Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

PROLOGUE

"HELLO?" tanong ko sa kabilang linya, may pagkabahala at pag-asa sa boses.

Narinig ko ang mga ingay sa paligid, saka nagsalita ang tumawag sa numero ko.

"You are hired, Gio." anang boses, baritono at may awtoridad. "Pwede ka na mag-impake ng gamit mo. Take note that you can only go home once every two months."

Nanuyo ang lalamunan ko. Sabik sa natanggap na balita, at kabado sa magiging takbo ng buhay ko sa papasukan kong trabaho.

Ngumiti ako, batid na hindi iyon makikita ng kabila ngunit ginawa ko pa rin. "Sige po. Paki-send nalang po sa akin ang address. Pupunta po ako dyan bukas na bukas din!"

Narinig ko ang paghagikgik ng kabilang linya. Sunod kong narinig ang impit na ungol nito, mahina ngunit abot ng tenga ko.

May sakit ba siya?

"Good. See you soon." ibinaba niya ang linya. Ilang sandali lang nang matanggap ko ang address sa teleponong hawak.

Humigop ako nang malalim na hininga.

Bumaling ako kay mama na nagwawalis sa labas ng bahay. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin.

"Anak, ano ba yan?" tanong niya, may pagkabahala sa mukha niya.

"Nakuha ko na po ang trabaho, Ma," sabi ko, ngumiti ako ng mahinhin. "Pupunta na po ako bukas sa bagong trabaho ko."

Nagulat si Mama, ngunit nakita ko ang pagkabahala at kasiyahan sa kanyang mga mata. "Masaya ako para sa 'yo! Huwag mo kaming intindihin dito sa bahay, basta mag-iingat ka lang doon."

Tumango ako saka ngumiti.

Sunod kong tinignan ang dalawang kapatid ko na nakikipag-tawanan kay Tito Rosen. Mukhang kaya rin nila nang wala ako rito palagi sa bahay. Hindi ako masyadong mamromroblema kahit hindi ako madalas na makauwi.

Kailangan ko 'tong gawin. Kailangan kong malaman kung iyong may ari nga ba talaga ng mansyon na papasukan ko ay ang totoo kong ama.

Pumasok na ako sa kwarto ko saka hinalungkat ang lumang aparador na malapit nang masira, saka hinila mula sa loob noon ang punit-punit at masyadong yukot at lumang litrato ni mama yakap ang lalaking hindi makita ang itsura dahil punit na ang parte niyon.

Tinignan kong muli ang likuran nito at binasa ang nakasulat roon.

Annalise and Greyson Demaury.

'Cheers to the love that we can't have. Because you love someone else.'

Parang may sabik at lungkot ang mga letrang iyon para sa akin. Matagal ko nang gustong gusto na malaman kung sino nga ba ang gumawa sa akin. Matagal ko nang gustong makilala ang taong minahal ni mama ngunit hinding hindi mapapasakanya.

Alam kong ang ama ko ang nasa litrato, dahil palagi ko nakikita noon si mama na yakap-yakap ito habang humahagulgol noong maliit pa ako.

Ilang beses niyang ikinikwento sa akin ang ama ko. Hindi man niya sabihin ang pangalan nito at ang buong pagkatao, batid kong mahal na mahal niya pa rin ito hanggang ngayon.

Alam kong mahal niya si Tito Rosen dahil dalawa na ang anak nila. Ngunit batid ko ring mahal niya pa rin ang kanyang first love.

Ang ama kong hindi ko nakilala at nasilayan mula noon pa man.

Ngunit ngayon, may pag-asa na anong makilala siya. Makilala si Greyson Demaury. Ang kailangan ko nalang gawin ay alamin kung ang Greyson Demaury na nasa mansyon na papasukan ko at ang biological father ko ay iisa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pag nagkataon.

Ngunit isa lang ang sigurado ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com