Chapter 19: Secret Revealed
Hi readers XD Nainip ba kau? XD Ito na.. Sana magustuhan niyo :))
This chapter is dedicated to blackblood16.. HAPPY 18th BIRTHDAY XD Ito na lang ang gift ko sa iyo XD haha! Kaso baka maasar ka sa chapter na ito XD Sorry haha. Take care always. Mwaah..
--------------------------------------------------------
LEE's POV
Napalunok ako. Kinakabahan ako dahil baka mabasa ni Justin ang Interview sa akin at makita ang larawan ko doon.
"A-ahh.. Justin"
Napatigil siya sa pagbubuklat at tumingin sa akin. Nagtatanong ang tingin niya.
"Pwedeng hiramin ang binabasa mong magazine? Hehe."
Shit! Kinakabahan ako. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Bakit?"
Kailangan kong mag-isip ng palusot.
"Ahh.. May titingnan lang ako diyan."
"Sino?"
Bakit ba ang dami niyang tanong?
"Ahh.. Iyong crush kong model?" I laughed nervously.
Ang adik ko naman. Sa dami ng sasabihin yun pa. Iniabot naman sa akin ni Justin ang magazine. Nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko iyon. Shit! Hingiin ko na kaya ito? Kumuha ng ibang magazine si Justin. Buti naman hindi na niya balak tingnan ito. Kukunin ko na lang siguro ito ng walang paalam. Hindi na naman siguro niya ito hahanapin, di ba?
"Sinong crush?" - Kira
Napalingon ako kay Kira. Nakakunot ang noo niya sa akin. Mukhang nagseselos na naman ang mokong. Lumapit siya sa akin tapos inagaw niya sa akin ang magazine. Shit! Nagsimula na siyang magbrowse ng pages.
"Sino ba dito ang crush mo?" -Kira
"Wait lang, Kira.. ano kasi"
Sinusubukan kong agawin sa kanya ang magazine pero iniiwas lang niya sa akin. Shit! Sana hindi niya mapansin. Nakita ko na nabuklat na niya yung page kung nasaan ang larawan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya iyon pinansin, patuloy lang siya sa pagbubuklat pero napatigil siya bigla. Kinabahan na ulit ako. Sinubukan kong agawin sa kanya ang magazine pero hinawakan niya ang pulsuhan ng kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon. Seryoso siyang tumingin sa akin. Napalunok na lang ako. Binitawan niya ang kamay ko tapos bumalik sa page kung nasaan ang larawan ko. Nanghina ako. Lumapit siya sa akin tapos inalis ang eyeglasses ko. Wala na talagang lusot. Damn! Kung pwede lang maglaho na parang bula ngayon, nagawa ko na.
Mukhang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
"N-no..." Mahina niyang usal.
Hindi ko mawari kong galit ba siya. He's shocked and speechless. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang hawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
"I-I'm sorry..."
Ito na lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya ngayon. Nabitawan niya ang magazine na hawak niya. He looks confused. Lumapit sa amin sina Kent. Mukhang nagtataka sila sa inaasal ni Kira. Pinulot ni Kevin ang magazine. Nakita niya rin ang larawan ko.
"I-ikaw si Monique Samonte? Kapatid mo si Aldrin?" - Kevin
Mukhang nagulat sina Kent at Justin sa tanong ni Kevin. Tiningnan din nila ang magazine na hawak ni Kevin. They're shocked. Ano bang aasahan ko sa magiging reaction nila? Alangang matuwa sila? Tumango lang ako sa kanila. Napatungo na lang ako. Hindi ko inaasahang malalaman na nila ngayon.
"Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako nilalayuan? Kung bakit bigla ka na lang umiwas?" -Kira
Napatingin ako sa kanya. Tinanong niya ako but I can't feel any trace of emotion in those questions. It sounds scary. Hindi ko alam kung bakit. He's so cold now like when we first met.
"Y-yes"
There's no need to hide it anymore. Nabisto na ako kaya hindi na ako pwedeng magpalusot pa. Tahimik lang sina Justin. Hindi nila alam kung paano sila magrereact.
"So, Aldrin used her sister to decieved me? Im so stupid, right? I'm sure pinagtatawanan na niya ako ngayon." - Kira
"You're wrong! Walang kinalaman dito si Kuya! It's.."
"Really? Then how would you explain your disguise? Bakit kailangan mo pang baguhin ang pangalan mo at magpanggap na isang nerd? Siguro pati ang pagkikita natin sa Japan planado niyo rin!"
"No! Please listen. Gusto lang akong protektahan ni Kuya. Wala siyang kinalaman dito. It's all my fault. Hindi mo siya kailangang idamay."
Hindi ko ipinagtatanggol ang sarili ko pero hindi ako makakapayag na pati si Kuya ay madamay dito. Ako lang dapat ang managot dahil ako lang naman ang may kasalanan kay Kira. Naramdaman ko na lang na unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Is he letting go? Tuluyan na niya akong binitiwan. Tumalikod siya sa akin.
"Leave, before I could hurt you."
Lumapit siya sa dingding at sinuntok iyon ng malakas. Nagulat ako sa ginawa niya. Nagulat din sina Kevin.
"Leave now!"
"Lee, umalis ka na muna." - Justin
Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin na ako si Black Phantom pero sa nakikita ko ngayon parang nakakatakot siya. Hindi ko ata kaya na magalit pa siya ng tuluyan sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang umalis sa HQ nila. Bago ako lumabas ng pinto, narinig ko pa na parang may nabasag sa loob. Damn! Hindi ko gustong masaktan siya dahil lalo lang din akong nasasaktan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Umuwi na muna ako sa unit ko at doon inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko naman ginustong magkaganito. Maybe, I can't really hide the truth. Mas maganda na siguro ito para iwasan na niya ako ng tuluyan. Pero tiyak na mapapatay niya ako kapag nalaman pa niya na ako si Black Phantom. At least hindi na siya maghehesitate na patayin ako kapag nalaman niya. Kung darating ang araw na ang pagkamatay ko lamang ang magpapasaya sa kanya, then I'm willing to give my life just to make him happy.
I get my car keys and bag. I think kailangan ko ng mas tahimik na lugar para makapag-isip. Pupunta na muna ako sa resthouse namin sa Tagaytay.
JUSTIN's POV
Hindi namin alam kung paano magrereact ngayon. Hindi namin pinipigilan si Kira sa pagwawala niya. The Headquarters is all messed up. Alam naming nasasaktan siya ng sobra. Hindi namin akalain na si Monique Samonte at Lee Gomez ay iisa. Ang masaklap pa, kapatid ito ni Aldrin. Tumigil sa pagwawala si Kira. Napasandal na lang siya sa dingding at napaupo sa sahig. Napahawak siya sa ulo niya.
"I'm fucking stupid!"
He looks helpless. Hindi namin alam kung lalapitan ba namin siya o hindi. Baka kasi kami ang mapagbuntunan ng galit niya. Napabuntong hininga na lang ako. Sina Kent at Kevin tahimik lang. Nagsalita na ako.
"Sa tingin ko, kailangang pahupain mo muna ang galit mo para makapag-isip ka ng matino. Let's do some street fight. Huwag mong idaan dito sa HQ."
"That's a good idea. Mukhang kailangan ko rin ng exercise" -Kevin
Nagkibit balikat lang si Kent. Napatingin lang sa amin si Kira. Tumayo na kami nina Kevin at Kent. Nauna na kami palabas sa HQ. Hinintay lang namin siya. Sa tingin ko, mali ata ang naisuggest ko. Baka kasi makapatay si Kira ng wala sa oras. Bahala na nga mamaya. Lumabas na si Kira sa HQ. Seryosong seryoso siya. Nauna pa nga siyang maglakad kaysa sa amin. This is really a bad idea. Napailing na lang ako. Bumulong sa akin si Kent.
"Ikaw ang bahalang pumigil sa kanya mamaya. Baka makapatay yan." -Kent
"Bakit ako lang?"
"Ikaw ang nagsuggest." -Kent
Fuck!
ENANZ' POV
Nagulat kami ni Vince pagbukas namin sa pinto ng HQ. What the fuck happened here? Madaming bubog na nakakalat sa sahig. Pati ang mesa nakatumba tapos ang daming nakakalat na gamit. Napaaway ba sila? Shit! Nasaan na sila?
"Wait. Tatawagan ko si Kent." -Vince
Pumasok kami sa loob. Iniscan ko lang ang paligid. Naglakad lakad ako. Naramdaman ko na may natapakan ako. Napatingin ako sa baba. Natapakan ko ang mp3 ni Kira. Pinulot ko iyon. Himala. Naiwan niya dito ang mp3. Akala ko ba mahalaga sa kanya ito? Ayaw nga niyang ipahawak sa iba. Galing daw kasi kay Lee ang mp3. Nakalagay pa sa mp3 ang headset. Ibinulsa ko na lang dahil baka magwala yun kapag hindi niya nakita ito.
Lumapit sa akin si Vince.
"Anong balita?"
"May pinuntahan lang sila. Walang naganap na away dito. Nagwala lang daw si Kira."
Napakunot ang noo ko.
"Bakit nagwala? Saan sila pupunta?"
"They will do some street fight. Kinakabahan nga ako dahil baka makapatay yun. Sundan kaya natin?"
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit nagwala."
"Dahil nalaman nila na si Monique Samonte at Lee Gomez ay iisa. This explains everything."
Ipinakita niya sa akin ang magazine na hawak niya. Nakita ko ang larawan ni Lee doon. So, all this time, niloloko lang pala niya kami? Hindi na ako magtataka kung bakit nagkaganito ang HQ at kung bakit niya pinabayaan ang mp3 na pinakaiingat-ingatan niya dati.
"I think, kailangan nga natin silang sundan." sabi ko.
Tumango lang si vince. Nagpatawag muna siya ng maglilinis sa HQ bago kami umalis. Nakasalubong namin sina Rose at Alexia.
"Hey, may problema ba, Vince?" -Alexia
Napatigil kami sa paglalakad.
"Wala. Pupuntahan lang namin sina Kira." -Vince
"Bakit? May nangyari ba sa kanya? Nasaan pala si Lee?" -Alexia
"Hindi namin alam kung nasaan siya. Sorry."
Akmang aalis na kami pero pinigilan ni Alexia si Vince.
"May hindi ka ba sinasabi?" -Alexia
"Well, ayaw ko sanang sabihin sa inyo dahil baka magulat kayo. Nalaman kasi ni Kira na si Lee ay si Monique Samonte pala kaya kailangan namin siyang puntahan ngayon." -Vince
Mukhang shocked na shocked sina Alexia. Unti-unti niyang binitawan si Vince.
"Shit! Nasaan si Lee?!" -Alexia
Nagulat kami sa pagtaas ng boses ni Alexia. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pag-aalala. Tumakbo siya palabas ng building. Sumunod sa kanya si Rose. Susundan sana sila ni Vince kaso pinigilan ko siya.
"She'll be alright. Kasama niya si Rose. Puntahan na muna natin si Kira."
Napabuntong hininga na lang si Vince. Sumunod naman siya sa akin.
LEE's POV
Narito na ako sa parking lot. Papunta na sana ako sa car ko nang marinig ko na tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Alexia iyon. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello?"
"Nasaan ka? Pupuntahan kita!"
Hindi ko alam kung bakit bakas ang pag-aalala sa boses niya. Siguro alam na niya na nalaman na ni Kira na ako si Monique Samonte.
"Pa--"
Naputol ang sasabihin ko dahil biglang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. For sure may pampatulog iyon. Pinilit ko na hindi huminga at pumalag ako. Nabitiwan ko ang cellphone ko. Pinipilit kong alisin ang panyo na nakatakip sa akin pero ang lakas ng lalaking may hawak sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na malanghap ang pampatulog. Unti-unting lumabo ang paningin ko pero pinipilit ko pa ring kumawala. Pagkalipas ng ilang segundo, tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.
ALEXIA's POV
"Pa--"
"Lee? Lee! Anong problema?"
Wala akong marinig mula sa kabilang linya. Narinig ko lang na parang may nahulog doon. Shit! Anong nangyari sa kanya? Nakatingin lang sa akin si Rose na mukhang nag-aalala. Napatingin naman ako sa cellphone ko. Hindi naman naka-end ang call pero bakit walang sumasagot? Shit talaga!
"Hello? Lee!"
Wala pa ring sumasagot mula sa kabilang linya. Shit! Pinag-aalala talaga ako ng babaeng ito. Pinatay ko na ang call. Sinubukan kong tumawag ulit kaso wala namang sumasagot. Nagriring lang iyon kaya tumigil na ako.
"Anong balita?" - Rose
"Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sa tingin ko kailangan na natin siyang puntahan sa condo niya."
Tumango na lang siya sa akin. Nagconvoy kami dahil parehas kaming may dalang sasakyan. Pagdating namin sa parking lot, nakita namin ang sasakyan ni Lee. Good. Nasa condo siya. Papunta na sana kami ni Rose sa entrance pero may napulot siyang cellphone. At pamilyar sa akin yun kaya hiniram ko muna sa kanya. Balak kasi niyang iturn-over sa reception yun. Noong binuksan ko ang cellphone, tama nga ang hinala ko na kay Lee iyon. Nakita ko rin ang missed calls ko.
"This is Lee's cellphone" -Alexia
"Ha? Bakit narito?"
Lumapit ako sa guard at tinanong kung nakita niyang lumabas si Lee. Wala daw itong napapansin. Shit! I have a bad feeling about this. Tumakbo kami ni Rose papunta sa elevator at pumunta sa 10th floor kung nasaan ang unit ni Lee. Kumatok kami doon pero walang sumasagot. Damn! Nakalock ang pinto kaya hindi kami makapasok. Ano kayang nangyari sa kanya? Nanghihina akong napaupo sa sahig. What will I do? Tinapik ni Rose ang balikat ko.
"She'll be alright. Makikita rin natin siya." -Rose
Tinulungan niya akong makatayo.
"Kapag hindi pa siya nagpakita sa atin bukas sa school, hahanapin na natin siya. Gusto ko munang macheck ang CCTV sa parking lot ng building na ito. Will you help me?" -Rose
Bakit ngayon ko lang naalala na may CCTV nga pala sa parking lot. Pumunta kami sa reception tapos tinanong namin kung nasaan ang control room ng building. Itinuro naman nila sa amin dahil kilala nila ako. Nagpasalamat kami bago nagtungo sa control room.
KIRA's POV
Hindi ko matanggap na kapatid pala ni Aldrin si Nerd! Shit! Bakit kailangan pa niya akong lokohin? Sumama ako kina Justin dahil parang hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Fuck! Bakit ang babaeng mahal ko pa? Damn! Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kanina. Hindi ako makapag-isip ng tama.
Nakarating na kami nina Justin kung saan madalas may nagaganap na street fight. Maingay dito dahil may naglalaban. Iyong iba nagchicheer lang samantalang yung iba nakikigulo. May nabangga ako dahil hindi nakatuon sa daan ang atensiyon ko. Napansin ko na tumahimik ang mga tao. Mukhang napalakas ang pagbangga ko sa lalaking nasa harap ko. Medyo malaki siya sa akin kaya napatingala ako ng konti. Masama ang tingin niya sa akin. Iyong iba naman tahimik na nakatingin sa akin. Mukhang kinakabahan sila sa mangyayari.
"Shit! Binangga niya ang pinakamalakas dito!" -boy1
"Pare, matinding away ito!"-boy2
"Gago, dapat tumakbo na siya kung ayaw niyang mabalian ng buto! Street fight King ang nabangga niya!" -boy3
Ang nabangga ko ba ang tinutukoy nila na pinakamalakas? Mukha ngang weak eh. Napasmirk na lang ako.
"Mukhang hindi ka natatakot sa akin bata ah?" nakangising sabi ng Street fight King.
"You bet kaya umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong ikaw ang sumalo ng galit ko."
Mukhang naasar sa sinabi ko ang lalaking kaharap ko. Namumula na ang mukha niya sa galit. Sinubukan niya suntukin ako sa mukha pero nahawakan ko ang kamao niya. Pinilipit ko ang kamay niya. Nasaktan siya sa ginawa ko at napasigaw. Ito na ba ang pinagmamalaki nila dito? Itinulak ko siya palayo sa akin at tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko ang pagchicheer ng mga tao. Hindi ako ang ipinagchicheer nila kundi ang Street fight King "kuno" nila. Alam kong susugod na siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. Susuntukin niya ako pero sinipa ko siya gamit ang kanang papa ko, straight to his face. Nakalagay lang ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ko. He's stunned. Ibinaba ko ang kanang paa ko. Tumalon ako sa ere at sinipa siya sa kaliwang part ng mukha niya gamit naman ang kaliwang paa ko. Para lang akong nag-exhibition sa ere. Tumama ang mukha niya sa sahig at duguan. Nakatalikod na ako sa kanya nang lumanding ako sa sahig. He's really weak. Nagsimula na akong maglakad kaso nagsugudan na ang mga lalaking nanonood kanina. Lumalaban na rin ngayon sina Kent, Justin at Kevin.
Tinititigan ko lang ng masama ang mga gustong lumaban sana sa akin. Bigla na lang silang nag-uurungan. Umupo ako sa isang tabi at nag-isip. Iniisip ko ang nangyari kanina. Bakit ba parang hindi ko siya matiis? Damn! Kung walang kinalaman dito si Aldrin, bakit kailangan pa niyang magpanggap? Naguguluhan ako. Makikinig ba ako sa sinabi niya? Shit! Napahilamos na lamang ako sa mukha ko.
Naramdaman ko na may susugod mula sa likod ko. Tumayo ako at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang lalaki sa braso. Ginamitan ko ng puwersa para mapaangat siya at buong lakas kong inihampas ang likod niya sa sahig. Nasaktan ito. Mukhang may nabaling buto sa kanya. Street fight pala ah. Umupo na lang ulit ako at patuloy na nag-isip.
Is it time to let go now? Kaya ko ba? Fuck!
VINCE's POV
Pagdating namin ni Enanz sa lugar kung nasaan sina Kira, nagkatinginan kami ni Enanz dahil hindi lumalaban si Kira. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil mapapansin ang pagkunot ng noo niya. Napailing na lang kami ni Enanz dahil ang lumalaban ay sina Kent, Kevin at Justin. Mukhang nakasimangot sila. Siguro akala nila si Kira ang pinakalalaban sa kanila.
Tumulong na lang kami ni Enanz kahit patapos na sila. Mahihina naman pala ang mga kaharap nila. Lahat napatumba namin kaya lumapit kami kay Kira. Hindi niya kami pinapansin. Pero bigla siyang nasalita. Mukhang gulong-gulo siya.
"What should I do?" - Kira
"Mahal mo ba?" - Enanz
"Damn! I love her so much kaya ako nasasaktan at naguguluhan ng ganito!"
Napasabunot siya sa buhok niya. Halatang hirap na hirap siya sa sitwasyon. Tinapik ko na lang siya sa balikat.
"Kung mahal mo talaga, then follow your heart. Hindi naman pwedeng laging galit na lang ang pinaiiral. Minsan kailangan mo lang magpatawad para maging masaya ka. Kausapin mo siya. Malay mo naman, hindi talaga niya gustong lokohin ka. Baka naman may iba siyang dahilan, di ba?" - Ako
Napatingin na lang siya sa akin. Mukhang hindi niya nakukuha ang sinasabi ko kaya natawa na lang ako. Nagsmirk na lang siya. Nagkanya kanya na kami sa pag-alis sa lugar na iyon. Iniisip ko ngayon si Alexia. Kamusta na kaya siya? Wala naman palang problema dito. Dapat sinundan ko na lang siya kanina.
ROSE's POV
Napakiusapan namin ang in-charge sa control room na irewind ang nangyari kanina sa parking lot. Wala daw kasi silang napansin na kakaiba sa monitor kanina. Noong inirewind na ng in-charge wala talagang nakikitang tao sa parking lot. Walang kahit anong gumagalaw sa parking lot. Ang gumagana lang talaga na CCTV ay ang mga nasa angle na hindi makukuhanan ang part kung nasaan si Lee. Kahit ang pagdating namin ni Alexia ay hindi nakuhanan. Parang alam ko na kung bakit. Nagpasalamat ako sa in-charge. Tapos naglakad na. Sumunod naman sa akin si Alexia na nagtataka.
"Bakit?" -Alexia
"Walang record sa control room. Wala tayong makukuhang impormasyon. May kukumpirmahin lang ako sa parking lot."
Tahimik lang na sumunod sa akin si Alexia. Pagdating namin sa parking lot, tiningnan ko ang CCTV na nasa tapat namin. Lumapit ako doon. Ito lang ang tanging CCTV na makakakuha sa angle kung nasaan ang cp ni Lee. Iniscan ko iyon. I knew it! May device na nakaattach doon na nagpatigil sa CCTV kaya hindi nakukuhanan ang dumadating at umaalis. Fuck! Mukhang may kinalaman ito sa pagkawala ni Lee.
"I think she's kidnapped."
"What?!"
Napasigaw si Alexia.
"Calm down. Kaya ni Lee ang sarili niya."
"Paano kung mapahamak siya?"
"Wala ka bang tiwala sa kanya?"
Natigilan si Alexia.
"May tiwala."
"Then, calm down. Hanapin natin siya kapag hindi siya nakapasok bukas, okay? Don't stress yourself too much."
Tumango na lang siya sa akin. Naghiwalay na kami ng daan dahil may pupuntahan ako. Baka may kinalaman na naman dito si Krissy. I need to know.
ALEXIA's POV
Nakarating na ako sa bahay ko. Hindi ako mapakali dahil sa pagkawala ni Lee. Shit! Sino naman ang kikidnap sa kanya? Damn! Narinig kong may nagdoorbell. Dali-dali kong binuksan ang pinto dahil baka si Lee iyon. Nakita ko si Vince kaya pinagbuksan ko siya ng gate.
"Hey, buti naman nakauwi ka na?" -Vince
Tumango lang ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"Any problem?"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na nakidnap si Lee. Tumingin lang ako sa kanya at umiling.
"Nakausap mo ba si Lee? Siya ba ang iniisip mo kaya ka tahimik? Well, I believe, lahat ng tao may sikretong itinatago. Galit ka ba sa kanya?"
Napailing na lang ako sa sinabi ni Vince. Hindi niya alam na simula pa lang alam ko ng si Monique ay si Lee. Mukhang tama siya sa sinabi niya. Lahat ng tao may sikretong itinatago. Even me. Hindi niya alam na ako si Blue Phantom at partner ko si Lee.
-----------------------------------------------------------
Dito ko muna puputulin mga kaibigan XD haha. MAY ang next update ko dahil sobrang busy lang XD May valid reason naman. For Academic purpose ang hindi ko pag-aupdate XD Sana mahintay niyo.
Chapter 20: The Kidnapper's Trial
Hindi ko pa nacheck ang grammar nito.. Saka ko na lang ieedit XD hoho.. Tamad pa :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com