Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1.1: Red Serpent Gang


LEE


It's seven o'clock in the evening. I'm sitting on a bench near the bay. Naka-hood ako para bahagyang matakpan ang mukha ko. Nag-iingat ako dahil baka may makakilala sa 'kin. Tiyak na mapapaaway na naman ako kung mamalasin. The sea breeze keeps me calm and relax. Dahil walang pasok bukas, naisipan kong pumunta sa isang tahimik na lugar. Maganda rito tuwing gabi. Nakakaaliw tingnan ang mga makukulay na liwanag sa kabilang parte ng bay kung saan makikita ang isang lungsod. Walang tao dahil medyo tago ang kinaroroonan ko. Walang abala sa tahimik kong mundo. Napapikit ako sa masarap at malamig na simoy ng hangin habang nakangiting nilalanghap ito. Oktubre na kasi at malapit na ang Pasko.


Natigilan ako. Bigla akong nagmulat ng mga mata. May narinig akong malakas na ingay mula sa kung saan. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong nakitang kahit na sino. Kumunot ang noo ko. What's that? Tila may bumagsak sa kalsada. I wear my shades. Naglakad ako patungo sa pinanggalingan ng ingay. May narinig akong mga boses. Nagkubli ako sa madilim na parte ng isang kanto. Nasa kabilang bahagi sila ng kinaroroonan ko. I saw six people. Mga lalaki sila ayon sa hubog ng mga katawan nila. May kadiliman ang paligid kaya hindi ko maaninag ang mga mukha nila.


May pinalilibutan ang limang lalaki samantalang ang isa naman ay nakasandal lang sa pader. Nanonood lang siya sa nangyayari. Pinilit kong aninagin ang pinagtutulungan nila. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo ako.


I gasped when I saw a man lying on the ground. Sinisipa nila ito. Hindi ko alam kung tutulong ba ako o hindi na lang makikialam. Saglit akong nag-isip. Kung hahayaan ko sila sa ginagawa nila tiyak na hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko. Naawa ako sa pinagtutulungan nila. Wala itong kalaban-laban.


Namayani ang pagiging pakialamera ko. Kawawa naman ang lalaking sinasaktan nila. Sinigurado kong hindi nila ako makikilala. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila. Wala ng atrasan ito.


KIRA


Kanina pa binubugbog nina Justin ang lalaki pero tila wala itong balak sabihin kung nasaan ang hinahanap naming tao. I'm Kira Fuentebella. The leader of Red Serpent Gang. Tatlong araw na kami rito dahil nakakuha kami ng impormasyon na nandito si Spencer. Babalik din kami sa Pilipinas pagkatapos namin siyang mahanap at maturuan ng leksyon. Malaki ang atraso niya sa 'kin. Sinaktan niya ang mga underlings ko. Pareho kami ng distrito na kinabibilangan. Ang District One. Dahil sa isang laro para sa pagpili ng representative para sa district namin, lumabas na ang pagiging sakim niya. Alam kong gusto niyang maging Emperor ng limang distrito. Ginagawa niya ang lahat para sa sarili niyang interes. Hindi rin niya pinaligtas ang mga underlings ko.


Sinisipa ni Kevin ang lalaki. Halatang hirap na hirap na ito pero ayaw pang kumanta nang nasa tono. Kumanta ito kanina kaso sintunado. Nakasandal lang ako sa pader at naiinip na. Nararamdaman ko na ang mga namumuong guhit sa noo ko dahil sa pagkunot nito. Tiyak na hindi na aabutin ng umaga ang lalaking ito kapag lumapit na ako.


"Hindi ka pa ba magsasalita? Nasaan si Spencer?" tanong ni Kent. Hindi siya mahilig magsalita kaya alam kong naiinip na rin siya. Sina Enanz at Vince naman ay umupo sa railings ng bay. Sa tingin ko, lahat kami ay inip na inip na. Gusto na ring bumalik ni Justin sa Pilipinas dahil may unfinished business pa raw siya sa babaeng nakilala niya. He's a playboy. Ang akala niya matatapos agad kami rito kaya nakasimangot na siya ngayon.


"Mukhang hindi siya magsasalita," naiinis na sabi ni Kevin. May dinukot si Kevin sa bulsa. Isang hunter knife. Napailing ang mga kasama ko.


"Huwag kang magmadali, Kevin," natatawang sabi ni Justin at naupo na rin sa railings. Sumimangot si Kevin. Inis na ibinalik niya ang hunter knife sa bulsa niya. Hinila niya ang kwelyo ng lalaking nakahandusay sa kalsada at pilit itong itinayo. Duguan at kulay ube na ang mukha nito. Malakas na sinuntok ni Kevin ang tiyan nito. Napa-igik ito at halos sumuka na ng dugo. Nakatitig lang ako sa kanila. Madali talagang uminit ang ulo ni Kevin. Muli pa sanang susuntukin ni Kevin sa mukha ang lalaki ngunit may biglang pumigil sa kamao niya. Nagulat kaming lahat. Lalong kumunot ang noo ko. Walang nakapansin sa paglapit niya. Masyadong nakatuon ang pansin namin sa ginagawa ni Kevin.


"Tama na yan! Wala siyang kalaban-laban sa inyo. You should fight like a man. Anim laban sa isa? Parang hindi naman yata tama 'yon," malamig na sabi ng bagong dating. She said it in japanese. Base sa boses niya, isa siyang babae. Dahil naaasar na si Kevin, binalak niyang suntukin ang babae na ikinagulat naman nina Justin. Wala talaga siyang patawad kaya hindi na ako nagtaka. Lalaki o babae man, wala siyang pinaliligtas.


LEE


Papalapit na ako. Hindi nila ako napapansin. Daig ko pa ang pusa dahil sa magagaan kong hakbang. Narinig kong may hinahanap silang Spencer pero hindi nagsalita ang lalaking sinasaktan nila. Napasinghap ako nang kumuha ng kutsilyo ang lalaki na Kevin ang pangalan. Mabuti na lang at nagbago ang isip niya sa balak gawin. Malapit na ako sa kanila pero hindi ko pa rin makita ang mga mukha nila. Sinuntok ni Kevin ang lalaki na halos mawalan na ng malay. Walang awa! Akmang susuntukin ulit niya ang lalaki pero mabilis akong lumapit upang pigilan siya.


"Tama na yan! Wala siyang kalaban-laban sa inyo. You should fight like a man. Anim laban sa isa? Parang hindi naman yata tama 'yon," malamig na sabi ko sa wikang nihonngo. Mukhang nagulat pa sila sa pakikialam ko. Naasar si Kevin kaya binalak niya akong suntukin na nailagan ko naman.


"Whoah!" sigaw ng mga lalaking nakaupo sa railings.


"Kevin! Magpapatalo ka ba sa isang babae?" nang-aasar na sabi ng isa niyang kasama. Nagulat ako dahil mga Pilipino pala sila.


"Hey, I didn't come here to fight. Baka pwedeng idaan ito sa mabuting usapan," nagba-baka sakaling sabi ko.


"Ang pakikialam mo ay hindi madadaan sa mabuting usapan," inis na sabi ni Kevin. Binitawan na niya ang lalaking sugatan. Napangiwi ako nang bumagsak ito sa malamig na semento. Masyadong mainitin ang ulo ni Kevin. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya pero ilag ako nang ilag. He tried to give me a straight kick but I did a backhand spring twice to avoid it.


"Wow!" sigaw ng mga kasama niya na nanonood sa 'min.


"This will take us nowhere. Kailangan na ninyong tigilan ang lalaking 'yan," matapang na sabi ko. Napansin ko na umalis sa pagkakasandal sa pader ang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya. Tumalikod siya at naglakad palayo. Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang maayos na ang lahat.


"Let's go. Tama na 'yan," sabi ng lalaking nakaupo sa railings. Sumunod ang ilan sa lalaking naglalakad palayo. Mukhang siya ang pinaka-leader ng mga ito. Tiningnan ako nang masama ni Kevin. Naiinis siyang umalis. At least, napigilan ko sila. May tumapik sa balikat ko kaya napapitlag ako. Ito ang lalaking pumigil kanina kay Kevin sa paggamit ng hunter knife.


"Be careful on your way home," bulong nito saka umalis. Napailing ako. Feeling ko may pagka-playboy ang lalaking 'yon. Tiningnan ko ang lalaking nakahandusay sa kalsada. Malaking problema ito. Kailangan ko pa siyang dalhin sa ospital. Mahinang tinampal ko ang noo. Sana kasi hindi na lang ako nakialam. Nagkaroon pa tuloy ako ng problema.


***


Umuwi na ako sa bahay. Madaling araw na pala. Hindi ko kasi maiwan agad ang lalaki sa ospital kaya kailangan ko pang magtagal. Ang dami kasing tanong sa 'kin ng mga staff sa ospital. Hindi ko naman kaano-ano ang lalaki. Pagpasok ko sa bahay, binuksan ko agad ang ilaw. My eyes grew wider when I saw my mom and dad standing on the stairway. Narinig siguro nila ang ugong ng sasakyan ko. Ano'ng ipinunta nila rito? Tumuloy ako sa kusina at binuksan ang refrigerator.


"What now?" walang ganang tanong ko habang kumukuha ng tubig at uminom. Sumunod sila sa 'kin. Akala ko may business trip sila. Hindi ko tuloy napaghandaan ang pagdating nila. Naghintay ako sa sasabihin nila. Tiyak na mapapagalitan na naman ako.


"Sobra nang sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa 'min ng Mommy mo. Hindi namin alam na madaling araw ka ng umuuwi. Nakapagdesisyon na kami. You're going back to the Philippines if that's what you really want," seryosong sabi ni Dad.


Muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko. Tila nabingi ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang lumingon ako sa kanila. Ibinaba ko ang baso sa lababo.


"Pardon?" Did I hear it right? Pinababalik na ako sa Pilipinas?


"Yes, you heard it right. Pinababalik ka na namin sa Pilipinas," sabi naman ni Mom. Psychic ba si Mom? Pa'no niya nabasa ang iniisip ko? But it made me happy. At last! Makakabalik na ako sa Pilipinas! I'd been waiting for this!


"Yehey! Thanks Mom and Dad!" Napayakap ako kina Mom and Dad sa sobrang tuwa.


"But in two conditions," seryosong sabi ni Dad na nagpakaba sa 'kin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila. Napailing ako. Bakit ko ba inisip na makakabalik ako sa Pilipinas nang ganoon kadali?


"What is it?" kunot-noong tanong ko.


"You will manage one of our business. We'll discuss it tomorrow. You must sleep now," sagot ni Dad.


"How about the other one?" takang tanong ko sa kanila. Kayang-kaya ko na ang unang kondisyon. Kinakabahan ako sa pangalawa.


"We will tell you when the time comes," seryosong sabi ni Mom.


"Wait! Pa'no kung ayaw kong gawin ang second condition?" nagdududang tanong ko. Mukha kasing mabigat ang hihilingin nila sa 'kin.


"Then you have no other choice but to follow. Whether you like it or not," pinal na sabi ni Dad.


Umakyat na sila sa hagdan at nagtungo sa guest room. Naiwan akong nakatulala. What's the second condition? I sighed. Mukhang wala na talaga akong choice kundi sundin sila. Saka ko na lang haharapin ang pangalawang kondisyon kapag sinabi na nila. Basta uuwi na ako sa Pilipinas at iyon ang mahalaga!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com