang tumakbo.
Nang dumating na ang taxi na tinawag ni Michael ay agad na akong sumakay sa loob.
"Lion's club please."
Sabi ko sa taxi driver.
Agad naman siyang nagmaneho at maya-maya lang ay dumating na nga kami sa club. Inabot ko sa kanya ang isang card.
"Naku Sir, pasensya na kayo sira po ang atm mini machine ko ngayon eh, baka po pwedeng cash nalang?"
"Magkano ba?"
"98.00 lang po"
Binigyan ko siya ng 1000
"Keep the change."
"Ang laki naman po-
Hindi ko nalang siya pinansin at bumaba na ng sasakyan.
Ingay agad ang tumambad sa akin pagpasok ko sa loob.
Halos sa ganito lang umiikot ang buhay ko. Trabaho sa umaga, night out sa gabi. Gusto kong makatulog na lasing ako o kaya ay pagod dahil kapag hindi, binabangungot lang ako. Bangungot ng nakaraan ko.
"Hey, handsome!" Lapit sa akin ng isang magandang babae habang umiinom ako ng alak.
"Hi, beautiful." Ngiting sagot ko sa kanya.
"Do you mind if I join you?" Ngiting tanong niya na nilapit pa ang mukha sa tenga ko.
Alam ko na talaga mga galawan nila at alam ko na rin kung saan kami papunta. Pagkatapos nga namin uminom ng kaunti ay nagdesisyon kami na umalis na ng club at nagpunta sa mas "tahimik" na lugar.
"Where's your car?" Tanong niya.
"Wala akong sasakyan, mag taxi nalang tayo." Sagot ko.
"Akala ko pa naman bigtime ka, well okay na rin gwapo ka naman."
Dahil sa hindi ko pagdala ng sasakyan marami talaga akong nakikilalang mga judgemental na babae, mga babaeng into material things lang talaga ang hanap. Minsan naman may mga mayayaman din kaya hindi na nila minamind pa kung mahirap ako - Yun ang akala nila.
Hindi naman babae lang ang minamaneho ko, marunong din ako magmaneho ng sasakyan. Sadyang ayaw ko lang talaga, ayaw ko lang dahil binabalik lang nito ang isang alaala na ayaw ko ng maalala.
"Hey!" Nagising naman ang diwa ko ng nasa harap na namin ang isang taxi.
"Wala ka ring sasakyan?" Tanong ko sa kanya.
"Yeap. Unfortunately naghahanap ako ng mayaman na makaka one night stand ko at hihingi ako ng sasakyan sa kanya." Tumatawa pa niyang sabi.
Natawa nalang din ako sa sinabi niya. At dahil hindi naman ako lasing ay doon na ko na siya dinala sa pension house na madalas kung uwian.
"Wait? Why are we here? I can't afford-
"Don't worry, this is my house." Kinindatan ko pa siya.
Agad ko siyang hinalikan pagpasok namin sa loob.
At sa isang iglap lang nagsiliparan na ang mga damit namin.
(Insert song)
Nang wala na ang damit pang-itaas niya ay agad kong binaba ang labi ko mula sa leeg niya papunta sa kaliwang dibdib habang ang isang kamay ko ay hinihimas naman ang kabilang dibdib niya.
Habang ang isa ko pang kamay ay abala sa paghimas sa kwebang dadaanan ng malaking sandata ko maya-maya lang.
"Ahh, Ahh, Ahh" Wala kang ibang maririnig sa kwarto kundi mga ungol lang ng kung sino man tong katalik ko ngayon.
Hinubad ko na ang huling saplot na bumabalot sa katawan niya saka parang batang dinidilaan lang ang basang putaheng nasa harapan ko.
"Ahhhh, Ahhhh" Parang musika ang mga ungol na naririnig ko mula sa kanya.
"A-Ang sarap. Ang sarap mo" Sabi niya pa.
At nang makita kong handa na ang kwebang daanan ay hinubad ko na rin ang huling saplot sa katawan ko saka nilabas ang proteksyon na araw-araw kong dala.
"Ahhhh, Shit! Shit! Faster Baby. Fuck me harderrr!" Kasabay ng mga kagat labi niya.
Napangiti nalang ako. At siguradong makakarami na naman ako ngayong gabi. Hanggang ilang rounds kaya ang kaya niya?
Nagising ako sa ring ng phone ko.
Antok na antok pa na sinagot ko ito.
"Hmm" Nakapikit na tanong ko.
"Sir! Mabuti at sinagot ninyo. Tignan niyo po ang balita!"
"Ano na naman-
"Sir! Ano ba! Bilisan niyo." Parang nagising naman ang diwa ko sa pagsigaw ni Michael.
Agad ko naman kinuha ang remote control at binuksan nga ang TV.
Nagulat ako ng makita ang Papa ko.
"So sinasabi niyo po ba na hindi ang panganay ninyo ang magmamana ng ari-arian ninyo?" tanong ng isang reporter.
"Napag-usapan na namin ito kahapon. Ang sino man sa kanila ang unang makakasal ay siyang magiging tagapagmana ng lahat ng asset ng Chua group of companies." Sagot pa ng walang hiya kong Ama.
"Tumawag na rin si Mr. Uy kinacancel niya ang kontrata saka nalang daw siya pipirma kapag sigurado na ikaw na talaga ang tagapagmana." Sabi ni Michael sa kabilang linya. Napakuyom naman ang mga kamay ko sa galit.
"In 20 minutes nasa lobby na ako, sunduin mo ako." Sabi ko bago putulin ang tawag.
Agad akong naligo. Pagkatapos kung maligo ay nagising na nga ang babaeng kasama ko.
"Good morning Baby." Ngiting bati niya sa akin.
"I'm sorry I really have to go. Here's my card. May 20 million sa loob niyan, you can buy a car or whatsoever. My thank you gift for spending your night with me." Sabi ko bago siya tuluyang iniwan.
Pagdating ko sa lobby ay nandoon na nga si Michael.
"Tara na. Punta tayo sa bahay."
Tahimik lang si Michael habang pinagmamaneho ako ng sasakyan.
Alam niya talaga kung kailan ako guguluhin at kung kailan tatahimik.
"Michael, do everything para ma hold natin si Mr. Uy. Tawagan mo ang council for possible legal action na pwede nating gawin."
"Yes Sir." Sagot lang niya.
Pagdating nga namin sa bahay ay agad kong pinuntahan si Papa.
Nagbabasa siya ng dyaryo.
"At nakuha mo pa talagang magbasa ng dyaryo? Pagkatapos ng ginawa mo?" Galit na sabi ko sa kanya.
"Kung nagpunta ka lang dito para sigawan-
"Oo! Nagpunta ako dito para sigawan ka! Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi pahirapan ako?!" Nabigla naman ako ng isang suntok ang binato niya sa akin.
"Wala kang utang na loob!" Sigaw niya.
"Wala naman talaga akong utang na loob sa iyo. Ano ba ang nagawa mo at nagkautang na loob ako sayo? Ginawa mo lang namang miserable ang buhay ko! At buhay ni Mama nagpakamatay nga siya dahil sayo diba!?" Akmang susuntukin na naman niya ako ulit pero napigilan ko na siya.
"Bakit ba ang dali sayo na saktan ako ng paulit-ulit? Hindi pa ba sapat sayo na tinanggap ko sa pamamahay nato ang mga bastardo mo? Kasi Papa baka lang nakakalimutan mo, Anak mo rin ako." Dagdag ko pa.
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran ko na siya. Tumigil ako saglit ng may maalala ako.
"Huwag kang mag-alala bago matapos ang buwan nato, may ipapakilala na ako sa inyo." Pagkasabi ko non ay agad na akong umalis ng tuluyan.
Nakita ko si Nanay Toots na tinitignan ako mula sa malayo. Tinitigan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.
Nang makita ako ni Michael ay agad niya akong pinagbuksan ng sasakyan.
"Gusto niyo ba munang magbreakfast Sir?" Tanong niya sa akin.
"Dumiretso ka sa opisina may pag-uusapan tayo."
Hindi na siya nagsalita pa. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero kung ito lang ang tanging paraan para hindi maagaw ng mga bastardo ng Papa ko ang para sa akin gagawin ko.
Kahit pa nakapangalan na sa akin ang lahat ayon sa last will and testament ng Mama ko ay hindi pa rin ako dapat maging kampante lalo pa at kilalang ganid ang Ama ko pagdating sa pera lalo na kapag hindi nakukuha ang gusto niya. Susundin ko siya hindi para sa kanya kundi para sa Mama ko. Hindi mapupunta sa mga anak sa labas ng walang kwenta niyang asawa ang perang pinaghirapan ng angkan nila. Hindi kailanman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com