Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: The Kidnapper's Trial Part 2

ito na po ang UD.. Salamat  sa pagbabasa nito :))

-------------------------------------------------------------------

ALEXIA's POV


Seryosong nakatingin sa akin si Kira. Mukhang pagod na pagod siya. Pinagpapawisan kasi siya at medyo hinihingal. Tumakbo siguro siya papunta sa amphitheater? Napabuntong hininga na lang ako. Siguro sabihin ko na lang sa kanya.


"S-she's k-kidnapped."


Mukhang nagulat silang lahat. Narito rin pala si Venice at mukhang nakikinig mula sa malayo. Si Rex naman, hindi pa dumadating dito. Teka, hindi kaya si Venice ang kumidnap kay Lee? Pero base sa expression ng mukha niya, mukhang wala rin siyang alam sa nangyayari. Si Kira naman napahawak ng mahigpit sa braso ko. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.


"Y-you're kidding, right?"


Mukha ba akong nagbibiro? Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Tinapik naman ni Vince ang balikat ni Kira.


"You're hurting her. Let go."


Walang nagawa si Kira kundi ang bitawan ako.


"Sinong kumidnap sa kanya? Kelan pa? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"


Tumataas ang boses ni Kira habang nagtatanong. Mukhang galit siya. Paano ko sasabihin sa kanya na nakidnap si Lee kung alam ko naman na galit siya rito? I'm pissed too. Nagsalita na si Rose dahil mukhang nahalata niya na naasar na rin ako.


"Kahapon lang siya nawala at hindi namin alam kung sino ang kumidnap sa kanya. Hindi tuloy namin matukoy kung nasaan siya."


"What the hell?!" - Kira


"You don't have to shout" -ako


Mas matindi pa pala siya sa akin. Akala ko, praning na ako pero mas praning pala sa akin si Kira.


"Sinabi niyo na ba sa authorities ang pagkawala niya?" -Vince


I don't think may magagawa sila sa sitwasyon na ito. Umiling na lang kami ni Rose.


"Wala tayong magagawa ngayon kundi ang maghintay." -Rose


Naikuyom ni Kira ang kanyang kamao.


"I'll try to find her." -Kira


Paano? Hindi nga namin kilala kung sino ang kumuha sa kanya. Mahihirapan siya dahil hindi naman niya alam kung saan magsisimula. He started to walk away. Napatingin na lang ako kay Rose. Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya kung ano ang dapat naming gawin. Umiling lang siya sa akin. Mukhang hindi rin niya alam.


Anong gagawin mo ngayon Kira?


Napansin ko na napailing lang si Venice sa di kalayuan. Sina Vince at Enanz naman ay sinusubukang icomfort kami. What to do? Alam ko naman na kaya ni Lee ang sarili niya pero nag-aalala pa rin ako sa maaaring mangyari sa kanya.





LEE's POV


I stand up. Mukhang wala akong choice kung hindi ang kalabanin ang ate ni Kira kung gusto kong makalabas dito ng buhay. What a condition? Kapag natalo ako, papatayin ko ang sarili ko sa harapan niya? Mukhang ayaw niyang madungisan ang kamay niya ng mga dugo ko kaya siguro ganoon ang binigay niyang kondisyon?


I have no choice but to fight. I prepared myself. Mukhang wala namang balak makialam ang mga lalaking nasa loob ng warehouse na ito. One-on-one fight talaga ang mangyayari.


May kinuha si Rhea sa di kalayuan. Two katanas. Bigla niyang inihagis sa akin ang isang katana. A sword fight? Hindi na masama. I can handle this.


"Ready?"


Tumango lang ako sa kanya. We unsheathed the sword. Mukhang magiging madugo ang laban na ito. I must not let my guard down. Wala pang sumusugod sa amin. Tinatantiya namin ang kilos ng bawat isa. I need to be careful. Hindi laruan ang mga katanang hawak namin.


Nagsimula kaming gumalaw. Paikot-ikot lang kami. We're not turning our back on each other. Isa iyon sa mga rule. Never turn your back on a swordsman, or else you'll be dead. Nagsimula na siyang sumugod at hinampas ako ng katana niya. Isinangga ko ang katanang hawak ko. Malakas ang pagkakahampas ni Rhea kaya medyo napaurong ako. Idinidiin niya ang katana niya. Sinipa ko siya sa tiyan para mapalayo siya sa akin. She's good at swords. Mukhang mahihirapan ata akong manalo.





KIRA's POV


Hindi ko alam kung paano hahanapin ngayon si Nerd. Shit! Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko sana siya hinayaang umalis sa HQ, hindi sana siya makikidnap.


Bumalik ako sa HQ kung nasaan si Kent. Mukhang siya lang ang makakatulong sa akin ngayon.


"Kent... Nakidnap si Nerd. Will you help me out? Pakihack ng cameras sa Samonte Empire Condominium. Baka may lead doon. Kahapon lang ito. Check the cctv records."


"Okay. Right away."


Nagsimula na si Kent sa panghahack sa system ng Samonte Empire. Hindi ako mapalagay. Paano kung may mangyari sa kanyang masama? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Napasabunot na naman ako sa ulo ko. Damn! I can't stand this! I need to see her right away. Sana ayos lang siya.


Napansin ko na nahack na ni Kent ang system. He's checking the video records now. Nakakunot ang noo nito habang nanonood. Nakita namin si Lee nang magpark siya. Bumaba siya doon. Damn! She's crying. Nakita ko pa nang pinahid niya ang luha niya. Mukhang pinipigilan niyang umiyak. Matiwasay naman siyang nakarating sa unit niya. Wala namang kakaiba.


After an hour, lumabas siya sa unit niya. Mukhang may pupuntahan siya. Bumaba siya papunta sa parking lot pero pagkatapos noon hindi na namin siya nakita. Wala kaming nakita na pumunta sa parking lot. Shit lang! Siguro that time nakidnap si Nerd.


Nirewind na ni Kent pero wala talaga kaming nakitang lead. Napahampas ako sa mesa. Nagsalita si Kevin dahil narito rin siya.


"What do you think? Kidnapped for ransom? Mayaman ang pamilya nila, right? "


Alam na kaya ito nina tito? Kung kidnapped for ransom lang ito, hindi problema  dahil pera lang naman kasi. Pero paano kung hindi? Damn! Kapag sinaktan nila si Nerd, I swear, I could kill them.


"Mukhang wala tayong magagawa ngayon kundi ang maghintay." -Kent


Shit! Hindi ko kayang maghintay! Damn! Pero saan ako magsisimula ng paghahanap sa kanya?




RHEA's POV


Sumugod ulit ako. Nadaplisan ng katana ko ang tagiliran ni Lee. Hindi siya napuruhan pero napunit lang ang damit niya. Nagulat ako ng biglang napunit din ang manggas ng damit ko. Hindi ko napansin na nagcounter attack pala siya. Lumayo ako sa kanya.


I think it's time to be serious. Sunod sunod ang ginawa kong pag-atake sa kanya. Umiiwas lang siya. Nadadaplisan ko lang ang damit niya kaya napupunit ko lamang iyon. Sinangga niya ang atake ko gamit ang katana niya. Malakas niyang kinabig ang katana ko kaya napaurong ako at siya naman ang umaatake ngayon. Shit!


Masyadong mabilis ang mga galaw niya. Nahihirapang sundan ng mga mata ko ang kanyang mga atake. Nahiwa niya ng konti ang braso ko. Damn! Hindi ko akalaing ganito siya kagaling. Dahil medyo naiinis na ako. Nawawalan na ng kontrol ang mga pag-atake ko. Nadaplisan ko siya sa hita nang sinubukan niyang tumalon para umurong palayo sa akin. Nakita ko sa mukha niya na medyo nasaktan siya pero hindi niya iniinda.


I never thought black phantom will be this good. Parehas ng may bahid ang dugo sa mga katana namin. Ang sunod na mga atake namin sa isa't isa ay bumibigat na. Mas malakas na ang paghampas ng mga katana namin. Medyo sumasakit na rin ang kamay ko. Pero mukhang ganoon din naman ang nararamdaman niya.


Inilipat niya ang katana sa kaliwang kamay niya. Mukha ngang pagod na ang kanang kamay niya. Pero kaliwa? What the hell? Mahina ang kaliwang kamay at mukhang hindi naman siya kaliwete.


Nagsimula na ulit kami sa pagsugod. Nagulat ako dahil ganoon pa rin kalakas ang mga hampas niya. Halatang sanay na sanay siya. Sinasalag ko lang iyon pero nahihirapan na rin ako. Nang makakita ako ng pagkakataon, nasaksak ko siya sa tagiliran niya. Malalim ang natamo niyang sugat. Umagos ang dugo mula roon. Nasaktan siya ng sobra dahil napahawak siya sa tagiliran niya. Pero hindi ko nakita ang pagsuko sa mukha niya. Ininda niya ang sakit. Bumalik siya sa fighting position.




LEE's POV


Shit! Napalingat ako sandali kaya hindi ko naiwasan ang katana niya. Nasaksak ako sa may tagiliran. Damn! Ramdam na ramdam ko ang sakit. Napahawak ako sa tagiliran ko. Umagos ang dugo mula roon. Damn! Kapag hindi ako nagmadali baka maubusan na ako ng dugo. Kailangan ko ng tapusin ito. Pinagpapawisan na ako. Nakakapanghina dahil sa dugo na unti-unting nawawala sa katawan ko.


Bumalik ako sa fighting position. Nagsimula na akong sumugod sa kanya. Kailangan kong magmadali. Nadaplisan ko siya sa tagiliran. Dahil medyo nasaktan siya, nawala siya sa konsentrasyon. Sinamantala ko na iyon at sinipa siya ng malakas. Tumalsik siya at napahiga siya. Nabitiwan niya ang katana niya. Tumalsik ito malayo sa kanya. Umupo ako sa tiyan niya at itinutok ang katana malapit sa puso niya.


"I won."


Hinihingal siya. Hindi naman siya gumalaw. Although wala naman akong balak patayin siya.


"Get off me."


"Not yet. You still don't admit your defeat."


Napabuntong hininga ito. Mukhang wala siyang magagawa sa sitwasyon niya ngayon.


"Okay, you won."


Napangiti na lang ako. Itinapon ko sa isang tabi ang hawak kong katana. Umalis ako sa pagkakaupo sa tiyan niya. Damn! Ang sakit ng tagiliran ko. Pinunit ko ang damit ko at itinali ng mahigpit sa tagiliran ko. Marami ng dugo ang nawala sa akin. Napaupo ako sa isang tabi. Hapong hapo ako. Napapakislot ako dahil sa sugat ko. Kailangang makaalis na ako rito. Napatingin ako sa kamay ko na punong puno ng dugo. Shit!


"Malayo ito sa highway, wala na akong extra na sasakyan para masakyan mo. Tatawag na lang ako ng pwedeng sumundo sa iyo. Don't worry, hindi na ako manggugulo pagkatapos nito" - Rhea


Hindi ako nagsalita dahil nanlalabo ang paningin ko. Nakita ko na may sinabi siya sa isang lalaki. May tinawagan ito bago sila umalis lahat. Hawak hawak ko pa rin ang tagiliran ko. Pinipigilan ko ang paglabas ng dugo mula roon.


Unti-unti akong nawalan ng malay. Shit! Mukhang dito pa ako mamamatay.




KIRA's POV


May biglang tumawag sa akin at sinabi kung nasaan si Nerd. Wala naman silang hinihingi na kahit ano basta pinapunta lang ako doon. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ko. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko.


Damn! Sana walang masamang nangyari sa kanya. After 30 minutes, nakarating na ako sa sinabi nilang warehouse. Medyo nag-iingat ako pero napansin ko na walang taong nakabantay roon kaya pumasok na ako agad. Inilibot ko ang paningin ko pero wala pa rin akong nakitang tao sa loob.


Napatingin ako sa isang gilid nakita ko si Nerd na walang malay at duguan. Hawak pa niya ang tagiliran niya. Mabilis akong lumapit sa kanya. What happened to her? Nakita ko ang dalawang katana na nasa sahig. I think, iyon ang dahilan ng sugat niya dahil may dugo iyon. Medyo kinakabahan ako dahil sa nakikita kong dugo sa sahig at katawan niya.


Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi siya nagrerespond. Tiningnan ko ang pulsuhan niya. Medyo bumabagal na ang tibok ng pulso niya. Bumabagal na rin ang paghinga niya. Damn! Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras. Kailangan na niyang masalinan ng dugo. Dahan-dahan ko siyang binuhat. Napansin ko sa mukha niya na nasasaktan siya.


Sorry Nerd. Don't worry, everything will be alright. Just don't give up please.


Nagmadali kong tinungo ang sasakyan ko at pinaharurot na iyon. Dinala ko siya sa pinakamalpit na ospital. Nasigawan ko pa nga ang doctor dahil ang babagal nilang kumilos. Mukhang nataranta sila dahil sa pagkakasigaw ko. Damn! Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin si Nerd.


Buti naman, may reserba silang dugo sa blood bank nila kaya hindi sila nahirapan na maghanap pa ng magdodonate. Nilinis at tinahi muna nila ang sugat ni Nerd bago ito sinalinan ng dugo. Nakasilip lang ako mula sa labas. Hindi ako mapakali.


Tinawagan ko si Vince at ipinaalam kung nasaan ako. Baka kasi nag-aalala na rin sina Alexia kay Lee. Makalipas lang ang isang oras ay nagsidatingan na sila. Tinatanong nila kung ayos na si Lee pero hindi ko sila masagot dahil hindi pa lumalabas ang doctor kanina pa.


"Ano bang nangyari sa kanya?" - Alexia


"Hindi ko alam."


Iyon lang ang isinagot ko. Si Nerd lang ang nakakaalam kung ano ba talagang nangyari. Ngayon ko lang napansin ang dugo sa kamay at damit ko.



ROSE's POV


Lahat kami nag-aalala kay Lee. Hindi kami mapakali. Paano nalaman ni Kira kung nasaan si Lee? Napansin ko rin ang dugo sa kamay niya at damit. Napaaway ba siya? Buti naman at nailigtas niya si Lee. Shit! Nagtanong na ako.


"Sino ang kumidnap sa kanya?"


"Hindi rin ko alam. Wala akong naabutan na kahit sino sa warehouse." - Kira


Naguluhan ako sa sagot niya. Mukhang si Lee lang ang makakasagot sa lahat ng mga tanong namin. Ayos na kaya siya? May lumabas na doctor kaya nagsilapitan kami.


"Sinong kamag-anak ng pasyente?"


Nagkatinginan kami. Wala kasing kamag-anak dito si Lee.


"Ako po ang nagdala sa kanya rito. Kamusta na po siya?"


Si Kira ang nagsalita.


"Medyo maayos na ang kalagayan niya. Stabilized na ang paghinga at tibok ng puso niya. Pero dahil malalim ang natamo niyang sugat, mukhang matatagalan pa bago siya makarecover. Kailangan niya ng mahabang pahinga. Sa ngayon, bawal muna ang solid foods sa kanya. Pero after two days pwede na."


Napatango na lang kami sa sinabi sa amin ng doctor. Inilipat na rin si Lee sa isang private room dahil iyon ang gusto ni Kira. Pinayagan na rin kaming dumalaw sa kanya pero bawal ang maingay kaya tahimik lang kami sa pagmamasid sa kanya.


Sobrang himbing ng pagtulog niya. I hope magising na siya. Si Kira, nakatitig lang kay Lee. Mukhang malalim ang iniisip.



KIRA's POV


I'm glad that she's fine now. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Shit! Kailangan kong malaman kung sino ang kumidnap kay Nerd. Hindi ko ito mapapatawad.


Pinagmamasdan ko lang si Nerd na mahimbing na natutulog. Sana magising na siya pero natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Nakaupo ako sa tabi ng higaan niya. Hindi ko na napigilan na haplusin ang mukha niya.


She's sleeping peacefully. Mukhang hindi ko kayang mawala siya sa akin kaya kailangan naming ayusin ang gusot sa pagitan naming dalawa. Pero paano kung plano talaga ito ni Aldrin? Shit! Ano bang dapat kong gawin. Ngayon ko lang napansin na naikuyom ko pala ang kamao ko. Damn!


Pinakalma ko muna ang sarili ko. Tumayo na ako at lumabas muna. I have to think carefully. Hindi ko dapat pairalin ang galit ko.

---------------------------------------------------------------------------------

Ayan na XD Sa susunod ulit :)) Ingat lahat.. mwaah..


Chapter 22: His Decision

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com