Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: The Punishment

Wala pong kwenta ang chapter na ito XD Hindi ako naiinspire eh, walang pumasok sa utak ko.. Haha.. Sorry :)) Pagtiyagaan niyo na lang.. Kailangan lang makaraos ang chapter na ito. Epal Chapter lang kasi ito XD haha

----------------------------------------------------------------




LEE's POV


Narito na kami sa guidance office. Wala ang guidance counselor kaya si Ms. Roxanne ang humarap sa amin. Lahat kami kinakabahan kung ano ang magiging punishment namin. Tahimik lang kaming lahat. Nakaupo si Ms. Roxanne sa swivel chair samantalang kami nakatayo lang. Nagsalita na siya.


"Here's your punishment. The Girls will clean the Boy's CR while the Boys will clean the Girl's CR. Madali lang, di ba? So, after niyong maglinis pumunta kayo sa office ko dahil may sunod pa akong ipagagawa sa inyo. Lahat ng CR lilinisin niyo hanggang 5th floor. Lahat ng may "To-be-cleaned" sign sa may pinto ng CR. May panglinis na sa loob noon."


Bakit ipalilinis pa sa amin? Malinis na naman yun, di ba? Lumabas na lang kami sa guidance office.


"Madali lang pala. Kayang-kaya" - Vic


Mukhang energetic si Vic. Wanna know why? Dahil puro hunk ang kasama niya sa paglilinis. Tiningnan lang siya ng masama nina Vince. Nakakatawa dahil bigla na lang siyang tumiklop na parang makahiya. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung swerte ba siya o kawawa eh.


"Simulan na natin ang paglilinis" - Camille


Naghiwa-hiwalay na kami ang kasama ko ay si Venice dahil walang gustong sumama sa kanya. Si Partner kasama si Rose tapos sina Dhessa at Camille ang magkasama. Ang napag-usapan namin ay kung sino man ang maunang matapos dumiretso na lang sa fourth at fifth floor.


Sa part naman nina Kira. Ang napansin kong magkasama ay sina Kira at Rex, Vince at Enanz, Vic at Kevin, Justin at Kent. Haha! Huwag sanang mabugbog si Vic. Mukhang takot na takot siya sa kasama niya eh. Pero madaya sila dahil marami sila. Hindi sila mahihirapan.


Pagpasok namin ni Venice sa loob ng CR. What the hell? Puro putik ang nakalagay sa wall pati sa sahig, bowl at urinals. Mukhang diring-diri si Venice. Kaya pala nila isinara ito. Talagang gusto kaming pahirapan. Napailing na lang ako. Hindi kasi halatang kinarir ang paglalagay ng putik.


"Ikaw ang maglinis niyan. Ikaw naman ang may kasalanan ng lahat" - Venice.


Halata sa kanya na hindi niya matagalan ang nakikita niya.


"Huwag ka na ngang magreklamo. Tumulong ka na rin dahil baka maingudngod pa kita sa maputik na bowl." matapang na sabi ko.


"Subukan mo lang dahil baka ito na ang maging libingan mo kapag nagkataon" - Venice.


Napailing na lang ako. Hindi ba pwedeng magkasundo na muna kami kahit ngayon? Kinuha ko ang mop at iniabot sa kanya. Tinanggap rin naman niya kahit mukha nag-aalinlangan siya. Nagsimula na kaming maglinis. Buti na lang kompleto ang gamit dito. May tile cleaner, bowl cleaner at kung anu-ano pa. Kamusta kaya yung iba? Siguradong nag-aalburuto na ang mga iyon sa nakita nila. Hindi ko maimagine ang mga itsura nila. Priceless siguro.


Napansin ko si Venice na nakasimangot habang naglilinis. Hindi na lang kami nag-iimikan dahil baka magkaasaran pa kami at mag-away pa dito. May dalawa pa kasing floor na ganito. Wala pang naglilinis doon kaya kailangan din naming magmadali.






KEVIN's POV


Bakit ba ang baklang ito ang kasama ko? Ang daya nila. Pumasok kami sa loob ng CR at hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Damn! Hindi nga ako nakakapaglinis sa bahay tapos dito pa sa CR na ito ako maglilinis? Pumasok na kami sa loob. Hindi na lang namin sinara ang pinto. Baka reypin kasi ako ng baklang ito dito. Nagsimula ng maglinis si Vic ata, kaya kumuha na rin ako ng panglinis. Wala kaming panahon para magreklamo ngayon. Napapansin kong may mga babaeng sumisilip sa CR at nagtitilian pa. Ang ingay.


Napilitan akong isara ang pinto. Pagtingin ko kay Vic, nakatakip siya sa katawan niya tapos nagsabi ng huwag po. Gago. Anong akala niya sa akin mangrerape ng bakla? Napailing na lang ako tapos naglinis na. Baka mabangasan ko pa kasi siya. Ako rin ang mahihirapan kapag nakatulog siya dahil ako lang ang maglilinis dito. 







ALEXIA's POV


Napanganga na lang kami ni Rose ng makita namin ang loob ng CR. Fuck!! Kumikintab sa linis ang CR tengene! Ang putik naman dito sa loob. Iniisip ko tuloy kung ganito rin ang CR na nililinis nila. Napailing na lang kami ni Rose saka nagsimula ng maglinis. Nagsimula na kaming maglinis kaso dumating naman sina Vince at Enanz kaya napakunot ang noo namin.


"Tapos na kayo?"


Tumango lang sila. Nakangiti.


"Paano nangyari yun? Hindi ba kasing dumi nito ang CR niyo?"


Tumango pa rin sila. Parang timang lang.


"May mga nagvolunteer na babae kaya sila ang naglinis" -Enanz


Tumingin kami ng masama sa kanila. Anong ginawa nilang pambobola?


"O siya, tumulong na lang kayo dito." -Rose


Napakamot sila sa ulo nila pero wala silang nagawa kundi tulungan kami. Tamang tama lang ang dating nila para hindi kami mahirapan ni Rose.









JUSTIN's POV


Ang daming nakikiusyoso na babae sa paglilinis namin. Minsan pati prof pa. Kasama ko si Kent sa first floor. Nakasimangot na nga siya eh. Bigla akong may naisip na ideya.


"Kent alam ko na! May naisip akong magandang ideya!"


Napatingin siya sa akin buhat sa pagmamop ng sahig. Ngumisi ako sa kanya. Napailing naman siya.


"Ayaw ko ng iniisip mo"


"Naman! Ayos lang yan. Para hindi na tayo mahirapan. Madali lang naman. Akong bahala."


Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Binitawan na niya ang mop tapos lumapit sa akin.


"Ano bang binabalak mo?"


Lumabas kaming dalawa. Marami pa ring babae sa labas ng CR.


"Kung sino man ang tutulong maglinis sa amin ni Kent. May tig-iisang kiss mula sa amin."


Nagulat si Kent sa sinabi ko. Parang ayaw nga niya pero inakbayan ko na lang para hindi na pumalag. Nagsigawan naman ang mga babae at nagvolunteer na maglilinis daw. Ang iba sa kanila ay choosy pa. Gusto nila sa lips sila halikan. Ayaw sa cheeks. Napailing na lang kami ni Kent. No choice kami kundi sundin na lang sila. Hinintay na lang naming matapos ang mga babae saka pumunta na sa last floor na kailangan pang linisin. Baka nandoon na kasi sila. Napansin ko na puro babae din ang naglilinis sa floor na nakaassign kina Vince. Dumiskarte din pla ang mga yun. Lumabas naman si Kevin sa CR ng 3rd floor na nakasimangot. Sumabay na sila sa amin. Buti hindi siya napagsamantalahan.







KIRA's POV


Kalalabas lang namin sa CR nang dumating sina Justin. Ang bilis nilang natapos ah. May ginawa rin sigurong kababalaghan ang mga ito. May mga lalaki kasi kaming tinakot ni Rex para maglinis ng CR kaya madali kaming natapos.


"Tumuloy na kayo sa fifth floor pupuntahan ko lang sina Nerd" - Kira


Hindi naman sila umangal. Tinext ko si Nerd kung nasaang floor sila. Buti naman at nagreply agad. Nasa 4th floor na daw sila kaya doon ako pumunta. Kumatok ako sa pinto binuksan naman nila. Ang nandoon sa loob ay sina Nerd, Venice at yung dalawang scholars.


"Sina Alexia?" -Ako


"Nasa 5th floor na. Kasama sina Vince at Enanz."


Yung dalawang unggoy talagang iyon, ang bilis kumilos.



"Ikaw? Bakit ka narito? Tapos na kayo?"


"Medyo, patapos na. Tutulong sana ako sa inyo."


Namula bigla si Nerd. Hindi siya umimik. Ang cute niya lang. Bigla niya akong inabutan ng mop. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko matukoy kung natutuwa ba siya o hindi.








LEE's POV




Natapos na namin ang paglilinis sa CRs kaya pumunta na kami sa office ni Ms. Roxanne. Pumasok na kami sa office niya. Mukhang napapailing siya.


"Magaling talaga kayong dumiskarte, ano? So ready for the next punishment?" - Ms. Roxanne


Mukhang alam niya ang mga kalokohang nagawa namin sa paglilinis ah. Hindi na lang kami nagreact sa sinabi niya. Tumango na lang kami sa kanya. Huwag naman sanang mas matindi sa una niyang pinagawa.


"Madali lang ito. You'll help the student council. They're planning to host a theater play and a mini concert for a cause. I think kaya niyo namang gawin ito at tiyak na maraming bibili ng ticket kapag nagkataon. It will be our late Christmas gift for those children who have cancer dahil after ng New year natin ito gagawin. January 04."


Nagkatingin kaming lahat. Madali lang naman pala ang sunod na punishment namin. At saka makakatulong naman kami kaya ayos lang. Bumukas ang pinto, pumasok ang president ng Student Council. Ipinakilala siya sa amin ni Ms. Roxanne.


"Ngayon, kailangang hatiin kayo sa dalawang grupo. For the theater play and the mini concert. Who wants to volunteer?" -Ms. Roxanne


Nagtaas ng kamay si Vic.


"Theater play po ako."


Sumama na rin ang tatlo pang scholars kay Vic. At dahil sa theater play si Rose, doon na rin daw si Enanz. Nagulat nga sa kanya iyong mga kasama niya pero wala na rin namang nagawa ang mga ito. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Napailing na lang sila Vince. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin si Kira. Napakunot tuloy ang noo ko sa kanya. Parang tinatanong ko siya ng "bakit" gamit ang tingin ko pero umiling lang siya. Problema nito?


"Wala na bang magbovolunteer? Ako na ang hahati sa inyo kung wala ng magsasalita sa inyo. Apat lang dapat sa mini concert. Pwede na siguro ang isang banda" - Ms. Roxanne


Nagsalita si partner na sa theater play na lang daw siya. Sumunod sa kanya sina Rex at Vince. Ibig sabihin. Anim na lang kami. Si Venice, Ako, Kira, Kent, Justin at Kevin. Naghihintay lang kami ng magsasalita pero wala namang umiimik. Napatingin na lang kami kay Venice dahil nagsalita na siya.


"Sa mini concert na lang ako. Magaling namang umarte si Lee. Best Actress yan eh."


Napailing na lang ako saka nagsalita.


"No. Sa mini concert ako. Sa tingin ko mas magaling umarte sa akin si Venice. Di ba, Venice?"


Sinabi ko iyon na parang nang-aasar. Naloko nga niya ako, di ba? Kaya sa tingin ko mas best actress siya kesa sa akin.


"Okay. Ako na ang bahalang maghati sa inyo. Kira, Kent, Kevin and Lee sa mini concert kayo. Venice and Justin sa theater play kayo. Excuse na kayo sa subjects niyo ngayong week. Next week kahi vacation na kailangan niyong magpractice."


Nagreklamo si Justin pero wala naman siyang magawa dahil takot siya kay Ms. Roxanne. Si Venice naman mukhang naaasar.


"It's settled then? Bahala na sa inyo ang President ng Student Council. Siya na ang bahalang magsabi sa gagawin niyo."


Pinalabas na kami ni Ms. Roxanne. Napatingin ako sa president ng Student Council. Lalaki ito. Dave Salazar daw ang name sabi ni Ms. Roxanne kanina. Napatingin ako kay partner. Mukhang kilala niya yung lalaki eh. Si Vince naman mukhang naaasar. Baka mag-away na naman ang dalawang ito.


Sabi sa amin ni Dave pumunta na lang daw ang mga naassign sa theater play sa amphitheater. Samantalang kami daw ay maghanda ng apat na kanta dahil may iba namang magpeperform ng dancing and singing. Ibibigay na lang daw sa amin ang list ng program para alam namin kung kanino kami susunod.


Lumabas na kami sa office. Napatingin ako kay Kira. Nakangiti siya. Para siyang timang. Sina Vic naman excited sa theater play kaya dumiretso na sa amphitheater. Nagpaalam naman sa akin sina partner at Rex. Si Venice naman, walang sabi-sabing umalis. Si Justin naman, napapakamot sa ulo habang sumasabay kina Vince. Naiwan ako kina Kira. 


"Sa HQ na tayo magpractice" - Kira


Tumango nga lang ako tapos sumabay na lang ako sa paglalakad kanina. Nahihiya kasi ako sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga sa unit ko eh. Waaah.. Hindi ko nakeri yun kaya ayaw ko ng alalahanin pa. Nakakahiya.


"Anong kaya mong tugtugin?" - Kent


"Piano saka gitara. Pero konti lang ang alam ko. Sa piano na lang siguro ako kung pwede?"


Tumango na lang si Kent.


Nagsimula na kaming pumili ng kanta sa HQ nila. Apat na kanta lang naman daw di ba?


"Marunong ka bang kumanta Nerd?" - Kira


So hindi pa pala niya naririnig yung kanta sa mp3 player?


"Ata? Madadala na naman siguro ang boses ko ng instruments"


"Duet tayo?"


Eh? Napatango na lang ako. Sila na rin ang pumili ng kanta. Medyo alam ko namang tugtugin sa piano yun kaya hindi ako nagreklamo. Alam ko rin namang kantahin yun.





ALEXIA's POV


Narito kami sa Amphitheater. Ang napiling bida ay sina Rose at Enanz. Si Vic naging parang director. Siya ang naggaguide sa amin kung paano aarte. Sina Camille at Dhessa naman ay sa props naassign pati extra din sila. Si Venice ay naging kontrabida.  Bagay naman sa kanya. Si Justin naman may gusto kay Venice kaya susundin niya lahat ng gusto nito. Kapatid ko naman si Rose tapos si Vince maiinlove daw muna kay Rose tapos after noon sa akin naman daw siya maiinlove. Parang tanga lang ang plot ng story. Hindi ko pa nababasa ang ending kaya hindi ko pa masasabi sa inyo. May pagkamusical ang play na ito.


Busy kami sa pagsasaulo sa lines namin. Naaasar si Vince kapag nakikita niya akong nakikipag-usap kay Dave. Sobrang nagseselos ang mokong kaya hindi ako hinihiwalayan. Adik talaga nito. Napailing na lang ako. Si Justin naman dahil ayaw niya talaga ng theater play ay babalik na daw muna sa HQ nila. Wala namang pumigil sa kanya.





LEE's POV


Pumasok si Justin. Mukhang wala sa mood ah.


"Kamusta pare ang theater play?" -Kent


Mukhang inaasar siya ni Kent base sa tono nito. Napailing na lang si Justin tapos pasalampak na umupo sa sofa. Nanlaki ang mata ko dahil kumuha siya ng magazine sa rack nila. That's the magazine where I posted last year. Hindi ako ang nasa cover photo noon pero nasa loob noon ang larawan ko. May nakalagay pa doon na pangalang "Monique Samonte" and an interview. Shit! Bakit mayroon silang ganoon dito? Napalunok na lang ako habang binubuklat niya ang magazine. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Kailangan kong gumawa ng paraan.




----------------------------------------------------------


Parang tanga lang XD haha.. Pagpasensiyahan niyo na.. Wala talagang pumasok sa utak ko eh. Hindi ko rin malagyan ng kilig moments dahil hindi ako inspired.. Bwahahaha..

Chapter 19: Secret Revealed

CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it

CTRL + Q to Enable/Disable GoPhoto.it

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com