Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: The Contract

Mac Romer's POV

10 am na ng umaga ng makauwi kami sa Pilipinas. Agad akong nahiga sa kama ko pagdating namin sa pension house.

"Sir may importante po akong sasabihin sa inyo." Sabi ni Michael na sinundan pala ako sa loob.

"Kung appointments yan please pakicancel mo muna, may jetlag pa ako." Sagot ko sa kanya.

"Don't worry Sir cancelled na po lahat ng appointments ninyo ngayon, pero may problema tayo." Seryoso ang mukhang sabi niya.

"What is it this time?" Inaantok kong tanong sa kanya.

"Nabalitaan ko sa assistant ni Sir Jacinth Jude na naghahanap na nga ng mapapangasawa si Sir Jacinth bago rin matapos ang buwan nato-

"What?!" Agad akong napatayo sa sinabi ni Michael.

"Yes Sir, at ayon pa sa kanya may napupusuan na nga raw ang kapatid niyo. Kailangan niyo ng magmadali Sir dahil baka maunahan kayo."

"Shit! Walang hiya talaga ang bastardong yan! Si Cezar? May balita ka ba sa kanya? Baka inuungasan rin ako ng isang iyan." Tanong ko

"Wala Sir. Ganon pa rin ang daily routine ni Sir Don Cezar. Alam niyo naman yon walang pakialam." Sagot ni Michael.

"Kailangan na nating makahanap-

"Sir, hindi niyo ba talaga icoconsider si Jocille? I mean kilala na natin siya at siya lang ang matinong nakausap natin sa lahat Sir. Alam niya na rin ang rules at alam niya na maghihiwalay din kayo pagkatapos." Sabi ni Michael.

Hindi naman ako makasagot.

"Wala tayong ibang choice talaga ngayon Sir kundi siya lang. Kahit hiwalayan mo lang agad Sir kapag nasa iyo na ang posisyon." Dagdag pa ni Michael.

Nagdadalawang isip pa rin ako.

"Wala namang mawawala Sir kung susubok kayo eh, It's a win-win situation." Pamimilit pa niya.

"Sige."

"Talaga?!" Ngiting ngiti pa ang mokong.

"Oo. Naisip ko rin na ayaw ni Papa sa kanya kaya mas lalo siyang maiinis na bukod sa ako ang unang nakapag-asawa ay ang pinakasalan ko pa ang babaeng ayaw niya para sa akin." Ngiting sabi ko.

Ayaw talaga ni Papa kay Jocille kahit noon pa. Kaya sigurado ako na manggagalaiti siya sa galit kapag pinakasalan ko si Jocille. Wala naman siyang magagawa dahil ayon sa last will ni Mama basta't makasal ako, sa akin mapupunta ang lahat ng mana.

Kinabukasan nga ay pinatawag ulit ni Michael si Jocille.

"Sir, may problema na naman." Sabi ni Michael pagkapasok niya sa loob ng opisina ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Ayaw na ni Jocille." Sagot niya.

"What?!" Napatayo naman ako sa pagkakaupo.

"I mean, kung kayo raw po ang makikiusap sa kanya ay papayag daw po siya."

Binagsak ko naman ang dalawang kamay ko sa mesa.

"At sino siya sa akala niya para pakiusapan ko?!" Galit na tanong ko kay Michael.

"Siya po ang kailangan niyo ngayon." Sagot naman nito.

"Ahhh!" Sigaw ko.

Ano bang problema ng babaeng to.
"Hindi, hayaan mo siya maghaha-

"Sir! Kulang na tayo sa oras may dinadate na si Sir Jacinth."

Napahilamos naman ako.

"Sige, tara ihatid mo ako sa kanya." Gigil kong sabi.

Nagpunta na nga kami ni Michael sa bahay ni Jocille. Simple lang ang bahay niya.

Jocille's POV

Magtatanghalian na nang magising ako. 10pm to 2am kasi ang last duty ko kaya medyo late na ako nagigising.

"Oh anak, buti naman at nagising kana. Tara na at kakain na tayo." Bungad ni Tatay sa akin habang naghahanda sa kusina.

"Salamat Tay." Ngiting sabi ko.

Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang may nagdoorbell.

"Baka yung kasama ko sa pamamasada. Makikihiram siya ng gamit dahil nasira ang sasakyan niya, pagbuksan mo muna anak." Sabi ni Tatay.

Agad naman akong tumayo at nagpunta sa gate para lang magulat sa di inaasahang bisita - Si Mac kasama si Michael.

Naalala ko, tinawagan pala ako ni Michael kagabi para ialok ulit ang pekeng kasal pero tinanggihan ko na yon.

"Anong ginagawa niyo rito?" Malamig na tanong ko sa kanila.

"Ahh, may gustong sabihin si Sir Mac sayo."

"Bakit ako?" Gulat na bulong ni Mac sa kanya.

"Alangan naman ako? Sige na Sir." Pabulong na sagot din ni Michael.

"Naririnig ko kayo." Sabat ko sa kanila
Siniko naman ni Michael si Mac.

"Ano na? Bilisan niyo dahil kakain pa-

"Makikikain kami." Biglang sabi ni Michael at agad pumasok sa loob.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Mac sa kanya.

Mataman ko naman siyang tinitigan.

"Akala ko ba gusto mong mag-apply. Bakit umaatras kana ngayon?" Sabi niya na umiiwas ng tingin.

"Kasi akala ko yon ang gusto mo. Ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin." Sagot ko.

"Pumayag kana. Wala na rin naman akong ibang choice. Wag kang mag-alala babayaran kita." Sabi niya at akmang aalis na.

"Saan ka pupunta? Kumain kana muna." Pag-aya ko sa kanya.

"Busog ako. Pakisabi kay Michael mag-aantay ako sa sasakyan." Sagot niya.

"Kapag hindi ka kakain, hindi ako papayag-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla naman siyang pumasok sa loob. Napangiti naman ako.

Agad din akong sumunod sa kanya.
Nakita naman namin na nagkukwentuhan na sina Tatay at Michael.

"Magandang araw po." Bati ni Mac kay Tatay.

"Oh? Ikaw yung pasahero kong mayaman." Biglang sabi ni Tatay habang tinuturo si Mac.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Pasensya na po di ko na po kayo maalala." Sagot naman ni Mac

"Ako yung binigyan mo ng isang libo kahit 98.00 lang naman ang dapat mong bayaran."

"Naku Tatay Mario ganyan po talaga si Sir Mac. Galante po yan sa lahat ng taxi driver." Sabat naman ni Michael sa usapan.

"Kahit pa, alam mo ba malaking tulong yon sa akin dahil hindi ko na kinailangan mamasada kinabukasan hindi ako na sermonan ng anak ko." Ngiting sabi pa ni Tatay.

"Tatay talaga." Sabi ko naman.

Nakita ko na napangiti lang si Mac.

"Halika, halika. Maupo ka dito, alis ka dyan Michael." Sabi ni Tatay habang pinapatayo si Michael sa tabi niya.

Agad naman umupo si Mac.

"Grabe Tay, may favoritism na kayo?" Reklamo naman ni Michael.

"Hindi tayo pwede magtabi, dahil sasabog tayo. Mas maganda na tong gwapo ang katabi ko."

"Aray, aray. Ang sakit ng dibdib ko." Sabi ni Michael sabay hawak sa dibdib niya.

Nagtawanan naman kami.

Nakita ko naman na todo asikaso si Tatay kay Mac.

"Tay, ako na po. Kumain na po kayo." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa bowl na may lamang ulam.

"Ako na" Agaw ni Mac.

"Hayaan mo na si Jocille Sir, practice na rin iyan dahil magiging mag-asawa na kayo." Sabi ni Michael.

"Asawa? Anong mag-aasawa." Gulat na sabi ni Papa.

Sinipa ko naman si Michael.

Mac Romer's POV

Ang sarap talaga patayin ng gagong to. Hindi nag-iisip bago magsalita.

"A-ahh-

"Anong mag-aasawa Jocille?" Ulit ni Mang Mario.

"Ano kasi Tay-

"Pakakasalan ko po ang anak ninyo." Sabat ko sa kanila.

Napatingin naman si Mang Mario sa akin.

"Nang una ko po siyang makita na love at first sight po ako sa kanya. Kaya inaalok ko na po siya ng kasal agad." Dagdag ko.

"Alam mo ba kung ano ang kasal? Sagrado yan iho. Hindi yan parang kanin na kapag sinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo ng basta basta-

"Alam ko po. Alam ko na it requires not just love but also a commitment. Huwag po kayong mag-alala dahil seryoso po ako sa anak ninyo." Sagot ko sa kanya.

Tumingin naman si Mang Mario kay Jocille.

"Pumapayag po ako Tay." Sabi ni Jocille.

"Bweno mukhang napagdesisyunan niyo na ang lahat. Kailan naman? Sana after christmas na ha"

"Ahh, plano sana namin bago mag end ang month nato." Sagot ko.

"Ano?! Bakit kayo nagmamadali?" Gulat na tanong ni Tatay.

"Ah, Tatay Mario alam niyo kasi mahal na mahal nila ang each other and they want to be together alam niyo naman yan Mang Mario diba sabi niyo nga sa akin dati noong naramdaman niyong Mahal niyo na ang Nanay ni Jocille, pinakasalan niyo agad diba?" Sabat ni Michael.

Bumuntong hininga pa si Mang Mario.

"Iho, pwede bang bigyan mo muna ako ng kahit tatlong araw na magdesisyon?"

"Pero Tay-

"Okay lang Mang Mario."

Pagkatapos nga namin mananghalian ay nagpaalam na kami.

Sinama na namin si Jocille para pag-usapan ang kontrata at para makapirma na rin siya.

"Basahin mo nalang ang mga rules ni Sir Mac ha? Kung may gusto kang idagdag sabihan mo lang ako. Huwag kayong mag-alala no physical touch for the both of you unless ginusto niyo." Ngiting sabi ni Michael.

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Sorry Sir." Yumuko-yuko pa siya.

"Saan kami titira?" Tanong ni Jocille.

"Ahh, nakahanda na rin ang bahay na titirhan ninyo." Sagot ni Michael.

"Pwede bang sa bahay nalang kami? I mean may isang kwarto naman don na pwede niyang tulugan. Hindi ko kasi pwedeng iwanan mag-isa ang Tatay ko dahil baka mag collapse na naman siya at wala ako."

"Mas lalong hindi pwede dahil mahihirapan kayong magpanggap. At hindi kayo makakatulog ng magkahiwalay ang kwarto." Sagot ni Michael.

"Pero-

"Michael mag hire ka ng caregiver para kay Mang Mario." Sabat ko sa kanilang dalawa.

"Huwag. Ayaw na ayaw ni Tatay ng ganyan."

"Ganito nalang, palipatin natin si Mang Mario sa mansyon na titirhan ninyo. Yung isang kwarto kasi doon may connecting room pero sa labas hindi malalaman na dalawang kwarto pala yon." Suggestion pa ni Michael.

"Payag ako sa ganon." Pagsang-ayon ni Jocille.

"Okay, so let's do that. Michael ibalita mo kay Nanay Toots ang pagpunta natin sa bahay bukas. Huwag mong iimbitahin ang mga bastardo ni Papa then announce my engagement to the public." Sabi ko kay Michael.

Kinagabihan nga ay naging usap-usapan ang engagement ko sa isang unknown na babae.

Sunod-sunod ang tawag na natatanggap ng staff ko galing sa mga investors at clients na gustong batiin ako.

"Sir, mukhang gumana ang plano natin."

"Sabihan mo si Atty. Sayson na magpunta rin sa bahay bukas."

"Bakit po?" Takang tanong ni Michael.
"Sigurado ako na magiging mainit si Papa. Sisiguraduhin ko lang na wala na siyang lusot ngayon." Dagdag ko pa.

Kinabukasan nga ay sinundo namin si Jocille sa kanila.

Sa back seat na kami umupo dahil si Michael ang nagmamaneho ng sasakyan.

Pagdating namin sa bahay ay kita agad sa mukha ni Papa ang pagkadisgusto sa dala kong bisita.

"Good morning Papa-

"Wala kana ba talagang magandang gagawin?!" Sigaw niya sa akin.

"Oh? Akala ko pa naman matutuwa kayo? Diba ito ang gusto niyo? Magpakasal ang unico iho niyo?" Sagot ko sa kanya.

"Ang gusto ko magpakasal ka sa maayos at mayaman na babae hindi sa isang hampas-lupang kagaya niya!" Sigaw pa ni Papa

"Huwag na huwag mong huhusgahan sa harapan ko ang magiging asawa ko." Ganting sagot ko

Tumawa naman siya

"Pinagtatanggol mo yan? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng babaeng yan? Iniwan ka niya ng dahil lang sa limang milyon! Tapos pakakasalan mo ang babaeng ganyan ka liit na halaga lang ang tingin sayo?" Sabi pa ni Papa.

Natahimik naman ako.

"Oh ano? Natauhan ka sa sinabi ko? Hindi ka ba nag-iisip? Nagpauto ka na naman sa kanya! Pera lang ang habol ng babaeng yan!"

"Mawalang galang na po, pero alam po natin pareho na wala akong tinanggap ni piso sa inyo." Sabat ni Jocille sa usapan namin.

Napalingon naman ako sa kanya. Totoo ba ang sinasabi niya?

"Oo, inalok niyo po ako pero hindi ko po yon tinanggap. Iba ang rason ng paglayo ko sa anak ninyo at hindi po dahil sa pera yon." Dagdag pa ni Jocille.

"Hahahaha Bakit sinabi ko ba na ikaw ang tumanggap? Bakit hindi mo itanong sa magaling mong Ama?" Halata ang gulat sa mukha ni Jocille.

"H-hindi magagawa ni Tatay yan." Nauutal na sagot ni Jocille.

"Anong hindi? Eh nagawa na nga niya eh."

"Tama na!" Sigaw ko kay Papa.

"Kahit ano pa ang sabihin ninyo, papakasalan ko pa rin si Jocille. Atty. Sayson ilipat mo na ang lahat sa pangalan ko ayon sa last will ni Mama. At siguraduhin mo na iaanounce mo na ang Chairman position sa araw ng kasal ko." Pagkasabi ko non ay umalis ka kami ni Jocille.

Agad kaming umalis sa bahay na yon.

"Ihatid niyo ako sa bahay." Malamig na sabi niya.

"Ha? Bakit-

"Sige na Michael" Sabi ko kay Michael.

Nang tumingin si Michael sa akin ay sumenyas na ako na huwag kausapin si Jocille. Mukhang naintindihan naman niya at minaneho nalang ang sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com