Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 41 *MISSION PT.5*

Jasmine's pov

Hinihintay kong mawala ang usok, ilang Segundo pa ang lumipas at sawakas ay nawala na ang usok.

Nakita ko yung babaeng flynx na nakahandusay at maraming sugat. Dali-dali akong pinuntahan siya at inakay.

Inimulat niya ang kaniyang mga mata at ito'y umilaw. Ngumiti siya saakin na parang nagsasabing 'nagtagumpay ka'. Kinumpas niya ang kaniyang mga kamay. Habang nakatingin sa espada.

Napatingin din ako doon at nakita ko kung paano ito nilamon ng lupa.

Nagulat ako ng biglang yumanig ang lupang tinatapakan namin. I mean- ako lang pala, eh sa nakalutang siya eh! Ano magagawa niyo.

May namuo na isang malaking bato sa harap ko na parang napapalibutan ng mga alitaptap sing taas ito ng ordinaryong hagdan.

"Hugutin mo ang espada kung ikaw nga ang tunay na prensesa, anak ni reyna Jalsah at ang Guardian na magliligtas sa buong Altariah." Flynx.

Tama ako ang Prinsesa na anak ni reyna jalsah at handa akong patunayan yun. Handa akong iligtas any buong altariah at ang mga  mamamayan nito.

Papatunayan ko na ako ang karapat-dapat na mag mamay-ari ng sword of Hera. Pumunta ako sa harap at wala pang isang sigundo ng biglang may namuong yelo na nagkokorting hagdan.

At mga malalagong baging na puno ng halaman at bulak-lak ang pumulupot sa malaking bato na ani'moy parang sumasayaw.

"Patunayan mo na ikaw ang sinasabi ng propisiya na maging susunod na mag-mamay-ari ng sword of Hera."Flynx.

Ako'y umakyat sa munting hagdanan habang hindi parin naalis saaking paningin ang espada. Ng makarating na ako sa harap nito ay napa buntong hininga ako at sinubukang hawakan ang handle nito.

Umilaw bigla ang mga mata ko at humangin ng napakalakas.

Tinatangay ng hangin ang aking dilaw na buhok. Ang espada ay parang katana ngunit malaki nga lang at agaw pansin ang ginto nitong blade.

Sa gitna nito ay mga gemstone na iba iba ang kulay.

Yellow

Red

Blue

Brownish green

Gray

Violet, na may itim na bilog sa gitna it looks like corrupted.

Umilaw ang unang kulay ng maliit na gemstone na naka dikit sa espada. At itoy kulay dilaw sunod ang pula hanggang sa umilaw na lahat.

Ngunit nakakapagtaka na Hindi pa umiilaw ay ang nasa ibaba at panghuling gemstone na kulay violet na corrupted with black.

Ibinuhos ko ang lahat ng aking kapangyarihan. Nagsimulang dumaloy ang parang kuryente na pakiramdam saaking palad lumabas doon ang parang dilaw na ilaw na parang manipis na tela at iniikutan nito ang espada. Nagsimula nang magbago ang  temperatura nagiging malamig na.

Ang mga ulap nagdidilim na at may lumalabas na kidlat at nagsimula na din umulan, nagsimulang umapoy ang mga tangkay ng dahon, biglang humangin ng napakalakas.

Yumayanig na ang lupa at nagsilabasan na ang maliliit na rock spikes, may mga dahon na din ang natatangay ng hangin.

Umilaw ang buhok ko, as I pull the sword very hard. Umilaw na din ang mga mata ko.

"I am worthy!, aaaahhhhhh!"I screamed to the top of my lungs. Umilaw na ang violet na gem at pansin ko na napalitan ng kulay ang isang mata ko.

Natanggal ang espada at pagkasabay nun ang pagtigil at pag laho ng mga gawa ko.

Ramdam ko din na bumalik na sa dati ang buhok at mga mata ko at naging dilaw na ulit ito. I looked at flarne the flynx. She mouthed me 'You did it' then she disappeared to thin air.

Biglang umikot ang paningin ko. Nararamdaman ko na matutumba ako ngunit may sumalo na mga bisig saakin.

Napatingin ako kung sino yun at nakita ko si B, bwiset na lalakeng toh! ba't sa dinami dami ng lalake dito bakit tong magnanakaw pa ang nakilala ko?

B stands for Bwiset. Urrrgghhh! Sumasakit lang ulo ko.

Shit?! ano toh? bat parang kinabahan ako bigla?

Baka dahil toh sa pagod, yes! Oo nga pagod lang toh at walang ibang dahilan. Hays!

Nagsimulang lumalabo ang paningin ko.

"Ayos ka lang?" B. Tignan mo nga itong lalakeng ito. Mukha ba akong ayos? ha?! Eh ikaw pala yung ayos eh! Ayos mag tanong. Tsk!

Sasampalin ko na sana siya ng biglang dumilim any paligid
.
.
.
.
.
.
Black out

~~~~~~

Hello readers~

Maraming-maraming salamat!

Sa lahat ng suporta vote at comment na ibinibigay niyo.

At sa pag-add ng story ko sa reading list niyo. Maraming salamat.

And of course sa mga nag follow saakin. Hindi ko alam kung papano ko kayo pasasalamatan.

Maraming salamat talaga!

Labyu all>o<

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com