Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Caiden University

hello readers XD Chapter 2 is now published ^_-

Enjoy reading!

++++++++++++++++++++++


LEE


I'm already here at the Philippine airport. Naka-nerd get up ako. I think I'm already getting used to this. At least, walang masyadong mangungulit sa akin. Si Mr. Williams ang susundo sa akin para sa briefing tungkol sa Caiden University. Hindi na ako tutuloy sa mansion. Baka may makakita pa sa akin. Dadalawin naman ako nina Mommy kapag nakabalik sila galing Hawaii.


I looked around. May nakita akong lalaki na nakasuot ng black suit. I think nasa late forties na siya. Siya na siguro si Mr Williams. He's holding a small banner with my name.


LEE GOMEZ


Talagang pinanindigan nila ang pangalang 'yan? Napailing ako. Lumapit ako sa kanya.


"You must be Mr. Michael Williams? I'm Lee Gomez," sabi ko. Inilahad ko ang kamay ko para makipag-handshake sa kanya. Tinanggap naman niya ito.


"Nice to meet you, Ms. Lee Gomez. Ihahatid na kita sa condo unit mo. We'll talk about the University later," nakangiting sabi niya. Tumango ako. Sumunod ako sa parking lot. Pumunta kami sa condominium na pagmamay-ari ng pamilya ko. Nasa tenth floor ang condo ko. Maluwag sa loob pagpasok namin. Nagandahan ako sa interior design. Nice place. Mukhang high-tech na rin ang mga appliances at secured ang place.


"Ayos na ba ang unit na ito, Ms. Lee? Kung ayaw mo, pwede kang lumipat sa ibang unit," sabi niya.


"No. This unit is fine with me," nakangiting sagot ko.


"Ms. Lee, let me remind you. You need to take an entrance examination for formal enrollment and scholarship purposes in Caiden University tomorrow," paalala ni Mr. Williams. Tumango ako. Akala ko makakaligtas na ako sa mga exams dahil ako na ang pansamantalang headmistress. Hindi pala.


"Caiden University is a school for young elites. Puro mayayaman ang pumapasok dito. Bihira ang scholars dahil madalas silang binubully sa loob ng campus. Hindi sila nakikihalubilo sa mga anak mayaman dahil natatakot silang mapag-initan. Dito madalas magkaproblema si Master Aldrin," paliwanag ni Mr. Williams. Naawa ako sa mga scholars. Ano kaya ang gagawin ko para makatulong sa kanila?


"Pwede ba akong magdagdag ng rules sa Caiden University?" tanong ko.


"Yes, Ms. Lee. You can. Sabi ni Master Aldrin, bahala ka na kung may gusto kang baguhin. Basta tama lang ang gagawin mong desisyon," sagot niya.


"Good. Ako na ang bahala sa Caiden University," nakangiting sabi ko. Hindi ko nga lang maipapangako sa kuya ko na hindi ako gagawa ng kalokohan.


"Ang alam ng mga students ay Monique Samonte ang pangalan ng bagong Head Mistress. That's why you will be Lee Gomez. Walang dapat makaalam na magkapatid kayo ng young master. Ito ang bilin niya sa akin kaya mag-ingat ka lang sana," paalala niya.


"I understand. Is there anything else other than that?" tanong ko. May kinuha si Mr. Williams sa loob ng room ko.


"He left this medium-sized vault for you. Alam mo na raw ang password. If there's any problem about the University just call me, Ms. Lee. Ako at ang parents mo lang ang nakakaalam na ikaw ang Headmistress," sabi niya. Tumango ako at ngumiti kay Mr. Williams.


"Thanks a lot, Mr. Williams. You're a big help," sabi ko.


"You're welcome, Ms. Lee. This is the unit's card key. For your car here's the key. It's a secondhand Mazda 3. Secure na ang personal information mo kung sakaling may mag-background check sa 'yo. This is your passbook, atm and credit cards. Ito ang student information at iba pang papeles na kailangan mo," sabi niya. Tumango ako. Ipinatong niya sa table ang keys at mga papeles.


"I have to go, Ms. Lee. Please take care of yourself. Ayaw sanang ipaako sa 'yo ni Master Aldrin ang responsibilidad pero wala siyang magawa. May mahalaga raw siyang dapat asikasuhin bago bumalik," sabi ni Mr. Williams. Napatitig ako kay Mr. Williams. May alam ba siya?


"Alam niyo po ba kung nasaan si kuya?" umaasang tanong ko.


Umiling si Mr. Williams. Kumunot ang noo ko. Tinungo na ni Mr. Williams ang pinto at lumabas na. Hindi na ako nakapagtanong pa. Binasa ko ang student profile ko.


Name: Lee Gomez

Age: 20 yrs old

Birthday: October 08, 19XX

Parents: Cynthia Gomez - deceased

Alejandro Gomez – deceased


Saan namang lupalop nila kinuha ang pangalan ng parents ko? I scanned my unit. Masarap sa mata ang kulay ng condo unit ko. Combination of light blue and white. Lumingon ako sa vault na binigay sa akin ni Mr. Williams.


Ano kaya ang laman nito? Kinuha ko ito. Walang ibinigay na password sa 'kin si Kuya kaya nag-isip ako. Iisa lang naman ang alam ni kuya na ginagamit kong password na kami lang dalawa ang nakakaalam. I checked the vault keys. Wala namang letters sa keypad ng vault. Numbers lang. I tried to convert the word in numbers. I entered the password. Sana tama ako. Pagkalipas ng ilang segundo. May narinig akong click. Biglang na-unlock ang vault.


Yes! Mabuti naman hindi na ako pinahirapan pa. Napansin kong may mga papeles sa loob. Mukhang mahalaga kasi nakavault pa. May isang sobre sa ibabaw ng mga files. Binuksan ko ito. May laman itong liham na nakapangalan sa 'kin. Ito muna ang binasa ko.


Napaawang ang labi ko dahil sa nabasa. Naiinis ako kay Kuya dahil ginagawan niya ng solusyon ang problema ko nang mag-isa. Hindi ko alam na marami na palang nangyari pag-alis ko ng Pilipinas. My brother is Aldrin Rei Samonte. He's just 24 years old. Pamana sa kanya ni Lolo ang Caiden University. Dalawa lang kaming magkapatid kaya malamang na sa kanya ibibigay ito. Ayaw ko rin namang i-manage ang university. Mahihirapan at mai-stress lang ako.


Close kami kaya naiinis ako sa drama niya. Hindi ko na pala kailangang mag-alala para sa kanya. Pero dahil alam ko na ang lahat, mas kailangan ko nang mag-alala para sa sarili ko. Pero mukhang hindi ko masusunod ang ibang bilin niya sa akin. Sa kanya kasi ako nagmana ng pagiging pasaway. Ang ilang papeles ay mga confidential documents tungkol sa mga miyembro ng District 1. Nag-research pa talaga siya. Bumuntong-hininga ako.


I locked the vault and hid it. I took a bath. Pinatuyo ko ang buhok ko bago humiga sa kama. May exam pa ako bukas. Marami-rami akong kailangang harapin at ayusin. Hindi magiging madali pero sana maging maayos na lahat. Kahit gusto kong iwasan at takasan ang nakaraan ay hindi ko na magagawa.


***


Caiden University


Pumasok na ako sa university. Nag-commute ako. Na-miss ko kasi ang Pilipinas. Pagpasok ko, agad akong sinita ng guard dahil wala akong ID. Ipinakita ko sa kanya ang examination slip ko. Mabuti na lang pinapasok ako kasi mukhang takang-taka siya sa itsura ko.


Naka-braid ang buhok ko sa magkabilang side at naka-eye glasses. Naka-jeans at blouse ako. Napansin ko na maraming nakatingin sa akin. Dukutin ko kaya ang mga mata nila? Ang bait ko talaga! May mga babaeng humarang sa dinaraanan ko. Wow! Ang gaganda nila! Mukha silang mga bulateng may make-up.


"Why are you here, Nerd? Naliligaw ka yata?" nang-aasar na sabi ng isang bulate. Naliligaw nga ako sa sarili kong university. Hindi ko pinansin ang babae. Maglalakad na sana ako pero humarang naman ang isang kasama niya.


"Mukhang hindi dito ang school mo. Hindi ka nababagay rito," maarteng sabi ng babae. Mas marunong pa sa akin? They're so stupid. Ang lakas ng loob nilang mambully pero ang papangit naman nila. Alam ko na ang name ng grupo nila. The Bulate Chix. Hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong balak ibaba ang level ko sa kanila. Halatang naiinis na sila sa pagiging cool ko. Itinulak ako ng isa pang babae pero bahagyang napaurong lang ako. Masyado silang mahina para pag-aksayahan ng oras. Napatingin ako sa relo ko. Male-late na ako sa exam ko dahil sa kanila.


May pagka-war freak ako. Hindi porke't nerd ako ngayon, hindi ko kayang lumaban. Pero kailangan ko munang magpakabait. Ang headmistress ang magdadala ng kaguluhan sa University na ito. Este katahimikan pala dapat.


Akmang itutulak ulit ako ng babaeng kaharap ko pero napigilan ko ang kamay niya. Nagtaka ako dahil sa sigawan sa paligid sa may 'di kalayuan. Nakita kong naglalakad sina Kira kasama ang mga underlings niya. Nalaman ko ang mga pangalan nila dahil sa files na ibinigay sa 'kin ni Kuya Aldrin. Binitawan ko ang babae at tinitigan nang masama. Napaurong naman sila dahil sa takot. Iniwan ko ang mga Bulate Chix. Wala akong balak pansinin sila. Nagmamadali ako kaya tumakbo ako palayo sa kanila. Sinadya kong banggain si Kira. Hindi ako tumigil para humingi ng tawad. Dire-diretso pa rin ako sa pagtakbo.


"Hey, you! Idiot!" galit na sigaw ni Kira.


Tumigil ako at humarap sa kanya. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Nagulat siya nang makilala kung sino ako.


"Isang hamak na nerd lang pala ang bumangga sa akin." He glared at me. Halatang naiinis siya. Nagtaas ako ng kilay. Isang hamak na Nerd? Let's see.


"And so? Pasensiya ka na kung hindi kita mae-entertain. Nagmamadali kasi ako, Mr. Rugged-look," sarkastiko kong sabi. I grinned. Tatalikuran ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa braso. Nilingon ko siya.


"I have a name," he coldly said. Sumeryoso ang ekspresiyon ng mukha ko. I know. Kahit ang negosyo ng mga pamilya nila ay alam ko na rin. Lahat sila ay mayayaman at may maipagmamalaki. Napansin kong naaaliw na nanonood sa 'min ang mga underlings ni Kira. Naghihintay ng sunod na mangyayari.


Nalaman ko rin na si Kira ang lalaking nakamaskara noong gabing mangyari ang isang aksidente. But I don't hold any grudge on him. Tiyak na magagalit siya sa 'kin kapag nalaman niya kung sino ako. Ako siguro ang dahilan ng pagiging cold niya. Paano ko aayusin 'to? Bahala na. Hindi ko alam kung saan magsisimula.


"Oh, I forgot. What's your name, Mr. Rugged-look?" maang na tanong ko sa kanya. Nainis siya.


"Nagsisimula ka na bang makipaglaro sa 'kin? Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" he smirked.


"Not yet, Mr. Rugged-look. Hindi pa tayo nagsisimula. And you're wrong. Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na marami akong dapat ayusin dito kaya ako bumalik," sabi ko habang nakakalokong ngumisi.


"Yeah right. I know you're all talk," bored na sabi niya. I look at him. Is he provoking me? I smiled then I wear a serious face afterwards.


"Gusto mo talagang maglaro? Let's get started then," sabi ko sa kanya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Lumapit ako sa kanya. Hinila ko siya papalapit sa 'kin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Gulat na gulat siya. I sweetly smiled at him.


"The game starts now," mahinang bulong ko sa kanya. I left him speechless.


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

kyaaaaaaaaaahh.. Ayan na XD haha.. ano ba tong mga naiisip ko? haha..

sana nagustuhan niyo..

Chapter 3

The Game Starts Now

ano kaya ang mangyayari? sana maging creative ang mind ko XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com