The First And Last Love Of Alfeo (One Shot Story)
"Walong taon na at wala pa ring kupas ang punong ito ah." Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang higante at mayabong na puno sa aking harapan.
Biglang may bumalik sa aking alaala tungkol sa nakaraan noong ako'y sampung taong gulang pa lamang.
"Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo! Isa... Dalawa... Tatlo!" Sigaw ko sa aking mga kalaro. Ako kasi ang taya sa larong hide and seek.
Umalis ako sa aking base para hanapin sila. Hindi pa ako nakakalayo ay may tatlong boses akong narinig na sabay-sabay na nagsabi ng safe sa aking base.
"Ano ba 'yan?" Yamot ko. "Taya na naman ako?" Dismayado kong sabi saka sinipa ang bato sa aking harapan. Tawang-tawa silang lumapit sa akin.
"Excited?" Panunuksong sabi ng kalaro ko. "Hindi mo pa nga nahahanap si Reese." Dugtong pa niya.
"Ang iyakin mo naman." Tawang sabi nung isa.
"'Wag nyo na ngang siyang asarin. Tulungan na lang natin syang hanapin si Reese. It's almost dark na kaya and I'm scared already." Pagdedepensa sa akin ng kalaro namin na babae. Sumang-ayon naman sila sa sinabi niya.
"Thank you, ha?" Pasasalamat ko at tumango lang siya sabay sabing, "let's separate guys para mapabilis tayo at nang makauwi na." Pagkasabi niya ay nagtungo kami sa iba't-ibang direksyon.
Ayoko sana humiwalay sa kanila kasi bago pa lang ako dito at baka maligaw ako. Hindi ko pa naman kabisado ang bundok na ito. Isang linggo pa lang kaming nagbabakasyon dito sa Ancestral House namin at mabuti naman ay nagkaroon agad ako ng mga mabubuting kaibigan.
Bukas ay lilipad na kaming papuntang States para mag-migrate kaya ma-mi-miss ko ang lugar na ito lalong-lalo na ang mga kalaro ko.
Sa tantiya ko ay halos kalahating oras na akong nagpapalibot-libot at pabalik-balik sa iisang lugar na ito at ako'y kinakabahan na medyo madilim na kasi.
"Reese!" Tawag ko. "Reese, magpakita ka na! Madilim na!" Dugtong ko pa.
"Reese, nasaan ka? Umuwi na tayo!" Kinakabahang sigaw ko hanggang sa may narinig akong kaluskos kaya nagtatakbo ako sa takot.
"Mommy! Daddy!" Tawag ko habang tumatakbo pero bumalik pa rin ako sa pinanggalingan ko.
'Hala! Naliligaw na ako!' Sabi ko pero sa isip ko lang. "Tulong! Naliligaw ako!" Patakbo kong sigaw hanggang sa madapa ako.
"Mommy... Daddy... Promise hindi na po ako magpapasaway... Natatakot po ako..." Iiyak na sana ako pero may naaninag akong maliliit na ilaw na gumagalaw palapit sa akin.
Bumangon ako at inilahad ang aking kamay kaya dumapo naman yung isang ilaw habang yung iba naman ay pumalibot sa akin.
"Firefly ba ito?" Tanong ko sa aking sarili at nakompirma ko naman ito. Lumayo sila na para bang gina-guide nila ako palabas ng engkantong lugar na ito kaya sinundan ko sila hanggang sa mapadpad ako sa higante at mayabong na puno. Biglang nag-transform na tao yung mga firefly.
Ang ganda niya. Namangha at napatulala ako. Sa mura kong edad ay parang nagsisimula na akong pumapag-ibig kasi napaka-perfect ng ganda niya. Para siyang si Yoona na member ng Girls' Generation na bias ng mga nakakatanda kong pinsan na mga babae. Mahabang-mahaba ang malaalon niyang buhok. Petite siyang babae. Nakasuot siya ng flower crown at parang mala-white lady ang damit niya.
"Wait. White lady ka ba? Pero ang ganda mo naman para maging white lady." Sabi ko. 'Bakit ganun? Hindi ako natatakot sa kanya kung totoo ngang white lady sya.' Sabi ko ulit pero sa isip ko lang.
"Ano ang iyong sinambit, Bata? White lady? Ano iyon?" Naguguluhan at inosente niyang tanong. "Ako ba'y nilalapastangan mo, mababang uri ng nilalang?" Paangil niyang sabi. Nakakatakot siya.
"Naku po. Huwag po sana kayong magalit. Ang ibig ko pong sabihin kung kayo po ba ang isang puting babae o diwatang puti?" Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya. Medyo pinagpawisan ako ng malagkit ah. Umaliwalas ulit ang itsura niya.
"Ganun ba, Bata? Isa nga akong diwata pero hindi ako Isang diwatang puti. Ako ay isang diwata ng bundok at tagapag-ingat ng kalikasan."
"Wow! Parang si Maria Makiling?" Amuse kong sabi.
"Hindi ako si Maria Makiling ng Bundok Makiling. Ako si Restituta ng Bundok Janlud. Ano ang iyong ngalan, Bata?" Pagpapakilala niya. Ngumiti naman ako sabay lahad ng aking palad.
"Ako naman po si..."
Nagbalik ako sa realidad nang may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Alfeo, ikaw nga. Ang batang uhugin." Mapang-asar na sabi ni Restituta.
"Sana all baby face." Makatotohanan kong sabi sabay lapit sa kanya.
"Ano ang iyong sinambit, Bata? Baby face? Nilalapastangan mo ba ako?" Bigla siyang pumangit. Napatawa ako.
"Ang ibig kong sabihin, mukhang bata o inosenteng mukha. At tsaka hindi na ako bata noh. Pwede na nga akong gumawa ng bata eh." Mapang-akit kong sabi na ikinapula ng kanyang mukha. 'Ang cute niya.' Sabi ko pero sa isip ko lang. "Masaya ako at naalala mo pa ako, Restituta." Dugtong ko pa.
"Syempre naman. Kaibigan ka ni Reese eh." Sabi niya.
"Reese? Medyo pamilyar sa akin ang pangalan niya." Sabi ko naman sabay hawak sa aking noo para alalahanin kung sino nga ba si Reese.
"Si Reese lang naman yung kalaro mo noon na hinahanap nyo noong maligaw ka dito sa bundok." Pagkokompirma niya.
"Ay oo nga! Naalala ko na siya! Kaibigan mo ba si Reese? Kamusta na pala siya?" Excited kong tanong.
"Matanong nga kita, Bata. Ano ang pakay mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Restituta, gusto sana kitang yayain sa aking labing-walong kaarawan para bukas. Sana makarating ka sa Ancestral House namin. Isang munting salo-salo lang naman sa tanghali." Sabi ko sabay hawak sa kanyang mga kamay.
"Hindi pwede, Bata." Sabi niya sabay bawi sa kanyang kamay at tumalikod sa akin.
"Bakit hindi pwede?" Makulit kong tanong.
Humarap naman siya sabay sabing, "ang punong ito ay puso ng Bundok Janlud. Kapag may nagtangkang putulin ito ay maglalaho ako at unti-unting masisira ang kalikasan kapag walang tagapag-ingat. Kaya kailangan ko itong pangalagaan sapagkat ilang beses na itong tinangkang putulin ng mga lapastangang mababang uri ng nilalang." Mahaba ngunit mahinahon na paliwanag ni Restituta.
"Kahit isang oras ay hindi pwede?" Umiling naman siya. "Kahit kalahating oras ay hindi pa rin?" Makulit kong tanong. Umiling ulit siya. "Okay, limang minuto na lang kaya?" Hirit ko pa.
"Susubukan ko pero huwag kang umasa." Sagot naman niya na ikinangiti ko.
"Pero aasa pa rin ako na makakapunta ka kasi sa sumunod na araw ay lilipad na kami papuntang States kaya matatagalan pa bago tayo ulit magkita." Malungkot kong sabi.
"Malaking bagay ba kung hindi ako makakapunta sa iyong kaarawan?" Mausisa niyang tanong.
"Syempre naman! First love kita eh." Makatotohanan kong sabi na ikinapula ng aking mukha sabay talikod sa kanya.
"First Love? Anong ang ibig sabihin nun?" Tanong naman niya pero kumaripas na lang ako ng takbo. Nang makalayo na ako at nilingon ko siya sabay sigaw nang, "I love you, Restituta!"
Alas tres na ng hapon pero wala pa din siya. Napabuntong-hininga na lang ako.
Nandito ako ngayon sa may balkonahe para hintayin siya pero hindi na siguro siya dadating. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang may isang maliit na insekto ang dumapo sa aking balikat. Tinignan ko ito at firefly pala ang dumapo sa akin.
"Ang aga nyo naman magpakita ah. Hindi pa gabi." Natigilan ako. "Si Restituta ba ito?" Sabi ko sabay nang pagdami ng firefly at iniluwa si Restituta.
"Pinaghintay ba kita, Bata?" Tanong niya. Lumapit ako sa kanya na nakangiti sabay hawi ng kanyang buhok na bahagyang nakatakip sa kanyang magandang mukha.
"Bakit ang tagal mo? Akala ko hindi ka na darating eh. Nagtampo tuloy ako." Pabirong sabi ko.
"Pasalamat ka nga at dumating ako, uhuging Bata." Kantiyaw niya.
Mapipikon sana ako kaya lang may naisip akong ganti sa panunukso niya. Siya ay hinalikan ko sa pisngi na ikinagulat niya. Tawang-tawa ako sa reaksyon niya kasi nakabuka ang bunganga niya pero bigla akong nagulat sa tili ni mommy.
"Aswang! Aswang! Layas!" Sigaw ni mommy sabay hagis ng asin kay Restituta. Ngayon ko lang napansin na nakabukas pala ang fairy wings niya.
Biglang natumba si Restituta tapos parang hindi siya makahinga.
"Mommy, itigil nyo na po yan! Hindi po siya aswang. Siya si Restituta, isang diwata. Nasasaktan na po siya." Awat ko kay mommy sabay lapit kay Restituta. Kumalma naman si Mommy.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Huwag mong awayin ang iyong ina, Bata. Hindi ako nagkakaganito dahil sa asin." Mahina niyang sabi. Naging kulay lupa na siya.
"Pero bakit nag-iiba ang kulay mo?" Nag-alala kong tanong habang yakap siya.
"Kasalukuyang pinuputol ng mga lapastangan ang iniingatan kong puno. Ilang sandali ay maglalaho na ako. Paalam, Alfeo."
Hindi pa rin mawawala sa memorya ko lang huling sandali ni Restituta noong pitong taon na ang nakararaan. Kadadating ko lang galeng States. Kung hindi sana ako naging makulit edi sana buhay pa siya ngayon. Napaka-selfish ko naman.
Nandito ako ngayon sa dating pwesto ng higante at mayabong na puno. Wala na ang dating puno gayundin ang tagapag-ingat ng kalikasan at unti-unting na itong nasisira dahil ginawa na itong tourist spot ang Bundok Janlud ng mga local at may mga basura na.
Pinunasan ko lang tumulo kong luha para umuwi na. Pagtalikod ko sa dating puno ay bumungad sa akin ang mukha ni,
"Restituta."
AFTER 50 YEARS
"Ang bumungad pala kay Alfeo ay hindi si Restituta kundi ang apo ni Restituta sa talampakan na si Reese na kalaro ni Alfeo noon. Bago pala naging diwata si Restituta ay nagkaroon siya ng nag-iisang anak na lalaki sa pagkadalaga. Kaya noong naging dalaga na si Reese ay naging kamukha na nya ang kanyang Lola sa talampakan kasi magkadugo sila.
Walang nakakaalam kung paano naging diwata si Restituta. Maging ang mga magulang ni Restituta ay walang alam o baka nilihim nila. Naging matandang binata si Alfeo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move-on sa kanyang una at huling pag-ibig." Pagtatapos ng aking kwento sabay sarado ng libro.
"Ang lungkot naman nang binasa mo. Parang hango sa totoong buhay." Sabi niya sabay tulo ng kanyang luha. Pinunasan ko naman ito. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" Dugtong niya.
"Reese. Ako si Reese." Sagot ko naman sa pasyente kong may Alzheimer's Disease sabay ayos nang pagkakahiga niya. Ganitong oras kasi siya natutulog. "Matulog ka na, Alfeo. Aking matalik na kaibigan." Bulong ko. Tumayo ako sabay patay ng ilaw at sarado ng pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com