Chapter 13: I'm Freeing you, My Slave
LEE
Monday. Pumasok na ako dahil kahit paano ay maayos na ang sugat ko. Napansin ko sina Rose at Alexia na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. May problema ba?
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong agad ni Alexia. I nodded. Nag-iwas naman ng tingin si Rose sa 'kin kaya nagtaka ako. Nagkibit-balikat na lang ako sa inasal niya. Isang linggo kasi akong hindi pumasok, siguro nag-aalala lang siya. Normal naman ang nangyari ngayong araw. Ang nakakapagtaka lang, hindi ko nakita si Kira at ang mga underlings niya sa campus.
Ano kaya ang ginagawa nila? Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Matapos ang laban namin, nagiging paranoid na ako. Wala naman siguro silang nakuhang impormasyon tungkol sa 'kin, 'di ba? I sighed. Pilit kong inalis sa isip ko ang mga iniisip ko.
Umuwi na ako sa bahay matapos ang klase. Mas gusto kong magpahinga para mas mabilis ang paggaling ko. Si Alexia muna ang humahawak sa buong gang dahil hindi ko pa kaya.
Wednesday. Kahapon, hindi ko rin nakita sina Kira sa campus. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila. Humahangos na tumakbo patungo sa 'kin si Rose. Nag-aalinlangan siyang tumingin sa 'kin.
"Can we talk?" she asked. Pauwi na sana ako. Naglalakad na ako patungo sa parking lot. Tumango ako sa kanya. Tinungo namin ang kotse ko. Pumasok kami sa kotse ko.
"May problema ba?" takang tanong ko sa kanya. I can tell that she's worried about something.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa 'yo," she sighed. Halatang nagdadalawang-isip siyang magsalita. Hindi ako nagkomento pero naku-curious ako. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy.
"Remember the night when you were shot by Kira?" she asked. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Paano niya nalaman? Sino ba talaga siya? Gulat na tiningnan ko siya. Siya ba ang nagset up sa 'min?
"Don't get me wrong. Hindi ako ang nagset up sa inyo. I was the girl riding on a motorbike. I saved you from Kira. Pero kilala ko ang nagset up sa 'yo. Topaz ang codename niya. We belong to the same organization. My codename is Diamond. Pinakialaman ko si Topaz kahit alam kong hindi tama. We're assigned on different Districts. Para manggulo," she said.
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo sinasabi sa 'kin ito?" takang tanong ko sa kanya. "What's the name of your organization? Bakit kailangan ninyong manggulo sa District namin?"
"HeartStone Sorority. It's a secret organization. Sinabi ko sa 'yo ito dahil alam kong mapagkakatiwalaan kita. I saved you because I consider you as my friend. Nanganganib si Topaz. And I need your help," she said.
I sighed. I'm thankful that she saved me. Siguro ito na ang oras para makabawi sa kanya. "Who is Topaz? Paano mo nalamang nanganganib siya?" takang tanong ko.
Nag-aalangang tumingin siya sa 'kin. "She's Krissy Rivera. Ilang araw na siyang hindi nagrereport sa organization. Nag-imbestiga ako. Nalaman ko na hawak siya nina Kira. Gustong malaman ni Kira kung sino ka. Hindi ko pa ito ipinaaalam sa pinuno namin dahil tiyak na magkakagulo. Galit si Jewel sa Emperor ninyo kaya siya nanggugulo sa limang distrito. Ayaw ko nang madagdagan ang galit niya kaya sa 'yo ako tumakbo upang humingi ng tulong. Alam kong ayaw mo nang makaharap si Kira pero ikaw lang ang makakatulong sa 'kin," she said pleading. Napapikit ako sa sinabi niya. Si Krissy Rivera? Kababata siya ni Rex. Tiyak na magagalit si Rex kay Kira. Why would she do this? Sobrang gulo naman. Marami pa pala kaming kalaban na hindi namin nalalaman.
"Hindi ba pwedeng itigil na ninyo ang panggugulo?" nahihirapang tanong ko.
"No. Kung nasa Emperor ang loyalty ng lahat ng districts, na kay Jewel naman ang loyalty ng HeartStone Sorority. Alam ko namang naiintindihan mo ang sinasabi ko. And I forgot to tell you something. Hinahanap na ni Rex si Krissy. I don't know why pero mukhang may alam na rin siya sa organization namin," seryosong sabi ni Rose.
Wala na talaga akong magagawa kundi ang tumulong. "Alam mo ba kung nasaan si Krissy?" tanong ko.
"Yes," she answered.
"Pwede ba nating ipaalam kay Rex kung nasaan si Krissy?" tanong ko.
"I think, he already know. Hindi ko lang alam kung may plano na siyang sumugod kina Kira. Mahihirapan siya kung mag-isa lang siya. Tiyak na hindi makikinig si Kira sa kanya kahit pa mag-bestfriend sila dati," sabi ni Rose.
Gulat na napalingon ako kay Rose. Mag-bestfriend sila dati? Bakit hindi ko alam? Ganito ba karami ang alam ng HeartStone Sorority tungkol sa amin? They're dangerous. Alam din nila na ako si Black Phantom. Tiyak na alam din nila ang mga sikreto ng mga leaders ng bawat Districts. Hindi ko alam kung dapat akong magtiwala kay Rose pero mukha naman siyang mabait.
"Can I really trust you?" nagdududang tanong ko sa kanya. She smiled.
"I almost told you everything. Can you not trust me with that?" she asked back. I sighed. Binuhay ko ang makina.
"I have to change first. What about you?" I asked. Nakalabas na kami sa University.
"Me too. Ibaba mo na lang ako sa subdivision na tinitirhan ko. I'll text you later," she said. Ginawa ko ang sinabi niya. Umuwi ako sa condo para magpalit ng damit. Kinuha ko ang black phantom mask ko at inilagay sa backpack. Nagtext na sa 'kin si Rose kung saan ko siya pupuntahan. Tinawagan ko si Rex nang makapasok ako sa kotse ko.
"Lee?" takang tanong ni Rex.
"Where are you?" agad na tanong ko sa kanya. Pinaandar ko na ang kotse ko upang balikan si Rose. Tahimik sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko.
"Nasa bahay. Why?" nag-aalinlangang sabi niya. I knew he was lying.
"Where are you? As the temporary leader of Dark Phantom Gang, answer me truthfully," maawtoridad na wika ko sa kanya. I heard him sigh.
"May inaasikaso lang ako. You don't need to worry," he said in a low voice.
"Rex," naiinis na tawag ko sa pangalan niya. Wala akong balak na ipahamak siya. "Are you looking for Krissy?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing wala siyang balak ipaalam sa 'kin ang nangyayari. Hindi dapat niya sinosolo ang problemang ito.
"How did you know?" gulat na tanong ni Rex sa 'kin.
"It doesn't matter now. So where are you?" I asked. Nakita ko si Rose sa isang kanto. Tumigil ako. Nakasakay siya sa isang motorbike. Sinenyasan ko si Rose na tumahimik muna saglit.
"Nasa labas ako ng isang lumang warehouse. Nandito si Krissy. Hinihintay kong umalis sina Kira para mailigtas siya. Huwag ka nang sumunod. Kaya ko na ito. But I have a question. May alam ka na ba tungkol kay Krissy? Please, don't tell the leaders," nag-aalalang sabi ni Rex. I sighed. Naiintindihan ko na nag-aalala siya para sa kababata niya. Tiyak na hindi mapapalampas ng mga leaders ang panggugulo ni Krissy sa District namin.
"Matagal mo na bang alam kung sino siya?" seryosong tanong ko.
"I just found out recently. Please, Lee," nagmamakaawang sabi ni Rex.
"Okay. Pero pupuntahan ka namin. Huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Wait for me," I said.
"But– " Pinutol ko na ang sasabihin niya at pinatay ang tawag. Seryosong tumingin ako kay Rose.
"Follow me," sabi ni Rose. I nodded. Sinundan ko lang siya. Malayo na kami sa lungsod. Pumunta kami sa isang lugar na walang masyadong kabahayan. Mapusyaw ang liwanag na nagmumula sa mga poste ng ilaw. Tumigil kami malayo sa isang abandonadong warehouse. Isinuot ko ang maskara ko nang bumaba ako sa kotse. Maging si Rose ay nakasuot na rin ng maskara. Kapansin-pansin ang heartshaped diamond sa gitna ng maskara niya. Tinawagan ko si Rex at inalam kung nasaan siya. Hindi na siya nagmatigas at sinabi na rin sa 'kin ang kinaroroonan niya.
Nakita ko siya sa likod ng isang puno sa likod ng warehouse. Lumapit ako sa kanya. Si Rose naman ay humiwalay sa 'kin. She'll serve as our backup. Itinatago rin niya ang totoong pagkatao niya sa iba kaya kailangan niyang mag-ingat.
"How's everything going?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Not good. Pinahihirapan nila si Krissy. Gusto nilang malaman kung sino ka pero hindi nagsasalita si Krissy," he said. He gritted his teeth. Mariin niyang naikuyom ang palad. I sighed. It's my fault.
"Sino ang nasa loob?" tanong ko.
"Umalis na sina Vince, Kent at Kevin. Wala si Justin. Sina Kira at Enanz na lang ang nasa loob. May tatlong underlings pa na nagbabantay sa bawat entrance ng warehouse. Hindi na problema ang tatlo dahil mukha silang mahihina. May armas lang sila," sagot ni Rex. I checked my weapons. Tiningnan ko ang warehouse. Nakita ko ang isa sa mga underlings ni Kira. Umiikot ito sa paligid ng warehouse.
"Aalis kaya sina Kira?" tanong ko kay Rex.
"I'm not sure. Kadarating ko lang din," sagot ni Rex. Hindi kaya magtaka si Kira kung sasagipin ko si Krissy? Pero may excuse naman ako. Kababata siya ni Rex kaya sa tingin ko ayos lang na gawin ko ito.
"Lee. Ako na ang bahala kay Krissy kapag nagtagumpay tayong mabawi siya. Huwag mo nang ipapaalam sa iba ang bagay na ito. Sa tingin ko naman, wala pang alam si Kira sa totoong motibo ni Krissy. His focus was to know who you are," seryosong sabi ni Rex.
Wala na akong magagawa. Alam ko namang pipigilan na ni Rex si Krissy kung sakaling manggulo na naman siya. "Sure," sagot ko. Tiyak na hindi rin magugustuhan ni Rose kung mapapahamak si Krissy sa mga leaders ng District namin. Mas mabuti na sigurong ipaubaya ko na lang kay Rex si Krissy.
"So what's the plan now?" tanong ni Rex.
"Hindi tayo sigurado kung aalis sina Kira. Baka nga bumalik pa ang mga kasama niya rito kung hindi pa tayo gagalaw. Sa tingin ko, haharapin ko na siya. You save Krissy. May kasama ako na makakatulong sa 'tin. She'll handle Enanz," seryosong sabi ko.
Nag-aalalang tumingin sa 'kin si Rex. Alam kong natatakot siyang mapahamak ako sa gagawin namin pero ngumiti ako sa kanya.
"Are you sure?" nag-aalangang tanong niya.
"Yes. Ngayon, patulugin muna natin ang mga underlings ni Kira," sabi ko. Inilabas ni Rex ang dagger niya. Alam kong may nakalagay na pampatulog sa talim nito. Tumango ako sa kanya hudyat na pwede na siyang magsimula. Isa-isa niyang pinatumba ang mga underlings ni Kira na nagbabantay sa labas ng warehouse. Walang kahirap-hirap na nakapasok kami sa likod ng warehouse. Bago ako pumasok, sumenyas ako kay Rose na siya na ang bahala kay Enanz. Alam kong nag-aalangan siyang makipaglaban kay Enanz pero wala siyang magagawa.
We need to get Krissy alive. Napilitan siyang tumango sa 'kin. Nagsimula na rin siyang gumalaw. Magagaan ang mga hakbang namin para hindi makagawa ng ingay. Kasama ko si Rex. Si Rose naman ay sa ibang entrance dumaan.
"Rex, someone will help us. A girl wearing a mask. Just ignore her and get Krissy out of here. Mauna ka nang umalis sa 'min," utos ko kay Rex.
"No. Hindi ko kayo pwedeng pabayaan," tutol niya. I glared at him. Kilala ko siya kaya alam kong hindi siya makikinig. I have to use my authority.
"It's an order. Makinig ka sa leader mo," seryosong sabi ko. Naiinis na tumingin siya sa 'kin. Pero agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Will you be alright?" mahinang tanong niya.
"Yes," I assured him.
"Fine. Be sure to get out of here alive," he said. I smiled. Wala pa akong balak mamatay. Nakita namin si Krissy na nakaupo sa gitna ng warehouse. Halatang nanghihina na siya ayon sa itsura niya. Basang-basa siya ng tubig. I'm sure she was tortured. May mga pasa siya sa braso.
"Hindi ka pa rin ba magsasalita?" naiinip na tanong ni Kira. Nanonood lang si Enanz. Halatang naiinip na rin siya. Pinigilan ko si Rex dahil akmang susugod na siya. Alam kong hindi na niya kayang tagalan ang nangyayari. Ngumisi lang si Krissy sa tanong ni Kira.
Akmang nasasaktan na ni Kira si Krissy nang biglang lumabas si Rex sa pinagtataguan namin. Hindi na talaga niya kinaya.
"Kira!" galit na sigaw ni Rex. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na rin sa pinagtataguan ko. Nagulat si Kira pero ilang saglit lang ay sumeryoso siya. He was looking at me. Lumapit si Enanz kay Kira. Gulat na nakatingin naman sa 'min si Krissy. Halatang hindi niya inaasahan ang pagsulpot namin.
"You finally showed yourself, Black Phantom," seryosong sabi ni Kira. Ikinuyom niya ang isang kamao. Galit pa rin siya. Mukhang hindi talaga siya magiging masaya hangga't hindi ako nawawala sa mundong ito. I sighed.
Naglakad si Rex papalapit kay Kira. "We're here to take Krissy back," seryosong sabi ni Rex.
"You can take Krissy. In exchange, I'll take Black Phantom," nakangising sabi ni Kira.
"You will take no one," sagot ni Rex. Bibigyan sana niya ng isang malakas na suntok si Kira pero napigilan siya nito. Hawak pa rin ni Kira ang kamao ni Rex. Napansin kong nakapasok na si Rose nang hindi nila napapansin. Nagsisimula na siyang kalagan ang taling gumagapos kay Krissy.
"Itigil mo na ang ginagawa mo, Kira. Hindi ka magiging masaya kapag ipinagpatuloy mo ito," seryosong sabi ni Rex.
"Paano mo nalaman na hindi ako magiging masaya? You're not me," naiinis na sabi ni Kira. Tuluyan nang nakawala si Krissy sa pagkakagapos. Napansin sila ni Enanz dahil sa ingay na nagawa nila. I have no choice. Lumapit na ako sa kanila.
Nagsimula na rin kasing maglaban sina Enanz at Rose. Binitawan na ni Kira si Rex at nagsimula na silang maglaban. Humarang ako sa daan ni Rex.
"Do what you have to do. Ako na ang bahala sa kanya," seryosong sabi ko. He sighed. Alam kong ayaw niyang gawin ang inutos ko pero wala siyang nagawa. Labag sa loob na lumapit siya kay Krissy at inalalayan ito upang makatayo. I have to finish this fight as fast as I could.
Hinarap ko si Kira. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya patungo sa sikmura ko pero agad akong nakaiwas. Hinuli ko ang kamay niya at buong lakas kong pinilipit ito patungo sa likod niya. Hindi ako maaaring magtagal sa pakikipaglaban sa kanya. Baka makasama sa sugat ko. Hindi pa ito tuluyang naghihilom. May ginalaw ako sa batok niya. Narinig ko ang mahinang pagmura niya bago siya nawalan ng malay.
Nakalabas na sina Rex at Krissy sa warehouse. Patuloy naman sina Rose at Enanz sa paglalaban. Nakakuha ng tiyempo si Rose at nagawa niyang mapatumba si Enanz. Tumakbo na kami palabas sa warehouse. Pumunta na kami sa kanya-kanyang sasakyan. Umalis na kami sa lugar.
***
The next day, pumasok na si Kira. Halatang hindi maganda ang gising niya. Of course. Nakatakas kami sa kanya kagabi. Nagdalawang-isip ako na kausapin siya. Baka ako pa ang mapagbuntunan ng inis niya.
LEE
Sunday. Sinundo ako ni Kira. Hindi na ako na-late. Pagdating namin sa MOA, niyaya ko agad siyang mag-ice skating. 'Yon talaga ang ipinunta ko dito. Hindi na siya nakaangal dahil hinila ko siya sa kamay. Isinuot na namin ang roller-skate. Pumasok agad ako sa ice rink kaso hindi siya sumunod sa akin. Nasa entrance pa rin siya. Hindi ba siya marunong? Bumalik ako sa kanya.
"Why?" tanong ko.
Hindi siya umiimik. Mukhang ibinabalance pa niya ang sarili niya. Hindi siya marunong? Tsk. Ano ba yan.
"Hindi ka marunong?" tanong ko muli. Hindi pa rin siya umimik. Nice talking! Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at ngumiti sa kanya.
"Need help?" Ngumiti lang siya sa 'kin. Nabingi na siya? Is he mute? Hindi na siya makapagsalita, eh. Hinila ko siya sa gitna ng ice rink. Hawak ko pa rin ang isang kamay niya.
"Gusto mo turuan kita?" tanong ko.
"Sige," nakangiwing sabi niya. He's weird. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Dapat matuto ka munang mag-balance. Mamaya bibitawan na kita, ha? Mag-balance ka muna," sabi ko. Sumimangot siya. Hindi niya nagawa ng maayos ang pagba-balance. Ang hirap naman niyang turuan! Naiinis na ako. Pakiramdam ko pinagti-tripan niya ako. Napapansin kong lihim siyang napapangiti.
Bigla ko siyang binitawan. Nagulat siya pero nakapagbalance siya para hindi matumba sa ice rink. Nagdududang tiningnan ko siya.
"Sus! Marunong ka naman pala," inis na sabi ko. Napangiti siya at napakamot sa ulo.
"Tsansing!" bulong ko. Nag-skate ako palayo sa kanya. Wala siyang nagawa kundi habulin ako. Naabutan niya ako.
"Hey, Nerd," tawag niya sa 'kin. Tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sorry," nahihiyang sabi niya. Napangiti ako sa kanya. I can't resist his charms.
"Okay lang," sabi ko. Nag-iwas na ako ng tingin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Namula ang mukha ko. Hindi ako makaangal. Tumigil kami sa gitna ng ice rink kaya nagtaka ako.
"Nerd, I... ahmm... ano kasi..." nag-aalangan siyang nagsalita. Ano kaya ang sasabihin niya? Huwag lang sanang umamin. Huwag ngayon dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Sana matakot o kaya umurong ang dila niya. Napalunok siya.
"Ano kasi.. I think I'm in love with you," he said. Seryoso ang mukha niya. Naumid ang dila ko. Umamin siya. Shit! Ano'ng gagawin ko ngayon?
"You're kidding, right? Kasama pa ba ito sa laro natin?" I nervously laughed.
"Damn! This is no longer a game, Nerd. I'm dead serious. I really love you," he said. Ano ang sasabihin ko? Hindi ko alam. Mahal ko siya pero hindi pwede. Ang sakit sa puso dahil hindi kami pwede.
"Ahh... Mag-iisang oras na tayo. Alis na tayo nilalamig na ako," sabi ko. Umiwas ako ng tingin. Binitiwan ko ang kamay niya at naunang umalis. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. Hindi siya umimik habang naglalakad kami sa loob ng mall. May nadaanan kaming Photobooth. Artpose Photobooth ang name. I must break the ice. Ang awkward kasi namin ngayon. Pwede na ring remembrance. Hinila ko siya sa loob kahit hindi pa kami ayos. Halatang nagulat siya pero sumunod na lang.
Nagpa-picture kami. Buti naman nakisama siya. Sana makalimutan na niya ang pinag-usapan namin kanina. Sa last shot, nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nakuhanan tuloy kami sa ganoong ayos. Tig-isa kami ng kopya sa lahat ng shots.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Kira. Alas dose na pala.
"Gutom na nga ako," nakasimangot na sabi ko.
"Kumain muna tayo," sabi niya. This time, siya naman ang humila sa akin. Pumasok kami sa isang restaurant. Pagkatapos naming kumain nagsalita siya.
"Tungkol sa sinabi ko kanina. I mean it. Really," sabi niya. Akala ko hindi na niya babanggitin ulit 'yon. Tumitig ako sa kanya. Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako.
"I just told you that I love you. It's not a question so you don't need to answer. But it will be better if you'll say you love me too. Hindi naman kita minamadali. Please, let me prove my worth. This is not a game anymore," he said. I know he mean it. I can see it in his eyes. Hindi ako nakapagsalita. Shit! Ayaw ko siyang paasahin. Tumayo na siya.
"Let's go?" nakangiting sabi niya.
"Saan?" takang tanong ko.
"Sumunod ka na lang," nakasimangot na sabi niya. I sighed. Naglakad na siya palayo. Saan siya pupunta? Sumabay ako sa kanya. Pumasok siya sa isang jewelry shop. Mukhang naghahanap siya ng singsing. Para saan? May magbi-birthday? Nakitingin na rin ako sa tinitingnan niya.
"Patingin nga ng infinity ring na ito," he said. Tumingin ako sa saleslady. She's drooling. Natauhan siya nang tingnan ko siya ng masama. Kinuha niya ang singsing na itinuro ni Kira.
"Kasya ba 'yan sa iyo?" tanong niya sa 'kin. Ako ba ang kausap niya? Tiningnan ko lang ang singsing.
"Sir, couple ring po ito," singit ng saleslady. Bakit? Hindi ba kami mukhang couple? Kontrabida lang? Sumimangot ako.
"Sa 'kin mo ibibigay?" takang tanong ko.
"Hindi baka sa saleslady," pamimilosopo niya. Impit na napatili ang saleslady. Kinilig pa yata. Kinuha niya ang singsing sa saleslady at isinuot sa palasingsingan ko. Kasyang-kasya.
"Nerd, this is a sign of my love. I can wait forever hanggang matutunan mo akong mahalin. Hindi kita minamadali. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita," sabi niya. I'm speechless. Napansin kong kinikilig ang saleslady. Infinity ring? Infinity? Damn! Gusto kong umiyak sa tuwa kaso hindi ko magawa. This is absolutely wrong. May tumulong luha sa mga mata ko. Not because of happiness but because of guilt. Ngumiti siya sa akin.
Kinuha rin niya ang partner ng singsing at isinuot niya sa kwintas niya sa leeg. He's really waiting. Napatunganga ako. Damn! Hindi ko ito matatanggap. Nakapagbayad na rin siya sa saleslady.
"I'm sorry Kira pero hindi ko matatanggap ito," mahinang sabi ko. Nanghihina ako. Sobrang sikip na ng dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog na talaga ang puso ko. Akmang aalisin ko na ang singsing pero pinigilan niya ako.
"Hindi ko na binabawi ang mga naibigay ko na. I already gave you my love to you. Hindi ko na babawiin 'yon," sabi niya. Naglakad siya palayo. Nabaliktad pa yata. Bakit siya ang nagwo-walkout? Kung alam lang niya kung sino ako. Hinabol ko siya. Hindi ko na natanggal ang singsing. Nakahabol ako sa kanya. Sumabay ako sa paglalakad. Nakipagtalo ako sa daan pero hindi niya ako pinapakinggan. I sighed in defeat.
Napansin kong ngumiti siya nang tumahimik ako. Tumambay muna kami sa bay hanggang mag-sunset. Kung pwede sanang ganito na lang kami palagi. Kung maibabalik ko lang ang lahat.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Kira. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya nang pilit at umiling. Tumingin ulit ako sa dagat.
"I love you, Nerd," bulong niya. Hindi na ako umimik. May tumulong luha sa mga mata ko. Ang saklap naman ng nangyayari sa 'min. Inihatid na niya ako sa condo ko. He parked his car. Nakapag-decide na ako. Kailangan ko nang tapusin ang kalokohang ito. Lalo ko lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa ito
"Kira, tapos na ang pagiging slave mo ngayon. Kailangan na nating itigil ito. I'm freeing you now," seryosong sabi ko. Napakunot ang noo niya. Naguguluhan siya.
"Why? I don't get it? Ano ang kailangang itigil? Dahil ba sinabi ko na mahal na kita kaya mo sinasabi ito?" naguguluhang tanong niya.
"No. Pinuputol ko na lahat ng connections ko sayo. Let's just go back from being strangers," sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Alam kong nasasaktan ko siya.
"What? Sa tingin mo ba ganu'n kadali ang sinasabi mo? Give me valid reasons para gawin 'yan," he said. Valid? I'm Black Phantom.
"Kira..." nahihirapang sabi ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya?
"Wala ka bang nararamdaman para sa akin kahit konti?" he asked. Naiinis na siya.
"The feeling is not m-mutual," sabi ko. Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong magsalita. Hindi ko talaga magawang tumingin sa kanya.
"Why don't look at me and say that? Damn!" he shouted. Hindi na niya napigilan ang sarili. Mapait akong napangiti. Napilitan akong tumingin sa kanya.
"I don't feel the same way like you do. Nakakasawa na Kira. I'm sorry," sabi ko. "I don't love you," nahihirapang sabi ko. Nakakasawa? Of all the words na pwedeng sabihin, 'yon pa! I can clearly his eyes. He's deeply hurt. Hindi siya nakapagsalita. Bumaba na ako sa kotse niya. Naglakad na ako papasok ng building. Para akong tangang umiiyak habang naglalakad. Ang hirap pala talagang magpaalam sa taong mahal mo. We're not meant for each other in this lifetime. I'll pray that in our second life, pwede na kami para sa isa't isa.
I'm sorry, Kira. I didn't mean to hurt you. Nasasaktan din ako.
KIRA
"I don't feel the same way like you do. Nakakasawa na K-kira. I'm sorry. I don't love you."
What's her problem? Nagsasawa na siya sa 'kin? Bakit ganun? Hindi ko naman naramdaman na nagsasawa na pala siya? Masakit na hindi ako mahal ng babaeng mahal ko!
Binigla ko ba siya? Bumaba na siya sa kotse. Hindi ko siya nagawang habulin. Napasandal ako sa upuan at napahilamos sa mukha. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naguguluhan ako at nasasaktan.
Ganito na lang ba? Susuko na lang ako? Ano ba'ng dapat kong gawin? Pinaandar ko na ang kotse ko. Umuwi ako sa unit ko at uminom. Kanina ayos naman kami, 'di ba? I didn't intend to give up on her because of what she'd said. Siguro nabigla lang siya. Naibato ko ang beer in can sa pader dahil sa sobrang frustration. May ilang natamaan at nabasag na gamit. Madami na akong nainom. Nahihilo na rin ako. Pumunta ako sa kwarto ko at natulog. Kakausapin ko na lang siya bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com