Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Christmas Surprise

Chapter 24: Christmas Surprise


LEE's POV



CHRISTMAS DAY.


What a a dull Christmas for me? Namili na ako ng gifts kahapon kasama sina Alexia at vince. Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang iyon. At naiinggit ako sa kanila. Dumating na rin ang mga magulang ko galing sa Hawaii.


At kinakabahan ako dahil may ipapakilala raw sa amin si Dad mamayang hapon. Alas-diyes lamang ngayon ng umaga. Abala ang mga katulong sa mansiyon sa paghahanda. Wala si Kuya Aldrin ngayon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Maraming mga batang namamasko at masayang-masaya. Buti pa ang mga bata walang mga problema.


Ako naman, nakatingin lamang sa malaking Christmas tree sa bahay. Ang lungkot talaga ng paskong ito. Mas malungkot pa kaysa noong nasa Japan ako. Dapat masaya ako ngayon dahil narito na ako sa Pinas pero bakit pakiramdam ko mas gusto ko na lamang manatili sa Japan?


Nakita ko ang pagbaba nina Dad and Mom sa hagdan. Nakangiti ang mga ito sa akin. Dumating na rin si Kuya Aldrin na may bitbit na mga regalo at inilagay sa ilalim ng Christmas tree. Kaya siguro ito umalis agad.


Pinapunta kami nina Dad at may mahalaga raw sasabihin. Nagulat pa nga ako nang marinig ko iyon. Alam ko ring nakaramdam ng galit si Kuya Aldrin sa narinig niya mula kay Dad. Sinabi kasi ni Dad na may anak ito sa labas. Hindi namin akalain na mapagtataksilan niya ang aming ina. Nagpaliwanag siya na hindi niya sinasadya ang nangyari pero tama siya na wala na nga kaming magagawa. Patay na rin daw kasi ang ina ng kapatid namin kaya hindi na namin magawang magalit.


Parang gusto kong maawa sa kapatid namin dahil labingwalong taong itinago sa amin ni Dad ang tungkol sa kapatid namin sa labas. Ito raw ang ipapakilala ni Dad mamaya kaya sana raw ay maging maayos ang pakikitungo namin sa kapatid namin ni Kuya. Hindi naman kami tutol sa katotohanang may kapatid kami sa labas pero iniisip lamang namin si Mom.


Nang mapatingin ako kay Mom, mukhang tanggap na nito ang lahat kaya nakahinga naman kami ng maluwag ni Kuya. Siguro nga mas magiging masaya kung may isa pa kaming kapatid kaya parang gusto kong matuwa.





VENICE's POV


Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang pumunta mamaya sa mansion ng mga samonte. Nagulat ako dahil sa pagdating ni Dad kasama ang asawa nito at sinusundo ako. Gusto ko sanang tumutol pero napansin ko ang kabaitan ni Tita Alona. Mukhang tanggap na niya ako. Hindi ko alam kung umaarte lamang ba ito pero mukhang totoo naman ang ipinapakita nito.


Sa tingin ko hindi magiging magandang ideya kung malalaman nina Aldrin at Lee na magkakapatid kami. Shit! Hindi ko maaatim na ituring silang mga kapatid. Napilitan akong sumama kina Dad sa mansion ng mga Samonte dahil hindi ko na magawang tumanggi sa mga ito. Hindi kasi tumalab ang mga palusot ko. Napailing na lamang ako.


Nang makarating na kami sa mansion ng mga Samonte, napilitan na akong bumaba. Wala na itong urungan. Huminga muna ako ng malalim. Tiyak na magugulat sina Lee kapag nakita nila ako.


Pagpasok namin sa loob ng mansiyon sinalubong agad nina Lee ang mga magulang nila. Nahuhuli ako sa paglalakad kaya hindi agad nila ako napansin. Ipinakilala ako ni Dad sa kanila. Nawala ang mga ngiti nina Lee at Aldrin sa labi. Pareho silang nagulat. Priceless pareho ang mga itsura nila. Halatang hindi nila inaasahan na magkakapatid pala kami. Walang nagtangkang magsalita sa amin.


Nagtititigan lamang kami at walang balak magsalita. Pare-parehong kaming seryosong nakatingin sa isa't isa. Binasag na ni Dad ang katahimikan na namayani sa amin.


"Ayos lamang ba kayo? May problema ba?"


May problema ba? Oo. Maraming problema sa amin. Kung alam lamang niya. Pinaupo naman ako ni Tita Alona at pinagsabihan sina Lee na napakamot na lamang sa ulo nila. It's awkward to be here in Samonte's Mansion. I felt like I don't belong.


Naghanda ng pagkain para sa amin ang mga maid. Sina Lee naman ay naupo na lamang din sa sala at hindi alam ang sasabihin. Mataman namang nakatingin sa akin si Aldrin. Ang ina naman ng mga ito ay nasa kusina at ang Dad namin ay nasa library nito. May aasikasuhin lamang daw.



"Hindi ko inaasahang kapatid ka pala namin." ani Lee.


I smirked. Kung pwede lamang na hilingin na sana wala na lamang akong kapatid nagawa ko na. Masama lamang ang tinging ipinukol ko kay Lee at napailing naman siya dahil doon.


"We should give love on Christmas day." Natatawang biro ni Aldrin. Hindi ko alam kung paano nitong nagagawa na maging easy-go-lucky sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ba dapat magalit sila sa akin at hindi dapat sila kalmado sa nalaman nilang rebelasyon? Ganito ba talaga silang magkapatid? Madaling natatanggap lahat.


"Matagal mo na bang alam na kapatid mo kami?" - Lee.


Napatingin ako sa kanya at tumango na lamang dahil ayaw kong magsalita.


"Bakit hindi mo man lamang sinabi sa amin?" - Aldrin


"Para saan pa? Hindi ko naman din kayo itinuturing na kapatid." I smirked. Napansin ko na napailing ang dalawa sa akin.


"Pusong bato ka ba? Bakit ba pakiramdam ko galit ka sa amin? Ano bang ginagawa naming kasalanan sa iyo?" - Aldrin


Napailing na lamang ako. Galit ako sa kanila kasi ng dahil sa kanila hindi nagawang mahalin ni Dad ang ina ko. Hinayaan na lamang niyang mamatay ito ng may sama ng loob. Naiinis ako dahil doon. Hindi man lamang minahal ni Dad si Mom. Naulila tuloy ako sa murang edad lamang. Ni hindi nga niya ako nagawang ipakilala sa unang pamilya niya dahil natatakot siya. Life is really unfair. Hindi ko na lamang pinansin sina Aldrin at Lee.


Tinawag na rin naman kami para kumain. Tahimik lamang kaming lahat na kumakain. Lahat ay natatakot magsalita. Masyadong awkward. Nang matapos kaming kumain napatingin ako kay Dad dahil sa sinabi niya.


"Mula ngayon dito ka na titira sa amin sa mansyon kasama ang mga kapatid mo." Nakangiti ito sa akin. Wala akong narinig na pagtutol mula kina Lee. Inaasahan ko pa namang tututol sila sa ideya ng ama namin pero wala akong narinig kahit isang salita. Hindi ko gustong tumira kasama ang mga ito. Magsasalita na sana ako pero nagsalita naman si Tita Alona na nakangiti sa akin. "Ipinahanda na namin ang kwarto mo. Sana magustuhan mo."


"Ah... Hindi ko naman po kailangang tumira rito. May condo unit naman po ako." Nahalata kong nalungkot si Tita Alona sa narinig.


"Huwag niyo ng pilitin si Venice. May sarili rin naman kaming condo unit ni Kuya at tiyak na hindi rin kami magtatagal dito." -Lee


Napaisip ang Dad namin pagkatapos ay tumango. "Sabagay, ang mahalaga naman ngayon ay nalaman niyo na ang totoo. Saka malalaki na kayo at sa tingin ko naman kaya niyo na ang sarili niyo. Madalas naman din kaming wala dahil sa mga business trips."


Medyo nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at hindi na sila nangulit. Wala talaga akong balak tumira kasama sina Lee sa iisang bubong. Tiyak na hindi ako makakatagal. Matapos ang pagkain namin ay may natanggap akong regalo mula sa apat. Hindi ko inaasahan ang iyon.


"Pasensiya na. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ni Dad kaya hindi ko alam kung magugustuhan mo iyan." -Lee


Hindi ko sana tatanggapin pero nahiya naman ako. Umuwi ako na bitbit ang mga regalo nina Lee. Pagdating ko sa unit condo ko, walang pakialam na itinapon ko ang mga iyon sa basurahan. I don't need those gifts. Humiga na lamang ako sa kama ko na tila pagod na pagod. Kahit pakitaan nila ako ng maganda hindi pa rin mabubura ang galit ko sa kanila. Pumikit na lamang ako at natulog. Sanay na akong magkaroon ng malungkot na Pasko.




LEE's POV


Gulat na gulat ako nang malaman ko na si Venice pala ang tinutukoy ni Dad. Sobra naman ang tadhana, masyadong mapaglaro. Mag-aalas-sais na ng gabi kaya napagpasyahan kong magtungo sa isang bar para uminom.


Hindi ko pa rin mapaniwalaan lahat ng nangyayari sa buhay ko. Nakakabaliw ang mga nangyayari sa akin. Ayos lamang sa akin na maging kapatid si Venice pero matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ay hindi ko na magawang matuwa pa. Gusto ko sana siyang patawarin dahil Pasko naman ngayon pero mukhang ako naman ang hindi niya mapapatawad.


Patuloy lamang ako sa pag-inom sa counter ng bar. Maingay sa loob. Nakakabingi ang musika. Iginala ko ang paningin ko dahil pakiramdam ko may nakamasid sa akin. Sa isang sulok ng bar may nakita akong lalaki na nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya. Tumayo ang lalaki at lumapit sa kinaroroonan ko. Si Kira iyon. Bakit dito ko pa siya kailangang makita? Mukhang mag-isa lamang siya at napansin kong pinagkakaguluhan kanina ng mga babaeng nakapaligid dito.


Napalunok ako bigla. Alam kong medyo lasing na ako at hindi ko na magagawang takasan pa siya. Nakalapit na siya ng tuluyan sa akin. Alam kong marami na rin siyang nainom dahil langhap na langhap ko ang hininga niya nang magsalita siya.


"Mag-isa ka lamang ba?"


Napatango ako. Umupo siya sa counter sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. He looked rugged but still handsome. Nagsalita na lamang ako para mabawasan ang tensiyong nararamdaman ko.


"M-Merry Christmas."


Natawa lamang siya sa sinabi ko. Patuloy lamang siya sa pag-inom. Tumigil na ako sa pag-inom dahil mahihirapan akong magdrive pauwi sa bahay. Halatang marami na siyang naiinom. Napapailing na lamang ako. Iinom pa sana siya pero kinuha ko na ang kopita na hawak niya.


"Enough. Hindi ka na makakauwi sa inyo. Lasing ka na."


Tumutol siya at sinabing kaya pa niyang uminom pero halata sa boses niya na hindi na siya makapagsalita ng tuwid. Napailing ako. Pilit nitong inagaw sa akin ang kopita pero napasubsob siya sa akin. Wala na akong nagawa kundi yakapin siya dahil matutumba siya. Ibinaba ko na sa counter ang kopitang hawak ko at binayaran ko na ang bill naming pareho.


Napahinga ako ng marahas dahil naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Kira sa leeg ko. Damn! Nangilabot ako sa bahagyang pagdampi ng labi niya. Nahigit ko ang paghinga.


"N-Nerd..."


Parang gusto kong mapaiyak nang marinig ko ang nagmamakaawang boses nito. Napabuntong-hininga na lamang ako.


"Kira, iuuwi na kita sa unit mo. Lasing ka na. Ako na ang maghahatid sa iyo."


Hindi naman siya nagsalita. Patuloy lamang ito sa paghalik sa leeg ko pero makalipas ang ilang segundo ay tumigil din naman. Mukhang nakatulog na siya. Mahihirapan pa yata akong akayin ang lalaking ito pauwi sa unit nito.


---------------------

Next Chapter: The Tattoo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com