Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: The New Transfer Student

KIRA


Caiden University. Tinamad akong dumiretso sa HQ. Baka kasi nag-aabang na naman ang makulit na babaeng iyon. Noong isang linggo pa niya ako kinukulit. Hindi ko lang maitaboy dahil bestfriend siya ng dati kong girlfriend. Nabigla ako dahil lumipat siya sa Caiden university. She's Venice Cortez. She's also the leader of Blue Rose Gang known as Bloody Rose. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya. Maybe she just wants the symbol of our gang.


Pumunta ako sa mini-forest ng university. There is a big tree na paborito kong tambayan. Umupo ako sa gilid at sumandal doon. Ipinikit ko ang mga mata. Masakit pa ang ulo ko dahil sa ininom ko kagabi. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Nerd.


Kailangan kong mag-isip. Pinapahirapan talaga niya ako. Kung madali lang ang kalimutan siya, nagawa ko na. Nakakaasar! Hindi ko naman ginustong maramdaman ang nararamdaman ko ngayon!


I sensed that someone's walking towards my direction. Hindi ako nag-abalang imulat ang mga mata ko pero nakiramdam ako. Naramdaman kong may ibinato siya sa direksiyon ko. Hindi ako gumalaw. Alam kong hindi ako matatamaan ng kung ano mang bagay na iyon. May sunod-sunod na bumaon sa puno. Malapit sa gilid ng mukha ko. Tatlo yata? Iminulat ko ang isa kong mata para malaman kung sino ang nangahas na gumawa nu'n. Kumunot ang noo ko. Why?


LEE


Nakita ko si Kira na papunta sa mini-forest. Sumunod ako. Ibabalik ko na ang mga darts niya. Para malaman niya na sumusuko na ako. Ayaw ko nang makipaglaro sa kanya. Nakita kong umupo siya sa gilid ng isang puno. Malayo ako sa kanya kaya hindi niya ako napansin. Tumigil muna ako at pinagmasdan siya.


Sumandal siya at pumikit. Gusto ko pang panoorin siya pero hindi naman pwede. Lalo lang lalala ang nararamdaman ko para sa kanya. Lumapit ako. Hindi ako nag-iingat sa paglalakad dahil gusto kong mapansin niya ako. Ibabalik ko nang maayos ang darts. Hindi niya iminumulat ang mata niya kahit naramdaman na niyang may tao.


Sinubukan kong ihagis ang mga darts sa kinaroroonan niya. Hindi ko pinatama sa kanya pero malapit na rin sa mukha niya. Bumaon ang mga darts sa puno. Iminulat niya ang isang mata. Ang gwapo niya. I'm betraying myself again. Napakunot-noo siya nang makita ako. Ihagis ko ba naman kasi ang mga darts sa kanya? Maybe, he's thinking that I'm threatening him. Iminulat na niya ang dalawang mata niya.


"Why?" tanong niya.


"Sabi mo, ibalik ko ang mga darts kapag sumusuko na ako. I'm giving it back to you. I don't want to play, anymore. I hate to admit it but I lose," seryosong sabi ko. He smirked. Kinuha niya ang tatlong darts. Seryosong tiningnan niya ang mga ito.


"I think, I'm the one who lose here," he said. Matiim siyang tumitig sa akin. "Because I fell in love with a nerd. With Lee Gomez," he almost whispered.


"You don't know me, Kira," sabi ko. I'm not Lee Gomez. I'm a Samonte. I'm not the nerd he used to know. I'm a gangster. I'm Black Phantom. His enemy.


"Kailangan ba talaga kilalang-kilala mo ang mahal mo? May rule ba na ganu'n? Nakalagay ba 'yan sa libro o sa batas?" naiinis na tanong niya. I smiled bitterly. Para sa aming dalawa, kailangan 'yon. Tumayo siya.


"Kung kailangan talaga, hayaan mong kilalanin kita! Just give me a chance. Pwede naman 'yon, 'di ba?" he said. Napailing ako.


"Sorry. I can't. Hindi mo na ako kailangang kilalanin dahil natitiyak kong hindi mo magugustuhan ang mga malalaman mo," makahulugang sabi ko. Umiling siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang kami sa isa't isa.


"Kahit ano pa ang sabihin mo o malaman ko tungkol sa 'yo, hindi ako susuko hanggang mahalin mo ako," he said. Nakalapit na siya sa 'kin. Hahawakan sana niya ang mukha ko pero umiwas ako. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Alam kong mas matimbang ang galit na nararamdaman niya kaysa sa pagmamahal niya para sa 'kin.


"I'm sorry, Kira. Hindi mo alam ang sinasabi mo," malungkot na sabi ko. I walked away. Natatakot ako na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Naramdaman kong sumunod siya sa akin. Kasabay ko na siya ngayon.


"As I said before, hindi ako susuko," he insisted. Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa canteen. Nagmadali ako sa paglalakad pero hindi ako hinihiwalayan ni Kira. Nakita ko sina Alexia. Napansin kong wala si Rex. Hindi ko na siya nakikita simula noong isang linggo. Umupo ako sa bakanteng upuan. Si Kira naman umupo sa tabi ni Vince.


"Nag-away ba kayo?" takang tanong ni Enanz.


Umiling lang si Kira. May lumapit sa mesa namin. Tiningnan ko siya. Namutla ang buong mukha ko nang makilala siya. What was she doing here? Napalingon ako kay Kira dahil parang naiirita siya. Magkakilala sila? Shit! Malalaman na ba ni Kira? I'm not ready yet. Balisa sina Rose at Alexia. Parang kilala rin ni Rose ang dumating. Nagtataka naman sina Enanz at Vince sa reaksiyon ng dalawa.


"Yow! Venice! Kumusta?" tanong ni Enanz. Ngumiti naman nang matamis si Venice.


"Ayos lang. Long time no see ah," makahulugang wika niya. She is Venice Cortez. Siya si Red Phantom. Siya rin si Bloody Rose. Ano ang ginagawa niya rito? Balak na naman ba niyang manggulo?


"Hey! The nerd one. I think, I know you!" sabi niya. Tumingin silang lahat sa akin. Pinigilan ko si Alexia dahil gusto na niyang sumugod kay Venice. I composed myself. She grinned.


"Is it Mon----? Oops!," sabi niya. Nag-isip siya saglit. Kinakabahan ako dahil baka maisip niyang ibulgar ang lahat.


"Oh! I think, it's Bla------? Ay hindi pala! Ano nga ang pangalan mo?" natatawang tanong niya. Naikuyom ko ang kamao. Hindi ko siya magawang kalabanin. Not in front of everyone.


"I remember now! It's Lee, right?" sarkastikong sabi niya. I'm out of breath. Maging si Alexia ganu'n din ang nararamdaman. Nakakunot-noo sina Kira at ang mga underlings niya. Hindi nila makuha ang mga nangyayari. Nice. She's making a scene. Tumayo ako.


"Let's talk, Venice," seryoso pero malumanay na sabi ko. She grinned. I hate it when she grin like that. She looks like a devil. Devil with an angelic face. Looks can be deceiving, really.


"Bye, Babe," paalam ni Venice kay Kira. "Mag-uusap lang kami ni Mon--- I mean Lee," nakangising sabi niya. I sighed. Masamang tingin ang ipinukol ni Kira kay Venice. Magsasalita pa sana si Kira pero sumunod na si Venice sa 'kin. Susundan sana niya kami pero pinigilan siya ni Alexia.


Talagang balak niya akong takutin kanina? Sinasadya niyang putulin ang mga sinasabi niya. Pero nagpapasalamat ako na hindi niya itinuloy. Hindi ko kayang malaman ni Kira. Kamumuhian niya ako.


Kaibigan ko si Venice noon. Dati siyang member ng Dark Phantom. Akala ko kaibigan ang tingin niya sa akin pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin. I had no clue. Wala akong naaalalang atraso sa kanya.


Nalaman ko na kinamumuhian niya ako nang maglaban kami sa isang lumang warehouse. Kung saan nangyari ang aksidenteng ayaw ko nang maalala. Nag-abala pa siyang sumali sa gang namin para makapaghiganti sa akin. Hindi ko pa alam ang rason niya hanggang ngayon. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa totoong nangyari noon. Wala akong balak ipaalam sa iba. Kahit si Kuya Aldrin, hindi niya alam. O siguro alam na rin niya? Nagtataka tuloy ako kung sino ang hinahanap niyang makatutulong sa 'kin.


Pumasok kami sa isang greenhouse. Maraming bulaklak at paru-paro sa loob. Maganda ang paligid pero hindi ito nakababawas sa kabang nararamdaman ko. Tumigil kami para mag-usap. Kung alam ko lang na lilipat siya rito, napigilan ko pa sana.


"Why are you here, Venice?" seryosong tanong ko.


"Easy, Monique. Pumapangit ka," natatawang sabi niya. I don't have time to joke around in this damned situation! 'Di hamak na mas maganda ako sa kanya.


"What do you want?" tanong ko muli.


"What do I want? I want Kira. Ibibigay mo ba?" nakangising sabi niya. I sighed. Seriously? Bakit ako ang ginugulo niya kung si Kira naman pala ang kailangan niya? Ibig sabihin, girlfriend ni Kira ang babaeng namatay noon? Kaya pala galit na galit si Kira sa akin. So Venice was obssessed with Kira? Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit idinamay pa niya ako? Naikuyom ko nang mariin ang palad. Ano ba talaga ang totoo?


"Hindi laruan si Kira na basta-basta na lang ipinamimigay. May sarili siyang utak. He's a human," naiinis na sabi ko.


"You're the one to talk, Black Phantom? Hindi siya laruan pero pinaglaruan mo siya. He's into you now. Layuan mo na siya," nakangising sabi niya. Gagawin ko 'yon kahit hindi niya sabihin. Pero hindi ako papayag na mapunta siya kay Venice.


"Paano kung ayaw ko?" paghahamon ko sa kanya.


"Gagawin ko ang lahat para siya ang lumayo sa 'yo. Kahit ibulgar ko pa ang sikreto mo," she grinned.


"Damn you! Malalaman din niya na may kinalaman ka sa mga nangyari noon. Gusto mo bang mangyari 'yon? Tiyak na hindi ka niya mapapatawad," galit na sigaw ko sa kanya. Tumawa siya nang malakas na ikinainis ko.


"Maniniwala ba siya sa isang manlolokong katulad mo? Wala kang pruweba. At isa pa bestfriend ko si Cindy kaya hindi siya maniniwala sa sinasabi mo," naiiling na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Lalo akong nainis sa kanya. How could she do that to her bestfriend? May problema na siguro siya sa utak. "Ano na ang desisyon mo?" nakangising tanong niya. Nanghina ako. Wala nga akong pruweba. Ayaw kong mapunta sa kanya si Kira. Pero ayaw ko ring mabulgar ang sikreto ko.


"Will you keep my secret?" nagdududang tanong ko sa kanya.


"Your secrets are safe with me. Only if you keep your distance from him," she grinned evilly. I have to bear with this. Hangga't wala pa akong matibay na ebidensiya, hindi ako pwedeng kumilos. Hihintayin ko munang bumalik si Kuya Aldrin. May isang salita naman siguro si Venice, 'di ba? Tumango ako.


"Madali ka naman palang kausap. See you around, Black Phantom," natatawang sabi niya. Tumalikod na siya at naglakad palayo. I glared at her back. She's really a pain in the ass.


KIRA


Hinihintay ko si Lee sa loob ng classroom. Lagi siyang uma-attend ng klase kaya dito ko siya hihintayin. Hindi ako susuko sa kanya. Tinanong ko kanina si Vince kung paano ang tamang panliligaw sa babae. Tinawanan niya ako dahil hindi ako marunong. Hindi ko alam kung bakit ako natotorpe kay Nerd. Hindi naman ako ganito dati. Sabi ni Vince, ipakita ko lang na sincere ako, ayos na. Paano ba 'yon?


Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Nerd. Naghanap siya ng bakanteng upuan. Wala siyang nakita. Ang tanging bakante lang ay nasa tabi ko. Sinadya ko 'yon. Napailing siya. Huminga siya nang malalim. Nag-isip kung tatabi sa akin o hindi. Ilang minuto lang, lumapit na siya sa upuang katabi ko. Akala ko pahihirapan pa niya ako.


"Nerd," nag-aalangang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ko ba siya kakausapin? Naghintay ako pero hindi naman siya nagsasalita. Tumingin ako sa kanya.


"Ano pala'ng pinag-usapan ninyo ni Venice?" tanong ko. Kahit hindi naman 'yon ang gusto kong sabihin. Paano ko ba siya yayayaing mag-date? Tiyak na tatanggihan niya ako. Ayaw nga niya sa akin. 'di ba? Hindi pa rin siya umimik. Bingi ba siya?


"Nerd! Pwede bang... ano..." hindi ko masabi.


"Nandiyan na si Ma'am. Makinig ka sa klase," sabi niya. Napatingin ako sa unahan. Nandoon na nga si Ma'am. Napabuntong-hininga ako. Lumabas ako sa room. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Bumalik na lang ako sa Headquarters. Christmas vacation na next week. Malamig na naman yata ang magiging Pasko ko. Pinapahirapan talaga ako ni Nerd.


LEE


Nandito na ako sa unit ko. Nakahiga lamang sa kama. Ang gulo-gulo na ng buhay ko. Napatingin ako kay Raylee kaya kinuha ko siya.


"Hello Raylee! Missed Mom? Ngayon lang kita ulit nakausap. Musta na? Bored ka na ba dito?" Para akong baliw.


"Broken-hearted lang si Mom. Hayaan mo na, ha? Makinig ka na lang," natatawang sabi ko. Tumatawa ako pero nahihirapan na talaga ako. Siguro itutulog ko na lang ito. Baka tuluyan na akong mabaliw eh. Tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller.


Si Kira. Sasagutin ko ba? Hindi ko na lang siguro siya papansinin. Naaasar ako kanina dahil nakita ko silang magkasama ni Venice. Sabay silang nag-lunch. Inggit ako? Nakakaasar naman! Sana hindi na lang ako si Black Phantom para wala akong problema! Letse!


Kinukulit pa rin ako ni Kira pero nilalayuan ko siya. Lalo na kapag nakatingin si Venice. Si Rex tuloy ang nakasabay ko sa lunch pero okay lang. Buti na lang hindi ako nag-iisa.


Nakaapat nang ring ang phone ko. Sagutin ko na kaya? Gusto ko lang marinig ang boses niya. Hindi ko na kaya. Sinagot ko na.


KIRA


Kanina pa ako tawag nang tawag pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tulog na kaya? Imposible 'yon. Ang aga pa. Siguro, ayaw lang niyang sagutin ang tawag ko. Last na. Kapag hindi niya sinagot, hindi na muna ako tatawag. Nagri-ring ang phone niya. Natuwa ako nang maka-connect ang tawag ko sa kanya.


"Hello? Nerd? Are you there?" tanong ko. Naghintay akong magsalita siya pero wala akong narinig. I sighed.


"Hey, Nerd! If you're listening I want you to know that I love you. I don't intend to give up on you. Kahit hindi mo pa ako pansinin, hindi pa rin ako titigil," seryosong sabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Maybe, she's listening. Hindi pa kasi niya ini-end ang call.


"Alam mo bang gusto kitang tanungin kung kumusta ang araw mo? Kung ano ang ginagawa mo kada minuto. Gusto kong malaman kung kumain ka na. Gusto ko, hindi ka nawawala sa paningin ko. Masakit kasi hindi kita magawang lapitan dahil lagi kang lumalayo. Kaya gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako. Goodnight Nerd, See you tomorrow. I love you, Nerd," sabi ko. In-end ko na ang call. Wala talaga siyang balak kausapin ako. Pumunta na ako sa silid ko. Humiga ako sa kama. Kinuha ko ang mp3 player na ibinigay niya. I put on the earphones. Nag-play ako ng music bago pumikit. Sana magbago ang isip at puso ni Nerd.


LEE


In-end na niya ang call. Pinigilan ko ang paghikbi habang nakikinig sa mga sinasabi niya.


"I love you too, Kira," bulong ko. Napaiyak na ako. Niyakap ko nang mahigpit si Raylee. Kung nakakapagsalita lang si Raylee baka nagreklamo na siya sa yakap ko. Kailangan ko na munang itulog ito. Baka sakaling maging maayos na bukas paggising ko. Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Sana panaginip na lang ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com