Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Cold as Ice

LEE's POV

MONDAY


Nakalabas na ako sa hospital. Sa Samonte Mansion na kami dumiretso ni Kuya Aldrin. Marami raw kaming pag-uusapan ngayon lalo na at nagiging kumplikado na ang lahat para sa amin.
 



Hindi na lamang ako masyadong kumikilos dahil makakasama sa katawan ko. Baka bumuka ang sugat ko kapag naging careless ako. Nasa kama lamang ako at nakaupo roon. May kumatok sa pinto kaya sinabi ko na lamang na pumasok na ito. Pumasok sa loob si Kuya Aldrin kaya ngumiti ako sa kanya.




"Kamusta ang pakiramdam mo?"




"Medyo maayos na. Anyway, sino pala ang taong hinahanap mo?"




"Well, hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaalam sa iyo. Maaari kasing makabuti sa iyo at maaari ring makasama. It will be a good news and a bad news for you at the same time."




Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman kaya magiging bad news para sa akin kung sino ang hinahanap niya? Halatang nagdadalawang isip siya na sabihin sa akin kung sino ang taong maaaring makatulong sa akin. Napabuntong hininga si Kuya Aldrin na napansin ko naman. Nagsalita muli ito.




"By the way, I decided na hindi na lamang sumali sa game para sa pagpili ng representative ng District 1. Sigurado kasi ako na makakaharap mo si Kira kapag sumali ako. I don't want you to get hurt even more."




Umiling ako sa kanya habang nakangiti. My brother is insane. Kung hindi siya sasali sa game para sa pagpili ng representative, parang hindi ko yata maaatim na si Venice or Spencer ang maging representative ng District 1. Pero pwede rin na si Kira? Pero mukhang hindi naman siya intiresado. Nanghihinayang ako dahil kahit sasali si Xena sa game, wala naman siyang balak maging representative. Matatanggap ko pa sana kung siya man ang mapipili.




"You need to join the game. Hindi ako makakapayag kung hindi ikaw ang magiging representative."




"Pero mapapahamak ka naman. Mas mabuti na'ng hindi ako sumali sa game. Anyway, hindi naman mahalaga sa akin iyon. I don't intend to be the emperor of the five Districts. Masyadong malaking responsibilidad iyon kung sakali."




He's right. Hindi basta-basta ang paghawak sa 25 gangs pero gusto ko pa rin na siya ang maging representative dahil hindi siya hayok sa kapangyarihan. He's not greedy of power that's why he'll be a good emperor. Kaso nga lang may pagkaplayboy siya.




"Okay lang iyon kuya. Kaya mo yun, for sure. Basta sasali tayo sa game. We will protect our symbol at all cost."




Napailing na lang sa akin si Kuya Aldrin pero napangiti na rin. Napakamot na lamang siya sa ulo niya. Napansin ko na ang lakas talaga ng dating ni Kuya. Hindi nakakapagtaka kung bakit hinahabol siya ng mga babae.




"Anyway, about Kira. You love him, right? Anong gagawin mo ngayon?"




Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko na pwedeng bawian ang sinabi ko kay Kira at sa tingin ko mas makakabuti na ito para sa amin. At least hindi na ako masyadong mahihirapan na iwasan siya. Lalo lang kasi akong magiguilty kung patuloy pa rin akong lalapit sa kanya kahit alam ko namang mali.




"I think, I'll just go with the flow like a dead fish."




I faked a smile and I knew he noticed it. Iyon na lamang ang sinabi ko sa kanya para hindi na ako mahirapang magpaliwanag pa. Mukhang nakukuha naman niya kung anong ibig kong sabihin. Nagsalita muli si Kuya Aldrin.




"Anyway, this Sunday, uuwi na nga pala sina Dad at Mom. May sasabihin silang importante sa ating dalawa. This Sunday na ang Christmas, mukhang magiging malamig ang pasko mo ah."




Nang-aasar si Kuya Aldrin kaya napapout na lamang ako. Pero alam ko naman na pinapagaan lamang niya ang loob ko.




"Edi, ikaw na nga ang may mainit na pasko!"




Napairap ako kay Kuya Aldrin pero sinasakyan ko lamang ang biro niya. Siya na nga ang maraming babae. Natawa lamang siya sa akin bago lumabas sa room ko. Pagkasara niya ng pinto, humiga na ako sa kama ko na parang pagod na pagod.




Anyway, kailangan ko nga palang umattend sa practice para sa mini concert this January. Kailangan kong sumipot dahil napakaunreasonable ko naman kung hindi ako magpapractice. Anyway, kasama pa rin ito sa parusa namin kaya kailangan ko itong gawin. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at inihanda ang sarili para bukas.




TUESDAY


Papunta na ako sa university. Bakasyon na ngayon kaya konti na lamang ang pumupunta sa University. Madalas ang pumupunta lamang dito ay ang may mga club practice like sports club, drama club, journalism club, etc. May iba't iba kasi silang pinaghahandaan.




I brought my car and didn't bother to wear some nerdy get up now. Tapos na ang show na iyon dahil alam na naman ni Kira at wala na akong balak na magpanggap pa. I headed towards their headquarters. May ilang mga estudyante na napapatingin sa akin. Hindi ko na lamang pinapansin ang mga ito.




Tumigil ako sa tapat ng headquarters nina Kira. Kumatok muna ako sa pinto bago ko iyon binuksan. I'm wishing na sana makaya kong harapin si Kira. Siguradong galit na galit siya sa akin ngayon.




Pumasok na ako sa loob ng HQ. Medyo nagulat sila sa pagdating ko. Hindi pa sila nagsisimulang magpractice. Mukhang ako na lamang ang hinihintay nila kaya hindi pa sila nagsisimula. Walang nagsasalita sa amin kaya napabuntong hininga na lamang ako.




"I think pwede na tayong magpractice ngayon." - Kent




Tumayo na si Kent at puwesto na sa guitar niya. Si Kevin naman bumangon na rin mula sa pagkakahiga at pumunta sa drums. Hindi ako tinitingnan ni Kira at walang imik na kinuha ang bass guitar niya at pumwesto na sa microphone. This silence is killing me but I don't have the right to complain. Pumunta na ako sa piano.




We started to practice the solo songs. Si Kira lang ang kumakanta. At habang kumakanta siya, hindi kakikitaan iyon ng emosiyon. The song is dull. Mukhang bumalik na naman siya sa pagiging emotionless niya. Hindi na namin isinama sa practice ang mga duet songs na binalak sana namin noong una. Some songs were sang by Kent and Kevin.




Hindi ko alam kung paano ako nakatagal maghapon sa loob ng headquarters na hindi man lamang pinapansin ni Kira. Ni hindi nga siya tumitingin sa akin. It is as if I'm not existing inside the room. And he became cold as ice. Hindi na lamang ako nagpahalata na nasasaktan ako sa mga nangyayari. I have to endure this hanggang sa matapos ang punishment namin. Matapos ang practice, umalis na rin ako agad ng hindi man lamang ito kinakausap. Kailangan kong panindigan ito.




Bago ako umalis nakasalubong ko pa sina Alexia. Mukhang katatapos lamang din ng practice nila para sa theater play. They enthusiastically greeted me. Napangiti na lamang ako sa kanila.




"Ayos ka na ba?" - Alexia




Tumango ako sa kanya. Sabay na kaming naglakad sa parking lot dahil humiwalay na sa amin sina Vince at bumalik sa HQ nila. Si Rose naman nagmamadali at may pupuntahan daw. Naghiwalay na rin kami ni Alexia dahil pareho kaming may dalang sasakyan. Dumiretso na ako pauwi.



WEDNESDAY


Pagpasok ko sa HQ nina Kira, wala pang tao roon kundi si Kira pa lamang. Lalabas muna sana ako pero bigla siyang nagsalita.




"Where are you going?"




He's asking with a cold voice that made me want to shiver down the spine. He seems dangerous right now. Nakatalikod pa rin ako sa kanya at napatigil sa pagbubukas sana ng pinto. Binitawan ko na ang door knob.



"Mukhang hindi pa naman magsisimula ang practice kaya lalabas na muna ako."




Naramdaman ko na tumayo siya muna sa kinauupuan. I don't want to feel this but I'm nervous. Napalunok na lamang ako. This isn't good.




"No your not going anywhere. Stay here."




May diin sa bawat katagang binitiwan niya. It looks like he's ordering me and at the same time it's saying I don't have the right to defy his orders. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko na nasa likuran ko na siya, malapit sa akin. Nahigit ko ang aking paghinga nang bigla na lamang niya akong hapitin papalapit sa kanya mula sa likuran. His right arm's wrapped around my waist.




"Stay..."




Bulong ni Kira sa akin. I'm shocked. Hinawi niya ang buhok ko sa likuran at parang gusto kong manginig nang dumampi sa batok ko ang labi niya. Shit! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa ginawa niya.




"S-stop..."




Natakot ako sa ginagawa niya. Damn! I shouldn't allow him to do this to me. Sinubukan kong alisin ang kamay niya na nakapulupot sa waist ko but he resist. He laughed like he's mocking me that's when I realized that he's playing with me and that hurts.




"Afraid? I thought you want to play around with me? Let's play, Monique."




He smirked. He's saying those words without any trace of emotions. Patuloy lamang siya sa pagdampi ng halik sa batok ko. He's being heartless. Gusto kong malungkot sa ginagawa niya.




"Stop right now, Kira. The game is over at wala na akong balak makipaglaro pa sa iyo."




I said it with courage and conviction. Pilit kong inalis ang kamay niya pero siya na ang kusang nagtanggal noon. Humarap ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na niya ako.




"No. You're wrong. The game isn't over yet. I'll make sure that you'll regret messing with me."




Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi. I mean, hindi iyon halik dahil kinagat niya iyon. Nalasahan ko pa ang dugo mula doon. Mabilis lamang ang ginawa niya at binitiwan din niya ako agad. I attempted to slap him but he stopped me and grabbed my arm. He's glaring at me then sighed. Binitawan din niya ako kaagad.




He just put his hands inside his pocket and stared coldly at me then smirked.




"Be prepared."




I was stunned. Naglakad na siya pabalik sa couch niya at pirming umupo roon na parang walang nangyari. Damn! Dahil hindi ko matagalan ang humiliation na nararamdaman ko sa oras na ito, agad din akong lumabas sa HQ at pumunta na lamang sa greenhouse at kinalma ang sarili ko. Gusto ko sanang umiyak pero pinigilan ko na lamang.




Kira's scary. I think he's really badly hurt.




KIRA's POV


Medyo naguilty ako sa ginawa ko kay Nerd. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisipan na gawin iyon. Siguro dahil sa galit na nararamdaman ko para sa kanya? Or maybe because I've missed her already? Damn!




Bakit ba hindi ko magawang pigilan ang nararamdaman ko? How could I love a woman who doesn't even care about me? Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader para makalimutan ko na lahat. She just hurted me bad and I still want her.




Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayon. It's hard to pretend that she's not existing. It's hard to ignore her. Damn that girl for making me feel this way. I'm helpless.




I really mean it when I said for her to stay. I want to plead but it ended up to be a cold statement because I don't want her to pity me. I really want to kiss her but I can't that's why I end up biting her lips. It's so hard.




Napatingin ako sa pagbukas ng pinto. Dumating na sina Kent at Kevin. Mga ilang oras lamang bumalik na rin si Nerd. She looks tired. Iniiwas ko na lamang ang paningin ko sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na lapitan siya.




Hanggang Friday din kaming nagpractice and I endured not to talk to her after the incident. Muntik ko na ring makalimutan na pasko na pala sa Sunday. Well, I'm not really celebrating Christmas but why do I have this feeling that I want to spend it with her. But that's impossible no matter what I'll do.




Maybe I'll just have to spend it in some noisy bar, drinking alone.





FRIDAY NIGHT


VENICE's POV


Nagulat ako nang mabasa ko ang message ng ama ko sa akin. Is he insane? Ipapakilala na raw niya ako sa pamilya niya? What is he thinking? That just made me angry.




Hindi ko yata kayang ituring na kapatid sina Lee. I never imagined being part of their family. Anyway, I'm here at the bar. Nagulat ako nang makita ko ang Red Serpent Gang na umiinom ng magkakasama.




Napansin ko si Kira na tuloy-tuloy lamang sa pag-inom. Umupo ako sa counter kung saan madali silang makikita. Mukhang malaki ang problema ni Kira. Maybe because of Lee? Mukhang nag-away yata sila dahil hindi ko na sila madalas makitang magkasama.




That's good on my part. Malaya na akong makakalapit sa kanya at wala ng sagabal. Napangiti ako sa naiisip ko. I'll make Kira mine soon. Hindi ko na hahayaang magkaayos pa sila ni Lee.




Accidentally ay napatingin ako kay Kevin na nakatingin pala sa direksiyon ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at uminom na lamang. Mukhang hindi magiging madali ang paglapit kay Kira dahil kay Kevin. He won't allow me to get near Kira and I don't know the reason why. He's a pain in the ass.




Damn that man!


------------


Next Chapter


Chapter 24: Christmas Surprise

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com