Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3 *FIRST DAY*


RING!RING!RING

WAAAH! First day ko ngayon ayaw ko malate. Dali-dali akong kumuha ng towel at patakbo na pumunta sa C.R,
pagkatapos ko gawin ang aking morning rituals.

Pumunta ako sa closet ko na kulay yellow at kumuha ng damit doon. Kumuha ako ng yellow shirt, black jacket, and black jeens nilugay ko ang aking buhok at isinuot na ang black contact lense ko.

At sa huli Sinuot ko ang paborito kong yellow heels. Hindi naman ako palaging ganito ngayon lang ito kasi First day ng klase.Dapat kahit papaano maganda ako sa paningin ng iba kahit ngayon lang.

○●○

I arrived at school. Maaga pa pala 8:45 am pero medyo marami-rami na yung students. Nag cat-walk na muna ako since wala pa si Tashia(taray). Lahat sila saakin nakatingin. Uhhhh Bakit? naglalakad lang naman ako ah!

Oh, alam ko na karamihan sakanila ngayon ko lang nakita baka mga transferee at heto si ako kagandahan!

Lahat sila nakatingin saakin o sige na paulit-ulit ako. May mga dumadaan na halos madapa na kakatingin lang sakin. Am I really that attractive? I just shrugged it off and continued walking.

Yung iba naka cross arms na nakataas ang kilay. Akala mo kagandahan che~ mga palakang toh.

Yung iba bumalik na sa ginagawa nila yung iba din halos malag-lag ang panga. Yung nasa gitna halos silang lahat tumatabi. Sorry kung di ako nag excuse choice nyo naman kung deretso kayong tatabi dibah?! lol

Nararamdam ko namang may tumatakbo pero di ko ito pinapansin isa pa to eh! nakakaramdam ako ng vibration sa lupa kahit ilang kilometro pa yan at di ito normal minsan iniisip ko abnormal ba ako?

Having this kind of sense is quite useless, since di ko naman ito nagagamit.

Baka sa ibang dereksyon ang punta nya. Hanggang sa lumakas ang pakiramdam ko na dito nga sya sa dereksyon ko mismo dadaan.

Pero hindi sya si Tashia kasi kapag sya ito malamang kanina pa yun sigaw ng sigaw ng BESTFRIEND KOOO!

Tatabi na sana ako kaso-

Nabangga nya ako pinikit ko nalang ang mga mata ko. Hinihintay ko na mahulog ako at mabubungo ang ulo ko sa semento.

Teka, bakit parang di ata ako nahulog bakit hindi ako tumama sa semento?

Naramdaman ko naman na may mga bisig ang sumalo saken.

Dahan Dahan ko inimulat ang aking mga mata,

Sinalo nya ako...Waaaahhhh!!! Kenekeleg ako bes!

Nagtitigan lang kami ang gwapo nya itim na may halong abo ang kulay ng mga mata nya at ang ganda tignan ng mala formal na buhok niya at pareho kaming naka leather jacket na black.

Matangos ang ilong nya maputi siya at mas nakadagdag pa sa kagwapuhan nya ng ngumiti siya.

Dahan Dahan nya naman akong pinatayo."Miss sorry ha?nagmamadali kasi ako eh."sabi nya. Habang kinakamot ang batok nya. Ang cute niya tignan!

"Ok lang yun, ang importante nasalo mo ako hehehe..."sabi ko. Natawa naman siya ng konti. Sheyt! Gwapo niya bes! Inilahad nya saakin ang kanyang kamay.

"Blane nga pala."Pagpapakilala nya. Tinaggap ko ang kamay niya and we shaked hands."I'm Jasmine."pagpapakilala ko. Ngumiti naman sya. kyaahh! gwapo ng ngiti nya may dimples pa!

"Sige kita nalang tayo mamaya sa lunch, libre ko. Bye!"sabi nya. Ikaw nalang kaya kainin ko? Unang kita pa lang ililibre na kaagad ako? Ayos din yun ah nag-iisip. Makaka save ako.

"But I-" di ko natapos ang sasabihin ko.

Ngumiti at tumango lang ako sakanya saka sya tumakbo ulit. Pangarap nya ba maging runner? takbo lang sya ng takbo eh.

As he vanished to my eyes, I checked at my watch luh?! late na pala ako ayan kasi Jasmine landi mo eh noh?! Kumaripas naman ako ng takbo dapat hindi ako malate. Naku patay ako nito! Unang araw pa naman!

~~~

Guys please leave a VOTE

Thank you

How is it?

COMMENTS are highly appreciated ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com