Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: A night of mistake

Mac Romer's POV

Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating.

Nang makakita ako ng ilog ay tinigil ko muna ang sasakyan don.

Kinuha ko ang dala kong beer na binili ko kanina sa nadaanan kong convenience store at uminom ng uminom.

Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang mga kapatid ko na kinutya ko ng paulit-ulit dahil sa pagiging bastardo nila.

Flashback

"Anong sinasabi mo na mga anak mo sila?!" Narinig kong galit na sabi ni Mama nang ipakilala ni Papa ang dalawang mas bata sa akin ng ilang taon.

"Anak ko si Jacinth Jude kay Jacinta yung dinala ko dito, nakita mo naman yon diba? Si Don Cezar naman ay anak ko kay Donalyn." Tila walang pakialam ang Papa sa galit na nararamdaman ng Mama.

"Sabi ko sayo, tatanggapin ko ang mga babae mo pero ibang usapan kapag nagkaroon ka ng anak sa kanila!"

"Ayaw mo silang tanggapin? Mabuti. Aalis na ako sa bahay nato at maghiwalay na tayo." Akmang aalis na ang Papa

"Kapag umalis ka, magpapakamatay ako!" Sigaw ng Mama

Pero nagpatuloy sa pag-alis si Papa dala ang dalawang bastardo niya.

Napakuyom naman ako sa mga kamay ko. Kung sana pinakinggan lang ni Papa si Mama at hindi siya umalis ng bahay ay hindi siguro ito magpapakamatay.

Mas lalong nagalit ako sa dalawa kong kapatid ng pagkatapos nga ng libing ay inuwi sila ng Papa.

"Siya si Mac Romer ang kuya ninyo." Pagpapakilala sa akin ni Papa kinaumagahan habang nag-aagahan.

"Masaya akong makilala ka Kuya." Ngiting sabi ni Jacinth Jude sa akin pero hindi ako sumagot.

"Mac Romer! Kinakausap ka ng kapatid mo huwag kang bastos!" Galit na sabi ng Papa.

Tinignan ko lang siya ng masama bago sila iniwan sa hapag-kainan.

Ilang beses kong pinamukha sa kanila ang pagiging anak sa labas nila. Pero ganon din pala ako- Bastardo rin pala ako.

End of Flashback

Natigilan ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan nang mag-ring ang phone ko- Si Jocille.

Naalala ko na naman ang ginawa niya. Hindi ako sumagot at ini-off ang phone ko.

Nang maubos ko ang beer ko at nakulangan pa ako ay nagpunta ako sa Bar, doon nilunod ko ang sarili ko sa alak. Hanggang sa di ko na matandaan kung ano ang mga sumunod na nangyari.

Joy's POV

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nakita ni Mac sa asawa niya at di niya makitang nakikipaglandian ito kay Raven Lee. Pinagtanggol pa niya sa harap ng publiko. Napakatanga niya talaga.

Papasok na ako ng club para magsaya na lang at kalimutan si Mac nang makita ko siyang lasing na lasing na- Napangiti naman ako.

"Anong ginagawa ko dito? Narealize mo na ba na hindi para sayo ang pinakasalan mo?" Sarcastic kong sabi sa kanya.

Namumungay ang mga mata na tinignan niya lang ako. Iinom pa sana siya pero kinuha ko na ang baso sa kanya.

"Tama na yan, lasing ka na" Sabi ko sa kanya.

"H-hende pa ako laseng" Sagot niya. Lasing na nga.

Pinabuhat ko na siya sa dalawang bodyguard ko na dala ko saka ko siya pinasakay sa kotse ko. May dalawang lalaki naman na lumapit sa amin.

"Maam, mga bodyguard po kami ni Sir Mac. Saan niyo po siya dadalhin?" Tanong ng mga ito.

Napangiti naman ako bago sumagot.

"Saan pa? Di sa langit." Sagot ko sabay kindat sa kanila at inabutan sila ng tag dalawang libong piso.

Pinaharurot ko na ang sasakyan at dinala siya sa Pension house kung saan niya ako dinala dati.

Pagpasok nga namin sa loob ay agad ko siyang hinubaran ng damit, napakaganda talaga ng katawan niya. Ang tigas ng dibdib at ang sasarap ng pandesal.

Hinawakan niya bigla ang mukha ko.

"Jocille.. Bakit mo ginawa sa akin yon?" Bulong niya.

"Oo, ako nga to. Si Jocille nga to." Ngiting sabi ko at hinalikan siya. Gumanti naman siya ng halik sa akin hanggang sa bumaba na nga labi ko sa leeg niya.

"Hmm" Ungol niya habang nakapikit.

"Huwag kang mag-alala, langit ang mararamdaman mo sa akin kesa sa asawa mo." Ngiting sabi ko bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Jocille's POV

Nakaupo kami ni Raven sa garden ng hospital habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Wala kang kasalanan. Kung ako man ang nasa posisyon mo, siguradong yon din ang gagawin ko. Para sa kanya naman ang ginawa mo eh." Pagpapagaan ni Raven sa nararamdaman ko.

"H-hindi, kasalanan ko pa rin. Dapat sinabi ko nalang sa kanya. Okay naman kami eh. Okay na sana kami." Umiiyak kong sabi.

Pinatahan ako ni Raven sa pamamagitan ng paghaplos-haplos niya sa likod ko.

"Hayaan mo magpapalamig lang siguro yon. Bukas kapag kalmado na siya kausapin mo siya, mag-usap kayong dalawa ha?" Dagdag pa niya.

Hinatid na ako ni Raven pagkatapos naming mag-usap.

Napakatahimik ng bahay pag-uwi ko. Hinanap ko siya sa buong bahay pero di ko siya makita. Tinatawagan ko si Michael pero di siya sumasagot. Nahiga ako sa kama habang iniisip kong ano na ang mangyayari sa amin. Sana naman mahanap niya sa puso niya ang pagpapatawad sa ginawa ko. Napatingin naman ako sa larawan namin na nakasabit sa kwarto.

Wala kasi kaming picture noong wedding namin kaya nagpaphoto shoot kaming dalawa para may malagay sa kwarto namin. Di ko namalayan na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko, nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Raven's POV

Bagsak ang katawan na nahiga ako sa kama. Nalulungkot ang puso ko dahil panigurado umiiyak na naman si Jocille ngayon.

Gustong-gusto kong magalit sa ginawa ni Mac pero mas pinili ko na intindihin siya, hindi basta basta rin ang nalaman niya tungkol sa totoo niyang pagkatao, at kung ako man ang nasa posisyon niya ay magagalit din ako ng sobra.

Kailangan ko silang tulungan dalawa na magkaayos. Iyon lang ang paraan para sumaya ulit si Jocille. Napangiti ako sa isiping iyon at nakatulog na.

Jocille's POV

Nagising ako sa katok ng kwarto. Dali-dali akong tumayo dahil baka si Mac na iyon- Pero ang kasambahay pala namin.

"Good morning Maam, may naghahanap po sa inyo." Sabi niya

"Sige, magbibihis lang ako." Sagot ko bago sinirado ang pinto at nagmadaling magbihis.

Pagbaba ko nga ay nakita ko ang nakangiting si Raven.

"Raven"

"Tara, aalis tayo." Sabi niya

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong

"Saan pa? Eh di iuuwi dito ang asawa mo. Hanapin natin siya" Ngiting sagot niya.

Tama. Hindi nga umuwi si Mac kagabi, baka napano na siya.

Nagmadali kaming umalis ni Raven para hanapin si Mac.

"M-maam Jocille kayo po p-pala" Tila nauutal na sabi ng Hotel Manager.

"Bakit po? May problema po ba?" Nag-aalala kong tanong.

"E-eh, eh kasi po ano wag nalang siguro kayong pumunta sa kwarto ni Sir" Pinagpapawisan na siya kahit ang lamig lamig lang naman sa hallway.

"Bakit nga? Ano bang meron sa loob?" Tanong ni Raven

"A-ahh, nagpapalinis-

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang hinila na ako ni Raven papunta nga sa loob ng elevator at sinarado agad iyon.

"T-teka Maam Jocille!" Narinig pa naming sigaw ng Hotel Manager.

"Anong floor?" Tanong ni Raven

"45th floor" Sagot ko naman

Nang nasa tapat na kami ng kwarto ay kumatok na muna ako.

Ilang minuto rin akong kumakatok pero walang nagbubukas.

"Akala ko ba may naglilinis sa loob?" Tanong ni Raven

Kinakabahan ako. Baka may kasama siyang ibang babae.

At hindi nga ako makagalaw nang pagbuksan kami ng isang magandang babae na nakatakip sa kanya ang kumot. Nanlaki ang mga mata ko.

Mac Romer's POV

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko. Tatayo na sana ako nang pagbuksan na ito ng kasama ko.... Teka? May kasama ako? Nagising ang diwa ko nang mapagtanto na nasa pension house ako.

At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jocille na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at... Umiiyak?

"Jocille" Tatayo na sana ako pero tumakbo na siya palayo sumunod naman sa kanya si Raven. Agad akong nagbihis.

"Kung di ka na tatanggapin ng asawa mo sa akin ka na lang ha?" Ngiting sabi ni Joy- akmang sasampalin ko sana siya pero buti nalang napigilan ko ang sarili ko.

"Kapag nagkahiwalay kaming dalawa, papatayin kita!" Sigaw ko bago siya iniwan sa kwarto para habulin ang asawa ko.

Tawag ako ng tawag sa cellphone niya pero di siya sumasagot. Palabas na ako ng hotel nang bigla nalang may sumuntok sa akin.

Raven POV

Mabilis na nawala si Jocille sa paningin ko.

Aalis na sana ako nang makita si Mac na palabas na ng hotel niya. Agad ko siyang sinugod ng suntok nagpatumba sa kanya.

"Wala ka bang ibang gagawin kundi paiyakin lang ang asawa mo!" Galit na sigaw ko.

Agad naman akong pinigilan ng mga bodyguards niya sa paligid.

"Napakaduwag mo! Sa halip na harapin mo ang problema nagpakasawa ka sa babae mo!" Bumitaw ako sa pagkakahawak ng mga bodyguards niya at agad umalis.

Jocille's POV

Iyak lang ako ng iyak habang nasa loob ng taxi.

"Miss, okay lang kayo?" Tanong ng driver sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumango.

"Manong, sa isang beach niyo na lang po ako dalhin." Sabi ko habang pinipigil pa rin ang mga luha sa pag-agos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com