Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: The Kidnapper's Trial

Sorry kung matagal kayong naghintay sa UD.. Enjoy reading :))

-------------------------------------------------------


ALEXIA's POV


Narito kami ni Rose sa university. Hinihintay namin ang pagdating ni Lee pero tanghali na wala pa rin siya. Lalo tuloy akong nag-aalala sa kanya. Hindi na naman namin siya makokontak dahil nga nasa akin ang cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil kanina pa akong hindi mapalagay.


"Anong gagawin natin, Rose?"


"Maghintay ka na muna. Masyado kang nerbiyosa. Nahahawa tuloy ako sa iyo."


Napabuntong hininga na lang ako. Kami lang dalawa ang nakakaalam sa mga nangyayari ngayon. I don't think kailangan pa itong malaman nina Kira dahil alam kong galit siya kay Lee. 


"Hindi kaya si Kira ang kumidnap sa kanya?"


Nasabi ko iyon dahil napapraning na talaga ako sa kaiisip kay Lee. Naisip ko lang dahil baka gusto niyang gumanti? Baka gamitin niya iyon laban kay Kuya Aldrin? Hindi kaya? Binatukan ako ni Rose. Napapailing ito.


"Huwag ka na nga munang mag-isip diyan. Kung anu-ano ang lumalabas sa utak mo eh."


Natahimik na lang ako. Nag-iisip naman ng malalim si Rose. Ano ba naman ito?






ENANZ' POV


Papunta na ako sa headquarters. Ibabalik ko na kay Kira ang mp3 niya dahil nakalimutan kong ibalik kahapon. Hindi ko rin sinasadya na mapakinggan ang message ni Lee sa kanya. Bored na bored lang kasi ako kaya tiningnan ko ang mga kanta sa mp3 niya at dahil may dalawang kanta na nasa record format, nacurious tuloy ako. Napakinggan na kaya iyon ni Kira?


Pagpasok ko sa HQ naroon na silang lahat. Tahimik lang sila. Si Kira naman nasa isang tabi lang at malalim ang iniisip. Nagsalita ako.


"Hey, Kira. Ito nga pala ang mp3 mo. Nakita ko sa HQ kahapon. Hindi ba kayo magpapraktis?"


Inabot naman niya ang mp3 mula sa akin. Tinitigan lang niya iyon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Blanko lang kasi ang pagkakatitig niya sa mp3. Alam na kaya niya?


"Hey, sorry pala dahil napakinggan ko ang message ni Lee sa iyo. Bored lang kasi ako kagabi kaya pinakialaman ko na iyan."


Nagtatakang napatingin sa akin si Kira. Mukhang hindi niya alam kung anong tinutukoy ko base sa tingin niya sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya. Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya.


"May dalawang recorded songs diyan sa mp3 mo. Kanta ni Nerd tapos may message pa para sa iyo. Ibrowse mo na lang. Pupuntahan ko na muna sina Rose. May practice pa kasi kami."


Hinila ko na si Vince paalis sa HQ sumunod na rin si Justin sa amin. Siguro naman makakapag-isip na ng tama ngayon si Kira. Sana makatulong iyon sa magiging desisyon niya. At kung ano man ang magiging desisyon niya, sana hindi niya pagsisihan.


ROSE's POV


Pumunta ako sa condo unit ni Krissy kahapon pero sinabi niyang wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Lee. Wala na akong maisip na gagawa pa noon kundi siya lang kaya pinuntahan ko siya agad. Medyo nasaktan si Krissy dahil sa pagtatanong ko. Para kasing ang dating ay pinagbibintangan ko siya. Napabuntong hininga na lang ako.


Wala kaming lead kung sino ang kumuha kay Lee. Mahihirapan kami sa paghahanap at hindi namin alam kung saan magsisimula.


Nakita ko na papalapit sina Enanz sa direksiyon namin. May rehearsal nga pala para sa play. Wala na kaming nagawa kundi ang pumunta na sa amphitheater. Sana ayos lamang si Lee. Sana hindi siya mapahamak.




KIRA's POV


Nagtaka ako sa sinabi ni Enanz. Pagkaalis nila, hinanap ko agad ang recorded songs na sinabi niya. It's not too late at Steady my heart ang nakita ko na nasa record format.


I put on earplugs to listen to the songs. I played "It's not too late" first. Nagsimula ng tumugtog ang gitara. And I heard a soft and sweet voice singing that song. Hindi ko akalaing magaling palang kumanta si Nerd. I noticed the sad tone of her voice. Parang gusto niya talagang makarating sa akin ang message ng kanta na iyon.


     Ohh
     Here I am
     Feels like the walls are closing in
     Once again it's time to face it and be strong
     I wanna do the right thing now
     I know it's up to me some how
     I've lost my way

     If I could take it all back I would now
     I never meant to let you all down
     And now I've got to try to turn it all around
     And figure out how to fix this
     I know there's a way so I promise
     I'm gonna clean up this mess I made
     Maybe It's not to late
     Maybe it's not to late oh


Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon. Lalo akong naguluhan dahil sa kantang ito. Parang sinasabi niya na hindi niya sinasadya ang mga nangyayari ngayon sa amin at nagsisisi siya sa mga ginawa niya. Dapat bang nakinig ako sa kanya kahapon? Wala nga bang kinalaman dito si Aldrin?


     So I'll take a stand
     Even though it's complicated
     If I can I wanna change the way I've made it
     I gotta do the right thing now
     I know it's up to me some how
     I'll find my way


I can feel that she's really sorry. Damn! I hate this sad voice. Parang hindi ko siya kayang tiisin dahil dito. I don't want her to be sad pero nasasaktan din naman ako ngayon. Bakit kasi kailangan pa niyang magpanggap na ibang tao? Mas matatanggap ko pa sana kung humarap siya bilang Monique Samonte sa akin. Pero mamahalin ko ba siya kung sakaling alam ko na kapatid siya ni Aldrin? Damn! Siguro pipigilan kong mahalin siya dahil sa katotohanan na iyon. Sana hindi kami umabot sa ganito. Kung kailan mahal na mahal ko na siya at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang bitawan, saka ko pa nalaman lahat.


     I'm gonna find the strength
     To be the one who that holds it all together
     Show you that I'm sorry
     But I know that we can make it better


Napasabunot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasaan ba siya ngayon? If she really regret pretending as other person then why isn't she coming here to apologize and prove her innocence? Natapos na ang kanta pero wala naman ang sinasabing message ni Enanz. Natatakot akong iplay ang sunod na kanta dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hanapin at kausapin siya.



OLD WAREHOUSE


LEE's POV


Ang sakit ng ulo ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil nakatali ang dalawa kong paa at ang kamay ko naman ay nakatali sa upuan. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa panyo na nasa bibig ko. Madilim ang buong paligid dahil saradong sarado ang lugar kung nasaan ako. Pinilit kong alalahanin ang nangyari bago ako napadpad dito. Mukhang nakidnap ako.

Biglang bumukas ang maliit na ilaw sa loob ng warehouse. Medyo dim ang liwanag na nanggagaling doon.Napansin ko na marami palang nagbabantay sa akin.


"Sabihin mo kay Boss, gising na ang babae." -guy1


Sinunod naman siya ng isa pang lalaki. Napansin kong may tinawagan ito. Ayon sa pagkakarinig ko sa lalaki, iintayin daw nila ang kausap niya sa warehouse na ito. Sino ba kasi ang may pakana nito? Hindi naman ako ginagalaw ng mga lalaki kaya nakakahinga pa rin ako ng maluwag.


Makalipas ang ilang oras, may narinig akong sasakyan na tumigil malapit sa warehouse. Mukhang dumating na ang taong nagpakidnap sa akin. Nasa likod ko ang entrance ng warehouse kaya hindi ko makita ang dumating.


"Buti naman at gising ka na."


Babae ang nagsalita. Hindi ko kilala ang boses na iyon kaya hindi ko mahulaan kung sino siya. Nagsimula na itong maglakad papunta sa harapan ko. Noong una, pilit kong inaaninag kung sino siya pero nagtaka ako bigla nang tuluyan ko siyang makilala.


Why? Anong kailangan niya sa akin? Wala naman akong maalala na atraso sa kanya para ipakidnap ako?





CAIDEN UNIVERSITY


KIRA's POV


I decided to listen to the next song kahit nagdadalawang isip ako. Steady my heart. Siguro narito ang message na sinasabi sa akin ni Enanz? Nagsimula na ang kanta.


     Wish it could be easy
     Why is life so messy?
     Why is pain a part of us?
     There are days I feel like
     Nothing ever goes right
     Sometimes it just hurts so much

     But You're here
     You're real
     I know I can trust You

     Even when it hurts
     Even when it's hard
     Even when it all just falls apart
     I will run to You
     Cause I know that You are
     Lover of my soul
     Healer of my scars
     You steady my heart
     You steady my heart


Kahit hindi ko gusto tinatamaan ako sa kanta. Oo, nasasaktan ako pero sa tingin ko mas nasasaktan siya ngayon kaysa sa akin. And I hate it.


     I'm not gonna worry
     I know that You got me
     Right inside the palm of your hand
     Each and every moment
     What's good and what gets broken
     Happens just the way that You plan

     And I will run to You
     You're my refuge in Your arms
     And I will sing to You
     Cause of everything You are

Pagkatapos ng kanta biglang may nagsalita. Ito na siguro ang message na sinasabi ni Enanz.


Happy Birthday Kira! Ang cheap ng gift ko, di ba? *laugh* Hindi ko akalaing magkikita pa tayo dito sa Pilipinas. Akala ko, taga-Japan ka. Masaya ako dahil nakilala kita. I don't want to be selfish kaya sana maintindihan mo kung bakit ako biglang lalayo. Hindi mo ako lubusang kilala pero kahit ganoon masaya ako dahil minahal mo ako. Siguro darating ang time na maiintindihan mo rin kung bakit ako biglang umiwas. Sigurado rin ako na magagalit ka sa akin. Sorry. Hindi ko alam kung tama pa bang sabihin na mahal din kita. But I do love you too, pero nakakalungkot dahil hindi talaga tayo pwede. Maybe I'll just willingly accept my punishment when that time comes, kapag alam mo na lahat. Thank you for loving me and I'm really sorry. Kung sana lang napapawi ng isang sorry ang sakit na maaari mong maramdaman, araw-araw akong magsosorry para mawala lahat ng sakit na naidulot ko sa iyo. S-sorry.


Shit! I think I need to talk to her right now. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. I tried to call her cellphone pero walang sumasagot. Nagriring lang iyon. Iniiwasan niya ba ako? Kailangan ko pa ba siyang puntahan sa unit niya? Pumasok ba siya ngayon? Tumayo ako kahit hindi ako sigurado sa gagawin ko.


"Saan ka pupunta, Kira?" -Kent


Napatingin ako kay Kent.


"Magpractice na muna kayo. Hahanapin ko muna si Nerd."


Ibinulsa ko ang mp3 player. Makikipag-usap ako kay Nerd para maging malinaw lahat.


OLD WAREHOUSE

LEE's POV


Inalis niya ang pagkakatali ng panyo sa bibig ko. Ano kayang kailangan ng kapatid ni Kira sa akin? That's right. It's Rhea Fuentebella. Nagsalita ako.


"Anong kailangan mo sa akin?"


She smirked.


"I think, ako dapat ang magtanong niyan sa iyo. Anong kailangan mo sa kapatid ko Monique Samonte?"


Nagulat ako sa tanong niya. Paano niyang nalaman ang tunay kong pangalan?


"Huwag ka ng magtaka. I checked your background. Hindi ko alam kung paano mo naloko ang kapatid ko. Ako rin ang nagpalagay ng magazine sa rack nila. I think, It's already time to unleash your secrets. Bakit ka nagpanggap bilang Lee Gomez at nerd?"


Akala ko ba secured ang mga information tungkol sa akin? Masyadong resourceful ang ate ni Kira.


"Wala akong balak na masama kay Kira. Nagkataon lamang na kailangan kong gawin ito bago ko pa siya nakilala."


"Gusto mong maniwala ako sa sinasabi mo? You're funny."


"Hindi ko kailangang pilitin na maniwala ka sa akin. Just let me go, kung wala ka ng kailangan sa akin. Alam na ni Kira na ako si Monique Samonte kaya wala ka ng dapat ikabahala."


Natawa ito ng malakas at sarkastikong nagsalita.


"Wala na nga ba akong dapat ikabahala?"


Naalarma ako sa tanong niya. Alam kong namumutla na ako sa mga oras na ito. Alam din ba niya na ako si Black Phantom? This is not good.


"Bakit hindi ka na makapagsalita? May itinatago ka pa ba maliban sa pagiging isang Samonte? *grin*"


"Ano ba talagang kailangan mo?"


"I want the truth."


Natahimik ako. Hindi ko matukoy kung alam na ba talaga niya o hindi. Hindi ako nagsasalita dahil may posibilidad na hindi pa niya alam. This is really bad. Nagulat ako sa sunod niyang tanong sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.


"Do you love my brother?"


"You don't need to know."


"I need to know of course. If my brother decided to love you still even you're Monique Samonte, I can't do anything to oppose him. Nakita ko kung gaano siya kasaya kapag kasama ka. I'm happy for him pero hindi ako matatahimik kung ang babaeng minamahal niya ay niloloko lang siya."


Nasaktan ako sa sinabi niya. She's right. Panloloko talaga ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ng ate ni Kira. Mahal ko si Kira pero tama ba ang nararamdaman kong ito? Hindi kami pwede dahil tiyak na hindi niya ako matatanggap lalo na at ako si Black Phantom.


"Kung naghehesitate kang sumagot then I'll tell you this. I already knew that you are Black Phantom."


Seryosong nakatingin sa akin ang ate ni Kira. Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga oras na ito. Alam niya. 


"Then why are you still asking, if you knew all along?"


"I care for my brother. Do you think magiging masaya siya kung ang taong gusto niya palang patayin ay ang taong mahal niya? Hindi ako naniniwalang magiging masaya si Kira sa gagawin niyang paghihiganti. Baka lalo lang siyang masaktan sa gagawin niya."


Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng kapatid ni Kira. Kakampi ba siya o kaaway?


"Bakit gusto mo pang malaman kung mahal ko si Kira? Ako si Black Phantom, you could kill me right now para wala ng problema."


"I didn't think na gusto mo na palang mamatay. I'm expecting na ipaglalaban mo si Kira. I think, I'm wrong. I thought mahal mo rin siya. Sayang. Hindi ka nababagay para kay Kira. You don't deserve his love, if you have a weak heart."


Napapailing ito. Naglabas siya ng kutsilyo kaya napalunok ako. Mukhang katapusan ko na.


"Huling tanong ko na ito. Do you love my brother?"


"We're not meant to be together. I love him but it's still useless. Damn! I love him."


Sumagot ako hindi dahil natatakot akong mamatay kundi dahil kung ito na ang katapusan ko, at least nasabi ko na mahal ko si Kira kahit papa'no.


RHEA's POV


"We're not meant to be together. I love him but it's still useless. Damn! I love him."


Napabuntong hininga na lang ako. Aksidente kasi na nalaman ko na si Monique at Black Phantom ay iisa. Pero kahit nalaman ko iyon, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang totoong nangyari two years ago. Hindi ko hinuhusgahan si Lee. Sa tingin ko kasi mahal din niya ang kapatid ko. I just want to make things right.


Lumapit ako sa kanya dala ko pa rin ang kutsilyo. I won't kill her, of course. Kinalagan ko lang ang tali sa paa at kamay niya gamit ang kutsilyo na hawak ko. Nagtataka siyang napatingin sa akin.


"Don't get me wrong. Hinahamon lang kita sa isang laban. If you win you're free to go but if you lose then you have to kill yourself in front of me, Black Phantom."


Mukhang hindi niya inaasahan ang condition na ibinigay ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang condition ko. Tumayo si Lee at inihanda na ang sarili niya.


ALEXIA's POV


Nasa amphitheater na kami. Naramdaman ko na may tao sa likod ko kaya humarap ako. Nagulat ako dahil si Kira iyon. What does he want?


"Si Nerd?"


"Hindi ko alam."


"Damn! I'm in a hurry, please just tell me! Wala siya sa unit niya! Dammit!"


Pumunta siya sa unit ni Lee? Why? Di ba nga, galit siya kay Lee? Anong kailangan niya dito? Nagulat din ako sa pagtaas ng boses niya. Ngayon ko lang nakitang galit si Kira. He looks frustrated. Lumapit na sa amin sina Vince. Si Rose naman nag-aalala na.


"Ano bang kailangan mo sa kanya?"


"I'll talk to her. I need to hear her explanation. Can't you just fucking tell me her whereabouts? Damn!"


Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Kira na nakidnap si Lee. Napatingin ako kay Rose na mukhang naguguluhan din. Sasabihin ko ba?


-----------------------------------------------------------------


Hanggang dito na muna XD

Chapter 21: The Kidnapper's Trial Part 2

Salamat sa nagbabasa nito :))


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com