Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: His Birthday and Her Guilty Feelings


KIRA


Sunday. It's already nine in the morning when I woke up. Kanina pa nagri-ring ang phone ko. Ang daming messages na dumadating. Ang iba unknown numbers pa. Saan naman kaya nila kinuha ang number ko? Wala akong balak mag-reply sa kanila.


Ano ngayon kung birthday ko? Tumatawag si Ate Rhea kaya sinagot ko na. Baka kasi uminit pa ulo niya.


"Yes?" tanong ko.


"Ano'ng oras ka pupunta sa mansion?" tanong niya.


"Mamayang seven pa ang party. Masyado kang excited," reklamo ko.


"Watch your words, Kira. Gusto mong mabangasan sa birthday mo?" mataray na sabi niya.


"Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Binibiro lang kita. Alas singko ako pupunta diyan," sabi ko na lang. Mahirap na. Baka totohanin niya ang banta niya.


"Sige. Nandito na rin ang susuotin mo. Ako ang nag-design," excited na sabi niya. Napasimangot ako. Ginagawa talaga niya kung ano ang gusto niya. Hindi na inisip ang magiging opinyon ko.


"May magagawa ba ako?" reklamo ko.


"May sinasabi ka?" mataray na tanong niya.


"Sabi ko alam kong maganda ang design mo kaya walang problema sa 'kin," naiinis na sabi ko.


"Good. See you, little bro," sabi niya.


"Little bro? I'm not a child anymore," reklamo ko.


"20 ka pa lang. You're still not man enough. Kaya little bro pa rin!" natatawang sabi niya.


"Sige na. Bye," sabi ko na lang. Ang hirap kasing makipagtalo sa kanya.


"Ang sweet mo talagang kapatid. Wala man lang "I miss you, Ate" diyan?" nang-aasar na sabi niya.


"Fine. I miss you, Ate," naiinis na sabi ko. Tiyak na mag-aalburuto siya kapag hindi ko ginawa ang sinabi niya. Baka mabangasan pa niya ako.


"'yon! Miss you too, little bro. Happy Birthday," sweet na sabi niya. Kinilabutan ako. Pinatay ko na ang tawag. Bahala siya. Nag-browse ako ng mga messages. Lampas na ng one hundred ang bumati sa akin pero wala pa ring text mula kay Nerd. Naaasar ako. Ang aga-aga. Ano bang ginagawa ng babaeng 'yon? Nakalimutan kaya niya? Humanda siya sa akin! Sinisira niya talaga ang araw ko.


Nakakaasar na ang daming bumabati pero ang hinihintay ko namang bumati hindi man lang nagtetext. Inihulog ko ang cellphone ko sa sahig. Hindi naman ito masisira kaya ayos lang. Kung masira man, madali namang palitan. Humiga ulit ako sa kama. Sa halip na si Black Phantom ang isipin ko, si Nerd ang gumugulo sa isip ko. Namimiss ko siya. Hindi tuloy buo ang araw ko. Kahit text wala! Damn! Pupunta kaya siya sa party? Nakakaasar talaga ang babaeng 'yon! Bakit ko ba siya iniisip? Mukhang hindi naman niya ako naaalala. Ipinikit ko ang mga mata ko. Pinilit kong alisin siya sa isip.


LEE


Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko. Napaungol ako dahil sobrang sakit ng likod ko. Tinamaan nga pala ako ng bala kagabi. Tiningnan ko kung sino ang gumigising sa akin. Si Alexia pala.


"Bakit?" inaantok na tanong ko.


"Ano'ng bakit ka diyan? Pumunta ako rito para linisin ang sugat mo, babaeng pasaway," mataray na sabi niya. Napangiti ako. Mabuti may mabait akong kaibigan.


"Kumain ka na. Ipinagluto kita ng lugaw. Uminom ka na rin ng gamot sa lagnat pati para sa sugat mo," sabi niya.


"Lagnat?" takang tanong ko.


"Oo! Nilalagnat ka kaya," sabi niya.


Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Sobrang sakit talaga ng sugat ko. Feeling ko namamaga na nga ito. Ramdam ko na mainit nga ako. Ang sakit ng ulo ko. Natuyuan yata ako ng pawis. Tinulungan ako ni Alexia para makakain nang maayos. Ipinasok niya sa cabinet ang Black Phantom suit ko.


"Salamat partner, ha?" nakangiting sabi ko.


"No prob. Ipatingin mo na kaya ang sugat mo sa Doctor?" tanong niya.


"Huwag na. Nandiyan ka naman," mahinang tawa ko pero napangiwi dahil kumirot ang sugat ko.


"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan. Lilinisin ko na mamaya ang sugat mo," naiiling na sabi niya. Ngumiti ako. Ayaw ko sanang magpalinis dahil masakit pero wala akong magagawa. Makulit pa naman si Alexia.


Sinimulan na niya ang paglilinis sa sugat ko. Napapailing si partner.


"Kailangan mong magpa-derma kung ayaw mong magkapeklat," sabi niya.


"Patay ako sa manager ko kapag nakita niya 'yan. Mag-aalburuto siya. Buti na lang hindi ako fulltime model," nakangiwing sabi ko. Natawa sa 'kin si partner.


"Kapag magaling na saka ko ipapa-derma. Ano'ng oras na pala?" naalala kong itanong. Pupunta pa ako sa party ni Kira.


"Alas dos na. Bakit? May lakad ka ba?" takang tanong niya.


"Birthday ni Kira ngayon. Kailangan kong pumunta sa party niya," seryosong sabi ko. Natahimik siya. Alam kong ayaw niya sa gagawin ko.


"Makikipaglapit ka pa rin sa kanya kahit alam mong mali?" 'di makapaniwalang tanong niya.


"Ngayon na lang, partner. Birthday naman niya kaya pagbigyan mo na ako," sabi ko.


"Bahala ka nga sa buhay mo. Ayaw ko lang na magsisi ka sa gagawin mo," inis na sabi niya. Huli na para magsisi. Nagawa ko na. Lulubus-lubusin ko na lang. Kaunting oras pa. Magiging makasarili na muna ako.


"Tutulungan mo akong mag-ayos, 'di ba? Hindi ko kasi kaya dahil may sugat ako," I requested.


"Ano pa nga ba? Hindi kita maintindihan. Bakit kailangan mo pang pumunta sa birthday niya kahit nabaril ka na?" naiiling na sabi niya. Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa ginawa niya. Kasalanan ko rin naman.


"Ganu'n yata talaga kapag nagmamahal. Nabubulag at nagiging tanga. Hanggang ngayon na lang naman. Kahit pakiramdam ko hindi ko siya kayang iwasan," malungkot na sabi ko. Hindi na siya nagsalita. Naiintindihan naman niya ako. Ang sakit talaga na hindi kami pwede ni Kira.


KIRA


Nasa mansion na ako. Sobrang busy ng mga tao. Marami nang bumati sa akin. Tumatango lang ako sa kanila. Dumiretso ako sa kwarto ko. Alas singko na pero hindi pa rin nagtetext si Nerd. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya makontak. Ano ba ang nangyari sa babaeng 'yon? Nakakaasar na siya. May kumatok sa pinto.


"Pasok," sigaw ko. Si Ate Rhea ang pumasok.


"Why the long face, Kira? It's your birthday," sabi niya.


"Wala ako sa mood," sagot ko. Ibinagsak ko ang sarili sa kama.


"Anyway, ito ang suit mo. Bahala ka na, little bro," sabi niya.


"Sige," walang ganang tugon ko. Lumabas na siya. Tinatamad akong mag-party. Mukhang hindi darating si Nerd. Dito na lang ako sa loob ng kwarto ko. Tumitig ako sa kisame at sumimangot. She's dead tomorrow.


LEE


Inayusan ako ni partner. Halos alas siyete na kami natapos kaya nagmadali ako. Hindi ko na isinuot ang eyeglasses ko. Ipinag-drive ako ni partner papunta sa mansion nina Kira. I wear a plait-weaved sleeveless black dress. Above knee ito. Huli na nang maalala ko ang gift ko kaya hindi na namin binalikan.


"Sure ka ba na aattend ka? May lagnat ka pa. Mag-sorry ka na lang kaya bukas?" nag-aalalang sabi ni partner.


"Okay lang. Kaya ko naman. Malakas pa ako sa kalabaw!" pagbibiro ko. Biglang sumakit ang likod ko dahil sa pagtawa ko. Napangiwi ako.


"Halata ngang malakas ka pa sa kalabaw. Adik," inis na sabi ni partner. Hindi na ipinasok ni partner ang kotse niya sa bakuran ng mga Fuentebella. Sa labas ng gate siya nag-park.


"Mag-iingat ka, okay? Kung kailangan mo pa ng susundo sa'yo itext mo lang ako"


"Salamat, partner."


Pumasok na ako sa gate. Ipinakita ko sa guard ang invitation. Ang lawak ng bakuran nila. Kailangan ko pa tuloy maglakad. Hindi halata ang pamumutla ko dahil sa make up. Pero ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Mabuti na lang maganda pa rin ako kahit simple lang ang suot ko. Kaso nakalimutan ko naman ang gift ko kay Kira.


Pagpasok ko sa mansion, ang daming tao. Ano ba ang dapat kong asahan? Maraming napapatingin sa akin. May mga bisita na pumapasok sa Caiden pati ang Bulate Chix. Nilapitan nila ako.


"Look who's here?" mataray na sabi ni Tess. Hindi nila ako ma-bully sa loob ng campus kaya sa labas nila balak gawin? Nag-second the motion pa ang mga kasama niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanila. Sumasakit ang sugat ko sa effort nila.


"Excuse me. Hindi kayo ang ipinunta ko rito. Just get out of my way," napabuntong-hiningang sabi ko. Wala akong panahon sa kanila. Lalong sumasakit ang likod ko sa ginagawa nila. Gusto kasi nila akong patawanin.


"Ang tapang mo! Hindi porke't napapansin ka ni Kira pwede mo na kaming kaya-kayanin!" sabi ni Helen.


"Tama! Trip ka lang niyang paglaruan kasi napaka-exotic mo," sabi ni Kayla. Exotic? Pagkain ba ako o hayop? May biglang nagsalita sa likod nila.


"Move, girls. You're in my way," supladong sabi Kira. Halatang wala siya sa mood. Agad na umalis ang mga bulate chix. Lumapit sa akin si Kira.


KIRA


Napilitan akong bumaba dahil kay Ate Rhea. Babangasan daw niya ako kapag hindi ko siya sinunod. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Nerd. Kausap niya ang tatlong babae na nambu-bully sa kanya dati.


Nakatingin lang ako kay Nerd. She's gorgeous. Napapansin ko na maraming lalaki ang nakatingin sa kanya. I think they want to die inside our mansion. Bulagin ko kaya silang lahat? That girl is mine. Lumapit na ako sa kanila. Mukhang inaaway siya nina Tess.


"Move, girls. You're in my way," sabi ko. Agad silang umalis. Parang natakot. I sighed. Hindi umiimik si Nerd. Naaasar na ako. Hindi pa rin niya ako binabati.


"What? Wala ka bang sasabihin? You're late." I frowned.


"Sorry late ako," nakangiwi siya at nag-peace sign pa. Pero hindi naman 'yon ang tinutukoy ko! Ang slow naman ng babaeng ito. Nakakaasar na talaga siya. I hissed.


"Galit ka pa? Nag-sorry na nga ang tao," she pouted. She's cute. Nag-iwas ako ng tingin. Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Humabol naman siya.


LEE


Ano ba'ng problema niya? Kunot-noong sinundan ko siya.


"Hoy, Kira! Huwag ka ng magalit. Bukas ko na lang ibibigay ang gift ko. Nakalimutan ko kasing dalhin," sabi ko.


"Ang slow mo! Huwag mo nga akong kausapin. Sinisira mo araw ko," inis na sabi niya.


"Bakit ba kasi?" I pouted. Pinapahabol niya ako. Ang sakit na nga ng sugat ko. Hindi siya nagsalita. Problema niya? Sumusunod lang ako sa kanya. May nabangga akong babae. Natapon sa dress niya ang iniinom niya. Patay. Napangiwi ako dahil sumakit ang sugat ko.


"What the hell? Bulag ka ba?" galit na tanong ng babae.


"Naku, Sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry talaga," sabi ko. Pinunasan ko ng panyo ang damit niyang natapunan ng wine. Tinabig niya ang kamay ko. Ang sungit. Lumapit si Kira sa amin.


"Ate Rhea, pasensiya ka na. Si Lee nga pala. Lee si Ate Rhea, kapatid ko. Ako na ang bahala sa kanya, Ate," apologetic na sabi ni Kira. Nag-aalalang tumingin siya sa 'kin. Magkapatid sila? Kaya pala masungit.


"Bakit? Girlfriend mo ba 'yan?" tanong ni Rhea. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.


"You look familiar," sabi ni Rhea. Tinitigan ko siya. Shit! Ngayon ko lang siya namukhaan. Siya ang sikat na fashion designer! Isa pa naman ako sa mga models sa fashion show ng designs niya, last year. Sana hindi ako niya ako maalala. Matagal na naman 'yon.


"Ah, baka may kamukha lang ako. Pasensiya na talaga dahil nabangga kita," sabi ko sabay tungo. Inakbayan ako ni Kira. Napangiwi ako. Muntik na akong mapaaray. Nakagat ko ang labi ko at saglit na napapikit.


"Ate, pasensiya ka na sa girlfriend ko. Punta lang kami sa buffet table,"sabi niya. Hinila ako ni Kira palayo sa ate niya. I sighed in relief.


"Hindi ka kasi tumitingin sa daan," sabi ni Kira.


"Sorry naman. Ikaw kasi! Happy Birthday pala. Alam ko na kung kanino ka nagmana ng kasungitan," pang-aasar ko.


"Ngayon mo lang ako binati. Late ka na. Kanino naman ako nagmana?" takang tanong niya. Don't tell me, hinihintay niyang batiin ko siya? Napangiti ako.


"Sa Ate mo," pang-aasar ko. He smirked.


"Kumain ka na nga lang," sabi niya.


"Sasabayan mo ako?" nakangiting tanong ko.


"Ano pa nga ba? Alangang pabayaan kita." He frowned. Napangiwi ako dahil nakaakbay pa rin siya sa akin. Ang dami na ring nakatingin sa 'min.


"Hoy! Ang kamay mo! Baka maissue tayo," palusot ko.


"Ano naman?" inis na tanong niya. Inalis niya ang kamay. Sinamahan niya akong kumain. Napansin kong nakasunod ang tingin ni Rhea sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Sana hindi niya maalala kung sino ako.


***


Tapos na kaming kumain. Tumayo siya.


"Let's dance," biglang sabi niya. Wala man lang feelings ang pagyayaya niya. Bossy talaga. Kinuha na lang niya basta ang kamay ko. Wala na akong nagawa nang pumunta kami sa gitna ng dance floor. Ang sakit ng sugat at ulo ko. Napakagat-labi ako. Hindi ako makapagreklamo. Kailangan kong tiisin ito.


Inilagay niya ang kamay ko sa batok niya. Hinapit niya ako palapit sa kanya. Lalong sumakit ang sugat ko.


"You're beautiful," bulong niya. Hindi na ako lugi sa compliment niya.


"You don't have to state the obvious," nang-aasar na sabi ko. Pilit ang ngiti ko.


"Lumaki yata bigla ang ulo mo, Nerd," natatawang sabi niya.


"Magtaka ka kung maliit 'yan," pambabara ko. Tumawa siya. He pinched my nose. "Ang kulit mo," naiiling na sabi niya. Hindi na ako umimik. Inalis ko ang kamay ko sa batok niya. Niyakap ko siya. Sobrang sakit na kasi ng sugat ko. Kailangang ma-relax ng likod ko.


"I think, you're hot," mahinang sabi niya.


"Pervert!" pag-aakusa ko sa kanya. Naghihinalang tiningnan ko siya.


"No, I mean you're body temperature is hot. I think, you have a fever," napapailing na sabi niya. Akala ko naman kung anong hot ang sinasabi niya. Sana kasi nililinaw. I pouted. Ipinatong niya ang kamay niya sa noo ko.


"You do have a fever. Sana nagtext ka na may lagnat ka ngayon," inis na sabi niya. Hindi naman kasi ako magtatagal dito. Babatiin ko lang sana siya kaso nag-iinarte siya kanina. Ayan tuloy.


"Sorry. Hindi ko napansin," palusot ko.


"Halika na nga. Iuuwi na kita. Dapat kasi tumawag ka na lang sa akin!" Pinapagalitan niya ako na para akong bata. I sighed. Halatang nag-aalala siya. Kung alam lang niya kung sino ako bago tinuluyan na niya ako. Inalalayan niya ako palabas ng mansion. Gusto kong mapaiyak dahil sa sugat ko. Hawak niya kasi ang kaliwang kamay ko. Sumakit tuloy ang balikat ko nang mahila niya ang kamay ko. Paglabas namin isinuot niya sa akin ang coat niya.


"Baka lamigin ka. Isuot mo muna 'yan," sabi niya. Tumango ako. Lumingon ako sa paligid. Pakiramdam ko may nakatingin sa 'min. Nagkibit-balikat ako. Baka guni-guni ko lang 'yon.


***


Hinatid niya ako hanggang sa labas ng condo unit ko.


"Pwede ka ng umuwi, Kira. Salamat. Kaya ko na ang sarili ko," nakangiting sabi ko.


"No! I'll sleep here tonight. Walang mag-aalaga sa'yo," seryosong sabi niya. Napailing ako. This is wrong. He just shot Black Phantom which happened to be me. And now he'll take care of me without knowing that I'm Black Phantom? Ano ba namang kapalaran 'to?


"Okay lang talaga ako, Kira," pagmamatigas ko. Bigla akong nahilo. Alam kong matutumba na ako pero nasalo ako ni Kira.


"Okay lang pala ha?" naiiling na sabi niya. Nahawakan niya ang sugat ko. Shit! Napakagat ako sa labi. Muntik na akong mapasigaw dahil sa sakit. Binuhat niya ako at ipinasok sa loob. Pinaupo niya ako sa kama ko. Siya na rin ang nag-alis sa heels ko.


"Kaya mo pa bang magpalit ng damit?" nag-aalangang tanong niya. Hindi siya makatingin sa 'kin.


"Bakit? Gusto mo ba akong tulungan?" pagbibiro ko. I secretly sighed. Puro talaga ako kalokohan.


"Nakakapagbiro ka pa, may sakit ka na nga," naiiling na sabi niya.


"Syempre, hindi pa naman kasi ako mamamatay," pilit ang ngiting sabi ko.


"Insane. Kung kaya mong magpalit, magpalit ka na, okay? Doon muna ako sa sala," sabi niya. Lumabas agad siya sa kwarto ko. Ang gwapo niya sa suot niya. Bakit ngayon ko lang napansin? Nilinis ko ang sarili at inalis ang make up ko. Pinipilit kong huwag igalaw ang kaliwang kamay ko. Nagbihis ako ng pantulog. Medyo nagtagal ako dahil sa sugat ko. Nag-toothbrush na rin ako. Paglabas ko sa bathroom nakita ko si Kira na nakaupo na sa kama. Mainipin talaga. Napailing ako.


"Ang tagal mo. Akala ko sa banyo ka na titira," reklamo niya. Kung wala lang akong tama sa likod baka nasapak ko na ang isang ito.


"Ewan ko sa iyo. Sa kabilang room ka matulog," sabi ko.


"Babantayan kita. Mataas ang lagnat mo," nakasimangot na sabi niya.


"Bahala ka. Huwag mo akong pagtatangkaan ng masama!" banta ko. Hindi niya ako pinansin. Humiga ako sa kama. Nagkumot ako bago pumikit. Ang sakit ng likod ko kaya nakatagilid akong natulog. Baka isipin ni Kira ang weird ko kapag natulog ako ng nakadapa. Nakaharap ako sa side ni Kira. He put a thermometer under my armpit. Nagmulat ako. Pigil ang ngiti niya. Pinagtitripan yata ako. Nakakainis! Ipinikit ko ang mata ko at pinilit matulog.


KIRA


Thirty eight point two degrees? Ang taas naman ng lagnat niya. Dalhin ko na kaya siya sa hospital? Hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Napansin kong nanginginig siya. Mukhang nilalamig na siya. Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"I'm Sorry," mahinang sabi niya. Nagdedelihiryo ba siya? Nagsasalita kasi habang tulog. Napansin kong may tumulong luha sa mga mata niya. Ano'ng gagawin ko? Hindi ako expert dito. Naisip ko na lang na yakapin siya. 'Di ba ganun kapag nilalamig? Kailangan ng yakap? Hinubad ko lang ang damit ko tapos tumabi na sa kanya.


Niyakap ko siya. Napaungol siya. Tila nasaktan. Mukhang pati katawan niya ay masakit. May trangkaso siguro siya kaya masakit ang katawan? Kasi naman! Hindi iniingatan ang sarili. Maingat ko siyang niyakap. Hindi ko hinigpitan. Titig na titig ako sa mukha niya. Hinalikan ko siya sa noo. Inilapat ko ang noo ko sa noo niya.


"I love you, Nerd. Magpagaling ka, ha?" bulong ko. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa ganoong puwesto.


LEE


Giniginaw ako. Sobrang taas ng lagnat ko. Nagi-guilty ako dahil sa ginagawang pagbabantay sa akin ni Kira. This is wrong. Ayaw ko na siyang lokohin pa.


"Im sorry," mahinang sabi ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na kaya ang nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Iniisip ko pa lang na layuan siya nasasaktan na ako.


Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Niyakap niya ako kaya napaungol ako. Muntik na niyang matamaan ang sugat ko. Mukhang nahalata niya na masakit ang katawan ko kaya hindi niya hinigpitan ang yakap. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. This made me feel more guilty. I'm the worst. Naramdaman ko ang paglapat ng noo niya sa noo ko. It feels so good to be right next to him. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na. Mali talaga ang nangyayari. Pinigilan ko ang paghikbi.


"I love you, Nerd. Magpagaling ka, ha?" bulong niya.


Gusto kong umiyak. Hindi ko na talaga kaya. Bakit ganito? I want to love him pero hindi pwede. Sasaktan ko lang siya pati ang sarili ko.


Sorry Kira. I love him but we're not meant to be together. We're not for each other. Sana mapatawad niya ako kung iiwas man ako. Maiintindihan din niya ang lahat kapag nalaman na niya kung sino ako. Sana kapag dumating ang araw na 'yon, magawa niya akong mapatawad. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinilit kong makatulog. Niyakap ko na rin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com