Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1.2: Me, Turning into a sexy nerd?

naisip kong dugtungan ang chapter 1 XD

Hello mafemarfzy05 XD Ito na muna ang dedic ko sayo XD salamat.. haha matagal pa kasi ang sunod na update :) Thanks in advance :)

~~~

LEE


It's already ten in the morning. Naalala ko na mag-uusap kami ng parents ko tungkol sa negosyo. Bumaba na ako sa sala. My parents were watching television. Binati ako ni Mom nang mapansin niya ako at sinabing mag-almusal muna ako. Sumunod ako sa kanya. Pagkatapos kong kumain, naabutan ko sa veranda sina Mom at Dad. It's time to discuss one of their conditions.


"Have a seat, Monique," sabi ni Dad. I hate the name Monique. Masyadong pa-girl ang dating. Sinunod ko siya. Agad kong tinanong ang business na gusto nilang ipa-manage sa 'kin pagkaupo ko.


"You'll manage the university owned by your brother," sagot ni Dad na ikinagulat ko. Bakit ako?


"What? You're kidding, right? Nasaan si kuya? Bakit hindi na lang siya ang mag-manage? Siya naman ang may-ari nu'n," takang tanong ko. Ano ba ng ginagawa niya? Masyado ba siyang busy?


"Hindi namin alam kung saan siya nagpunta. He left a letter for us. He wanted you to manage the university for the meantime," seryosong sabi ni Mom.


"Bakit hindi ninyo siya hanapin?" tanong ko at lalong napakunot-noo. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Baka nambababae na naman siya? Napailing ako sa naisip ko. That playboy!


"Sinabi niyang huwag na siyang hanapin dahil babalik din siya agad," sagot ni Dad.


"He's insane! Did you ever try to find him?" tanong ko. Ayaw kong i-manage ang university niya. It's a big responsibility. I'm not even sure if I can handle it properly. Baka magdulot lang ako ng kaguluhan sa University. Tiyak na hindi ko matitiis ang mga mapagmataas na estudyante sa unibersidad na 'yon. Baka mapatulan ko sila nang wala sa oras.


"Yes, we did but there's no trace of him. Hanggang ngayon wala kaming balita kung nasaan siya," sabi ni Mom. Napangiwi ako. I can't really get myself out of this mess.


"Ano pa ang nakalagay sa sulat niya?" tanong ko. Ano na naman kaya ang pakulo ng magaling kong kapatid?


"Nakalagay na huwag mong ipapaalam sa iba na magkapatid kayo at ikaw ang headmistress," sagot ni Mom.


"Is that the second condition?" umaasang tanong ko. Kayang-kaya kong gawin 'yon. Sisiw na sisiw lang. Ipinagdasal ko na sana 'yon na lang ang pangalawang kondisyon.


"No," seryosong sabi ni Dad. Nanlumo ako sa sagot ni Dad. Ilang saglit lang ay napakunot-noo ako.


"What is the second condition?" nakasimangot na tanong ko. Nagkibit-balikat si Dad. Hindi naman umimik si Mom. Napailing ako. Mukhang hindi nila sasabihin sa 'kin ngayon. Hindi ko muna sila pipilitin dahil tiyak na hindi rin sila magsasalita. Tumayo na ang parents ko.


"Mauuna na kami sa Pilipinas. Marami pa kaming aasikasuhin. May mga business trips pa kaming pupuntahan. You can contact Mr. Michael Williams. Siya ang nakakaalam ng buong detalye tungkol sa University. Nasa kanya rin ang sulat ng Kuya mo para sa 'yo," sabi ni Dad.


Tumango ako. Ihinatid ko sila sa labas ng bahay. Hindi ko napansin na nakahanda na pala ang ilang mga gamit nila kanina. Talagang wala silang balak magtagal dahil sobrang hectic ng schedule nila. I sighed. Wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko.


"Bye," I said then kissed their cheeks.


"Bye, hija. Ayusin mo na lahat bago ka bumalik sa Pilipinas, okay?" sabi ni Mom.


"Yes, Mom. I will," nakangiti kong sagot.

"And by the way, use the name Lee Gomez. You'll use it when you enrolled in the University. Nakahanda na ang lahat pagbalik mo sa Pilipinas. Si Mr. Williams na ang bahala sa 'yo," seryosong sabi ni Dad.


Tumango ako. Naku-curious ako kung ano ba talaga ang nangyayari. Si Kuya talaga!


"Here's your passport, Lee Gomez," seryosong sabi ni Mom. Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nangyayari at sinasabi nila. Umalis na sila at naiwan akong natitigilan. Binuklat ko ang passport ko. What the heck!


Why was my passport picture a NERD? Is this the second condition? Bakit hindi pa nila sinabi kanina? Pa-suspense pa! I really have no choice. Pero ito ba talaga ang second condition? Sana ito na.


Kaya ko namang magtiis na maging isang nerd. Hindi naman siguro ito permanente? Magpapakamanang pala ako sa Pilipinas. Napasimangot ako. Kailangang walang makakilala sa akin bilang isang Samonte? This sucks! Ano ba kasi ang ginagawa ni Kuya? Hindi naman siguro siya nambababae lang? May pa-disappearing act pa kasing nalalaman! Natigilan ako. Biglang may kalokohang pumasok sa isip ko kaya napangisi ako. Aha! I have a bright idea!


~~~


Naka-shades ako habang naglalakad sa loob ng mall. Kailangan kong bumili ng damit para sa nerd attire ko. Ano ba'ng isinusuot ng isang nerd? Dapat ba talaga pangmanang? Napasimangot ako pero trip kong maging isang sexy nerd. Ayokong magpakamanang! Hindi ko kakayanin!


Pumunta ako sa tindahan ng mga eyeglasses. Syempre, walang grado ang kailangan ko. Malinaw pa naman ang mga mata ko. Pumili ako ng medyo malaki at makapal. Iniisip ko kung magpapa-brace pa ba ako ng ngipin kaso parang sobrang pangit naman kaya huwag na lang.


Bumili ako sa accessories shop ng pang-ponytail sa buhok ko. Pagkatapos, pumunta na ako sa isang boutique. Pumili ako ng damit na pang-nerd na medyo sexy ang dating. Three sets lang ang binili ko. Saka na ako bibili ng marami pagbalik ko sa Pilipinas.


Tinanong ko ang saleslady kung pwede akong magpalit sa dressing room pagkatapos kong magbayad. Pumayag naman siya. Sinuot ko na ang nerd attire. Long sleeve white shirt ang suot ko na may nakaprint pang puso sa gitna. Medyo maikli ang skirt ko na above the knee. Then, I wear long white socks, and black doll shoes. Gusto kong malaman kung magiging kumportable ako sa ganitong get-up.


Ang sexy ko kaso sumabit ang itsura ng mukha ko. Makapal na eyeglasses at naka-braid ang magkabilang side ng buhok ko. Siguro inip na inip na ang sales lady dahil sobrang tagal ko sa loob ng fitting room. Baka iniisip na niyang may milagro akong ginagawa rito.


Lumabas na ako matapos kong tingnan ang sarili sa salamin. Medyo nagulat pa ang saleslady sa itsura ko. Ngumiti ako sa kanya nang matamis bago ako umalis dala ang mga pinamili ko. What should I do next? Mukhang maayos na naman ang nerdy get up ko.


Naglakad-lakad ako sa mall. Medyo maraming napapatingin at napapalingon sa 'kin. Tinitingnan ko lang sila nang masama. Konti na lang sabihin ko na 'Stop Staring! I know, I'm sexy! I'm a sexy nerd'. Ang kapal talaga ng pagmumukha ko. I grinned.


Naisipan kong dumaan sa isang coffee shop. Napa-wow pa ako pagpasok ko sa loob ng isang coffee shop. Ang cute kasi ng settings at ambiance. Parang nasa loob ako ng isang barbie house. Amazing!


Habang nagkakape, napatingin ako sa labas ng glasswall. I saw two men walking. Palabas na sila ng mall at madadaanan nila ako. Nakaharap ako sa direksiyon nila. Gwapo at malakas ang dating nila. Napapansin ko ang ilang babae na pasimpleng lumilingon sa kanina. Humalumbaba ako habang nakasunod ang tingin sa kanila. Medyo rugged ang dating ng isa but he's still attractive. Seryoso ang mukha niya at parang hindi marunong ngumiti. Matikas din ang pangangatawan niya. Tiyak na malakas siya. O baka naman alaga lang sa gym? Hey! Did I just check and compliment a guy? Erase! Erase! Napailing ako sa iniisip. Napaso pa ang dila ko dahil sa biglaang pag-inom ko ng kape. Napangiwi ako sa sakit. I stuck my tounge out.


Tumingin sa direksiyon ko ang lalaking tinitingnan ko. Bigla kong itinikom ang bibig ko pero hindi ako nagbawi ng tingin. Wala akong balak ma-intimidate sa presensiya niya. Nakalampas na sila sa coffee shop kaya hindi rin nagtagal ang pagtitig namin sa isa't isa. Makalipas ang ilang minuto, umalis na rin ako sa coffee shop. Papunta na ako sa parking lot. Tumingin ako sa relo ko. Hapon na pala. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagsa-shopping.


KIRA


Paalis na kami sa mall. Kasama ko si Vince na pinsan ko. Magkapatid ang ama ko at ina niya. Fuentebella ako samantalang siya ay Navarro. Kailangan niyang bumili ng pasalubong para sa ate niya. Kung hindi siya makabibili, patay siya pagbalik sa Pilipinas. Alam ng ate niya na nasa Japan siya.


Nakakatakot pa naman si Ate Roxanne kapag nagagalit. Para siyang dragon na bubuga ng apoy. Wala akong nagawa kundi sumama dahil kukulitin ako ni Vince. Pauwi na kami. Mabuti na lang madali niyang nahanap ang gusto ng ate niya.


"Nakakaasar naman si Ate Roxanne," reklamo ni Vince. Kung hindi siya umamin kay Ate Roxanne kung saan siya pupunta, hindi sana ito magpapabili ng kung ano-ano.


"Bakit mo pa kasi sinabing pupunta ka sa Japan," inis na tanong ko sa kanya.


"Naabutan kasi niya akong paalis sa condo ko. Ang hirap magsinungaling sa kanya. Tiyak na aalamin niya kung totoo ang sinabi ko. Kapag nalaman niyang nagsinungaling ako, baka i-hold niya ang passport ko," sabi niya. Napakamot pa siya sa ulo. I sighed.


Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Napalingon ako sa coffee shop na madadaanan namin. I saw a nerd looking at me. The heck! Sa dinami-dami naman ng magkakainteres sa 'kin, nerd pa?


Nagtama ang mga paningin namin. Halatang wala siyang balak magbawi ng tingin. Umangat ang sulok ng labi ko. Hindi ba siya naiilang sa 'kin? Nakalampas na kami sa coffee shop kaya inalis ko na siya sa isip ko. Nakarating na kami sa parking lot. Nauna na si Vince sa kotse.


"Shit, insan!" sigaw ni Vince. Hinampas pa niya ang hood ng kotse dahil sa inis. Napakunot ang noo ko.


"Why?" pasigaw kong tanong. Malayo pa ako sa kanya.


"Flat ang gulong. Mukhang sinadyang butasin!" inis na sagot ni Vince habang sinisipat ang gulong ng kotse. Bigla akong sumeryoso. Sino naman ang may kagagawan nito? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghanap ako ng kahina-hinalang tao na maaaring gumawa nito.


"May dala ka bang reserba?" tanong ko nang lingunin ko siya. Mangilan-ngilan lang ang tao sa parking lot. Wala akong napansing kahina-hinala. Napakamot sa ulo niya si Vince, sabay iling. Napailing na rin ako. Naglakad ako palapit sa unahan ng kotse para tingnan ang flat na gulong. Pero bago ko pa magawa 'yon, naramdaman kong may humampas nang malakas sa likod ko. Napangiwi ako at napaluhod ako sa semento.


"Pinsan!" gulat na sigaw ni Vince pero may dalawang lalaking sumulpot sa magkabilang gilid niya at marahas siyang hinawakan. Maraming lalaki ang nagsilabasan at pinalibutan kami. Sa tingin ko may sampu sila. I scowled. Malakas lang ang loob nila dahil marami sila. Ang lalaking nasa likod ko ay may hawak na bat. Tiningnan ko kung maayos lang si Vince. Naintindihan naman ni Vince ang ibig kong iparating kaya pasimpleng tumango siya sa akin.


Alam kong hahampasin na ulit ako ng lalaki. Muli na nitong itinaas ang bat na hawak. Tumayo ako para pigilan at suntukin ito pero may pumigil sa 'kin. May pakialamerang dumating. Napatitig ako sa kamao kong hawak ng isang kamay niya. At the same time, she's also holding the bat on her other hand.


LEE


Malapit na ako sa kotse ko. Hindi sinasadyang napalingon ako sa dulo ng parking lot. Nakita ko ang lalaking nakita ko sa mall kanina. Pareho silang nakakunot-noo at tila may problema. Inilagay ko sa kotse ang mga pinamili ko. Lalapitan ko sana sila para tanungin kung ano ang problema pero napasinghap ako nang may humampas sa likod ni Mr. Rugged-look. Napaluhod siya sa semento.


Napansin kong marami pang lalaki ang nakatago sa kalapit na kotse. Ang iba sa kanila ay nagsibabaan sa kotse nila at pinalibutan ang dalawang lalaki. Mabibilis at pulido ang mga kilos ng mga ito kaya hindi namalayan ng dalawa. I think those men don't know the phrase fight fair and square. They're not a man after all.


Akmang hahampasin ulit ng pangit na lalaki si Mr. Rugged-look kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanila para pigilan ito. Nahawakan ko ng isang kamay ang bat na ihahampas sana kay Mr. Rugged-look. Samantala, naramdaman ko naman na haharap na si Mr. Rugged-look para sumuntok kaya mabilis kong nahawakan ang kamao niya. Kailangan kong gawin 'yon. Kung hindi ako ang matatamaan 'pag nagkataon. Wala akong balak magasgasan ang maganda kong mukha.


"Easy, Mr Rugged-look. Huwag masyadong mainit," sabi ko sa kanya habang nakangiti. I'm speaking in Japanese. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ko. He's so cute. Naintindihan niya kaya ang sinasabi ko? Hindi gaanong singkit ang mga mata niya. Mas mukha siyang Pilipino sa itsura niya. Saka pamilyar ang mukha niya sa 'kin. I think, I already saw him somewhere. Hindi ko lang maalala.


"Miss, huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay," sabi ng lalaking mukhang baboy sa wikang nihonggo. Tinitigan ko siya nang masama. Hindi ko siya pinansin. Muli akong tumingin kay Mr. Rugged-look, binitawan ko na ang kamao niya.


"Hindi ako ang kalaban. Tumingin ka sa likod mo," sabi ko. Nag-tagalog ako. Gusto kong malaman kung tama ang hinala ko na Pilipino siya. Napakunot-noo siya pero tumalikod din sa 'kin. Pilipino nga siya. Mabuti naman. Tumalikod din ako sa kanya. Binitiwan ko na ang bat na kanina ko pang hawak dahil pilit itong inaagaw sa 'kin ng lalaking kaharap ko. Halatang papatulan na rin ako ng mga mukhang goons na ito kaya napaatras ako. Napasandal ako sa likod ni Mr. Rugged-Look. Parang gusto kong kiligin. Ang bango niya pero hindi ito ang oras para sa kalandian ko. I heard him hiss.


"Hindi ka na sana nakialam," inis na sabi ni Mr. Rugged-look. Ang suplado naman niya. Nawala na tuloy ang kilig na naramdaman ko. Hindi ako nagsalita pero napalabi ako.


"Huwag kang gagalaw sa kinatatayuan mo. Kami na ni Vince ang bahala sa kanila. You will just get in our way. Ayaw ko pa naman ng sagabal sa laban ko," seryosong sabi niya. Akala ko pa naman maganda ang sasabihin niya. Babalik na sana ang kilig ko. Kainis!


"Ayaw ko rin ng sagabal sa laban ko. So please avoid for our paths to cross. Baka ikaw pa ang masuntok ko," nang-aasar na sabi ko sa kanya. He hissed.


"Tapos na ba kayong magpaalam sa isa't isa? Sana hindi ka na lang nakialam, Miss. Sayang ang katawan mo," sabi ng pangit na lalaki na mukhang ipinaglihi sa suka ang mukha. Nagtaka pa ako dahil Pilipino rin ang mga goons na kalaban namin.


"Pervert!" inis na bulong ko. Ibig sabihin katawan lang ang maganda sa 'kin? Ang sarap niyang ipakain nang buhay sa buwaya o kaya ipalapa sa tigre. Tumawa nang malakas ang pangit na lalaki dahil narinig niya ang sinabi ko.


"Maganda nga ang katawan mo pero hindi ako pumapatol sa pangit na nerd!" sabi pa nito. Did I just hear pangit na nerd? Ang lakas ng loob niyang inisin ako! Sisiguraduhin kong mabubura ang pagmumukha niya sa kabuuan ng Japan. Pinapainit niya ang ulo ko! Narinig kong tumawa nang mahina si Mr. Rugged-look. Was he mocking me? Siya na kaya ang unahin ko?


"Kung pangit ako, ano na lang kaya ang tawag sayo? Cute pa nga ang alaga kong aso. Wala ka pa nga sa pwet nu'n eh," nakangising sabi ko. Nag-init ang mukha ng pangit na lalaki. Sumenyas siya sa mga kasama niya. Inutusan niya ang mga ito na sugudin kami. Nagsimula na silang kumilos. Napansin kong nakawala na ang kasama ni Mr. Rugged-look sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaki. Nakatikim na agad ang mga kalaban nito ng sunud-sunod na suntok kaya napaurong ang mga ito. Three versus Ten, huh?


Ngayon na yata ang huling araw na makikipag-away ako sa Japan. Napangisi ako. It's showtime! Umalis na ako sa pagkakasandal kay Mr. Rugged-look. Nawiwili na kasi ako. Nagsimula na akong suntukin at sipain ang dalawang lalaki na sumugod sa akin. Malakas na suntok sa mukha at sipa sa tiyan ang inabot nila sa 'kin. Pulido ang bawat galaw ko. Sanay na sanay akong makipaglaban. Napangiwi sila sa ginawa ko. Muli kong sinuntok nang malakas sa tiyan ang isa dahil mukhang wala itong balak sumuko. Napa-igik ito at halos sumuka dahil sa ginawa ko. Tumayo naman sa pagkakahandusay ang lalaking sinipa ko kanina. Napansin ko na magaling din sa pakikipaglaban si Mr. Rugged-look at ang kasama niya. Pinatulog ko na ang mga goons na sumugod sa akin dahil naiinip na ako sa walang saysay na pag-atake nila. Wala akong balak mapagod. They're just a waste of energy. Tatlo na lang ang natira sa sampu. Ibig sabihin, one-on-one fight na 'to.


KIRA


Mabuti na lang hindi ako binibigyan ng problema ng nerd na pakialamera. Mukhang sanay na sanay siyang makipaglaban. Tatlo na lang ang natitira sa mga lalaki. Ang iba sa kanilang kasama ay wala ng malay. May hawak na kutsilyo ang napatapat kay Vince. Samantala, napunta kay nerd ang may hawak ng bat.


Ang kalaban ko naman ay naglabas din ng kutsilyo at nakangisi pa. Nagulat ako nang biglang tumalon si nerd sa hood ng kotse para ilagan ang atake ng kalaban niya. Sinipa pa niya nang malakas sa mukha ang lalaking kalaban niya. Babae ba talaga siya? Tumalsik palayo ang lalaki. Napahiga pa ito sa sahig. Kumunot ang noo ko. Ganoon kalakas ang sipa niya? Umupo naman si nerd sa hood ng kotse habang nakangising nakatingin sa kalaban niya. I scowled. Kawawa ang kotse ko dahil sa ginagawa niya.


Sasaksakin na sana ako ng lalaking kaharap ko pero nahawakan ko ang kanyang pulsuhan. Idiniin ko ang paghawak sa pulso niya hanggang sa tuluyan na niyang mabitawan ang kutsilyo. Sinuntok ko siya nang malakas sa mukha. Napadaing ito sa sakit. Nagkaroon siya ng maliit na hiwa sa mukha. Kung susuntukin ko siya nang sunod-sunod, tiyak mamamaga ang mukha niya.


Napansin kong nanonood sa 'min si nerd. I sighed. Hinampas ko nang malakas ang batok ng lalaking kalaban ko kaya napatulog ko ito. Nilingon ko si Vince. Tapos na rin siya sa kalaban niya. Nakahandusay na ito sa sahig. May maliit na sugat ito sa hita at wala ng malay.


Tiningnan ko naman si nerd. Nakatingin lang siya sa 'kin. Hindi niya napapansin na hahampasin na siya ng lalaking pinatumba niya kanina. Magsasalita sana ako para balaan siya pero bumaba na siya sa hood ng kotse ko. Umiwas siya sa atake ng lalaki. Napangiwi ako nang malakas na hampasin ng lalaki ang hood ng kotse ko. Medyo na-deform 'yon.


Hinarap ni nerd ang lalaki at sinipa ito sa ari. Napangiwi ako sa ginawa niya. Sobrang nasaktan ang lalaki kaya namilipit ito sa sahig. May pagka-sadista pala ang nerd na 'to. Very unusual. Akala ko sa libro lang magagaling ang mga nerd. I frowned. Lumapit si nerd sa lalaki.


"Kayo ba ang bumutas sa gulong nila?" tanong niya sa lalaki. Napansin din pala niya. Lumapit kami ni Vince sa kanila. Namimilipit pa rin ang lalaki sa sakit.


"May reserba ba kayong gulong?" tanong ni nerd kay Vince. Umiling si Vince.


"Kayo? May reserbang gulong sa kotse ninyo?" nananakot na tanong ni nerd sa lalaki. Halatang naapektuhan ang lalaki sa nakakamatay na titig ni nerd. Tumango ito. Pinanood ko lang si nerd. May nilapitan siyang walang malay na lalaki. Kinapkapan niya ito. May dinukot siya sa bulsa nito. Pumunta siya sa pangatlong kotse at may kinuha sa likod ng kotse. Inilabas niya ang isang gulong. Napakunot-noo ako. Paano niya nalaman na pagmamay-ari ng lalaki ang kotse na 'yon?


"Here. Palitan na ninyo ang gulong. Make it fast. Mukhang natunugan na ng mga guards ang nangyayari rito," sabi ni nerd. Ihinagis niya ang susi sa lalaking kinapkapan niya. Naglakad na siya palayo.


"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong ko. Nakangiting humarap si nerd sa 'kin.


"Bakit? Sasama ka?" nang-aasar na tanong niya. Insane girl. She's flirting with the wrong guy.


"No. Huwag kang mag-ilusyon," I coldly said. Kinuha ko na ang gulong at ibinigay kay Vince. Baka maabutan pa kami ng mga guards dito. She pouted. Nagsimula na si Vince sa pagpapalit ng gulong.


"Wala man lang bang thank you diyan?" she asked.


"Bakit? Hiningi ko ba ang tulong mo?" I scowled.


Napailing si Vince na nakikinig sa 'min. Napansin kong nakatingin lang si Nerd sa 'kin. What was she thinking? Nababaliw na ba siya?


LEE


Hindi ko alam pero parang may kakaiba kay Mr. Rugged-look. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. He's handsome and I admit he's kinda hot but he's so cold. Mukhang hindi siya marunong ngumiti. Siguro, na-bully siya noong bata o baka hindi nakaranas ng pagmamahal ng isang magulang? Kawawa naman.


"Stop staring," he irritatedly said.


Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nai-intimidate ba siya sa pagtitig ko? Napangisi ako. May naisip akong kalokohan. Lumapit ako sa kanya. Malapit na malapit at tinititigan siya. Hindi naman siya umalis sa kinatatayuan at nakatingin lang din sa 'kin. Medyo matangkad pala siya. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya.


I touched his face. Aalisin sana niya ang kamay ko pero mabilis ko siyang pinigilan gamit ang isa ko pang kamay. Ngumiti ako nang nakakaloko.


"Mr Rugged-look, gwapo ka sana but you're such a cold guy. Gusto mo bang ibalik ko ang emotions mo?" nang-aasar na tanong ko. Tumawa ako nang mahina. Sumimangot siya at tiningnan ako nang masama. Magsasalita pa sana siya kaso ipinatong ko ang index finger ko sa labi niya. Mababaliw yata ako sa ginagawa ko.


"Shhhh. Huwag kang magmadali. When our paths crossed again, we will have a game to bring your emotions back. And be ready to play it with me," I said. I smiled sweetly at him. Dali-dali akong tumalikod at umalis. Baka kasi hindi ko na kayanin at mapagtripan kong halikan pa siya.


"Bitch!" mariing sabi niya.


Yeah. I think I'm really a bitch and I'm enjoying it.


***


Nakauwi na ako sa bahay. I can still feel the softness of his lips on my finger. Ang bango-bango pa niya.Sumimangot ako. Ano ba'ng nangyayari sa utak ko? Napupuno na yata ng hangin. Isa na ba 'to sa mga senyales ng pagiging pervert? No!


Kailangan kong alisin 'to sa utak ko. Nagsimula na akong ayusin ang mga dadalhin ko para sa pagbalik ko sa Pilipinas. Bukas na lang ako maglilibot sa Japan. The day after tomorrow pa naman ang flight ko. Naisip ko bigla si Mr. Rugged-Look.


"Goodbye, Mr. Rugged-Look. I think our roads will never cross again," bulong ko sa hangin. Malungkot akong napangiti.


KIRA


Nakasakay na kami sa kotse bago pa dumating ang guard. Naiiling ako dahil sa na-deform na hood ng kotse ko. Agad na pinatakbo ni Vince ang sasakyan. Mukhang mga alaga ni Spencer ang nakalaban namin. I gritted my teeth. Humanda siya pagbalik niya sa Pilipinas. Hindi ko mapapalampas ang mga atraso niya.


"Whoah! What a strong-willed woman! Mukhang nakita mo na ang katapat mo," sabi ni Vince habang tumatawa nang mahina. Napailing ako.


"I don't think so," mahinang sabi ko habang malayo ang tingin sa labas ng sasakyan. Katapat? Isang nerd na kagaya niya lang? Napatingin ako sa reflection ko sa bintana ng sasakyan. Napansin ko ang pisngi ko na hinawakan ni nerd. Dapat hindi ko siya hinayaan sa ginawa niya.


She just touched the face of the leader of the Red Serpent Gang. One of the strongest gangs in Asia. Kaya ko namang alisin ang kamay niya pero bakit hindi ko ginawa?


Maybe because of her scent? Iba ang naramdaman ko nang ipatong niya ang index finger niya sa labi ko. Naiinis ako dahil hinayaan ko lang siya! Damn! Bigla kong sinuntok ang bintana ng kotse gamit ang likod ng kamay ko. Nagulat si Vince. Lumingon siya sa 'kin.


"May problema ba, insan?" nag-aalalang tanong ni Vince


"Don't mind me. Keep your eyes on the road," seryosong sabi ko.


Nagkibit-balikat siya. Hindi na kami nag-usap pa habang nasa biyahe. Uuwi na kami bukas sa Pilipinas. Kailangan kong mag-focus sa mas mahahalagang bagay.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com