Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: His Determination

KIRA


Tuesday. Nasa Headquarters ako. Hindi ko napapansin kung sino na ang mga dumating. Nakaharap ako sa laptop ko at nagre-research. Naririnig ko lang ang pag-uusap ng mga kasama ko.


"Yow!" sabi ni Vince.


"Ang aga ninyo? Alas nuwebe pa lang ah?" takang tanong ni Justin.


"Sinundo ko kasi si Alexia kanina. Pero mas nauna sa akin si Kira," sagot ni Vince.


"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Justin. Hindi ko sila pinansin. Nakakunot-noo ako habang binabasa ang results na lumabas sa Google. Bumakas ang pinto, saglit kong tiningnan sina Kevin at Kent. Nagbasa akong muli sa laptop ko.


"Oh? Nasaan si Enanz?" takang tanong ni Vince.


"Ayon! Kinukulit si Rose," natatawang sagot ni Kent. Hindi ko napansin ang paglapit ni Justin. Pumunta siya sa likod ko at ginulat ako.


"Hoy!" sigaw ni Justin. Napaangat ako sa pagkakaupo dahil sa pagkagulat. Agad kong isinara ang laptop ko. Tiyak na aasarin niya ako kapag nabasa niya ang inire-research ko.


"Fuck! Pare! Ano ba problema mo?" sigaw ko. Ramdam ko ang biglang pamumula ng mukha ako. Kinuha ko ang laptop ko. Baka mapagtripan pa niyang agawin.


"Wala lang. Curious lang ako sa ginagawa mo? Bakit mo isinara bigla?" nang-aasar na tanong niya. Lumapit sina Vince at Kent. They're grinning. Si Kevin naman humiga lang sa sofa.


"Wala ka na doon," sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanila. Nakakahiya.


"Patingin!" sabi ni Justin. Nakatingin sa 'kin nang nakakaloko sina Kent at Vince. Mukhang balak din ako pigain.


"Pare, nanonood ka ng bold? Aga ah," nakangising tanong ni Vince. Nagtawanan sila. Naasar ako.


"Baka nude pics lang pare,"natatawang sabi ni Kent. Ang lakas talaga ng trip nila. Tawa sila ng tawa. Tinitigan ko sila nang masama pero walang epekto sa kanila.


"Share naman!" pamimilit ni Justin. Sumimangot ako.


"Tumigil nga kayo sa pagiging greenminded," inis na sabi ko.


"Ipakita na kasi," natatawang sabi ni Vince.


"Umalis kayo sa harap ko," utos ko.


"Isusumbong ka namin kay Lee," sabi ni Justin. Tiningnan ko siya nang masama.


"Ang gulo niyo. Baka maniwala 'yon sa inyo," naiiling na sabi ko. Nagsenyasan sina Vince. Mukhang may binabalak silang masama. Pinagtulungan akong hawakan nina Vince at Kent. Nagwawala ako. Kinuha naman ni Justin ang laptop na hawak ko.


"Ibigay mo yan sa akin! Kapag nakawala ako, patay kayo sa akin!" naiinis na sigaw ko.


"Hawakan ninyo 'yan nang mabuti!" natatawang sabi ni Justin. Binuksan na niya ang laptop ko. Wala pa namang password ang gamit kong laptop! Tiyak na naka-sleep lang 'yon. Makikita niya agad ang inire-research ko. Napatawa siya nang malakas nang mabasa ang results sa Google. Binitawan na ako nina Vince. Natawa rin sila nang mabasa ang nasa laptop ko.


Lumapit na rin si Kevin. Napangiti siya at napailing. Bumalik ulit siya sa sofa at nahiga. I crossed my arms and glared at them.


"Seryoso ka dito, 'dre?" natatawang tanong ni Justin. Malakas silang tumawa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Dumating naman si Enanz.


"Anong pinagkakaguluhan ninyo?" takang tanong niya.


"Tingnan mo ang sine-search ni Kira, pare," sabi ni Vince. Hawak na ni Vince ang tiyan niya. Ang lakas ng tawa niya.


"Matuluyan ka na sana," inis na sabi ko. Tumawa lang sila. Lumapit si Enanz at tumawa na rin. Kinuha ko na ang laptop ko. Asar na asar ako.


"Pare, pwede ka namang magsabi kay Vince! Expert 'yan eh! Girlfriend na nga si Alexia," natatawang sabi ni Justin.


"Loko! Baka ikaw ang expert!" natatawang sabi ni Vince.


Napailing ako sa kanilang dalawa. Masama bang mag-search sa Google ng How to date a woman? How to make a woman fall in love with you? at How to make a woman notice you?.


'Di ba, alam ni Google kung ano sagot du'n? Hindi ko na alam ang gagawin ko para mahalin ako ni Nerd. Baliw na ba ako? Hindi talaga ako expert.


"Pero seryoso, Kira. Kailangan mo ng tulong?" nakangising tanong ni Kent.


"Tutulong kayo?" nagdududang tanong ko.


"Oo naman! Madali lang yan!" mayabang na sabi ni Justin.


"Naku! Si Justin pa! Expert!" natatawang sabi ni Enanz.


"Igagaya mo sayo na hindi makaisa kay Rose!" nang-aasar na sabi ni Justin.


"Nakaisa na kasi sa Brittney niya!" natatawang sabi ni Vince. Nagtawanan sila. Naasar naman si Justin. Mukhang wala silang maitutulong na matino sa 'kin. Nakakapagduda ang pagtulong nila.


"Itigil na nga ninyo 'yan. Nag-iisip ako ng magandang gawin para makuha ko ang atensiyon ni Nerd. Tumulong kaya kayong mag-isip?" inis na sabi ko. Tumahimik naman sila. Mukhang nag-iisip. Sana matino ang sasabihin nila.


"Sabihin mo, magpapakamatay ka kapag hindi ka sinagot ni Nerd?" biglang sabi ni Enanz. Seryoso pa nga ang mukha niya. Umingay na naman sa HQ. Nagtawanan silang lahat. Sabi ko na nga ba wala silang matinong sasabihin.


"Alam ko na Kira!" sabi ni Kent. Tiningnan ko siya. Mas mukhang katiwa-tiwala si Kent kay Enanz. Sana matino ang sabihin niya.


"Ano?" umaasang tanong ko.


"Magpabugbog ka kaya? Baka sakaling maawa sa'yo si Nerd," natatawang sabi ni Kent. Isa pa siya. Akala ko matino na ang sasabihin niya. Napailing ako. Tinitigan ko siya nang masama. Nagtawanan na naman sila.


"Sabihin mo, tatalon ka sa building!" sabi naman ni Vince.


"Ang papangit naman ng suggestions ninyo! Kidnapin na lang natin si Nerd! Gawin nating savior si Kira!" natatawang suhestiyon ni Enanz. Napailing ako. Ipadala ko na kaya sila sa mental hospital? Puro hangin na ang laman ng mga utak nila.


"Tama ka pare! Tapos sasabihin ni Lee, Oh Kira! You're my savior! I love you!" sabi ni Justin na nagboses babae pa. Mga baliw! Natawa na rin si Kevin.


"Salamat mga pare! Ang laki nang naitulong niyo," sarkastikong wika ko.


"Bigyan mo kaya ng flowers at chocolates? Hindi ba ganu'n kapag nanliligaw?" suhestiyon ni Kevin. Napatingin kaming lahat kay Kevin. Himala! Matino ang sagot niya. Ano'ng nakain niya?



"'Yon ang expert!" pang-aasar ni Justin. Napailing si Kevin.


"Nakikita ko lang sa iba pero hindi ko pa nasusubukan," nahihiyang sabi ni Kevin.


"Effective ba 'yon?" interesadong tanong ko. Napalingon silang lahat sa akin. May problema ba? Hindi kasi sila makapaniwala habang nakatingin sa 'kin.


"Gagawin mo?" sabay-sabay nilang tanong. Gulat na gulat sila. Hindi ako makatingin sa kanila.


"Siguro?" hindi siguradong sagot ko. Madali lang naman 'yon, 'di ba? Tumawa na naman silang lahat. Ano ba'ng problema nila? Ang lakas ng trip!


"Paano ka magbibigay?" tanong ni Vince.


"Edi iaabot," sagot ko. Napailing sila at natawa.


"Pare! Gawin mo namang romantic!," natatawang sabi ni Kent.


"Nagsalita ang expert!" pang-aasar ni Justin. Napailing si Kent. Binatukan niya si Justin.


"Paano?" takang tanong ko.


"Kami'ng bahala sa iyo, insan," nakangising sabi ni Vince. Parang gusto kong umatras dahil sa nakakalokong pagngisi nilang lahat.


LEE


Wednesday.


Nag-park ako ng kotse. Pagpasok ko sa building, may nag-announce na pumunta ang lahat ng fourth year ng Business Administration sa track field. Nakita ko si Alexia. Nilapitan ko siya.


"Ano'ng meron?" tanong ko.


"Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang Head Mistress eh," bulong niya.


"Oo nga 'no? Bakit wala akong alam dito?" napapakamot sa ulo na sabi ko. Napailing si Alexia. Naglakad kami papunta sa field track. Makulimlim ang langit. Uulan yata? Maraming nag-iiritan na babae. Ang iba nakaupo sa bleachers at nasa field. May pinalilibutan sila. Ano 'yon?


Napatingin kami ni Alexia sa isa't isa. Umakyat kami sa bleachers. Bakit maraming nakatingin sa direksiyon namin? Lalong lumakas ang sigawan nila. May nagsalita. Napalingon ako sa stage sa gitna ng track field. May nakita akong malaking screen. Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko.


I LOVE YOU, LEE GOMEZ!


What the heck!


"I know your already here, Nerd. This sucks, really. Hindi ko naisip na gagawin ko ito para sa 'yo. My feelings are real. Gusto kong malaman ng lahat kung gaano kita kamahal. Please, give me a chance," he sincerely said. Nagtilian ang mga tao. May narinig pa akong nagsalita sa unahan ko.


"What? He's inlove with a nerd! Bakit hindi na lang ako?" sabi ng isang babae.


"Ano ka ba girl! Kahit sino ang magustuhan ni Kira, all-out support ako! Nakakainggit naman!" sigaw ng isa pa.


"Kira! Ako na lang ang mahalin mo!"


"Kyaaah! Kira! Magpapaka-nerd na rin ako! Ako na lang!"


"Waah! Kira! Magpapatayo ako ng fans club para sa inyo ni Lee!"


Ang ingay nila. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kanila.


"Listen, Nerd. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Bigla ko na lang naramdaman na mahal na kita. Hindi ko ito ginusto. Naaasar na nga ako sa sarili ko dahil bakit ikaw pa? Sa isang nerd pa. Siguro tanga lang talaga ang puso ko. But I don't regret this foolishness. Loving you made me realize that I can feel again. That I can smile again. Please listen to this song dedicated for you, Nerd," he smiled. Nakatingin na siya sa 'kin. Maraming nagtilian at nagsigawan. Nagsimula nang tumugtog ng instruments sina Vince.


Been thinking 'bout you baby

And I don't know what to do

All I think about is you

Seems everything around me

Things I've never understood

They all make sense when I'm with you.


Naiinis ako sa ginagawa niya. Baka kasi bumigay na ang pasaway na puso ko. Hindi pwede! Natatakot ako para sa aming dalawa.


"What are you thinking?" tanong ni Alexia. Malungkot akong tumingin sa kanya.


"Hindi naman pwede, 'di ba? To tell you the truth, I'm hoping that we can end up together. I hope I can stay by his side always," naiiyak na sabi ko.


"The decision is still up to you. Pero ayaw kitang mapahamak. Kapag nalaman ni Kira ang totoong pagkatao mo, malaki ang posibilidad na hindi ka niya mapatawad," malungkot na sabi niya.


"I know," mapait kong wika kay Alexia.


"Gusto kitang maging masaya, partner. Huwag kang mag-alala! Gagawan natin ng paraan ang lovelife mo," nagpapatawang sabi niya. "Kung si Kira talaga ang gusto mo, go lang! Aayusin natin ang problema ninyo!" dagdag pa niya.


"Baliw ka, partner," napapailing na sabi ko.


I've always been so lonely

No one there for me to hold

And every night was just so cold

Oh don't get me wrong I've been around

But I've resigned myself to thinking

Mine is just another story often told


"Hayaan mo na. Pinapasaya lang kita. Wala kasi akong maitulong sa problema mo. Basta, huwag mong parurusahan ang sarili mo," sabi niya. Tumawa siya pero malungkot.


Oh, I've heard it all before

Finding so called love then you leave it behind

But now I feel so sure

I listen to my heart this time

Put my heart before my mind

I know that what I've found is once in a lifetime

And I know there's no way out

Cause it's once in a lifetime


Humakbang ako palayo. Mabuti na sigurong masaktan ako ngayon. Kaysa naman mas masaktan ko si Kira sa hinaharap. Hindi ko na tinapos pa ang kanta niya.


"Nerd! Please come back! I'll be waiting for you here. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabing binibigyan mo ako ng pag-asa," he said. Hindi ko siya pinansin. Mapapagod din siya.


"I love you, Lee Gomez," sabi pa niya. This is wrong. Narinig ko ang mga bulung-bulungan sa paligid.


"Grabe naman siya! Hindi man lang pinansin si Kira! Akala mo maganda!"


"Oo nga! Pa-hard-to-get pa!"


"Kung ako sa kanya, sasagutin ko na si Kira!"


Kung pwede lang sana, baka nga sinagot ko na siya. Kaso masyadong kumplikado ang sitwasyon namin. Bumalik na ako sa building. Mula sa third floor, nakikita ko ang track field. Nakatingin lang ako kay Kira. Hindi talaga siya umaalis. Siya na ang may hawak ng gitara. Aalis na sina Vince pero mukhang wala siyang balak umalis. Ang sarap sanang basahin ng naka-flash sa screen.


Napatingin ako sa kalangitan. Mas madilim na ito ngayon. Napatingin ako kay Kira. Wala naman siguro siyang balak magpaulan, 'di ba? Bigla akong nag-alala. Marahan kong hinaplos ang bintana kung saan nakikita ko siya. Hindi naman siguro siya tanga para magpaulan.


KIRA


Babalik ba siya? Kinuha ko ang gitara. Pinaalis ko na sina Vince. Ayaw kong idamay sila.


"Sure ka pare? Mukhang hindi na babalik si Lee," sabi ni Kent.


"I'm not expecting but I'm hoping," sabi ko.


"Malapit nang umulan, pare! Baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo," sabi ni Justin.


"Huwag kayong mag-alala. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon," mapait ang ngiting sabi ko. Napailing sila. Alam nilang hindi na nila ako mapipigilan. Umalis na sila. Nagsimula na akong tumugtog.


Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move

Got some words on cardboard, got your picture in my hand

Saying if you see this girl can you tell her where I am


Biglang bumuhos ang ulan. Nagtakbuhan ang mga nanonood. Ako na lang ang natira. Hindi ako natinag. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta at pagtugtog. Wala akong pakialam. I'll be waiting for her. Napatingin ako sa roses na nasa gilid ng stage. Mukhang hindi ko na maibibigay sa kanya.


Some try to hand me money, they don't understand

I'm not broke I'm just a broken hearted man

I know it makes no sense, but what else can I do

How can I move on when I'm still in love with you


LEE


Bumuhos na ang ulan pero hindi siya natinig. Baka magkasakit siya.


"If you're that worried, go for him." Napalingon ako kay Rex.


"You're wrong. I'm not worried. Naku-curious lang ako sa gagawin niya kaya ko siya tinitingnan," sabi ko.


"Your face is saying what your lips cannot, Lee. No need to hide it. You're worried," he insisted. Umiwas ako ng tingin.


"Okay lang kaya na hindi ko na pigilan ang puso ko?" biglang tanong ko.


"Just follow your heart. Kung ano ang sinasabi ng puso mo s-sundin mo," nag-aalinlangan na sabi niya. Lumingon ako sa kanya. Pwede ba talaga akong maging selfish? Kukuha sana ako ng payong sa bag ko para sunduin si Kira pero napatigil ako. May nauna na sa 'kin. Tiningnan kong mabuti kung sino. Si Venice. Nahuli na pala ako? Nalungkot ako. Lumayo ako sa bintana.


"Tara na mag-lunch. Gutom na ako," sabi ko kay Rex. Tumingin siya sa akin. He sighed.


"If you want to cry, I'm willing to lend a shoulder," he sincerely said.


Umiling ako. Kaya ko pa. Nagsimula na akong maglakad papunta sa elevator. Sumunod sa akin si Rex. Tahimik kaming kumain sa canteen. Hindi mawaglit sa isip ko si Kira. Nag-aalala ako dahil nagpaulan siya. Baka magkasakit siya.


KIRA


'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you see me waiting for you on the corner of the street


"You'll catch cold if you insist to stay here," naiiling na sabi ni Venice. Tumingala ako sa kanya. Pinayungan niya ako. Ngumiti siya sa 'kin.


"Don't bother. I'm staying here," I said.


"She's not coming. Kung pupunta man siya dapat kanina pa," she said.


"Paano mo nalaman? Hindi ikaw si Lee," naiinis na sabi ko.


"Yes. I'm not her but I'm also a girl. You're not important to her. Ni hindi ka niya tiningnan nang umalis siya. Hindi ka niya mahal. I'm sure of that," sabi niya.


Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Tumayo ako at ibinaba ang gitara. Ibinulsa ko ang dalawang kamay. Sinipa ko pa ang rose na nasa gilid ng stage.


Naasar ako sa sinabi ni Venice. Hindi ba talaga ako mahal ni Lee? Wala ba talaga akong pag-asa? I stopped walking. Humarap ako kay Venice.


"Venice! She doesn't love me now but she will soon," nakangiting sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko. I don't intend to give up, right? Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo papunta sa kotse ko. Uuwi na ako.


"You're insane, Kira!" sigaw ni Venice. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko. I waved at her. Yes. I'm really insane. Kahit ilang beses akong itaboy o hindi pansinin ni Lee, mamahalin ko pa rin siya. Love really sucks.


LEE


Nagtaka ako nang lumapit sa 'min si Vince. Nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niya.


"Nakita mo ba si Kira, Lee?" tanong niya. Umiling ako. May problema ba?


"Baka kasama ni Venice?" sagot ko.


"Hindi. Nakita ko si Venice na pumasok sa building ngayon," sabi ni Vince.


"Baka nasa HQ ninyo?" sabi ko pa. Saan naman kaya siya nagpunta? Bakit hindi niya kasama si Venice?


"Wala rin. Baka naman umuwi na, ano?" sabi ni Vince.

"Posible," sabi ko. Nagpaalam na siya. Naglakad siya palayo pero nagtaka ako nang bumalik siya. Kaaalis lang ni Rex. Nagpunta siya sa restroom.


"Lee, pwede mo bang puntahan si Kira mamaya? Baka kasi lagnatin siya. Ibibigay ko sa iyo ang address," sabi niya. Kinuha niya ang tissue paper sa mesa at naglabas ng ballpen.


"Pero--" Tututol sana ako pero ipinatong na niya sa kamay ko ang tissue paper. Nagpasalamat siya at umalis. Inilagay ko sa bag ko ang tissue paper. Bumalik na si Rex. Papunta na kami sa room nakasalubong ko si Venice. Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin.


***


Nakauwi na ako sa bahay. Iniisip ko kung pupuntahan ko si Kira o hindi? Pero binantayan niya ako nang magkasakit ako? Ang sama ko naman kung babalewalain ko siya. Sino ba ang niloloko ko? Alam ko naman na gusto ko talaga siyang puntahan.


I get my car keys. Pumunta ako sa address na ibinigay sa akin ni Vince. Pagpasok ko sa building tinanong ako ng guard kung sino ang pupuntahan ko.


"Kira Fuentebella," sagot ko.


"Kayo po ba si Ms. Lee? Sabi ni Sir Vince, humingi po kayo ng duplicate key sa reception area. Alam na po nila," sagot ng guard. Tumango ako. Dumiretso ako sa reception area. Kinuha ko ang susi ng condo ni Kira. Siguro tulog na siya? Alas otso na kasi. Mabuti na lang may susi para hindi ko na siya magambala.


Pagpasok ko sa unit ni Kira, napansin ko na malinis at maaliwalas ang loob. Napatingin ako sa bukas na pinto. Pakiramdam ko ito ang kwarto niya. Sinilip ko ito. Tama nga ang hinala ko. Nakita ko siyang natutulog sa kama niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano kung magising siya? Ano ang sasabihin ko? Lumapit ako sa kanya. Tulog na tulog siya pero halatang nahihirapan. Hinipo ko ang noo niya. Medyo mataas ang lagnat niya. Napailing ako. Tama nga si Vince.


"Sino ba kasi ang may sabi sa 'yo na magpaulan ka?" naiinis na sabi ko. Pumunta ako sa kusina. Kumuha ako ng maligamgam na tubig. Dinala ko ito sa loob ng room niya. Naghanap na rin ako ng bimpo sa mga gamit niya.


"Bakit kasi may mga pasaway na nilalang sa mundo?" bulong ko.


Piniga ko ang bimpo. Ipinatong ko sa noo niya. Hindi ko alam kung nasaan ang medicine kit niya. Hindi ko siya mapapainom ng gamot. Bakit kasi hindi ako bumili sa daan? Bumilis ang tibok ng puso ko nang magmulat siya.


"Nerd? Ikaw ba 'yan?" tanong niya. Namamalat ang boses niya. He got a cold. Tumango ako.


"Sorry kung hindi kita pinuntahan," nag-aalinlangang sabi ko. Kailangan ko ba talagang mag-sorry sa kanya? Mali yata ang ginawa ko. Baka umasa siya. Nabigla akong nang hilahin niya. Napahiga ako sa ibabaw niya. Sobrang init ng katawan niya. Nakahubad pa siya.


"It's fine. As long as you're here," bulong niya. Tinitigan ko siya. Nakapikit siya at bahagyang nakangiti.


"Ano... Inom ka kaya ng gamot? Nilalagnat ka. Saan ba nakalagay ang medicine kit mo?" sabi ko. Inihiga niya ako sa tabi niya.


"No need. You're already my medicine," sabi niya. Nakakainis ang ngiti niya sa labi. Bumibilis ang tibok ng puso ko.


"Baliw," bulong ko. He just smiled and opened his eyes.


"I'm not dreaming, right?" sabi niya habang titig na titig sa mukha ko. Hinaplos niya ang mukha ko.


"You are dreaming," natatawang sabi ko.


"Then, I don't want to wake up in this dream anymore," sabi niya. Mahina siyang natawa. Niyakap niya ako at pumikit na. Napabuntong-hininga ako. Sumandal ako sa dibdib niya.


"I miss you," bulong ni Kira. Nagdalawang-isip ako kung sasagot ako o hindi. Napapikit ako. Kahit ngayon lang sana masabi ko sa kanya.


"I miss you, too," mahinang sabi ko.


"I heard it," bulong niya. Hindi ako nagsalita. Pumikit na rin ako. Niyakap niya ako na parang ayaw na niya akong pakawalan.


~~~~

MUST READ NOTE
Sa next chapters may mababasa kayong discrepancies sa stories dahil ineedit ko pa ito. Hehe. Sorry.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com