Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: I'm pregnant

Jocille's POV

Matapos ang isang linggo na pamamalagi sa ospital ay nakauwi na rin kami ni Mac sa bahay namin. Binisita naman namin kinabukasan ang puntod ni Raven. Iyak pa rin ako ng iyak, pero this time nasa tabi ko na si Mac na pinapatahan ako. Pakiramdam ko katabi ko si Raven, siguro kasi na kay Mac na ang puso niya. Gumagaan ang pakiramdam ko kasi alam ko, nasa paligid lang siya, binabantayan ako.

"Mac, gusto kong magpakasal kayo ulit ni Jocille." Sabi ng Papa niya.

Nag family dinner kasi kami kinagabihan.

"Naku, Papa huwag na po" Sagot ko naman.

"Hindi naman ako papayag na makasal ang panganay ko na wala ako at ang nanay niya pati na mga kapatid niya." Sagot ni Papa.

"Tama si Papa Jocille, church wedding naman talaga ang gusto mo hindi ba?" Sagot naman ni Mac.

"Oo nga anak, pumayag ka na para makita ko si Mac sa altar." Pamimilit pa ni Nanay Toots.

"Alam niyo hindi talaga ibibigay ni Ate ang matamis niyang oo, eh hindi naman nag-popropose si Kuya eh." Sabat naman ni Jacinth Jude.

"Ah basta, gusto ko magpakasal kayo ulit. Tapos ang aking apo na si CJ ang ring bearer ninyo" Natutuwang sabi ni Papa sabay gulo sa buhok ni CJ.

"Ano po ang-

"Papasukin niyo sabi ako!" Hindi na natuloy ni CJ ang sasabihin niya nang makarinig kami ng boses ng babae na nagsisigaw sa labas.

"Maam hindi po talaga kayo pwedeng pumasok" Sabi ng kasambahay namin.

Pero mapilit ang babae. Kilala ko siya, siya ang kasama ni Mac ng mahuli namin sila ni Raven. Naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko.

Nawala lang iyon ng hawakan ni Mac ang kamay ko.

"Anong kailangan mo Ms. Uy? Sinabihan ko na ang Papa mo na icancel ang kasal ninyo dahil may asawa na ang anak ko." Sabi ng Papa

"Umalis kana-

"Buntis ako" Parang bombang sumabog ang sinabi niya.

"A-ano?" nauutal kong sabi.

"Buntis ako at si Mac ang ama. Kaya kailangan niya akong panagutan." Nakataas pa ang kilay na sabi niya.

Bigla naman siyang hinila ni Mac papunta sa kung saan.

"Aakyat na po ako" Sabi ko at agad umalis bago pa tumulo ang luha sa mga mata ko.

Mac Romer's POV

"Anong sinasabi mo na nabuntis kita?" Galit na sabi ko kay Joy nang makarating kami sa swimming area ng bahay ko.

"Sabi ko naman sayo diba? Ikaw ang nakauna sa akin. Tapos dalawang beses pa natin ginawa kaya bakit magdududa ka pa na nabuntis mo ako?" Sagot naman niya.

"Maingat ako! Kaya imposibleng sa akin ang batang dinadala mo-

Bago ko pa natuloy ang sasabihin ko ay isang malakas na sampal ang binigay niya sa akin.

"How dare you accuse me! Pagkatapos mo akong gamitin! Oo, gumamit ka ng proteksyon sa unang beses na may nangyari sa atin pero paano sa pangalawa? Wala kang gamit non!" Galit na bwelta niya.

Sasagot pa sana ako pero pumagitna na sa amin si Jacinth Jude.

"Kuya, masama sa buntis ang ma stress. Kung sayo nga ang batang yan wala na tayong magagawa, sa ngayon kailangan natin kumalma." Sabi ni Jacinth.

"Kapag hindi mo kinilala ang anak ko magpapa press con ako at sasabihin sa lahat na ako ang kabit mo at may anak tayo!" Pagbabanta pa niya bago tuluyang umalis.

Napaupo naman ako sa kung saan pagkaalis ni Joy.

"Kuya, I think kailangan niyo mag-usap ni Ate Jocille." Para naman akong natauhan sa sinabi ni Jacinth.

Tama. Si Jocille.

Agad akong umakyat sa kwarto namin. Nakita ko siya na seryosong nakaupo sa kama at halatang malalim ang iniisip.

"Jocille, huwag kang mag-alala hindi ko pananagutan ang batang iyon, hindi ko naman mahal si Joy eh. Ikaw ang mahal ko. Sana mapatawad mo ako." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Ano ka ba! Ganyan ba ang tinuro sayo ng Papa mo? Ano bang ginawa niya noong nabuntis niya si Nanay Toots? Ang mga Nanay ng kapatid mo? Tinakbuhan ba niya ang responsibilidad niya? Di ba kinilala niya kayo? Binigay niya pangalan niya sa inyo? Di ba? Gusto mo bang lumaki ang bata na walang amang kahit sumuporta lang sana sa kanya ay hindi pa magawa? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ganon?" Sagot niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Napayuko ako ng makitang malungkot na naman siya. Naalala ko ang sinabi ni Raven- Sana siya nalang ang nandito. Kasi wala naman ata akong ibang ginawa kundi saktan lang ng paulit-ulit si Jocille dahil sa katarantaduhan ko.

"I'm sorry. Dati sinabi ko sa sarili ko na hindi ako tutulad sa Ama ko, na magiging tapat ako sa asawa ko at hindi ko siya bibigyan ng dahilan para iwan ako o kamuhian ako. But I ended up just like him, a jerk. I ended up, hurting the most loving wife that every husband's dream to have" Napapaluhang bulong ko sa kanya.

Hinawakan niya naman ang mukha ko saka ako dinampian ng halik sa labi.

"Hindi naman ako mawawala sayo kahit suportahan mo ang anak mo eh. Ang akin lang, magpakatatay ka. Gawin mo ang ginawa ng Papa sa inyo kasi yon ang tama. Hindi kasalanan ng bata na nabuo siya, kasi hindi niya naman inutos na gumawa kayo ng milagro diba?"

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Papanagutan ko ang bata. Magiging mabuti akong ama sa kanya, palalakihin ko siya na hindi siya kailanman magiging katulad ko." Sabi ko sa kanya.

Kinabukasan nga ay balik trabaho na ako. Maraming pending na trabaho sa iba't-ibang branches namin worldwide, at pirma ko nalang ang kulang magsisimula na ang mga projects.

"Ito na ba lahat?" Tanong ko kay Michael.

"Yes Sir-

"Mac. Diba sabi ko Mac nalang?"

"Yes Mac" Bawi naman niya.

"Simula ngayon, samahan mo si Joy sa bawat check-up niya sa hospital and make sure na walang press-

"Hindi mo na kailangan na gawin iyan Kuya." Napalingon naman ako sa nagsalita- Si Jacinth Jude.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Nilapag niya ang mga pictures sa lamesa ko.

"Yan ang totoong ama ng dinadala niya. Ramdam ko na may mali sa the way ng pagsasalita niya kagabi kaya sinundan ko siya. Doon ko sila nakita na nag-uusap. Gustong panagutan ng lalaki ang bata, pero ayaw ni Joy dahil ikaw ang gusto niyang maging ama ng dinadala niya. At narinig ko pa, walang nangyari talaga sa inyo ng araw na mahuli kayo ni Jocille. Sinadya lang niya na hubaran ka non kasi umaasa siya na sana mahuli kayo ni Jocille at nangyari nga. Kaya Kuya, wag ka ng mag-alala. Wala kang pananagutan sa kanya." Ngiting sabi pa ni Jacinth Jude.

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya.

"Salamat!" sigaw ko pa

"Wow! Lalanggamin naman ako sa sweetness niyong dalawa."

Agad naman akong bumitaw nang marealize ang ginawa ko.

"Hmm" Umubo pa ako.

"Ang galing mo talaga Jacinth!" Puri ni Michael sa kanya.

"Kung ihahalintulad ko siya sa kalaban ko sa poker, napaka rookie niya pa. Kaya madali ko siyang natalo sa larong sinimulan niya. Regalo ko nalang to sa wedding niyo ni Ate Jocille."

"Salamat Jacinth" Sabi ko sa kanya.

"Sige Kuya, aalis na ako. May laro pa ako mamaya." Paalam niya.

"Simula ngayon, manonood na ako ng mga laro mo pero sa susunod na kasi maghahanda pa ako sa kasal namin ni Jocille" Nakangiting sabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis ni Jacinth Jude.

Malaki ang pasasalamat ko sa ginawa niyang ito.

Pagkatapos nga ng trabaho ko ay nagpunta ako sa jewelry shop para bumili ng singsing. Ito na ang tamang oras para magpropose ako sa babaeng pinakamamahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com