Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 59*A NEW FOE*

Bigla nalamang nahulog ang mansanas na hawak-hawak ng isang dalaga.

"Ano ito at parang hindi ko nararamdaman ang kapangyarihan ni Annie?!" Sabi niya sakanyang sarili at bigla nalamang tumulo ang luha sakanyang mga mata.

"Eve anong nangyare? Bakit ka tumatangis?" Tanong ng isang lalake na kanina pa nagtatago sa dilim.

"Melvis hindi ko nararamdaman ang kapangyarihan ni annie." Tila nagulat ang lalake sa mga sinabi ng dalaga at umupo sa tabi nito.

"A-ano?" Di makapaniwalang sabi nya.

"May masama ba na nangyare Melvis? di ko maintindihan." Sabi ng babae habang humihikbi.

"May ideya ako kung paano natin malalaman ang nangyare kay annie..." Sabi ng lalake at hinawakan ang lupa. May mga anino na namumuo dito at ipinikita ang buong nangyari.

"Kay bata niya pa Melvis! Gusto niya lamang makipaglaro." Sabi ng dalaga at tumayo.

"A-anong gagawin mo Eve?"

"Ipaghihiganti ko siya."

"Ngunit hindi tayo pwede lumabas ng gubat kung walang pang utos ang mahal na hari."

"Tama ba ang aking narinig at gusto mo maghiganti Eve?" Nagulat ang dalawa ng biglang lumitaw ang Dark King sakanilang harap.

"O-Oo mahal na hari." Napayuko ang babae at napakuyom, sapagkat wala ng ibang namayani sakaniyang puso kundi lungkot at galit.

She's vulnerable and easily get's attached,

"Papahintulutan kita, ngunit sa isang kundisyon."

○●○

"Kumain kana Leyla." Wendye. Kanina pa niya binabalik-balikan si Leyla sa kwarto ngunit nananatiling tahimik lamang ang dalaga at walang sagot. Napabuntong hiniga na lamang si Wendye at papaalis na sana ng-

Marinig niyang nag ingay ang tiyan ni Leyla.

"Come on, it's obvious that you are already starving." Lumapit si Wendye sakanya at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan, napalingon naman si Leyla sakanya.

Mangiyak-ngiyak si Leyla na yumakap kay Wendye.

"I'm useless now.." Mahinang sabi niya habang umiiyak.

"B-Bakit? Ano ba kasi talaga ang nangyare sa loob ng wand? why are you very traumatized?" Wendye asked. Habang sa may pinto naman ay nakikinig si Jasmine at Hela.

Leyla began to tell them everything, Wendye's mouth gaped as she can't believe what happened.

"I knew it." Hela uttered silently. Napatingin naman si Jasmine sakanya saglit at bumalik sa pakikinig sa dalawang kaibigan na nag uusap sa kabilang banda.

"Magiging pabigat lamang ako Wendye. I give up. Uuwi na lang ako." Sabi ni Leyla, hinawakan ni Wendye si Leyla sa magkabilang braso nito.

"With or without your orb hindi and never ka naging pabigat saamin. Leyla, I will protect you. Kami! Proprotektahan ka namin." Bigla nalang bumukas ang pinto.

"Ofcourse we will, now that I acquired a new ability." Hela said then smirked. Jasmine crossed her arms "And besides, kumain kana. Ako pa naman nagluto ngayon ng paborito mo."

"Sige na. Being powerless is never a reason of being able not to fight. You are very good at combat and weilding your weapon Leyla. I saw that and its your natural potential." Jasmine. Napangiti na lamang ang dalaga, ngunit ito'y mapait na ngiti. Dahil sakanyang isip ay sinasabi lamang nila ito upang pagaanin ang kaniyang loob.

Ngunit sa kaloob-looban niya ay tinuturi niya nang walang silbi ang kaniyang sarili.

"Halika na kumain na tayo." Wendye said. Nagulat si Leyla sa sinabi nito sapagkat napaka gabi na at karaniwan ay si Wendye ang matakaw at laging nauunang kumain.

"H-Hindi pa kayo k-kumain?" Leyla.

"Oo, hinintay ka talaga namin." Jasmine. Napangiti uli ang dalaga.

"S-Salamat." Leyla.

"Oh siya, wag kana umiyak at hali kana. Kanina pa ako nagugutom." Sabi ni Wendye at nagulat ang lahat nang hinila niya ito papunta sa kusina.

○●○

Jasmine

Now we continue our mission, matatag namin haharapin ang kahit na anong pagsubok na dadaan saamin magkakaibigan. We will face it together for we are friends till the end.

"The moon is so beautiful isn't it?" Wendye.

We all agreed, kami ngayon ay naglalakad dito sa masukal na gubat. Well, salamat sa buwan at kahit papaano ay may konting ilaw kami enough pra makita ang dadaraanan namin.

"Girls look!" Wendye stopped and pointed up. Tanaw na tanaw na namin ang Mt. Hacin.

"Bilisan na natin! Malapit na tayo."

It's still 1 pm, maliit na oras lamang ang napag pahingaan namin sapagkat wala dapat kaming oras na sinasayang dahil naghihintay saamin si Iciah. She needs the nevermelt rose as soon as possible.

"Can I fly?" Tanong ni Wendye habang kami'y tumatakbo parin.

"No." Hela declined. I understand her, we can't waste our energy while we're on a mission. Who knows what danger we might stumble.

"W-What's this?" Napatigil ako-kami sa pagtakbo ng marinig namin si Leyla.

She's stuck..!

On a giant web?

Lumapit kami sakanya at hinila siya palayo, but it was too sticky.

Fire suddenly appeared in my palm. Ngunit hinarangan ako ng kamay ni Hela.

"No. Masusunog din sya." She said. I made it disapeared. "Wendye a tornado or any of your magic won't work either." Dag-dag pa niya.

"How will we get her out?" I asked.

"I'm gonna use physical enhancement on the both of you because I can't use it for myself." Hela said. Tumango lamang kami ni Wendye.

Suddenly she threw a red marble in us that made us have a red aura.

"Ngayon na it won't last long." As she said those with all our strength, Wendye and I finally pulled Leyla out.

"T-Thank you girls." She hugged us both "A-And you too-" Hindi natapos ni Leyla ang kaniyang sasabihin nang-

Nanlaki ang mga mata namin nang makita si Hela sa itaas ng malaking puno na nakabalot sa sapot ng gagamba. Naka busal din ang kaniyang bibig, pumupumiglas at ang kaniyang mga mata ay sumisigaw ng tulong.

"H-Hela!" I shouted as I summoned my Holy wings. I flew up and was about to grab her.

Pero naramdaman ko nalang na may biglang tumusok saaking tiggiliran. Nanlaki ang mga mata ni Hela na nakatutok sa anumang bagay na bigla na lamang tumusok saaking tagiliran.

It stings..

Dahan-dahan ko itong tinignan, nanlaki ang aking mga mata.

Bigla nalang akong nanghina, bumibigat ang aking mga mata.

I felt my wings vanished to thin air, and their screams that I couldn't hear.

As I was about to fall down, naramdaman ako ang malamig na hangin na sumalo saakin and then I was surrounded by a wind barrier.

Napasuka ako ng dugo at nakita ko ang masaganang dugo na kumakawala saaking tagiliran.

Will my journey finally end here?

○●○

Wendye

Nanlaki ang aming mga mata ng makita ang isang babae na kay ganda, pale skin and a hair as dark as night.

Her eyes are raging red. And a flower crown that's filled with westeria.

She smirked as she came out from the shadows.

I can feel major dark energy coming from her, alam ko din na nararamdaman ito ni Leyla. But, how did she concealed it earlier?

It doesn't matter.

What matters is we defeat her, save Hela, and get the nevermelt rose.

○●○

"A-Ate.." Napahawak sakanyang ulo si Vera ng bigla na lamang sumakit ito. When she began to close her eyes for 3 seconds many images flashed.

"Vera? Ayos ka lang ba?" Tanong ni lola Cora at pina higa si Vera sa isang sofa.

Bigla nalang naging puti ang mga mata ni Vera "Digmaan ay paparating, dadanak ang dugo ng mga inosente, at masisilang ang bagong Altariah." Her white eyes disapeared and seconds passed she snored.

"T-Tulog na siya?" Takhang tanong ni lola Cora.

"Atsaka.. may digmaan nanaman ulit?" Napahawak siya sakanyang baba at nag isip. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"C-Cora!" Nagmamadaling pumunta si Imarah sa isang malaking tent kung saan tumutuloy sina Vera at lola Cora. Pumasok siya'ng hingal na hingal.

"Ano yon Imarah?" Takhang tanong ni lola Cora.

"M-May digmaan na magaganap..

at ito'y mangyayare sa tatlong araw simula bukas."

○●○

This chapter is dedicated to my new followers♡

Thank you for still supporting this story!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com