Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: His Decision

ALEXIA's POV

SUNDAY

Hindi pa rin nagigising si Lee. Isa't kalahating araw na siyang natutulog. Kami pa lang ni Rose ang narito sa ospital dahil umalis na kanina si Kira. Sa gabi kasi niya binabantayan si Lee at mag-isa lang siyang nagbabantay dahil iyon ang gusto niya. Hindi lang ako makaangal kahit na hindi ako mapalagay kapag siya ang nagbabantay kay Lee. Alam ko namang wala siyang gagawin kay Lee pero hindi pa rin ako komportable lalo na kapag naiisip ko na ang binabantayan ni Kira ay si Black Phantom. Sobrang mali kasi.

"Masyado yatang malalim ang iniisip mo?" Napatingin ako kay Rose. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at hindi na lang nagkomento. Nagtataka pa rin ako sa pagkatao niya pero pakiramdam ko naman wala siyang balak na masama sa amin. Gusto ko sana siyang tanungin pero alam ko naman na wala siyang aaminin na kahit ano.

Napatingin ako kay Lee dahil napansin ko na gumalaw ang mga daliri ng kamay niya. Bigla akong napalapit sa kanya. Mukhang magigising na siya. Unti-unting nagmulat ang mga mata niya kaya natuwa kami. Napansin ko na medyo nasisilaw siya ng sinag ng araw na tumatagos sa glass window. Hinawi ko kasi kanina ang kurtina. Lumapit ako sa bintana para takluban ang bintana gamit ang kurtina.

LEE's POV

Ramdam ko na masakit ang buong katawan ko kahit nakapikit ako. I slowly move my fingers and slowly opened my eyes. Nasisilaw ako sa liwanag, I mean sa sikat ng araw. Napansin ko si Alexia na inayos ang kurtina para hindi ako masilaw. Ano bang nangyari? Bakit narito sila?

Mababasa sa mukha nila ang relief na nararamdaman nila. Inilibot ko ang paningin ko. Paano ako nakarating dito? Ang tanging naalala ko lang kasi ay nawalan ako ng malay sa old warehouse na pinag-iwanan sa akin ni Rhea. Napakunot ang noo ko. Sino ang nagdala sa akin dito?

"Buti naman at gising ka na. Kung alam mo lang kung paano mo ako pinag-alala! Ano bang nangyari sa iyo?" Napatingin ako kay Alexia. Parang gusto kong matawa sa itsura niya ngayon dahil halatang halata sa mukha niya na naiinis siya at the same time nag-aalala. Mixed emotions. Napahawak ako sa ulo ko kasi parang nananakit iyon. Pakiramdam ko ang tagal kong natulog. 

Tumawag naman si Rose ng doctor para ipaalam na nagising na ako. Agad naman akong tiningnan ng doctor at sinabing kailangan ko pa ng ilang araw na pahinga para madaling makarecover ang katawan ko. Umalis na ito matapos tingnan ang kalagayan ko.

"Kayo ba ang nagdala sa akin dito? Paano niyo ako natunton?" Umiling sila bilang sagot sa tanong ko. Sinabi nilang hindi sila ang nagdala sa akin dito kundi si Kira. Nagulat ako. How? Sinabi ba ng kapatid niya kung nasaan ako? Siya ba ang tinawagan ng mga ito? Pero bakit siya? Galit si Kira sa akin kaya bakit niya ako ililigtas? Naguluhan ako sa sinabi nila.

"Paano?" Iyon lang ang naitanong ko sa kanila dahil hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagtatanong ko. Umiling lang si Alexia sa akin at sinabing hindi rin niya alam dahil hindi naman nagpaliwanag si Kira kung paano niya ako iniligtas.

"I think we need to let Kira know that you're awake already." Si Rose ang nagsalita at tumutol ako sa sinabi niya. I know, he's still mad at me. Hindi ko pa alam kung paano siya haharapin. Nagpasalamat ako dahil nagpaawat naman si Rose at nagkibit balikat na lamang.

Dahan-dahan akong umupo at isinandal ang ulo ko sa head rest. Ipinagbalat na lang nila ako ng mansanas at binigyan ng tubig. Ininom ko naman iyon dahil pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang uhaw. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rex na mukhang nag-aalala rin sa akin.

"Ayos ka na ba Lee? May masakit ba sa iyo?" Mahina lang akong natawa kay Rex at napailing. Nawala lang ako ng dalawang taon bilang gangster, pakiramdam ko wala na siyang tiwala sa kakayahan ko. Pero mukhang hindi na nga ako ganoon kagaling tulad ng dati. Hindi na ako ganoon kasanay sa pakikipaglaban. Muntik pa akong mapatay.

"At saan ka naman galing? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita?" Si Alexia ang nagtanong habang nakapamaywang. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin ko naman na napakamot na lamang ng ulo si Rex at parang nahihiya pa. Parang ang cute niya tuloy tingnan sa gesture niya. Napangiti na lang ako.

"Hayaan mo na si Rex. Ayos na naman ako. Siguro babae ang kasama niya kaya nawala ng matagal." Natawa pa ako sa sinabi ko. Napailing na lang si Rex at mahina na ring natawa na parang sumasang-ayon siya sa sinabi ko. Ibig sabihin babae nga ang kasama niya dahil hindi niya kinontra ang sinabi ko. Napansin ko na mukhang masaya siya kahit nag-aalala pa rin sa akin.

"Sorry. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Ano bang nangyari sa iyo Lee? Bigla ko na lang nabalitaan na nakidnap ka at isinugod pa sa ospital." Lumapit sa akin si Rex na napapailing saka ako binatukan. 

"Grabe naman. Batukan ba raw ang pasyente?" Iyon na lang ang nasabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

"You deserved it. Mukhang marami kang pinag-alala. But I'm glad maayos ka na. Sino ba ang tarantadong kumidnap sa iyo. Reresbakan ko." Natawa na lang ako kay Rex. Wala na akong balak sabihin pa sa kanila kung sino ang kumidnap sa akin dahil mukhang wala na naman siyang balak manggulo pa. Pero ang nakakapagtaka, bakit hindi niya sabihin kay Kira na ako si Black Phantom? That's weird. Hindi ko alam kung kinakampihan ba niya ako o hindi. Mukha kasing wala siyang balak makialam pa sa maaaring mangyari pero alam ko naman na nag-aalala siya para kay Kira.

Napabuntong hininga na lang ako na napansin naman nila. Halatang naghihintay sila ng sagot mula sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanila na nagsasabing huwag na silang mag-alala. "Hindi ko nakilala ang nagpakidnap sa akin. Anyway, hayaan na lang natin sila. Hindi na mahalaga iyon." Halata sa mukha nila na hindi nila nagustuhan ang sagot ko kaya napailing na lang sila.

"Kilala kita Lee. Alam kong nagsisinungaling ka. Alam kong kilala mo ang kumidnap sa iyo." Sinabi iyon ni Alexia na halatang naiirita. Kumuha na lang ako ng mansanas at kinagat iyon.

"No. Ayos na ako at hindi niyo na kailangang malaman pa kung sino siya. Hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang kailangan ko na lang intindihin ay kung paano haharapin ang galit ni Kira. Alam na niya na isa akong Samonte."

Natahimik naman sila. Napansin ko na tahimik lang din si Rose at hindi nagtatanong. Mukhang alam na rin niya kung sino ako. Napatingin ako kay Rex nang magsalita ito.

"Well, hindi ko gustong sabihin ito pero sa tingin ko kailangan mo ng tuluyang layuan si Kira kahit alam kong masasaktan ka. Dahil alam mo naman na lubos na magagalit pa siya kapag mas marami pa siyang nalaman tungkol sa iyo. Mas mabuti sigurong hayaan mo na lang siyang magalit sa iyo ngayon para mas maging madali para sa inyo ang layuan ang isa't isa."

Hindi ko gusto ang mungkahi niya pero tama naman ang kanyang sinabi. Isipin ko pa lang na lalayuan ko si Kira, pakiramdam ko ay hindi ko yata kakayanin. Wala akong nararamdamang pagsisisi na nakilala ko siya pero napakasaklap naman yata na ang lalaking minahal ko pa ang lalaking namumuhi sa akin at handa akong patayin. Hindi na lang ako nagkomento sa sinabi niya.

"Pasensiya na. Gusto ko munang magpahinga at mag-isip ngayon. Pwede bang iwanan niyo muna akong mag-isa rito? I don't want to sound rude but I just need to be alone to think clearly."

Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Naintindihan naman nila ang sinabi ko kaya hindi na lang sila kumontra pa. Lumabas na sila at sinabing babalik na lang bukas. Kailangan kong pag-isipan ito. Siguro mas maganda nga na samantalahin ko na lang ang galit ni Kira para mas madaling lumayo sa kanya. Dahan-dahan akong humiga sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako mula sa pag-iisip.

KIRA's POV

Mga 7pm ako nakarating sa ospital. Pagpasok ko sa kwarto ni Nerd, nakapagtataka na walang nagbabantay kahit isa rito. Bakit hindi nila hinintay ang pagdating ko bago umalis? Paano kung mapahamak ulit si Nerd dahil walang nagbabantay sa kanya? Napailing na lang ako habang lumalapit sa natutulog pa ring si Nerd.

Umupo ako sa upuang nasa tabi ng higaan niya. Bakit hindi pa rin siya nagigising? Napabuntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Hindi ko napigilang mapangiti. Napakainosente niya kapag natutulog. Iniangat ko ang kamay ko para dahan-dahang haplusin ang mukha niya. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko.

Makalipas ang ilang minuto, napapitlag ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko na humahaplos sa mukha niya. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. Halatang hindi niya inaasahan na makikita ako ngayon dahil halata sa mga mata niya ang pagkagulat pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Natuwa ako dahil nagising na siya. Tatayo sana ako para tumawag ng doctor pero pinigilan niya ako.

"Nerd, bitiwan mo ang kamay ko. Saglit lang at tatawag ako ng doctor." Binitiwan niya ang kamay ko pero nagsalita siya agad. "Alam na ng doctor na nagising na ako. Hindi mo na siya kailangang tawagin ulit."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kailan pa siya nagising? Bakit walang nagbalita sa akin? Pakiramdam ko gusto kong magalit bigla pero pinigilan ko. Baka makasama kay Nerd.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" May halong pag-aalala sa tinig ko kahit ayaw ko sanang ipahalata sa kanya. Bahagyang ngumiti siya sa akin.

"Ayos na ang pakiramdam ko. Salamat sa pagliligtas mo sa akin pero paano mo ako natunton?" Nagtataka ako kung paano niya nalaman na ako ang nagligtas sa kanya. Siguro nabanggit nina Alexia? Ang nakakapagtaka, hindi man lang ipinaalam sa akin na nagising na si Nerd at naasar ako dahil doon.

LEE's POV

He's wearing a weird expression in his face. Parang naaasar na ewan. Sobra kasi ang pagkakakunot ng noo niya at halatang naiirita pero hindi ko naman matukoy kung bakit. Siguro dahil galit siya sa akin? Hindi agad siya sumagot. Masaya ako na makita siya rito. At parang gusto kong matuwa dahil sa ginagawa niyang paghaplos sa mukha ko kanina. Kahit alam kong mali. Umupo ako sa kama at sumandal sa head rest.

"May tumawag sa akin at sinabi kung nasaan ka. Sino ba ang dumukot sa iyo? Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa iyo." Sa nakikita ko sa mukha niya mukhang wala talaga siyang palampasin ang dumukot sa akin. Umiling na lang ako.

"Hindi ko kilala kung sino ang kumidnap sa akin." Napakunot ang noo niya. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na. "You don't have to know. Galit ka sa akin, 'di ba? Hindi ka na dapat nakikialam sa mga nangyayari sa akin." I don't want to say that but I have to. Para matapos na lahat at hindi na ako mahirapang lumayo sa kanya. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Damn! Oo galit ako sa'yo! Galit ako dahil nagsinungaling ka sa'kin! Pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na hindi mag-alala sa'yo! Shit! Hindi ko alam kung bakit gusto pa kitang kausapin! Gusto kong marinig mula sa'yo na hindi mo plano ang lahat simula ng magkakilala tayo! Na hindi ka kasabwat ni Aldrin!" 

Ikinuyom ni Kira ang kamao niya. Nakakatakot ang pagtaas ng boses niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga sinabi niya sa akin dahil gusto niyang pakinggan ang side ko. Kapag sinabi kong hindi ko plano ang lahat baka bigla na lang mawala ang galit niya sa akin at mahirapan akong umiwas sa kanya.

"Paano kung sabihin kong plano ko ang lahat ng ito? Na niloko lang kita? What will you do?" Hindi na ako nagdalawang isip na itanong sa kanya iyon. Mas magiging madali ang lahat kung magagalit siya sa akin. I noticed that he gritted his teeth. Lalong dumiin ang pagkakakuyom ng kamao niya at makikita sa mukha niya ang galit na nararamdaman niya.

"Then tell me that straight to my eyes if you want me to believe you. Sinabi mo noong una na walang kinalaman dito si Aldrin and now you're saying that you planned it from the start?" Halatang pinipilit niyang kumalma.

I have to decide now. Mas mabuti na siguro ang ganito. Pero hindi ko dapat idawit pa ang pangalan ng kuya ko sa problema ko.

"Yes, walang kinalaman dito si Kuya. Wala siyang kaalam-alam sa pagkakakilala natin. B-but... I planned this all along. Simula pa lang nang magkakilala tayo, plano ko na lahat. I deceived and lied to you."

Nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ko iyon. At alam kong hindi niya nagugustuhan lahat ng naririnig niya. He's angry.

"Why? Why did you do that? Anong mapapala mo kung lolokohin mo ako!"

Wala akong maisip na dahilan. Siguro it's time para sabihin na sa kanya lahat. Dahil iyon lang naman ang naiisip kong valid reason na alam kong pakikinggan niya.

"B-because... I-I'm..."

Napapalunok ako habang sinasabi iyon. Natatakot akong sabihin sa kanya. Alam kong papatayin niya ako kapag nalaman na niya. Naghihintay rin siya sa sagot ko pero bigla na lang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko na pumapasok mula roon.

"Yow! Little sis! Hindi ko alam na gusto mo na ngayong tumambay rito?"

Hindi niya napapansin ang kausap ko ngayon at parang wala lang na pumasok si Kuya Aldrin sa loob. Yeah, right. Kapatid ko ang dumating. Bumalik na siya. I hope may dala siyang magandang balita. Nakangiti pa siya sa akin.

Bigla namang napalingon si Kuya sa direksyon ni Kira kaya biglang sumeryoso ang mukha niya. Nagkatitigan sila na pakiramdam ko ay handang magpatayan anumang oras. Parehas nilang naikuyom ang mga kamao nila.

"What are you doing here, Kira?" Unang nagsalita si Kuya Aldrin at nag-aalalang napatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata ni kuya habang nakatingin sa akin. Parang gusto niyang malaman kung alam na ba ni Kira na ako si Black Phantom kaya napailing ako.

"I'm talking to your sister. So, if you'll excuse us, I want to talk to her privately." Seryosong sabi ni Kira kay Kuya na hindi naman nagustuhan nito. Tumingin sa akin si kuya kung dapat ba niyang sundin si Kira kaya tumango ako.

"I'll be alright here. May pag-uusapan muna kami." Nagkibit-balikat na lang si Kuya at tahimik na lumabas ng kwarto.

"I'll be waiting outside." -Kuya Aldrin

"So, bakit mo ako niloko?" Seryosong tanong ni Kira kaya nalipat sa kanya ang atensiyon ko. I think, hindi matutuwa si Kuya Aldrin kapag sinabi ko kay Kira na ako si Black Phantom. At dahil narito na siya siguro naman maaayos na ang lahat. 

"Because... I'm... just playing around! I found you challenging that's why I pretended to be a nerd. Alam ko kasing hindi mo ako papansinin kung ako si Monique Samonte dahil galit ka nga sa kuya ko, 'di ba? I-I disguised as a nerd to get near you. That's it! Ginawa ko lang iyon para makipaglaro sa'yo."

I'm such a good actress. Pakiramdam ko mabibigyan ako ng award ngayon. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lahat ng lakas ng loob para masabi iyon sa kanya. Halata sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko pero biglang napalitan iyon ng galit.

"Damn you! Bitch! All this time nakikipaglaro ka lang sa akin? At ako namang si tanga nahulog pa sa mga laro mo? Damn! I can't believe this! I've fallen to a pretentious bitch like you!"

Nilunok ko na lang lahat ng mga sinabi niya sa'kin. Mas mabuti na nga sigurong magalit siya sa akin ngayon. Pinigilan ko na hindi mapaiyak. He's so mad that I can feel that he wants to punch me right now. At halatang pinipigilan niya lang iyon. Tumalikod siya sa'kin. Nanginginig ang kamay niya dahil sa pagpipigil na suntukin ako. Ilang minuto niyang pinakalma ang sarili niya saka mahinahong nagsalita na ikinagulat ko naman.

"You better attend the band's practice. Hindi papayag si Ate Roxanne na maging disaster ang mini concert. Mukhang magaling ka na. Although, bakasyon next week kailangan mo pa ring pumasok para sa practice."

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko. Tumigil muna siya sa pinto at muling nagsalita.

"Don't assume that I will treat you the same like before. You don't... deserve it."

Binuksan na niya ang pinto at tuluyan ng lumabas. Hindi ko na rin napigilan ang lumuha. It hurts so bad. Pumasok naman sa loob si Kuya Aldrin at nagtataka sa inaasal ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama. Niyakap niya ako na parang nagpapatahan ng isang bata.

"Sinaktan ka ba niya?" 

"No. Hindi niya ako sinaktan. Ako... Ako ang nanakit sa kanya. Sinaktan ko siya."

Sobrang napahagulgol na ako kaya niyakap na lang ako ni Kuya ng mahigpit.

"You love him, do you?"

"Y-yes." Lalo akong napaiyak samantalang patuloy lang si kuya sa paghimas ng likod ko. Alam kong gusto niyang pagaanin ang loob ko pero wala siyang magawa. Ramdam ko rin na nahihirapan siya sa mga nangyayari.

"I'm sorry. Wala akong magawa. I think, kailangan mo na munang magpahinga. Sabi ng doctor pwede ka na raw umuwi bukas. Sa bahay na lang tayo mag-usap."

Hindi na ako nagprotesta sa sinabi niya. Gusto ko ring malaman kung bakit siya nawala ng matagal. At kung sino ba ang hinahanap niya na makatutulong sa akin. Nang tumigil na ako sa pag-iyak, tinulungan na lang niya akong makahiga ng maayos sa kama.

"Matulog ka na. Hindi ako aalis dito."

Tumango na lang ako sa kanya at marahang pumikit. Ayaw ko sanang magpraktis para sa mini concert dahil makikita ko si Kira pero wala akong magagawa. Ngayon pa lang iniisip ko na ang cold treatment na ibibigay niya sa akin na mukhang hindi ko yata kakayanin. Grabe, naiisip ko pa lang, sobrang nasasaktan na ako. Naramdaman ko na naman ang mainit na likidong dumaloy mula sa mga mata ko kahit nakapikit ako. Damn! I hate myself for being so damn helpless.

ALDRIN's POV

Hindi ko alam na ganito ang maaabutan ko sa pagbabalik ko. Halatang sobrang nahihirapan na ang kapatid ko. At ang pinakamasaklap pa sa lahat, nainlove siya kay Kira na alam naman niyang hindi maaaring maging kanya. What will I do? Wala rin akong dalang magandang balita dahil hindi ako pakinggan ni Cindy. Hindi ko siya napapayag na sumama sa akin pabalik sa Pilipinas.

At sa tingin ko, hindi rin magiging maganda kung babalik man siya rito ngayon. Dahil sa tingin ko mas gugulo lang lalo ang sitwasyon. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Napatingin ako kay Lee. Naaawa ako pero wala man lang akong magawa para sa kanya. Wala akong kwentang kapatid kahit kailan! Damn!

Nalalapit na rin ang game sa pagpili ng representative at mukhang malaking problema kung magkakaharap pa roon sina Kira at Lee. Bumalik agad ako dahil na rin doon. Hindi na maaaring palitan ang entry ng participants kaya mahihirapan talaga ako. Pero tiyak na mas mahihirapan si Lee. 

Iniisip ko pa lang, sumasakit na ang ulo ko. Hindi ito ang gusto ko. Maybe I should give up being the representative at hindi na lamang lalaban para sa kaligtasan ni Lee.

----------------------------------------------------------

Chapter 23: Cold as Ice

Xenxa na sa matagal na update guys mwaah.. Thanks for reading this story :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com