Chapter 21: You never stop hurting me
Mac Romer's POV
Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko. Isa pala akong bastardo?
"A-anak." Napatingin naman ako sa matandang nasa harap ko. Ang pinagkakatiwalaan ko- pero niloloko lang pala ako.
"Huwag mo akong hawakan." Nanginginig na sabi ko nang maramdaman ang hawak niya na dating nagpapasaya sa akin.
"P-patawarin mo ak-
"Huwag mo sabi akong hawakan!" Sigaw ko.
"H-hindi ko sinasadyang-
"Hindi sinasadya ang ano?! Ang lokohin ako? Alam mo! Alam mo buong buhay ko ang galit na nararamdaman ko sa mga kapatid ko! Alam mo kung gaano ko sila kinamumuhian! Dahil para sa akin sila ang dahilan ng pagkawala ng Mama! Pero napakasama kong tao...." Napaiyak na ako.
"Napakasama ko kasi wala naman pala akong karapatan na mamuhi sa kanila kasi katulad lang din nila ako! Isa lang din naman pala akong bastardo!" Sigaw ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
"A-anak, pakinggan mo muna ako ha?" Umiiyak na rin na sabi ni Nanay Toots at saka nga niya kinuwento ang nakaraan na balak sana nilang ibaon sa limot.
Flashback
Hindi gustong pakasalan ng Papa mo ang Mama mo dahil may iniibig talaga siya.
Pero dahil baliw na baliw si Señorita sa Papa mo ay pinikot niya ito at may nangyari sa kanila kaya sila pilit na pinakasal.
Galit na galit ang Papa mo sa ginawa ng Mama mo. Kahit nagawa na ng Señorita ang gusto niya na maikasal sila ay para pa rin siyang nakatira sa impyerno dahil sa pagmamalupit ng Papa mo. Bukod pa roon, laging nag-uuwi ng babae ang Papa mo at nakikipagtalik sa mga ito kahit pa katabi lang ng kwarto nilang mag-asawa, at tiniis lahat iyon ng Mama mo.
Hanggang isang gabi, umuwing lasing ang Papa mo-nagkataon na walang tao non at ginalaw niya ako. Pilit akong lumalaban pero malakas siya hanggang sa makuha nga niya ang gusto niya. Sinabi ko iyon sa Mama mo pero hindi siya nagalit sa Papa mo o sa akin humingi pa nga siya ng tawad dahil nadamay ako sa paghihiganti ng asawa niya.
At ang isang gabing pagkakamali nga ay nagbunga, at isinilang kita. Pero dahil sa matinding kahihiyan na maaaring idulot non sa pangalan nila ay inampon ka nila at ginawang Chua, kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil pinagbantaan ako na palalayasin at ilalayo sayo kapag nagpumilit ako. Kaya tiniis ko nalang ang bawat sakit na nararamdaman ko sa tuwing maririnig kita na tinatawag siyang Mama imbes na dapat ako iyon.
End of Flashback
"P-patawarin mo sana ako Mac. Patawarin mo ako kung mahina ako." Umiiyak na rin na sabi niya.
"Buong buhay ko wala akong ibang pinagkatiwalaan bukod sa Mama kundi kayo lang, pero pareho niyo akong niloko." Pagkasabi ko non ay iniwan ko na siya.
Palabas na ako ng makita ko si Michael na tulala- Sigurado ako na nabigla rin siya sa narinig niya. Magkapatid ba kami? Pero sa halip na hanapin ang kasagutan ay mas pinili ko na umalis na lang at lisanin ang bahay na iyon.
Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang nagmamaneho. Hindi ko na nga napansin na nasa harap na pala ako ng ospital at nakaabang na sa akin ang nakangiti kong asawa.
Bumaba ako at agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.
Michael's POV
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Akala ko ang pasabog lang sa gabing ito ay ang bastardo rin si Sir Mac- Pero may isa pa pala. Ang pasabog na anak siya ng Nanay ko.
"N-Nay." Tawag ko sa kanya.
"M-Michael" Gulat na sagot niya na ang mga mata ay nagtatanong kung narinig ko ba ang lahat.
"Kapatid ko si Mac?" Tanging nasabi ko.
"A-akala ko madadala ko sa hukay ang lihim nato. H-hindi kita totoong anak, Michael. Pamangkin kita, noong bata ka pa naaksidente ang kapatid ko na totoo mong Ama at dahil ako lang ang kapamilya mo ay nagdesisyon ako na iadapt ka bilang totoo kong anak." Mangiyak-ngiyak na paliwanag niya.
Naramdaman ko ang sobrang panghihina ng katawan sa narinig ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na magalit at sa halip ay iniwanan na lang siya. Napakasakit pala kapag niloko ka ng taong ni sa panaginip ay di mo inisip na sasaktan ka ng ganito ka sakit.
Jocille's POV
Nagulat ako nang yakapin ako ni Mac ng sobrang higpit. Mas lalo pa akong nagtaka nang bigla siyang umiyak.
"A-anong nangyari?" Pag-aalala kong tanong.
"B-bakit nangyayari sa akin to?"
"Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?" Tanong ko.
"A-akala ko ako ang may hawak ng lahat. Akala ko mas lamang ako sa mga kapatid ko pero pareho lang pala kaming tatlo. Pareho lang pala kaming mga b-bastardo."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-alam mo na?" Bulong ko
Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin.
"A-anong sinabi mo? B-bakit? A-alam mo rin? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong niya.
Tumango ako saka napayuko.
"Ito ba ang sinasabi mo na dahilan kung bakit mo ako iniwan? Yung sinasabi mo na wala kang karapatan na magsabi sa akin?" Naluluhang sabi niya.
Naluluhang kinuwento ko sa kanya ang pangyayaring naging dahilan kung bakit mas pinili kong iwanan siya.
Flashback
Masaya ako non na umuwi galing sa date natin. Nakita ko ang Papa mo na nag-aantay sa akin sa bahay nakasakay sa magarang sasakyan.
Pinasakay ako sa loob ng isa sa mga bodyguard niya
Doon na nga ako inalok ng 5 million ng Papa mo, pero tinanggihan ko iyon. Dahil mas mahal kita kesa sa lahat ng kayamanan na iaalok sa akin.
Akala ko naklaro ko na sa Papa mo ang malinis na intensyon ko sa kanya.
Nagulat ako nang kinabukasan kinausap ako ng... Mama mo.
"Alam ko na nagmamahalan kayo ni Mac, at alam ko na mahal na mahal mo talaga siya at napapasaya." Sabi niya.
"Opo, masaya po kami. Hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo Maam." Sagot ko sa kanya.
"Pinaobserbahan kita, at ayon nga sa imbestigador ni minsan hindi gumastos ang anak ko sa mga date ninyo dahil ayaw mo na isipin ng mga tao na pera lang ang habol mo sa kanya. Kaya napagtanto ko na talagang mahal mo ng totoo si Mac" Paliwanag niya pa.
"Opo, mahal ko po talaga siya-
"Pero doon tayo nagkaproblema." Nagtaka ako sa sinabi niya
"Po?" Tanong ko.
"Kung sana pera lang talaga ang habol mo sa kanya ay hahayaan ko kayo. Kaso, mahal niyo ang isa't-isa at nakikita kong masaya si Mac. Wala siyang karapatan na maging masaya." Malamig na sagot niya.
"A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko siya totoong anak, anak siya sa labas ng Papa niya. Kaya walang karapatang sumaya ang sumira ng pamilya ko." Nakita ko na nangingilid na ang mga luha sa mata niya.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Pero dahil nga nakikita ko na ginagalang niya naman ako, sa kanya ko pa rin iiwanan ang lahat ng ari-arian ko, yon eh kung hihiwalayan mo siya at lalayo ka. Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, malalaman niya na bastardo siya at habang-buhay sisisihin ang sarili niya na siya ang dahilan ng miserable kong buhay at wala siyang mamanahin ni piso. Nasa iyong mga kamay na ang kapalaran ni Mac. Sabihan mo ako kapag nakapagdesisyon kana." Pagkasabi niya non ay iniwan na nga niya ako.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero kung ipipilit ko ang gusto ko ay kinabukasan ni Mac ang manganganib. Kaya nagdesisyon ako na iwanan siya.
"Mabuti at matalino ka. Siya ang atty. ko, babantayan ka niya at kapag nakita niyang lumalapit ka kay Mac, alam mo na ang mangyayari." Sabi niya sa huling pag-uusap namin.
End of Flashback
"Sobrang sakit ng naging desisyon ko Mac, pero kailangan kong gawin iyon para hindi mawala sayo ang magandang kinabukasan." Umiiyak na paliwanag ko.
"A-anong karapatan mong magdesisyon para sa buhay ko? Matagal mo ng alam pero pinili mong ilihim sa akin? Bakit?!" Galit na sabi niya.
"Dahil mahal kita! Alam ko kung gaano mo kamahal ang Mama mo, ang buhay karangyaan mo. Kapag mas pinili kita non at nalaman mo ang totoo, akala mo ba kakayanin ng konsensya ko?" Sagot ko sa kanya.
"Kahit na! Masakit man pero kaya ko naman eh! Kaya ko basta magkasama sana tayo! Kung sinabi mo sana sa akin! Pero katulad ka rin ni Nanay Toots! Pinili niyong saktan ako!" Sigaw niya
Umiiyak na hindi ako nakasagot.
"Why?" Umiiyak na niyang sabi
"Why you keep doing things to hurt me? Why you keep breaking my heart like this? Why! Why you never stop hurting me?" Pagkasabi niya non ay iniwan na niya ako at pinaharurot ang sasakyan.
Naiwan akong umiiyak at di alam ang gagawin. Nagkamali ba ako sa desisyon ko noon?
Raven's POV
Dahil tapos na lahat ng shooting ko ay hiniling ko na magbakasyon na muna.
Agad akong nag-impake ng mga dadalhin ko.
"Sigurado ka na ba?" Tanong ni Ralph.
Tumango lang ako.
"Iniiwasan mo lang si Jocille eh."
Natigilan naman ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jocille.
Ngumiti ako bago sumagot.
"Baka kailangan ko lang magmove-on ulit sa kanya." Sagot ko
"Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?" Tanong pa ni Ralph.
Hindi ko na siya sinagot. Nang gabing iyon ay naisipan kong puntahan si Jocille sa ospital para makapagpaalam ng pormal. Nagulat ako nang makitang nagtatalo sila ni Mac at di sinasadyang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
Nakita ko kung paano iniwan na lang ni Mac na umiiyak si Jocille.
Agad akong lumapit sa kanya at pinatayo siya sa pagkakaupo habang patuloy na umiiyak.
"Tahan na." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Bakit ba lagi nalang siyang umiiyak sa piling ni Mac? Paano ako aalis na ganito siya? Nagkamali ba ako na pinaubaya ko siya kay Mac?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com