CHAPTER 37 *ICIAH*
Iciah's POV
Tinanggal ko ang posas ni mama at papa. Niyakap ko sila at hinila nila ako palabas ng bahay.
Pumunta kami sa snow garden namin, may snow man doon na palagi Kong nilalaro noong bata pa ako.
"Anak...panahon na para ipasa namin saiyo ang orb of ice." Tatay. Tears suddenly rushed down to my face ayaw Kong mawala sila saakin.
Dahil sa oras na ipapasa mo na ang orb ay lalapitan ka ng kamatayan. Ngunit wala itong epekto sa mga royal family.
Mandirigma si mama at papa, si papa ang guardian sa orb of ice. Si mama naman ay may kakayahan na mag teleport.
Masasali din si mama sa lalapitan ng kamatayan dahil kasal sila ni papa. Labis din nilang mahal ang isat-isa kaya walang makakapag hiwalay sakanila.
"Anak...huwag kang mag-alala, palagi ka namin babantayan ng papa mo kung sakali.....mawala man kami saiyo."mama. Kumalas kami sa yakapan. Tumulo ang mga luha ni mama.
Ibinuka ni papa ang kaniyang palad at lumabas doon ang orb of ice. Maliit na bilog ito na kulay sky blue. Clear din ito na parang yelo.
May nakapalibot din na maliliit na snowflakes dito. Hindi ko pa nabubuka ang palad ko ng bigla itong pumasok sa dib-dib ko.
Medyo masakit, pero nakabawi din ako kaagad. Nag-iba ang kulay ng buhok ko. Kung noon ay kulay peach ito ngayon naging purong puti.
At ang dating Kong kayumanggi na balat ay naging sobrang putla na medyo pinkish. Ang mata ko naman naging kulay abo.
"Nagustuhan ka ng orb of ice anak...you are worthy din to be it's guardian."Mama. Napangiti nalang ako ng pilit.
"Karapat dapat ka nga aking anak. Ngayon mas maproprotektahan mo na ang iyong sarili."Papa. Niyakap nila ako. I wish i'll not lose them but in our situation now that's impossible. Lalo pa't lalapitan na sila ng kamatayan.
Ng biglang...
.
.
.
.
.
Sumabog ang kalahati ng bahay Tumayo si mama at papa. Inilabas ni mama ang kaniyang weapon na isang shutgun na kulay silver at may mga puting desenyo.
Si papa naman kumuha ng isang dagger.
"Anak tumakas ka na!" Papa. Hindi ko nakinig sakanya. Tumakbo ako doon sa apat at sinipa ko yung isa sa mukha.
Yung isa naman tinira ko ng ice spikes. Si mama naman nagteleport doon sa harap ng lalake at binaril niya ito.
Kahit di ko pa alam kung paano gamitin itong orb ay nararamdaman ko na parang ginagabayan ako nito at kusa nalang akong nagpapakawala ng yelo.
Si papa naman sinaksak niya yung isa gamit nung dagger niya. Binaril din ni mama yung nasa likod ni papa na may hawak na espada.
"Anak sige na please!tumakas ka na." Mama.Wala na akong nagawa at tumakbo na ako palayo.
Nilingon ko sila sa panghuling beses. Nagulat nalang ako ng sumabog ang bahay. Dumating ang napaka daming darkerias.
Kinausap naman ako ni papa gamit ang isip.
'Anak mahal ka namin ng mama mo.'papa.Humagulgol akong tumatakbo. Natatalisod na din ako dahil sa mga kahoy na nagkalat sa gubat. Tumayo ako at tumakbo ulit.
'Mahal ko din kayo ni mama.'ako. Napatigil ako sa pag takbo ng makarinig ako ng mga kaluskos. Lumabas ang maraming darkerias.
"Ngayon! Magbabayad kayo."Tumakbo ako at sinikmuraan yung isa sa harap ko sinipa ko naman yung nasa gilid ko na balak akong saksakin. Tinira ko ng ice ball ang iba, nagulat ako ng nasugatan ako sa kaliwang braso. Tinira ko naman ng ice spike yung sumugat saakin.
Pinapangalanan ko nalang yung mga ice attacks ko base sa itsura nila.
Nang matapos ako ay gumawa ako ng ding-ding na gawa sa yelo.
Tumakbo na ako at baka maabutan pa ako dito ng ibang mga darkerias.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapad-pad ako sa isang batis. Tumigil ako sa pagtakbo at hinugasan muna ang mukha ko na puro luha at putik napakalinaw ng tubig.
Nagulat ako ng biglang umilaw ang katawan ko at...
.
.
.
Nakahiga na ako sa malambot na damo. May batang babae naman ang tinulungan akong Tumayo.
"Nasaan ba ako?" Ako. Mugto ang mga mata ko.
Ngumisi lang ang batang babae.
"Nandito ka sa Hidden town." Nakangisi lang ng malapad ang batang babae. She seems nice.
Simula nun we became bestfriends. And i'm surprised that sa halos lahat ng bagay ay magkasundo kami. That's when i started to live in hiddin town.
~~~~~
Nagustuhan niyo ba?
This is the update for today Altariahns!
Please vote and comment your thoughts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com