Chapter 10: BLACK PHANTOM vs. COBRA
KIRA
Lumapit si Kevin sa underlings namin. Pinulsuhan niya ang mga ito. Nagsimula na sina Kent sa paghahanap sa taong nag-set up nito. Hindi nila alam kung nandito pa ang taong 'yon. Sinenyasan ako ni Kevin na buhay pa ang mga underlings ko.
"Kamusta sila?" tanong ni Justin.
"No worries. Buhay sila. Wala akong nakitang physical injuries," sagot ni Kevin.
I looked intently at Black Phantom I know, everybody's interested in the girl behind the mask. It's time to unleash her secrets. Umakyat sa second floor sina Vince, Enanz at Kent. They started to check the whole place. Maraming kahon sa paligid at nakakalat na gamit. Abandonado na ang lugar. Kinakalawang na ang mga bakal at railings sa itaas. Nagsimula na akong kumilos. Hindi na ako dapat mag-aksaya ng panahon. Oras na para maningil.
LEE
I think this is my unlucky day! Anger is visible in his eyes. That's the same eyes I saw, four years ago. Those sharp eyes has the intention to take somebody's life because of anger and revenge. Because of loathe. Pakiramdam ko tumatagos ang tingin niya sa kaibuturan ko. He's scary. Naalala ko kung paano niya ako sinakal noon. He won't listen to reasons anymore. That time, I can't even move. I lost the will to fight back then. I know, it's my fault. Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa naalala. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nagsimula na siyang lumapit sa akin. Napaatras ako. He grinned like a devil. I can't fight. Not with him. Siguro kung hindi ko siya kilala, baka kaya ko! I'm afraid to reveal my secrets. Napatulog siya ni Rex kaya ako nakatakas noon. And that's the biggest mistake of my life. I'm a coward for running away!
"Oras na ng paniningil, Black Phantom. I'll take your life as payment for your debt," he seriously said. Natatakot akong magsalita. Baka makilala niya ako. Pero siguro hindi na niya maiisip na i-analyze ang boses ko. Si Black Phantom ang kaharap niya. There's no logic left in his mind for him to think clearly.
"Sorry, Cobra. I can't give you my life for now," sagot ko. Hangga't hindi pa dumadating si Kuya Aldrin, hindi ko pwedeng isuko ang buhay ko. Kahit pa nasa kanya na ang puso ko.
"I'm not asking your permission. I will take it by force," he glared. Dalawang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Nagsukatan kami ng tingin. Nagulat ako sa malakas na lagabog sa itaas. Nakita ko si Vince na nakakapit sa railings. Mahuhulog siya kapag nakabitaw siya. Agad siyang tinulungan ni Kent. May isang tao na nakasuot ng mask. Mahaba ang buhok niya. I can't recognize her. She ran away. Pumasok siya sa isang kwarto. May narinig akong nabasag na mga salamin. Tiyak na naglalaban na sila.
KIRA
This is odd. Pakiramdam ko, pamilyar sa akin si Black Phantom. Her body built and voice. Parang kilalang kilala ko. Hindi ko maalala. Matindi ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Imposibleng kilala ko siya. Guni-guni ko lang siguro ito. I can see that she's worried. Naagaw ang pansin ko sa ingay sa itaas. Mukhang nakita na nina Vince ang hinahanap. Tinulungan siya ni Kent dahil mahuhulog siya. Hindi ko na kailangang mag-alala sa kanila. They can take care of themselves. Na-distract din si Black Phantom. I used that chance to attack. Agad akong sumugod sa kanya. Naalerto siya. Sunod-sunod ko siyang sinuntok. I'm aiming for her mask. Kailangan kong malaman kung sino siya. Umiilag lang siya. Why not fight back? Tumigil ako sa pagsuntok. She's relieved. She really doesn't intend to fight. Minamaliit ba niya ako? I gritted my teeth.
"Why?" bigla kong nasabi.
"I don't get your question," she said.
"Why don't you fight back!" I shouted, furiously. Nagpakawala ako nang malakas na suntok na dumaplis sa mukha niya. She gave me a weak smile.
"I just don't have the reason to fight," she said.
"I intended to kill you! Hindi pa ba magandang rason 'yon?" galit na sabi ko sa kanya. Muli ko siyang sinuntok pero napigilan niya ang kamay ko.
"No. Pero hindi ko balak isuko ang buhay ko. Maybe someday but not now," sagot niya. "But if you really want to fight that bad, I'll give you what you want. Para hindi masaktan ang ego mo," dagdag niya. Mas lalong tumindi ang galit ko.
"You'll regret this," galit na sabi ko.
"I already did, Cobra," malungkot na sabi niya. I can feel her sadness. Why? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Parang ayaw kong marinig ang malungkot na tinig niya. Damn! Ano ba ang nangyayari sa 'kin?
I kicked her. Hindi siya umilag. Natamaan siya at napaurong. Halos matumba siya. Alam kong kaya niyang iwasan 'yon pero bakit hindi niya ginawa? Naiinis na ako sa kanya. Hindi niya ipinahalatang nasaktan siya. She kicked me on my left side but I dodged it with another kick. Napilitan siyang ibaba ang paa. Siya naman ngayon ang sumusugod.
Sinuntok niya ako pero nailagan ko. Nagulat ako sa sunod niyang suntok. Muntik ko na itong hindi maiwasan. Dumaplis sa pisngi ko ang suntok niya. I grinned. The real fight will start now.
LEE
Nakakita ako ng pagkakataon para masuntok si Kira. Alam kong lalo lang siyang magagalit. Pero mas magagalit siya kung hindi ako lalaban nang seryoso. Nadaplisan ko siya sa pisngi. He grinned. He's more determined now.
I kicked him. Nahawakan niya ang paa ko. Mabilis ko itong binawi. Mas seryoso na siya ngayon. Sumeryoso na rin ako. Gusto ko pang makatakas ng buhay rito. Malapit lang kami sa exit ng warehouse. Should I run, now? Birthday pa naman niya bukas. Sayang kung masisira ko ang mukha niya.
Bigla siyang sumugod ng sunod-sunod na suntok at sipa. I dodged his kicks using my arms. Nadaplisan ako sa mukha ng isa sa mga suntok niya. Damn! Tumama ito sa mask ko. Sana hindi matanggal ang pagkakatali nito sa ulo ko. Napaurong ako nang maglabas ng dalawang maliit na kutsilyo si Kira. Shit! Wala na talaga siyang balak buhayin pa ako. Nilalaro niya ang mga kutsilyo sa dalawang kamay.
"Kailangan ko ng maningil. Buhay ang inutang mo kaya buhay rin ang kabayaran," he said angrily.
Wala na akong magagawa. I need to run for my life. Alam kong kaya ko siyang labanan. I grabbed my weapons but I don't want to hurt him anymore. Nagdalawang-isip akong kalabanin siya. Tumakbo ako palayo sa kanya. I need to get out of here. Hindi niya inasahan ang desisyon ko.
Malapit na akong makalabas pero naramdaman ko ang pagdaplis ng dalawang kutsilyo sa magkabilang gilid ng ulo ko. Bumaon ang mga kutsilyo sa pader. Napatigil ako. Ganu'n kalakas ang pagbato niya? Nanlamig ang buo kong katawan. Kung natamaan ako sa ulo, baka patay na ako ngayon. Naramdaman ko na naputol ang ilang hibla ng buhok ko. Kasabay nu'n ang pagkaputol ng tali ng mask ko. Nalaglag ito sa sahig. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Damn! I can't move but I know I have to!
KIRA
Nalaglag ang mask niya sa sahig. Oras na para malaman ko kung sino siya. Nakita kong napatayo sina Kevin sa isang sulok. Interesado rin silang malaman kung sino si Black Phantom. Malayo na si Black Phantom sa akin. Malapit na siya sa exit.
Naglakad ako palapit sa kanya. Kinuha niya ang mask niya. She started to run again. Damn her! Hanggang kailan ba siya tatakbo? Kinuha ko ang baril ko sa baywang at hinabol ko siya. Malayo na siya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang iputok ang baril sa kanya. Natamaan siya sa kaliwang balikat. Bumagal ang pagtakbo niya. Nagmadali ako sa paghabol sa kanya. I need to see her face and kill her. Sumunod sa 'kin sina Justin at Kevin.
LEE
Muntik na akong matumba. Bumaon ang bala sa kaliwang balikat ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Nahawakan ko ang parteng natamaan ng bala. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula roon. Pilit akong tumakbo. Bumagal ako. Hindi na ako nakasuot ng maskara. Hindi na ako pwedeng lumaban kay Kira. Alam kong malapit na niya akong abutan. Malapit na rin ako sa kotse ko. Shit!
Kung pwede lang humiling na sana may magligtas sa akin ngayon, nagawa ko na. Nanghihina na ako. Madilim ang lugar kung saan ako tumatakbo. Bahagyang lumingon ako kay Kira. Alam kong hindi niya maaaninag ang mukha ko. Nakita ko na itinutok niya sa 'kin ang baril na hawak niya. Kailangan kong gumawa ng paraan kundi baka paglamayan na ako bukas. Kinuha ko ang baril na nasa gilid ng hita ko. Handa na akong magpaputok sa kanya. Handa na akong lumaban. Titiyakin kong hindi pa rito matatapos ang buhay ko.
KIRA
Ipuputok ko na sana ang baril pero bigla akong may narinig na ingay. Isang babaeng naka-motor ang biglang sumulpot sa kung saan. She's wearing a mask. Naglabas siya ng baril at itinutok niya ito sa 'min nina Kevin.
"Dapa!" sigaw ko sa mga kasama ko. Nagkanya-kanya kami ng ilag sa mga bala. Nagpaputok ng sunod-sunod ang babae. Makalipas ang ilang segundo nang pagpapaputok, tumigil siya ng ilang segundo saka nagmamadaling umalis.
Walang natamaan sa amin. Mukhang wala talaga siyang balak na patamaan kami. Nanakot lang siya. I looked around. I can't see Black Phantom anywhere. Wala na rin ang kotse niya. Damn! Nakatakas siya!
"Who's that?" takang tanong ni Kevin.
"Hindi ko kilala. Ngayon ko lang nakita ang mask na suot niya. I think, she don't belong to our District. Hindi ako sigurado," sagot ko. Bakit siya nakialam? She even helped Black Phantom. Baka naman nag-disguise lang siya para hindi ko makilala? But no! Lahat ng mask ay ipinaparehistro kay Flash. Leaders lang ang nagsusuot nito at ang tatlong Phantom.
"Another mysterious character, huh?" sabi ni Enanz na nakalapit na pala sa 'min.
"Ano'ng nangyari sa kalaban ninyo?" tanong ko. Napansin kong sugatan sina Vince. Nagkibit-balikat si Kent.
"Nakatakas. I still have something to confirm about her. I'll report next week," sagot ni Kent. I sighed. I have no choice but to wait. Lumalalim na ang gabi.
"Umuwi na tayo," sabi ko. Naglakad na kami papunta sa kanya-kanyang kotse. Hindi na umimik sina Vince. Alam nilang dismayado ako ngayong gabi. Magkikita rin kami ni Black Phantom sa susunod. Kapag dumating ang oras na iyon, hindi ko na siya bubuhayin pa.
LEE
Nagulat ako sa babaeng nakamotor na nagpaulan ng bala kina Kira. Hindi ko siya kilala pero nagpapasalamat ako sa ginawa niya. Nakatakas ako dahil sa kanya. Marami ng nawalang dugo sa akin pero nagawa ko pa ring magmaneho.
Pumunta ako sa bahay ni Alexia. Alam niya kung paano aalisin ang bala. Nag-doorbell ako nang sunod-sunod. Napasandal ako sa gate dahil sa panghihina. Habol ko na ang hininga. Mabuti naman lumabas agad si Alexia. Nagulat siya at napasigaw sa itsura ko. Duguan ang itaas na bahagi ng katawan ko.
"What happened?" tanong niya agad. Napapikit ako dahil pakiramdam ko mabibingi ako sa kanya.
"Ang ingay mo. Baka magising ang mga kapitbahay," nanghihinang sabi ko. Inalalayan niya akong makapasok sa loob.
"Ano nga kasing nangyari? I'm just worried, okay?" Hindi niya malaman ang gagawin sa 'kin. Sinimulan na niyang alisin ang damit ko. Nakagat ko ang labi dahil masakit ang sugat ko. Ihiniga niya ako sa guestroom. Pinadapa niya ako.
"Kung worried ka, simulan mo nang tanggalin ang bala sa katawan ko. Malapit na akong mamatay sa pagtatanong mo," nagbibirong sabi ko. Mamaya na raw niya ipapasok ang kotse ko sa garahe. Kinuha niya ang mga gamit niya. May tinawagan din siya dahil kailangan kong masalinan ng dugo. She's been trained by her father. Wala naman siyang balak maging doctor kaya hindi 'yon ang kinuha niyang kurso. Kahit ganu'n hindi pa rin sumusuko si Tito sa kanya. Nagsuot siya ng gloves.
"Ano ba talagang nangyari? Bakit may tama ka ng bala?" tanong niya habang kumukuha ng anaesthesia. Sinabi kong nabaril ako ni Kira.
"What?" gulat na gulat na react niya. I sighed hindi na ako nakapagpaliwanag. Unti-unti na rin akong inaantok nang turukan niya ako. Sana nakakapagpamanhid din ng puso ang anaesthesia para kahit papa'no maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"Kailangan mo na siyang iwasan Lee. Lalo lang gugulo ang sitwasyon ninyo," sabi niya. Pilit akong ngumiti. Paano ko gagawin 'yon? Mahal ko na siya.
"Alam mong magagalit siya kapag nalaman niya ang totoo. Lalo ka niyang kamumuhian," sabi pa ni Alexia. Masasaktan si Kira pero nasasaktan din naman ako. Paano ko ba siya iiwasan? Kaya ko ba? May tumulong luha sa mga mata ko. Bakit kasi siya pa?
"Alam kong nasasaktan ka Lee. Mahirap talagang iwasan ang taong mahal mo pero kailangan mong kayanin," malungkot na sabi niya. Ipinakagat niya sa akin ang isang maliit na towel. Sinimulan na niya ang pagtanggal ng bala sa likod ko. Napakagat ako nang mariin sa towel nang buhusan niya ng alcohol ang sugat ko. Nilinis niya ang sugat. Nasasaktan ako pero tiniis ko. Mas masakit pa rin ang nararamdaman ng puso ko. Paano ba ako mapapatawad ni Kira? Nakuha na ni Alexia ang bala sa likod ko. Nilinis niya ulit ang sugat. Sinimulan na niya itong tahiin. Binalot niya ng benda ang balikat ko. Dumating na rin ang dugong isasalin niya sa 'kin. Saglit akong pumikit habang sinasalinan niya ako ng dugo. Nahihilo ako.
"Magpahinga ka na. Maraming nawalang dugo sa 'yo. Siguradong lalagnatin ka mamaya lang," sabi niya.
"Salamat, Alexia. Sa bahay na ako matutulog. Pasensiya na sa abala, partner," mahinang sabi ko.
"Huwag ngang matigas ang ulo mo. Dito ka na magpahinga," sabi niya. Mahina akong tumawa. Hindi na rin niya ako napigilan kaya ihinatid niya ako. Kailangan pa raw niyang linisin ang bahay niya kaya umalis agad siya.
"Dadalawin kita bukas," sabi niya.
"Salamat, partner. Huwag kang masyadong mag-alala. Maayos na ako," nakangiting sabi ko. Halatang naiinis siya sa 'kin. Hindi ko naman siya masisisi. Hinang-hina ako habang nakahiga sa kama ko. Madaling araw na ako nakauwi. Dumapa ako sa kama. Nakita ko si Raylee. Bigla akong nalungkot. Kinuha ko siya at itinabi sa ulo ko.
"Baby Raylee, nainip ka ba sa paghihintay sa akin?" malungkot na sabi ko. May tumulong luha sa mga mata ko. Nakakainis naman ang mga luha ko! Basta-basta na lang tumutulo! "B-baby R-raylee..." Napaiyak na talaga ako.
"Hindi na yata kaya ni Mommy. Kailangan ko na ba talagang iwasan si Daddy?" Kaya ko ba?
"Birthday nga pala ng Daddy mo ngayon. Pupunta ba ako?" Napatingin ako sa invitation na nakapatong sa study table ko. Kailangan kong pumunta dahil binigyan niya ako ng invitation. I have to keep my words. Mamayang alas siyete pa ng gabi ang party. Pagod na pagod na ako kaya agad akong nakatulog. Sana maayos na lahat paggising ko pero alam kong imposible.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com