Chapter 16: The Ex-bestfriend's Fight
LEE
Maaga akong nagising. Tulog pa rin si Kira. Napangiti ako. Hinipo ko ang noo niya. Hindi na siya nilalagnat. Saglit ko siyang tinitigan. Nagdesisyon na akong umalis. Baka kasi magising pa siya. Inalis ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Dahan-dahan akong umalis.
Iniligpit ko na ang bimpo at ibang gamit. Isinara ko ang pinto ng unit niya. Ibinalik ko sa reception area ang susi. Sana isipin niyang panaginip lang ang nangyari kagabi. Kahit parang imposible.
Umuwi ako sa unit ko at nagpahinga. Mamaya pang alas nuwebe ang klase ko. Alas siyete pa lang ngayon. Narinig kong may nag-doorbell. Agad akong tumayo upang buksan ang pinto. It's Mom and Dad. Ang aga naman nila?
"Where have you been last night? Pumunta kami rito pero wala ka," tanong ni Mom. Napakamot ako sa ulo. Kabubukas ko lang ng pinto, nagtanong agad. Pinapasok ko muna sila.
"May sakit po kasi ang friend ko kagabi. Sa kanila muna ako natulog," sabi ko.
"Who is that friend?" nagdududang tanong ni Dad. Sasabihin ko ba? Ang hirap magsinungaling, eh.
"'Yon pong naabutan ninyo dito. Si Kira po. Kilala niyo naman siya, 'di ba?" pag-amin ko.
"Ha? May nangyari sa inyo?" tanong agad ni Mom. Hindi siya nag-aalala. Mukhang excited pa nga sa pagtatanong. Binatukan siya ni Dad. Ngumuso si Mom. Para silang mga bata. I mean, si Mom pala.
"Bakit mo ako binatukan? May kasalanan ka pa kaya sa akin," reklamo ni Mom. Nagsimula na naman si Mom. Nakakatuwa silang panoorin.
"Akala ko ba pinapatawad mo na ako?" tanong ni Dad. Hindi ko sila ma-gets.
"Hindi na. Nagbago na ang isip ko. Bigla akong nagising sa pagkakabatok mo," sabi ni Mom. Ano'ng pinag-uusapan nila? Kasalanan? Nag-away ba sila?
"Sorry na nga kasi," sabi ni Dad. Niyakap ni Dad si Mom. Napasimangot ako. Nagloving-loving pa sa harap ko. Inggit ako. Ako na nga ang loveless. Ako na! Naka-pout lang si Mom. Ang baliw talaga ng nanay ko kahit kailan.
"Huwag niyo akong inggitin," pagbibiro ko. Natawa silang dalawa.
"Magaling na ba si Kira? Boyfriend mo na ba siya?" excited na tanong ni Mom. Ang kulit niya.
"Hindi po! Friend ko lang. Magaling na siya. Nilagnat lang siya kaya hindi malala," sagot ko.
"Ganu'n? Sayang naman. Mas masaya sana kung kayo na. Nanliligaw ba siya sayo?" pangungulit pa ni Mom. Nakakainis. Ano ang isasagot ko? Oo? Ewan? Hindi? Ang gulo kaya ng buhay naming dalawa. Baka it's complicated?
"Ewan," sagot ko. Sumimangot si Mom. "Bakit pala kayo napadalaw?" takang tanong ko.
"Remember the second condition?" sabi ni Mom. Napakunot-noo ako. Second condition?
"Second condition? Hindi ba ang pagiging nerd ko ang second condition?" takang tanong ko. Bigla akong kinabahan.
"No. Disguise lang 'yan para hindi malaman na ikaw si Monique Samonte," nakangiting sabi ni Mom. I sighed. May magagawa ba ako? Nakakainis dahil ang lapad ng ngiti ni Mom.
"Eh, ano pala ang second condition?" tanong ko.
"Malalaman mo rin. Just be ready. Tatawag kami sa susunod na araw," seryosong sabi ni Dad.
"Madali lang?" takang tanong ko.
"Madali lang!" sabi ni Mom. Ngiti pa lang niya alam ko nang hindi. Parang may binabalak silang kalokohan.
"Aalis na kami. Pumasok ka na. May business trip pa kami. Wait for our call," sabi ni Dad. Tumango ako. Ihinatid ko sila sa labas ng unit ko. I kissed them on the cheeks. Umalis na sila. Pumasok na ako sa loob para maligo. Ano naman kaya 'yon? Naku naman.
KIRA
Paggising ko, masakit ang ulo ko. Para akong may hang-over. Napabalikwas ako nang bangon nang maalala ko si Nerd. Nandito siya kagabi. Pagtingin ko sa tabi ko, wala siya. Panaginip ba 'yon? Hindi eh! Tumayo ako at pumunta sa kusina. Wala rin siya. Totoo ba ang nangyari kagabi o panaginip lang talaga? Dala ng lagnat? Ilusyon ko lang ba na sinabi niyang miss na rin niya ako?
Bumalik ako sa loob ng silid ko. Umupo sa kama. Nag-isip. I can smell her scent here. Imposible na panaginip 'yon. Siguro umuwi na? Pero bakit hindi nagpaalam?
Nakakaasar talaga siya! She's dead mamaya. Kailangan naming mag-usap. Para maging malinaw na ang lahat. She said 'I missed you, too', right?
Ngayon ko lang napansin na ang lapad-lapad pala nang pagkakangiti ko. I can't help it. Masaya ako ngayon kaya walang basagan ng trip. Nagtuloy-tuloy na ako sa bathroom upang magshower. Mag-uusap kami mamaya ni Lee. Pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya! Asar.
LEE
"You're late, Ms. Gomez!" Bungad sa 'kin ng prof ko.
"Sorry, sir," sabi ko. Napailing ang professor. Buti nga may umaattend pa sa klase niya kahit nakakaantok siyang magturo. Tumabi ako kay Alexia. Nakasimangot siya. Nakita ko si Vince kanina sa hallway. Nag-away ba sila?
"Why late?" bulong ni Alexia.
"Pumunta kasi sina Mom sa unit ko. Ipinaalala nila ang second condition," sagot ko. Napakunot-noo siya. Wala nga pala siyang alama.
"Ano'ng second condition? Para saan?" takang tanong niya.
"Bago ako bumalik dito, binigyan nila ako ng dalawang kondisyon. Ang una ay ang pagiging Head Mistress ko. Hindi pa nila sinasabi ang pangalawa. Tatawag na lang daw sila," sagot ko.
"Ano ba 'yan! Pa-suspense naman ang parents mo," naiiling na sabi ni Alexia.
"Kinakabahan nga ako," bulong ko.
"Kaya mo yan! Ikaw pa!" sabi niya. Tinapik pa niya ang balikat ko. Tumahimik na kami. Napansin kong sumimangot na naman si Alexia.
"Any problem, partner?" tanong ko. Ngumiti ako sa kanya. Alam kong may problema siya. Bumuntong-hininga siya.
"Kakaiba kasi ang ikinikilos ni Vince. Pakiramdam ko may itinatago siya sa akin. May babae kaya siya?"
"Nakita ko kanina may kausap na babae eh," pagbibiro ko pero totoo naman na may nakita akong babae na kasama niya. Tumingin siya sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata.
"Joke lang! Ikaw naman! Hindi ka na mabiro!" ninenerbyos na sabi ko. Pakiramdam ko kasi dadanak ng dugo. Nagbago kasi ang aura niya. "Joke lang 'yon ha. Baka kung ano pang maisipan mo. Magpakamatay ka pa," natatawang dagdag ko.
"Baliw ka," nakasimangot na sabi niya. Tumawa ako nang mahina. Nakita ko talagang may kasamang babae si Vince. Nag-uusap sila nang masinsinan kaya hindi nila ako napansin. Iba ang uniform ng babae. Galing sa ibang course.
Hindi ko naman iniisip na nambababae si Vince. Wala naman silang ginagawang masama kaya hindi ko na lang pinansin.
"CR lang ako Lee," sabi ni Alexia. Nakagat ko ang labi. Patay. Sana wala na sina Vince sa hallway. Hindi ko pinigilan si Alexia. Baka lalong makahalata. Tumango ako. Tumayo siya at lumabas. Bakit dala pa niya ang bag niya? Napailing ako. Magka-cutting ang baliw kong partner.
Malas ni Vince kapag nakita sila ni Alexia na may kasamang iba. Bahala na nga sila. Biglang bumukas ang pinto ng classroom. Napatigil sa pagtuturo ang prof. Napatingin kaming lahat sa dumating. Si Kira 'yon. Thirty minutes na lang matatapos na ang klase. Nagsimula na naman ang pagbubulungan ng mga kaklase kong babae. Kilig na kilig sila. Kesyo ang hot at gwapo raw. Well, I can't argue with that.
Medyo magulo pa ang basa niyang buhok pero gwapo pa rin. Natigil ako sa pagpapantasya nang mapansin na nakapulupot ang braso ni Venice kay Kira. Nagseselos ako. Bakit hindi man lang nagrereklamo si Kira? Sila na agad? I sighed. Naglakad na sila papasok sa room. Ngayon ko lang napansin na nakasimangot pala si Kira. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Venice na nakakapit sa kanya. Tumabi sa 'kin si Kira. Tumabi naman si Venice kay Kira. Nag-iwas ako ng tingin. Tumingin ako sa labas ng bintana. Nagpatuloy ang professor namin sa pagtuturo.
"Let's talk later," bulong niya. Hindi ko siya tiningnan. Nandito kasi si Venice. Buti na lang nasa tabi ako ng bintana. Nagtaka ako nang pumasok si Kevin at tumabi kay Venice. Ngayon lang pumasok si Kevin kaya nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Napansin kong napasimangot si Venice. Ano kaya'ng meron? Parang may kakaiba sa kanila. Hindi ko na lang pinansin. Feeling ko napupuno ng tensiyon ang row namin. Awkward.
Napansin ko na napapangiti si Kira. Problema niya?
"Para kang timang," bulong ko. Napakunot-noo siya.
"Bakit?" takang tanong niya.
"Wala lang. Ngumingiti ka kasing mag-isa," naiiling na sabi ko.
"Pakialam mo?" supladong sabi niya. Para kaming bubuyog na nagbubulungan.
"Sabi ko nga wala akong pakialam. Kahit tumawa ka pa diyan na parang baliw," she pouted.
"Joke lang! Nagtampo naman agad ang mahal ko," napalakas na sabi niya. Biglang namula ang mukha ko. Narinig kasi ng buong klase. Marami tuloy ang nagtilian. Kaaalis lang ng professor. Nakakahiya pero kinikilig ako.
Napatingin ako kay Venice. Ang sama ng tingin niya sa akin. Hala! I'm dead. Baka maisipan niyang ibulgar ang sikreto ko. Bigla akong tumayo at kinuha ang bag ko. Kailangan kong umalis dito. Nagmamadali akong lumabas ng room. Narinig ko pa ang pagtawag ni Kira sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Tinatamad akong sumakay sa elevator. Sa hagdan ako dumaan. Konti lang ang taong dumadaan sa hagdan sa dulo ng building. Janitor lang minsan. Umupo ako saglit du'n. Napahilamos ako sa mukha ko. Damn! Nahihirapan na ako. Ramdam kong may tumabi sa akin.
"May problema?" takang tanong ni Rex.
"Why here?" tanong ko nang lingunin ko siya.
"Nakita kita kanina kaya sinundan kita. Mukhang may problema ka," nakangiting sabi niya.
"Salamat, ha?" nakangiting sabi ko. Lagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. He's a good friend. Iniligtas niya ako kay Kira noon kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Naalala ko na hindi ko pa pala siya napapasalamatan man lang.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya
"Dahil lagi kang nandiyan para sa akin," nakangiting sabi ko.
"Okay lang. Para saan pa at naging magkaibigan tayo?" nakangiting sabi niya. He's looking at me intently. Sumandal ako sa balikat niya.
"Kinakarma na siguro ako, ano?" malungkot na tanong ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Kasi hindi kami pwede ng taong mahal ko," mapait na wika ko. Ang hirap ng sitwasyon. Magulo. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Kung pwede lang na nakawin si Kira at ilayo rito, nagawa ko na. Kung pwede sanang takasan ang katotohanan.
"Kung ganoon parehas pala tayong kinakarma," natatawang sabi niya.
"Bakit naman?" takang tanong ko.
"Kasi ang babaeng mahal ko, may mahal ng iba," malungkot na wika niya. Nilingon ko siya. He's smiling bitterly. Naawa ako sa kanya. Ang sakit naman ng pinagdadaanan niya.
"Paano mo nalamang may ibang mahal? Sinabi ba niya sa'yo?" pag-uusisa ko.
"Parang ganu'n?" hindi siguradong sagot niya. Natawa ako.
"Hindi ka sigurado?" tanong ko.
"Sigurado. Halata naman kasi sa kanya," naiiling na sagot niya.
"Malay mo, ikaw pala ang mahal!" natatawang sabi ko. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob niya.
"Impossible 'yon," natatawa siya pero alam kong malungkot siya.
"Edi magsama na tayo!" pagbibiro ko sa kanya. Niyakap ko siya. Natigilan siya. Nagsalita ako nang mahina.
"Here. Yakap lang ang maibibigay ko sa'yo para mai-comfort ka. You're a good friend. Ayaw kong nalulungkot ka. Siguro mahahanap mo rin ang babaeng para sa iyo. Hayaan mo na ang babaeng 'yon. Minsan kailangan mo lang buksan ang puso mo sa ibang tao. Para malaman mong kaya mo palang magmahal ng iba. Baka hindi lang siya ang para sa iyo," sabi ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko na nahihirapan talaga siya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sana makita na niya ang babae para sa kanya.
KIRA
Hinanap ko si Nerd. May nagsabi na sa may hagdanan siya pumunta. Baka nagalit siya sa 'kin. Naglakad ako patungo sa hagdanan. Narinig ko ang boses ni Nerd. Sumilip ako. May katabi siya lalaki. Nakatingin siya kay Nerd. He's Rex.
"Edi magsama na tayo!" natatawang sabi ni Nerd. Mahal ba niya si Rex? Nasaktan ako nang yakapin ni Nerd si Rex. Hindi ko na marinig ang sinasabi ni Nerd. Nablangko na rin ang utak ko. Naglakad ako palayo. Pakiramdam ko, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Baka makasakit ako. Baka masugod ko si Rex. Ayaw kong masaktan si Nerd dahil sa akin. Mahal na mahal ko siya. Ang masakit lang, hindi niya ako mahal. Akala ko may pag-asa na ako pero gumuho lahat ng iyon.
Nakasalubong ko si Venice. Niyaya niya akong mag-lunch. Hindi ako nagsalita kaya hinila niya ako. Hindi na ako nakatutol. Pakiramdam ko, naubos lahat ng lakas ko. Hindi ako makapag-isip ng matino!
Bakit kay Rex pa siya nagkagusto? Bakit sa ex-bestfriend ko pa? Umupo kami sa isang mesa. Nagtataka ang tingin sa 'kin ni Venice. Sumimangot siya nang makiupo sina Vince, Enanz, Justin, Kent at Kevin sa puwesto namin nang walang paalam. I sighed.
"Pare, sina Alexia. Tara! Lalapitan ko si Rose," sabi ni Enanz. Malapit lang ang mesa nila sa 'min.
"Pare, galit sa akin si Alexia. Nahuli ako kanina eh," naiinis na sabi ni Vince.
"Nahuli?" takang tanong ni Kent.
"Kausap ko kasi si Wendy. Naging girlfriend ko siya noong high school. Siya ang ginamit ko para pagselosin si Alexia," sabi ni Vince.
"May ginagawa kayong masama?" takang tanong ni Justin.
"Wala! Nag-uusap lang kami! Gusto kasi niyang makipagbalikan pero tinanggihan ko. Aalis na sana ako pero hinila niya ako. Hinalikan niya ako. Saktong dumating si Alexia. Nakita niya. Nagalit siya," naiinis na sagot ni Vince. Nagtawanan sila. Hindi ko naman magawang ngumiti. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Nerd at Rex. Parang hindi ko kakayanin na mapunta si Nerd sa iba.
"Epic, pare!" natatawang sabi ni Justin.
"Tumahimik nga kayo. Nahihirapan na nga ako kung paano ako magpapaliwanag," nakasimangot na sabi ni Vince.
"Sumusuko ka na?" tanong ni Kent.
"Hindi. Saka na ako lalapit sa kanya. Mainit pa ang ulo niya," naiiling na sabi ni Vince.
"Ako lang pala ang lalapit sa kanila?" sabi ni Enanz. Tumango si Vince. Umalis na si Enanz. Halata kay Vince na gusto na niyang lumapit kina Alexia pero pinipigilan niya ang sarili. Biglang sumama ang aura ko nang makita sina Lee at Rex na papasok sa canteen. Nagtatawanan at nagkukulitan pa sila. Nagdilim ang paningin ko. Hindi na ako makapag-isip nang matino.
Tumayo ako at sinugod si Rex. Sinuntok ko siya nang malakas sa mukha. Natumba siya sa sahig. Napasigaw sa gulat si Nerd. Fuck! Ano ba ang nagawa ko? Pinahid ni Rex ang dugo sa labi niya. He smirked. Tumayo siya.
Sumugod din siya ng suntok. Naiwasan ko ang una niyang suntok. Pero hindi ko na nailagan ang pangalawa. Tumama ako sa mesa.
LEE
Nagulat ako sa ginawa ni Kira kay Rex. Maraming nagsigawan. Ang iba gustong umawat pero natatakot. Ang iba nagchi-cheer kay Rex at kay Kira. They're not helping. Mas lalo nilang pinalalala ang sitwasyon. Parehas na silang may sugat sa labi. Ayokong nag-aaway sila.
"Tumigil na kayo!" sigaw ko pero hindi nila ako pinansin. Sinubukang pigilan nina Kent sina Kira at Rex pero ayaw talaga nilang magpaawat. Nasusuntok na rin nila ang umaawat sa kanila. Ayaw talaga nilang tumigil, ha? Ako na ang magpapatigil sa kanila. Suntukan pala ang gusto niya.
Lalapit sana pero may humawak sa braso ko. Si Venice. Binalak niya akong suntukin pero nakaiwas ako. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. Lumayo ako sa kanya.
"Ano ba'ng problema mo?" inis na sabi ko.
"Ikaw ang problema ko," nakataas ang kilay na sabi niya.
"Can't you see? Nag-aaway na sila? Huwag ka nang dumagdag pa! Tulungan mo na lang akong awatin sila!" naiinis na sabi ko.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit sila naglalaban. Sinabi ko na sa 'yong layuan mo na si Kira," inis na sabi niya.
Napatingin ako sa gawi nina Alexia. Nakita kong nakikipag-away na rin si Alexia kay Vince. Sumusuntok si Alexia pero umiilag lang si Vince. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nakisali pa sila sa gulo?
Napalingon naman ako kina Kira at Rex. Parehas na silang hinihingal. But they're not letting their guards down. Madami na ang nasirang gamit sa loob ng canteen dahil sa away nila. Sina Rose ang pumipigil sa laban nina Alexia. Sina Kent naman, may sugat na rin. Hindi nila mapigil sina Rex. Ang gulo!
Susugod sana si Venice pero may humawak sa braso niya. It's Kevin.
"Ano ba!" sigaw ni Venice.
"Hindi ka mapapatawad ng dalawang lalaking 'yan kapag may nangyari kay Lee. Tumigil ka na," seryosong sabi Kevin. I sighed in relief. Akala ko mapapaaway na rin ako. Mabuti na lang dumating si Kevin. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kanila. Wala na akong oras para alamin.
Pumalag si Venice pero malakas pa rin si Kevin. Naglakad ako papunta kina Kira at Rex. I have to stop this now.
"Magpapatayan ba kayo?" sigaw ko sa kanilang dalawa. Napalingon sila sa 'kin. Napailing ako. "Kung magpapatayan kayo, huwag sa harap ko at sa loob ng school na ito. Ang dami nang nasira sa loob ng canteen. Maghanap kayo ng ibang lugar," dagdag ko pa. Natahimik naman sila. Ha! Ano'ng akala nila? Pipigilan ko sila? Wala akong balak kumampi sa isa man sa kanila. But they're both important.
Tumahimik sa canteen dahil sa isang malakas na boses. Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. May babaeng pumasok sa canteen. Si Ms. Roxanne.
"A-ate Roxanne," bulong ni Kira. Ate pala niya ito?
"Ano'ng kaguluhan ito? Explain this!" galit na sabi niya. Walang nagsalita sa amin. Lalong uminit ang ulo ni Ms. Roxanne.
"It's my fault," biglang sabi ni Kira. Nagulat ako sa pag-amin ni Kira. Nag-alala ako para sa kanya.
"Go to the guidance office tomorrow. Be ready for your punishment. All of you, Lee with Alexia, Rex and the scholars. Venice and Kira's group," she said.
"Hala! Bakit pati kami kasama?" naguguluhang sabi ni Vic. Umalis na si Ms. Roxanne.
"I'm sorry," sabi ko kina Camille. Nadamay pa tuloy sila. Napansin ko si Kira. Inilagay niya dalawang kamay sa bulsa at naglakad na. Dumaan siya sa harap ko.
"I'm sorry about this, Nerd. I'll fix this," mahinang sabi ni Kira. I sighed. Nilampasan niya ako. Sumunod sa kanya ang ibang kasama niya. Hindi naman ako galit sa kanya. Naiwan naman sina Vince at Enanz. Nilapitan ko si Rex. Ang gulo ng canteen. Ang daming nasirang mesa at upuan.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Rex. Tumango siya.
"Tara. Gamutin natin ang sugat mo. Pasensiya ka na ha?" sabi ko. Hindi siya nagsalita pero sumunod siya. Kawawa naman si Kira. Gusto ko sanang gamutin ang sugat niya pero magagalit lang lalo si Venice. Tiyak na siya na ang gagamot sa sugat ni Kira.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com