Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30: Her dream proposal and wedding

Mac Romer's POV

Flashback

"Ano kaya pakiramdam kapag kinakasal?" Tanong sa akin ni Jocille habang pinanonood namin ang isang teleserye kung saan kinakasal na ang bidang babae.

"Siguro napakasaya sa pakiramdam lalo na kung mahal niyo talaga ang isa't-isa" Sagot ko naman.

"Saan mo ba gustong ikasal Mac?" Tanong niya pa

"Kung saan mo gusto" Ngiting sabi ko.

Namula naman siya.

"Pero seryoso, saan mo gustong ikasal?" Tanong ko.

"Siyempre sa simbahan, actually hindi naman mahalaga kung saan eh. Basta kasama ko yung lalaking mamahalin ako buong buhay ko. Hindi ko rin gusto ng grandeng kasal gusto ko simple lang." Ngiting sagot niya.

"Wow, napaka sentimental niyo talagang mga babae no?" Singit ni Michael.

Sinipa ko naman siya.

"Joke lang to naman galit agad"

"Ayaw mo ba ng napaka grande na kasal? Kasi iyon ang ibibigay kong kasal sayo." Ngiting banat ko pa.

"Naku Mac! Huwag ka ng mag-expect ng engrandeng kasal, eh marriage proposal nga ayaw niya na sobrang ganda. Akalain mo lahat ng babae gusto bonggang proposal yung tipong may pa banner ng "will you marry me?", may pa fireworks pero siya? Gusto niya habang natutulog siya magising siya sa favorite music niyang Can't help falling in love with you tapos paglingon niya sa pinanggalingan ng tugtog nandoon kana nakaluhod. Diba napaka boring?" Reklamo ni Joan.

"Ang sweet kaya ng ganon!" Sagot ni Jocille.

Napangiti lang ako habang pinanonood silang magbangayan dalawa.

End of flashback.

Jocille's POV

Insert music

Nagising ako sa magandang musika. Nakaidlip pala ako kaaantay kay Mac.

Pero teka? Saan galing ang music na iyon? Bumangon ako para lang magulat sa nakita ko sa kwarto ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sinundan ko kung saan papunta ang mga petals ng bulaklak.

Habang sinusundan ko, palakas ng palakas naman ang music.

Take my hand, take my whole life too.

Papunta sa isang bukas na kwarto- sa guest room namin.

For I can't help falling in love with you.
At nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang makita ko ang loob ng kwarto.

Habang nakaluhod si Mac hawak ang isang napakagandang singsing. Nawala naman ang musika saka siya nagsalita.

"Jocille, alam ko marami akong pagkukulang sayo. Ilang beses kitang nasaktan, napaiyak. Pero kahit napakatarantado ko, andyan ka pa rin. Minamahal mo pa rin ako, ako pa rin ang pinili mong makasama habang-buhay. Alam mo ba na hindi ako naniniwala na promises are meant to be broken? Kasi para sa akin, promises are meant to be fulfilled, kasi kapag hindi ito na fulfill hindi ito isang pangako. At nangangako ako sayo, simula sa araw nato. Mamahalin kita hanggang bukas, bakit? Kasi hindi naman nauubos ang bukas hindi ba? Gaya ng hindi rin naubos o mauubos ang pagmamahal ko sayo. Hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan kasi diba? Pain is part of loving, pero gagawin ko lahat para hindi mangyari yon kasi ayaw kong umabot sa point na buksan ni Raven lahat ng pintuan sa Universe para makabalik at kunin ka sa akin. Hindi pwede, kasi akin ka lang at sayo lang din ako kaya please marry me" Mahabang litanya niya.

Maluha-luha akong tumango at agad tumakbo papunta sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Papakasalan kita" Bulong ko sa kanya.

Gumanti rin siya ng yakap sa akin na mas mahigpit pa sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Jocille" Narinig ko pang bulong niya.

After 1 month

Pagkatapos nga ng isang buwan na paghahanda ay ikakasal na rin kami sa wakas. This time, totoong wedding na.

Ang saya-saya ko dahil sa sobrang dami na ng nangyari sa wakas sa simbahan rin ang tuloy namin.

Napili namin ang simbahan na isa sa mga pinapili rin niya sa akin dati.

Maid of honor ko pa rin si Joan at si Michael naman ang best man niya. Kung dati konti lang ang bisita, this time madami na kasi nakapunta na ang buong pamilya ni Mac. Kahit nga si Joy nasa kasal din namin.

Okay na kami, natanggap na niya ang pagkatalo niya lalo na ng pagtangkaan ng boyfriend niya na magpakamatay kung sa iba ipapanagot ang anak nila. Natauhan siya na mahal na pala niya ito.

"Wala talagang nangyari sa amin ni Mac nang araw na mahuli mo kami sa kwarto niya. Inakit ko siya, pero Jocille siya ng Jocille. Nawalan ako ng gana, sino ba naman ang gaganahan makipagtalik sa lalaking ibang babae ang tinatawag?" Naalala kong pag-amin niya sa akin ilang araw bago ang kasal.

Habang naglalakad ako sa altar at nag-aantay sa akin ang gwapo kong asawa.

Nagflashback sa akin lahat ng alaala namin. Mga trials na sumubok sa pagmamahalan namin.

Habang inaalala ko yon, hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Akala ko hindi na darating ang araw nato, ang araw na papakasalan ko ang lalaking tanging minahal ko buong buhay ko.

Siguro ito nga yon, kapag para talaga kayo sa isa't-isa- maghiwalay man kayo ng mahabang panahon, sa huli kayo at kayo pa rin ang magkakatuluyan.

"You may now kiss the bride"

Mac Romer's POV

Nandito na kami ni Jocille sa hotel, dito kami magpapalipas ng gabi bago tumungo sa London para mag honeymoon.

Nakita ko na nakahiga na siya sa kama pagkatapos kong magshower. Napagod ako sa reception.

Agad akong tumalon sa kama at pumaibabaw sa kanya.

"M-Mac ano ba" Nahihiyang sabi niya

"Bakit? Alam mo ba na noong unang kasal natin grabe ang pigil ko? Gustong gusto kita imake love non pero di ko magawa kasi wala pa namang tayo. Kaya wag mo akong pipigilan ngayon dahil ngayon natin gagawin si Mac Romer II" Pagkasabi ko non ay agad ko siyang hinalikan.

"Maccccc!" Sigaw niya habang nakikiliti sa ginagawa kong paghalik-halik sa leeg niya.

Alam ko na simula sa araw nato, at sa mga susunod pang araw magsisimula na ang bagong chapter ng buhay namin ni Jocille. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo ni Raven para maging masaya lang kaming dalawa. At sinisiguro ko na habang-buhay ko siyang pasasayahin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com