The consequences
"Hoy Loveliza, ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipagkita sa Fernan na iyan ha!" Bulyaw na naman sa akin ni mama pagkababa ko ng hagdan galing sa kwarto ko ni hindi pa nga ako nakapaghilamos eh sinabunan na ako ni mama na walang banlaw- banlaw tsk
"Ma, alam nyo na po isasagot ko dyan. MAHAL ko si Fernan, mahal namin ang isa't isa." Sagot ko, hindi naman sa wala na akong respeto kay mama pero sa araw-araw ng buhay ko simula ng maging kami ni Fernan ay lagi na lang nya ako sinisita.
Kaya paulit-ulit ko na din sinasabi kay mama ang mga katagang iyon. Para ngang nakasanayan na namin ang ganong senaryo tuwing umaga. Dumiretso ako sa kusina para mag almusal at syempre nakasunod sa akin si mama.
"MAHAL? alam mo bang iyang mahal na sinasabi mo ang syang ikapapahamak mo kapag hindi ka lumayo sa lalaking iyan. Mag isip-isip ka nga Loveliza. Hindi kita pinagtapos ng kolehiyo para lang makapangasawa ng isang tambay at basagulero!"
"Ma! Hindi po tambay si Fernan, naghahanap siya ng trabaho. Mahirap lang talagang maghanap ng mapapasukan sa panahong ito." pagkakuha ko ng energen sa may cabinet ay nagtungo na ako sa lamesa para magtimpla, may pandesal na din doon at palaman.
"Pinagloloko mo ba ako? Aba ilang buwan na bang naghahanap ng trabaho ang lalaking iyan? Eh halos di ko na nga mabilang sa mga daliri ko eh! Anak naman! Matalino ka naman eh bakit di mo gamitin iyang utak mo huh, sayang na sayang iyang pinag aralan mo"
Sa mga sinabi niyang iyon, di ko maiwasang makaramdam ng sakit para kasing niyurakan na din ni mama pagkatao ko. Mahal na mahal namin ni Fernan ang isa't isa at kapag nilalait siya ni Mama labis talaga akong nasasaktan. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Ma, huwag kayong mag-alala nagkausap kami kagabi ni Fernan at may nahanap na siyang trabaho, kaya bukas na bukas din ihaharap ko siya sa inyo para patunayan yun. Kaya Ma please lang po, pabayaan niyo na ho kami ni Fernan. Malaki na ho kami" pagkasabi nun ay nagpalaman ulit ako ng pandesal. Napahawak naman si Mama sa kaniyang noo ibig sabihin tapos na ang pag uusap namin, laging ganun ang ending ng conversation namin tas mag w-walk out yan at iiwan ako.
____________________________________
Although matagal na kaming magkarelasyon ni Fernan halos dalawang taon na din ay tutol na tutol pa din sina mama sa kaniya. Wala naman akong magawa dahil wala pa nga naman maipagmamalaki si Fernan sa kanila. Idagdag pa na may panget itong imahe dahil sa palagi siyang napapasama sa mga rambulan sa kalsada.
Miyembro din kasi siya ng isang gang sa lugar namin na kinaiinisan ng lahat. HIndi rin natapos ni Fernan ang kolehiyo kasi nagloko siya kaya medyo nahirapan talaga siyang maghanap ng trabaho di katulad ko na nakatapos ng BS Accountancy kaya may work ako ngayon.
4th year colleges na kami ng makilala namin ang isa't isa dahil sa isang kong kabarkada na kabarkada nya din pala. HIndi pa nga maganda ang unang tagpo namin nun eh.
///Flash Back///
"Humanda kayo, sugod!" sigaw mula sa kung saan, nagulat naman kami ni Aldrich; ang bakla kong kaibigan ng may nagsulputan bigla na mga kalalakihan mula doon sa eskinita malapit sa dinaanan namin.
Nakakatakot kasi may mga hawak silang mga dospordos, bote, bato, patalim at kung anu-ano pang pandepensa sa sarili. Napabalik kami sa dinaanan namin kaya lang may mga grupo din pala ng kalalakihan ang palapit na din sa amin. Kaya mangiyak-ngiyak ako kasi pakiramdam ko mamamatay na ako ng mga oras na iyon.
"Lord ayaw ko pa hong mamatay may mga plano pa ako sa buhay" bulong ko, wala kaming nagawa ni Aldrich kundi ang umupo at takpan na lang ang aming ulo. Dahil mas gumulo ang sitwasyon ng magkalapit na ang dalawang grupo. Nasa gitna kami ng kaguluhan na iyon. Napapikit ako at halos tawagin ko na si Mama dahil sa takot ko.
Mas kinabahan ako ng may humawak sa braso ko at pilit akong pinatayo.
"Huwag parang awa niyo na po, napadaan lang po kami dito. Wala po kaming alam sa mga nangyayare, please maawa na po kayo" pag mamaktol ko, nakapikit pa din ako kaya di ko kilala kung sinuman ang nakahawak sa braso ko.
Nagulat ako ng hatakin ako nito at tumakbo kami palayo sa mga nagkakarambulan, nakasunod na din sa akin si Aldrich ng silipin ko. Sunod ko namang tinignan kung sino ang humahatak sa akin.
Doon ko nakilala si Fernan, inilayo niya kami ni Aldrich mula dun sa mga kasamahan niya na nagkakagulo. Nakilala daw niya si Aldrich kaya napansin niya agad kami at naawa daw siya sa akin ng makita niya akong halos nanginginig sa takot.
Naipaliwanag niya sa amin na miyembro nga siya ng gang sa lugar na iyon at mortal na kaaway nila yung grupo na nasa likuran namin noon estudyante pa siya ng mga panahon na iyon.
Sa tulong na din ni Aldrich ay mas nakilala at napalapit kami sa isa't isa. Lagi nya kami hinihintay matapos ang klase at sumasabay siya sa amin ni Aldrich pauwe. Hanggang sa hayun nga nagkapalagayan kami ng loob, nanligaw siya sa akin at pinayagan ko siya. Then habang lumilipas ang panahon natutunan ko siyang mahalin, naging kami. Akala ko magbabagong buhay na siya kasi nga hayun yung hiniling ko sa kaniya bago ko siya sagutin.
Kaya lang nagulat na lamang ako ng malamang hindi siya makakapag-aral sa next sem. Na kick-out siya sa school dahil lagi siyang napapasabak sa gulo sa labas ng eskwelahan. Ilang beses ko na siyang sinabihan na iwasan na niya ang grupong iyon para hindi na siya mapasama sa gulo. Pero sa di ko malamang dahilan, di raw niya pwedeng gawin iyon.
Ito nga ang madalas naming pag awayan ang grupo kinasasadlakan niya, eto lang naman kasi talaga ang nagpapagulo sa buhay niya. Ito din ang dahilan kaya madalas kaming mag cool-off pero sa bandang huli nagkakabalikan pa din kami, siguro nga mahal ko na siya ng sobra at di ko na kaya pa ang malayo sa kaniya. Kaya kahit tila kalaban namin ang lahat ay ipinagpatuloy namin ang aming relasyon. Hindi siya napasama sa mga graduating student kaya malungkot talaga ako nun. Kaya hindi ko siya kasabay na grumadweyt ng kolehiyo.
Hanggang sa isang gabi, nagpunta si Fernan sa bahay. Mabuti na lang at wala sina mama at kuya nasa hospital ang mga ito at binabantayan si lola. Pawis na pawis siya at kitang-kita ko sa mga mata niya na may kinakatakutan siya.
"Fernan anong nangyare?" tanong ko, niyakap niya muna ako ng mahigpit bago niya ako sinagot.
"Malaki ang kasalanan ko kay Brando, Hindi ko naman yun ginusto eh. Kailangan ko lang talaga!" paliwanag niya pero wala naman akong nauunawaan. Ang tinutukoy niyang Brando ay ang boss ng grupo nila.
"Fernan hindi kita maunawaan, halika nga pumasok ka muna dito" pinaupo ko siya sa sala namin at pilit na inunawa ang nais niyang sabihin. Napag alaman ko na kinuha niya ang halagang Kinse mil na kinita ng grupo nila mula sa masamang pamamaraan at ginamit niya ang pera sa hospital bill ng kapatid niya. Inamin niya din sa akin na may iligal nga silang ginagawa at iyon ay ang pag deliver ng mga marijuana sa mga buyer.
Nung malaman ko yun nagalit ako sa kaniya, pero mas pinairal ko pa din ang pagmamahal ko sa kaniya sa ngayon mas kailangan niya ng uunawa sa kaniya at ako lang ang makakagawa niyon.
"Huwag kang mag-alala, babayaran natin iyon." pangako ko sa kaniya. Para sa isang katulad ko na kasisimula pa lang sa trabaho ay hindi madaling gawin iyon. Napakalaking halaga nun para sa akin lalo na kay Fernan na wala pa namang trabaho.
Nang gabi din iyon nagpunta sa bahay si Brando kasama ang ilang miyembro ng gang nila pero pinangakuan ko din sila na babayaran din namin ang perang kinuha ni Fernan sa kanila. Pumayag din naman sila siguro dahil nandoon ako. Pinagbigyan muna nila si Fernan ng ilang araw para mabayaran iyon.
Lumipas ang mga linggo, ako na nga halos ang humaharap kina brandon para lang makiusap na pag bigyan pa niya kami ng ilang araw. Dahil sa totoo lang nahihirapan si Fernan mag hanap ng trabaho dahil may record na siya sa police. Ako naman palihim akong nagtatabi ng para sa kinse mil na iyon at di ko iyon sinasabi kay Fernan, medyo mataas din kasi ang pride niya. Hinahati ko ang sweldo ko sa dalawa, kalahati sa pamilya ko at kalahati dun sa utang niya. Hindi na nga ako nakakabili ng mga sarili kong gamit katulad ng mga damit, accesories at kung anu-ano pa para lang mabayaran agad namin yung utang na iyon.
Kaya nang malaman kong magkaka-trabaho na si Fernan, tuwang-tuwa ako kasi konti na lang ang idadagdag niya dun sa naipon kong P15,800 sariling ipon ko iyon. Kailangan ko pa itong dagdagan dahil sa tubong hinihiling ni Brandon na limang libo kaya sumatotal kailangan namin ng bente mil. Nagtataka nga si Fernan kung bakit hindi na siya kinukulit ng grupo ni Brando kasi hindi niya alam nagmamakaawa ako sa mga ito para lang tigilan na siya. Pinapangakuan ko sila na malapit na namin silang mabayaran kasi nag iipon na nga ako para doon.
Mas natuwa ako ng makita ko kay Fernan na unti-unti na siyang nagbabago, Oo nagsisimula na siyang mag bagong buhay dahil isa iyon sa hiniling ko sa kaniya. Iniwasan na din niya ang grupo ni Brandon at pilit pinapabuti ang lahat. Kaya naman mas ginanahan ako na maibigay na sa lalong madaling panahon ang bente mil kay Brando para makapag simula na kami ng isang bagong buhay.
///End of flash back///
________________________________________
Hindi pa man nakukuha ni Fernan ang unang sahod niya ay napunan ko na ang kulang ng naipon ko kaya naman ang saya-saya ko, hawak ko na sa kamay ko ang bente mil. Ito ang magiging sorpresa ko sa kaniya, bale ang sahod niya ang magiging simula ng unang pag iipon namin para naman sa future naming dalawa.
Excited akong nakipag kita kay Brandon dala ang isang sobre kung saan nakalagay ang bente mil. Hindi ko na ipinaalam kay Fernan na makikipagkita ako kay Brandon.
6pm, agad akong dumiretso sa hideout nila, hindi na ako bago sa lugar dahil dun talaga kami naguusap sa tuwing nagmamaka awa ako sa kanila para pagbigyan pa din nila kami ng ilang araw na palugit. Kilala na din ako doon kasi nga girlfriend ako ng isa nilang ka miyembro at yun nga ay si Fernan.
"Brandon, hawak ko na ang pera. Mababayaran ka na namin, heto oh. Salamat ang bait-bait mo kasi pinagbibigyan mo kami" halos walang paglagyan ang tuwa ko kasi sa wakas palalayain at pababayaan na nila si Fernan. Parte iyon ng hiningi ko sa kanilang pabor na kapag naibigay ko na ang pera kasama ang tubo ay hahayaan na nila kami ni Fernan, titiwalag na sa kanila si Fernan at mawawalan na ng kaugnayan sa kanila,
Nasilayan ko ang mga ngiti sa labi ni Brandon pagkakita niya sa sobreng hawak ko.
___________________________________________________________________
Kinaumagahan....
*Tok! Tok! Tok!*
Nagaalmusal na si Fernan at naghahanda na sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Tinignan niya muna ang wall clock.
"6 am pa lang ah teka sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaagap?" usap niya sa sarili, tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Nang buksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang isang magandang nilalang, si Loveliza.
"Hi! Bhabe! Good morning" masayang bati nito sa kaniya.
"Naku Bhabe, naunahan mo ako balak ko sana na dumaan na muna sa inyo bago ako pumasok sa trabaho. Halika tuloy ka, sabayan mo akong mag almusal" hinawakan niya ang kamay ni Loveliza, hinatak palapit sa lamesa at pinaupo.
"Ay ganun ba hehe, na miss mo ako no?" malambing nitong tanong
"Syempre naman bhabe, Oh heto" inabot niya ang pandesal na pinalamanan niya ng deri cream.
"Sya nga pala!' nagkasabay pa silang dalawa kaya kapwa natawa sila.
"Sige bhabe ikaw na ang mauna" -Fernan
"Hindi Bhabe ikaw na, ano ba yun?" nakangiti ito na ubod ng kay tamis.
"Okay may good news ako sayo, tinaasan ni Boss yung posisyon ko. Kaya bodegero na ako ngayon ako na yung nag ch-check ng mga materials at equipment na gagamitin sa construction site, meaning tataas ang sasahudin ko at mapapabilis ang pag iipon ko. Di ba ang galing" dahil sa tuwa niya ay niyakap niya si Loveliza at pinisil ang ilong nito, madalas niya iyong gawin sa dalaga.
"Yehey ang galing talaga ni Bhabe, kaya mahal na mahal kita eh" masayang bulalas ni Loveliza
"Oh ikaw bhabe ano ba yung sasabihin mo?"
"Ha ah eh, bhabe may dalawa akong sasabihin sa iyo, isang bad news at isang good news. Ikaw bhabe anong gusto mong unahin ko?"
"Hmmmn yung good news na lang" ngumiti muna si Loveliza bago nagsalita
"Bhabe hindi mo na po-problemahin yung utang mo kay Brandon, bayad ka na. Nabayaran ko na siya ng bente mil!" napahinto naman si Fernan sa ginagawa ng marinig iyon, hindi niya alam kung natutuwa ba siya, nagtataka basta halo-halo at saka ang daming tanong katulad ng saan nanggaling yung perang ipinambayad.
"Teka Bhabe seryoso?" napatayo siya sa harapan ni Loveliza
"Oo bhabe nag ipon talaga ako para mabayaran iyon at ngayon pababayaan ka na nila. Tuluyan ka na nilang pakakawalan sa grupo, malaya ka na Fernan. Magiging maayos na ang buhay mo. Wala na ding manggugulo at maghahatak sayo pababa!" Masayang paliwanag ni Loveliza kaya naman sa labis na tuwa ni Fernan ay bunuhat niya ito at nagpa ikut-ikot sila. Kitang-kita sa dalawa na labis ang nadarama nilang kasiyahan dahil ngayon kapwa nabunutan sila ng tinik sa lalamunan. Magkakaroon na sila ng masayang kinabukasan, makakapagplano na sila ng mas maganda para sa future nilang dalawa.
"Ikaw bhabe di mo sinabi sa akin na nag iipon ka pala huh, ang daya mo dapat sinabi mo sa akin kasi nag iipon na din ako para dun. Ang daya-daya mo talaga Bhabe, pero don't worry yung perang naitabi ko dyan ay para na lang sa pamilyang bubuuin natin okay?" sambit niya pagkatapos nilang magpaikut-ikot pero tinanguhan lang siya ni Loveliza at ginantihan ng ngiti.
"Teka Bhabe, di ba may isa ka pang sasabihin. Teka tungkol naman saan iyon?"
"Alam mo naman Bhabe, na mahal kita di ba?"
"Oo kaya nga gagawin ko na ang lahat para sayo, ang dami na ng naisakripisyo mo para sa akin kaya ngayon ako naman ang gagawa ng lahat para mapasaya pa kita. Teka ano bang yung bad newsna tinutukoy mo?"
Hindi pa man nakakasagot si Loveliza ay may kumatok ulit sa pintuan.
"Teka lang Bhabe titigan ko lang kung sino iyon, hintayin mo ako dito"
"Okay, I love you Bhabe!"
"I love You more Bhabe!"
At tinungo na ni Fernan ang pinto at binuksan, bumungad sa kaniya ang kuya ni Loveliza. Galit na galit ito at walang anu-ano'y bigla siyang sinuntok kaya napabagsak siya sa samento at pumutok ang labi niya.
"Walang hiya ka, hayop ka!" sigaw nito habang dinuduro-duro siya nito.
"Teka Tol, anong problema?" habang nakahawak ang kamay niya sa nasuntok niyang pisngi.
"Walang hiya ka! Binalaan ka na namin noon na lumayo ka na sa kapatid ko!"
"Teka lang wala akong naiintindihan tol?"
"Kapal ng mukha mo, wala kang kwenta! Dahil sayo ang kapatid ko PATAY NA SIYA! Wala na siya, pinatay siya. Hayop ka, tumayo ka dyan!" hinablot ng kuya ni Loveliza ang damit ni Fernan at pilit itinatayo pero tila nawala ito sa sarili dahil hindi ito kumikilos.
Walang nagawa si Fernan kundi tignan ang kinaroroonan Loveliza kung saan niya ito iniwan kanina. Pero wala na ang dalaga doon, Hindi maipaliwanag ni Fernan ang mga naganap kanina. Kausap pa niya kanina si Loveliza doon tapos ngayon sinasabi ng kuya niya na patay na ang girlfriend, malaking kalokohan!
Patuloy siyang pinagsusuntok ng kuya ni Loveliza at halos maging manhid na ang buo niyang mukha at maligo na siya sa sariling dugo. Inawat naman sila ng mga nagdatingang mga baranggay tanod at ilang pulis.
Tuliro, nakatulala, di makapaniwala at higit sa lahat napaluha na lang si Fernan. Wala pa din siyang nauunawaan sa mga nangyayare.
"Ano ba Loveliza? Anong nangyare sayo? Nananaginip lang ba ako? Ito ba ang tinutukoy mong bad news? Hindi Loveliza please gisingin mo ako, isang bangungot lang ito. Please kahit isa sa inyo ginsingin niyo ako" mga tanong na nagpapaikot sa isipan ni Fernan at tuluyan na ngang bumagsak ng walang tigil ang mga luha niya.
_______________________________________________________
///Flash Back///
"Brandon, hawak ko na ang pera. Mababayaran ka na namin, heto oh. Salamat ang bait-bait mo kasi pinagbibigyan mo kami" masayang sambit ni Loveliza at kitang-kita sa mga mata ng dalaga ang isang panibagong pag-asa.
"Natutuwa ako at talagang gagawin mo ang lahat para sa hayop na lalaking iyon!" biglang napalitan ang ngiti sa mga labi ng dalaga, nilapitan naman siya ni Brandon.
"B-brandon, heto na yung pera kumpleto iyan kasama na yung tubo na hiniling mo." pilit niyang inaabot ang sobre sa lalaki. Pero sa halip na abutin ay umikot ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang buhok at tila inaamoy pa. Kaya nakaramdam ng pagkailang si Loveliza, di naman kasi ganun makipag usap si Brandon sa kaniya noon.
"Teka ano nga ba ang pinakain sayo ng Fernan na iyan at para bang gagawin mo ang lahat para sa kaniya? Kagaya ngayon mag-isa ka lang nagpunta dito at ginawa mo iyon para lang sa lalaking walang kwenta. Isang pulpol, walang silbi at isang salot sa mamamayan katulad namin."
"B-brandon kunin mo na itong pera para maka alis na ako. Di ba iyan lang naman ang gusto mo sa amin. Kaya kunin mo na para makaalis na din ako, pabayaan mo na kami, lalo na si Fernan gusto na niyang mag bagong buhay at hindi mangyayare yun kapag nasa poder mo siya. Kaya please pabayaan mo na kami, heto kunin mo na ang gusto mo" pilit niya pa din iniaabot ang pera kay brandon.
"Hindi ko na kailangan niyan!" hinampas ni Brandon ang kamay ni Loveliza dahilan para bumagsak ang sobre pati ang perang nasa loob nito. Bahadya naman nasaktan si Loveliza sa ginawa sa kaniya kaya namula ang kamay niya.
"Aray! B-brandon natatakot na ako sayo, nasayo na ang pera ano pa ba ang gusto mo?
"Gusto ko? Ano nga ba ang gusto ko? Napag isip-isip ko lang naman bakit ko pa ba hahabulin ang kakarimpot na pera na iyan kung pwede naman matikman ang isang tulad mo!" pagkasabi nun ay kinabig niya palapit sa kaniya si Loveliza
"Hayop ka bitawan mo ako Brandon! Please! Bitawan mo ako" subalit sa halip pakinggan siya ay ipinukol sa kaniya ang mga halik na pagnanasa. Walang nagawa si Loveliza dahil masyadong malakas si Brandon lalo na at lalaki ito. Dahil sa pagpupumilit niyang makatakas ay nawalan sila ng balanse at bumagsak sa lupa.
Humihingi siya ng tulong pero ni isa walang nakaririnig dahil pinaalis na pala ni Brandon ang mga tauhan niya mula ng pumasok si Loveliza sa lugar na iyon.
Ipinagpilitan ni Brandon ang sarili niya sa nakahigang si Loveliza na walang magawa kundi ang mag iiyak at humagulgol ndahil sa nararanasan niya. Ang sakit, hirap ang paglapastangan at ang pagsasamantala sa kahinaan niya at sa pagkababae niya.
Nagawa pa niyang sipain si Brando kaya napaigtad ito mula sa kaniya at nang gagapang na siya palayo ay agad nahatak ni Brandon ang paa niya at muling ipinatong ang sarili sa dalaga.
"Huwag please Brandon! Maawa ka!"
Tuluyan na ngang nandilim ang paningin ni Brandon dahil na rin sa droga na katatapos niya lang gamitin. Sa ngayon ang gusto niyang manyare ay alisan ng malay si Loveliza para magawa ang plano kaya di niya namalayan na ang nadampot niya pala ay may kalakihang bato at inihampas niya ito sa ulo ni Loveliza dahilan para pumutok ang noo ng dalaga at na puruhan ito.
Huli na ng malinawan si Brandon sa mga ginawa niya dahil halos umagos na ang dugo sa lupa na kinahihigaan ni Loveliza. Agad niyang ihinagis sa malayo ang batong hawak niya at umalis sa pagkakadagan kay Loveliza.
Kahit hirap ay nagawa pang magsalita ni Loveliza.
"Fer...nan..."
Tuluyan na ngang dumilim ang paningin ni Loveliza at sa huling pagkakataon ay tumulo ang kaniyang mga luha. Tuluyan na syang mawawala sa mga mahal niya sa buhay pati na sa taong kaya niyang gawin ang lahat maging maayos lang ang pamumuhay nito; walang iba kunid ang pinakamamahal niyang si Fernan.
///End of Flash Back///
___________________________________
Lumipas ang isang linggo, hindi nakayanan ni Brandon ang kaniyang konsensiya at agad na sumuko sa pulis. Habang ang pamilya ni Loveliza ay tuluyan ng kinasuklaman si Fernan, ang dahilan ng lahat kung bakit nawala sa kanila si Loveliza.
At si Fernan naman ay halos di matanggap ang nangyare sa taong mahal niya, hindi niya kayang patawarin ang sarili dahil bali-baliktarin man ang mundo siya ang puno't dulo ng lahat. Umaga-gabi ay nandoon lang siya sa puntod ni Loveliza dahil hindi siya pinadalaw ng pamilya nito nung nakaburol pa ito at kahit sa paghahatid sa huling hantungan ay hindi din siya inimbitahan.
"Loveliza..... patawarin mo ako... Mahal na mahal kita.... Patawad mahal ko."
Nakalupagi ito sa damuhan kung saan nakalibing si Loveliza hawak-hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang isang Alkansya na may 12 inches ang laki at halos mapuno na ito ng barya.
Ito sana ang ipagmamalaki niya kay Loveliza na pinaghirapan niyang ipunin noon pa mang hindi pa siya nagsisimulang magtrabaho. Inipon niya ito para ipambayad sa utang niya kay Brandon pero wala na huli na ang lahat.
Oo nabayaran nga ang pagkakautang niya subalit kapalit naman nito ang pagkawala ng taong mahal niya. Wala nasa buhay niya ang dahilan kung bakit siyang nabago, nangarap na magkaroon ng mapayapang buhay at simple. Bumuo ng isang masayang pamilya SANA kasama ang taong pinaka mamahal niya. Pero ang lahat ng ito ay mananatiling pangarap na lang at ang nakaraan ay nakakatakot na bangungot para sa kaniya.
... Wakas ...
______________________________________________________
Pagmamay ari ni Yhinyhin
The Wattpad Queen of Tragedy :D
Fernan and Loveliza Love story...
_________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com