Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: Do miracles exist?

Raven's POV

Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw na narinig ko.

"Jocille" Bulong ko nang makita kong siya ang sumigaw.

"Sinabing huwag lumabas ng sasakyan, ang tigas talaga ng ulo mo." Agad ko siyang pinuntahan.

Pero huli na ang dating ko dahil ipuputok na ng lider ng mga kidnappers ang baril niya, tatakbo na sana ako para saluhin ang bala pero naunahan ako ni Mac. Nakita ko na babarilin pa sana siya pero bago nagawa yon ng lider ng mga kidnappers ay naunahan ko na siya. Pinagbabaril ko siya hanggang sa matumba siya.

"Maccccccc!" Sigaw ni Jocille.

Hawak ni Mac ang puso niya na tinamaan ng bala.

Agad akong pumunta sa kanila.

"Maccc! Maccc!" Umiiyak na sigaw ni Jocille.

"J-Jocille" tanging nasabi ni Mac bago nawalan ng malay.

Pagdating nga ng ambulansiya ay agad sinugod si Mac sa pinakamalapit na ospital.

"Mac please gumising ka, Mac please." Pilit kong pinapakalma si Jocille na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Jocille's POV

Agad nila dinala sa operating room si Mac. Todo dasal ako na sana walang masamang mangyari sa kanya.

"Michael, nasaan si Kuya." Napatingin ako sa bagong dating.

"Nasa Operating room pa rin siya." Naluluhang sagot ni Michael.

"Bakit ka umiiyak? Mabubuhay si Kuya, siya nga ang magmamana ng lahat diba? Hindi niya iiwan sa amin ni Cezar ang kumpanya kaya alam ko mabubuhay siya." Sabi niya

Napaiyak naman ako lalo sa sinabi niya.

"Jocille, huwag ka ng umiyak anak. Kaya to ni Mac" Naiiyak na sabi sa akin ni Nanay Toots.

Tumango lang ako.

Hinawakan naman ni Raven ang balikat ko at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Magpahinga ka na muna okay?" Bulong niya.

Ilang oras pa kaming nag-antay bago lumabas ang Doctor.

"I am very sorry to tell you, as of now okay pa siya na revive pa namin siya however, dahil sa puso niya tumama ang bala specifically sa coronary artery. At dahil nga dito humina ang heart muscle niya at hindi makapump ng dugo ng maayos ang heart niya at this moment that leave us with no choice, kailangan niya mag-undergo ng heart transplant as soon as possible." Pagbabalita ng Doctor

"Diyos ko" Sabay naming nasambit ni Nanay Toots

"Ano ang mangyayari kung hindi siya makakuha ng heart transplant as soon as possible Doc?" Tanong ng kapatid niya.

"Kailangan nating bilisan kung gusto natin na maligtas pa siya. Dahil kapag patuloy na humina ang heart muscle niya, it can cause myocardial infarction o heart attack." Sagot ng Doctor.

"Doc, please gawin niyo lahat para maligtas ang asawa ko. Parang awa niyo na Doc." Pagmamakaawa ko habang hawak ang mga kamay ng Doctor.

"May isa pa tayong problema, napaka rare din ng blood type ng pasyente. Wala tayong available donor na ganon ang blood type." Dagdag pa ng Doctor.

Halos maubos ang luha ko kakaiyak pagkaalis ng Doctor.

"Michael, tawagan mo ang mga Directors sa lahat ng ospital na nabili na ng kumpanya natin dito sa Pilipinas. Babalik akong Amerika para kausapin ang mga Directors ng hospital doon." Narinig kong utos ng kapatid niya.

Raven's POV

Nandito kami ngayon ni Jocille sa ICU habang pinagmamasdan si Mac na nakaratay sa loob.

Walang humpay sa pag-iyak pa rin si Jocille.

"Kasalanan ko to kung nakinig lang sana ako sayo, kung di sana ako bumalik sa loob hindi sana ako makukuha ng walang hiyang Mr. Buen na yon at hindi sana sasaluhin ni Mac ang balang para sa akin." Paninisi pa niya sa sarili niya.

"Wala kang kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo. Isipin mo nga kung ikaw ang nabaril, mas magiging masakit yon para kay Mac. Huwag mong sisihin ang sarili mo hindi magiging masaya si Mac kung iyon ang gagawin mo." Sabi ko sa kanya.
Niyakap ko naman siya para patahanin.

"Di ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya Raven. Mawawalan ng silbi ang buhay ko kapag nawala siya." Pero kahit anong pagpapatahan ko ay iyak pa rin siya ng iyak.

Kung may magagawa lang sana ako para tumahan na siya ay gagawin ko. Sana ako nalang ang natamaan ng bala. Sana mas mabilis akong nakatakbo, sana naunahan ko si Mac para hindi na nasasaktan ng ganito pa si Jocille.

"Jocille!" Napatingin kami sa tumawag sa pangalan niya- Si Michael.

"Nirerevive si Tatay Mario ngayon bigla nalang daw nagkombulsyon." Pagbabalita niya

Agad naman namin pinuntahan ang kwarto ni Tatay Mario. Nadatnan nga namin na nirerevive siya ng mga Doctor.

"Tay! Tay lumaban kayo! Wag niyo akong iwan!" Sigaw ni Jocille habang umiiyak.

"Charge to 200 joules" Utos ng Doctor.

"Clear!"

Nakahinga naman kami ng makita sa monitor na bumalik na ang heart beat niya.

"Kailangan na talaga niyang mag-undergo ng kidney transplant yon na lang ang paraan para masalba natin ang Tatay mo. Kapag inatake pa siya ulit, baka hindi na natin maibalik ang pagtibok ng puso niya." Paliwanag ng Doctor.

Halos mapaupo na sa sahig si Jocille. Hinawakan ko naman siyang mabuti.

Michael's POV

Napakadami na ng natawagan kong mga kasosyo ng pamilya Chua pero lahat walang available na donor, kung meron man ay hindi compatible sa kanya o kaya ay galing sa mga female donor.

"Mas mataas ang chance of death kapag galing sa opposite sex ang magdodonate sa kanya. Mas malaki kasi ang heart nating mga lalaki kesa sa mga babae." Paliwanag ng Doctor nang inaakala namin ay pwedeng magdonate ang babae.

"Anak, makakahingi pa kaya ako ng tawad sa pinsan mo?" Umiiyak na tanong ni Nanay Toots sa akin.

"Nay, wag kayong mag-alala, makakahingi kayo ng tawad at mapapatawad niya kayo." Pagpapalakas ko sa loob ni Nanay.

"Michael" Napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko.

"Chairman!" Agad naman akong yumukod pagkakita ko sa Papa ni Mac.

"Kumusta ang anak ko?" Mahinahon niyang tanong.

"Naghahanap pa rin po kami ng pwedeng magdonate ng puso sa kanya Chairman-

"Mr. Chairman" Di ko natapos ang sasabihin ko ng may dumating na mga Amerikanong Doctor.

"Thank you for coming, Please save the life of my child" At sa unang pagkakataon narinig ko na nagmakaawa ang Chairman. Ama pa rin pala siya kahit papano.

"We will do everything to save him however, his previous Doctor is correct the only chance for him to survive is to undergo a heart transplant. We could try the artificial heart surgery but no artificial hearts are available at this moment. We have to find a donor as soon as possible."

"Michael, nakontak na ba lahat ng ospital na pagmamay-ari na ng kumpanya natin?" Tanong niya sa akin.

"Yes, Chairman pero kadalasan po ay mga puso na galing sa babaeng donor ang nandoon, ang iba naman po ay hindi compatible sa blood type ni Sir Mac."

"Tawagan mo ang mga reporters, magpapa press con ako." Utos ng Chairman na agad ko naman ginawa.

Madami-dami rin ang dumating na mga reporters sa Press con na pinag-utos ni Chairman.

"Magandang Gabi sa inyong lahat. Nandito ako sa harapan ninyo para ibalita ang kundisyon ng panganay ko. Dahil nga sa balang tumama sa puso niya ay nangangailangan kami ngayon ng donor na magmamatch sa kanya dahil yon na lang ang tanging paraan na maligtas pa siya." Mahinahon na sabi ng Chairman.

"Alam ko na napakasama ng sasabihin ko pero bilang isang Ama sana maintindihan ninyo ako. Kung sino man ang makakapagdonate ng puso sa anak ko, ay bibiyayaan ko ng dalawampu't bilyong piso. Alam ko hindi sapat iyon para bayaran ang buhay na mawawala sa inyo. Ito lang ang tanging magagawa ko, hindi pwedeng mawala ang anak ko ng hindi ako....nakakahingi ng tawad sa kanya." Maluha-luhang sabi ng Chairman.

Di ko namalayan na tumulo na rin ang mga luha sa mga mata ko. Sana mabigyan ng pagkakataon na makita ni Mac ang ginawang ito ng Papa niya. Matagal siyang nanlimos ng pagmamahal dito, siguradong magiging masaya si Mac na malaman na may pakialam din pala ang Ama niya sa kanya.

Jocille's POV

Nandito ako sa labas ng ICU ni Tatay at Mac. Pinagtabi ko kasi silang dalawa para mabantayan ko sila pareho.

"Jocille, kumain ka muna" Napalingon ako kay Raven inabot niya sa akin ang isang mainit na kape at burger.

Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa ring donor. Hindi ako umaalis sa tabi ni Mac at Tatay.

"Gusto mo ako na muna dito? Matulog kana muna sa bahay ninyo. Nakapagpahinga na ako ng dalawang araw" Pag-aaya ni Raven.

"Ayoko, dito lang ako" Sagot ko sa kanya.

"Kahit maligo ka na lang, ang baho mo na oh" Tinakpan pa niya ang ilong niya.

Inamoy ko naman ang sarili ko, may amoy na nga ako.

"Baka may mangyari kapag umalis ako."

"Walang mangyayari, wag kang mag-alala. Hindi ka iiwan ni Tatay Mario at Mac" Nakangiting sabi niya.

"Sana nga Raven, alam mo noong bata pa ako hindi ako naniniwala sa milagro. Lagi kong tinatanong sa sarili ko do miracles exist? Kasi kung oo, sana buhay pa ang Nanay ko. Sana nakita ko man lang siya." Naramdaman ko na hinawakan ni Raven ang kamay ko.

"Miracles do exist for those people na naniniwala. Kailangan mo lang maniwala at malay mo bukas, makalawa may milagro ng dadating na magliligtas sa buhay ni Mac at Tatay Mario." Nakangiti niyang sabi.

Sana nga magkatotoo ang sinabi ni Raven.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com