Chapter 27: The Call
LEE's POV
Tanghali ako ng nagising. Iniisip ko kasi kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng nangyayari sa'min ni Kira. Nakakabaliw. Nakahiga pa rin ako sa kama ko ngayon at hinihilot ang ulo. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa side table. Wala na akong nagawa kundi ang abutin 'yon.
Tiningnan ko kung sino ang caller. Si Kira ang tumatawag. Katatapos lamang ng mini concert for a cause noong isang araw. Pagkatapos noon ay hindi pa ulit ako pumapasok. Pangatlong araw na ito dahil tinatamad ako. I decided to go with the flow on my situation with Kira. I never thought that such guy could also be sweet. Hindi na nga siya umaalis sa tabi ko noong mga nakaraang araw at dahil doon lalo akong nagiguilty.
Iniisip ko na ngang sabihin sa kanya na ako si Black Phantom pero nanghihinayang ako sa mga ngiting nakapaskil sa mukha niya sa tuwing titingin siya sa akin. Minsan naaasar na nga ako. Sobra na kasi ang panloloko ko sa kanya.
Namatay ang tawag nang hindi ko ito nasagot. Napabuntong-hininga ako. Tumunog ulit ang cellphone pero ngayon ay sinagot ko na ang tawag. Baka magalit pa siya at sumugod dito.
"Hello?" Nag-aalangang sagot ko. Kagabi pa kasi tumatawag si Kira pero hindi ko sinasagot.
"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?" Bakas ang iritasyon sa boses niya. Pakiramdam ko nakasimangot siya ngayon kaya gusto kong mapangiti.
"Hindi ko narinig ang tawag mo?" Hindi ako sigurado sa sagot ko.
"Papasok ka ba?" Hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses niya. Natawa na lang ako. I heard him smirked.
"Pupunta na nga ako diyan sa unit mo." He said and then he ended the call. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Tiyak na papunta na 'yon dito kaya tumayo na ako sa kama at dumiretso na sa banyo. Nagugutom na rin ako. Dapat pala pinagdala ko na lamang siya ng pagkain dito. Tinatamad akong magluto.
I took a bath. Kalalabas ko lamang sa cr nang marinig ang sunud-sunod na pagdodoorbell. Napabuntong-hininga ako. Pinalipad ba niya ang kotse niya papunta sa unit ko?
Nagmadali na ako sa pagbibihis bago ko binuksan ang pinto. Hindi ko pa nga nasusuklay ang buhok ko dahil tiyak na sisirain na ni Kira ang pinto ng unit ko. Pagbukas ko ay ang nakasimangot na mukha ni Kira ang agad na nakita ko.
Napakamot ako sa ulo ko at tinalikuran na siya para magsuklay sana ng buhok pero bigla na lang niya akong niyakap mula sa likuran. Ano naman ang problema niya?
"Problema?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Namiss lang kita." Mahinang bulong niya. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba na miss ko rin siya? Naramdaman ko na ipinatong niya ang ulo niya sa kanang balikat ko. Gamit ang kanang kamay ko ay ginulo ko ang buhok niya.
"Para kang bata." Mahinang sabi ko kasabay ng isang nang-aasar na tawa. Pagtingin ko sa mukha niya ay nakasimangot siya. "O siya, sige na, magbibihis lang ako at kain tayo sa labas. Gutom na rin kasi ako. Okay lang ba?" Nasabi ko na lamang. Ngumiti siya at tumango pero hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa akin. "Niyaya mo akong magdate, Nerd?" Nang-aasar na tanong niya sa'kin. Ako naman ang napasimangot.
"Asa, gutom lang ako." Natawa lamang sa akin si Kira. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa sofa. "Magbihis ka na." Nakangiting sabi niya sa akin. I pouted. Pumasok na ako sa kwarto ko upang magbihis ng pang-alis at magsuklay ng buhok.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tumayo na agad siya. "Ang tagal mo." Pagrereklamo niya. Napailing na lang ako. Mainipin talaga. Nagtaka pa ako nang ilahad niya ang kamay niya sa'kin. Nagtatanong ang mga mata ko na tumingin ako sa kanya. Para kasing may hinihingi siya o mali lang ang interpretasyon ko?
Nakasimangot na kinuha na lang niya ang kamay ko at hinawakan saka hinila na ako palabas. Ang baliw niya, gusto lang pala ng holding hands. Napapangiti tuloy ako. Kumain na kami sa isang restaurant ng tahimik. Muntik na nga akong masamid sa biglang sinabi niya sa akin.
"Ano kaya kung magpakasal na tayo?" Diretsong sabi niya sa akin. Agad kong kinuha ang baso ng tubig para uminom. Papatayin ba niya ako sa gulat? Magpapakasal? Agad na?
Hindi nga niya ako lubusang kilala tapos pakakasalan niya ako? Grabe, baka pagkatapos ng first night namin ay i-salvage niya agad ako kapag nalaman na niya ang totoo. Mababalo agad siya.
Ibinaba ko ang baso na ininuman ko na ngayon ay wala ng laman. "Bata pa kaya tayo tapos magpapakasal agad?" Tumawa ako kahit kinakabahan.
"Gusto ko kasi na lagi na kitang nakakasama at nakikita. Halos dalawang araw kang hindi nagpakita sa akin." Seryosong sabi ni Kira. Matiim siyang nakatitig sa akin dahilan upang mailang ako.
Dahil lang doon ay gusto agad niyang magpasakal sakin? Este magpakasal pala tapos ako ang masasakal. Baliw na talaga siya. Nanahimik na lamang ako. Bahala siya sa buhay niya. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain at hindi siya pinansin.
"Nerd! Ano na ang sagot mo?" Naaasar na tanong ni Kira sa akin.
"Ewan, pag-iisipan ko." Sagot ko na lamang para hindi na humaba pa ang usapan namin tungkol sa kasal na 'yan.
"Hindi mo pa ba ako natututunang mahalin?" Halata sa boses niya na malungkot siya. Napalingon ako sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Mababakas ang kalungkutan sa mga mata niya. I sighed.
"Mahal na kita." Mahinang sabi ko sa kanya. Mabuti pa sigurong sabihin ko na sa kanya. Wala na rin naman akong magagawang kahit ano sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko na siya matatakasan, unless umalis na ako sa bansang ito. Bigla siyang napalingon sa akin na parang gustong kumpirmahin na totoo nga ang sinabi ko.
Halata rin ang pagkagulat sa mga mata niya pero halatang masaya. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Ano ba 'yan? Dapat pala hindi ko na lamang sinabi sa kanya dahil ngayon ay hinihiling na niyang ulitin ko muli ang sinabi ko.
"Ayaw ko ngang ulitin. Hindi ka kasi nakikinig kaya kasalan mo." Nang-aasar na sabi ko sa kanya. He pouted and damn! He's so cute. "Sige na. Sabihin mo ulit para maniwala ako." He demanded.
"Edi wag ka na lang maniwala." Binelatan ko pa siya. Susubo na sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan sa kamay. Naaasar na tiningnan ko siya ng masama. Gutom na ako tapos binibitin ako sa pagkain.
"Sabihin mo ulit." Seryosong sabi niya sa akin. Para ngang nagmamakaawa pa ang tono ng boses niya kaya napangiti ako. Wala na akong nagawa kundi ulitin ang sinabi ko. "Mahal kita. Okay na?"
Ngumiti siya ng napakaluwang. Mapupunit yata ang labi niya sa pagngiti niya. Nakakaloko ang itsura niya. Ang sarap niyang sapakin para mawala ang ngiti niya. Buti na lang naaawa ako sa gwapo niyang mukha.
"Pwede na akong kumain?" Tanong ko sa kanya dahil hawak pa rin niya ang kamay ko na may hawak na kutsara at naghihintay na lamang na maisubo sa bibig ko. Umiling siya habang nakangiti pa rin. "Not yet. Where's my kiss?"
I smirked. "Ewan ko sa'yo." Binitawan naman niya ang kamay ko na medyo natatawa pa. Itinuloy ko na ang pagkain ko.
"Magpakasal na tayo. Mahal mo na pala ako, 'di ba?" Nang-aasar na tanong niya sakin. Ang kulit talaga. Malapit ko na siyang mabatukan. Sumimangot lamang ako sa kanya. "Kumain ka na lang. Gutom lang 'yan." Natawa lang siya ng malakas sa sagot ko. Ang saya yata ng mokong.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong pumunta sa park. Sumama naman ako dahil ngayon lang ulit ako pupunta sa park. Habang naglalakad sa park, hindi talaga niya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman binabawi iyon. Baka kasi hindi na ito mangyari muli.
"Nerd, seryoso talaga ang tanong ko. Magpakasal na nga kasi tayo." Ang kulit talaga niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan 'yon.
"Ang kulit din ng lahi mo--." Napapailing na wika ko. Narinig ko na tumunog ang cellphone niya kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana. Binitawan niya muna ang kamay ko para sagutin ang tawag. Sinenyasan niya ako na umupo muna sa isang bench na malapit. Sinunod ko naman siya.
Pinagmamasdan ko siya habang nakikipag-usap sa cellphone. Nakakunot kasi ang noo niya at parang seryoso ang pinag-uusapan.
KIRA's POV
Tumatawag si Xena kaya sinagot ko na. Ano naman kaya ang problema? Si Xena ang leader ng Light Spear Gang a.k.a Flash. Siya ang tagapamagitan sa loob ng District 1.
"Why?" Nagtatakang bungad ko sa kanya pagkasagot ko sa cellphone. Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
"Why agad? Hindi pa pwedeng greetings muna?" Naaaliw na tanong ni Xena sa akin. Napakunot-noo ako. Wala akong balak magpaligoy-ligoy pa. Kapag kasi tumawag na si Xena, alam ko na importante ang sasabihin niya sa akin. At malamang tungkol iyon sa buong District 1.
"Malapit na ang game para sa pagpili ng representative. This saturday makikilala na lahat ng mga kasali sa game kaya kailangang kumpleto ang grupo niyo." Seryosong wika ni Xena kaya napaseryoso rin ako.
"Kasali ba si Black Phantom?" Seryosong tanong ko kay Xena. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako sasali. Hindi ko naman kailangang maging representative at hindi ako interesado.
"Malalaman mo sa sabado kung kasali nga siya. Sige. Text na lang kita kung saan tayo sa sabado. Take care." 'yon lamang ang sinabi ni Xena at pinatay na niya ang tawag. Napabuntong-hininga ako. Napalingon ako kay Nerd na nagtatakang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at pinuntahan na siya sa bench. Umupo ako sa tabi niya.
"Sino 'yon?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako para sabihing wala lang ang tawag na 'yon. Miyerkules na ngayon at sa sabado ko na malalaman kung kasali nga ba si Black Phantom. I'll make sure that I would hunt her down when the game started. Siya lang naman ang pakay ko sa game na 'yon.
"Wala. Tara na. Saan mo gusto pumunta?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nag-isip siya sandali.
"Wala akong maisip na puntahan. Ikaw ba merong gustong puntahan?" Balik tanong niya sa akin. I grinned evilly. "Yeah, I think so." Napakunot ang noo niya sa'kin at tinanong kung saan.
"Sa unit ko." Then I winked. I noticed that she blushed and punched me lightly.
"A-Adik!" She said while stammering. Gusto ko ng matawa sa itsura niya. Ang pula-pula na niya at halatang hiyang-hiya.
"Bakit ano'ng masama kung pumunta sa unit ko?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa'yo!" Inirapan niya ako na ikinatawa ko naman.
LEE's POV
Nakakaasar si Kira. Pinagtitripan niya ako. Tumayo ako para mag-walk out pero pinigilan niya ako sa kamay. Naaasar na tumingin ako sa kanya.
"Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang pikon." Natatawang wika niya. Hindi nakakatawa ang biro niya. Inirapan ko na naman siya. Nakakainis. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa amin. Nakakahiya. Gusto ko ng magpalit ng mukha para hindi na niya ako makilala.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya para sagutin ang cellphone. Lumayo muna ako kay Kira. Si Kuya Aldrin ang tumatawag. Bakit kaya? May problema ba?
"Hello, Kuya?"
"Pumunta ka ngayon sa Dark Phantom Mansion. May mahalaga tayong pag-uusapan." Seryosong utos ni Kuya Aldrin. Nagtaka naman ako.
"Why? May problema?" Natawa lang siya sa tanong ko.
"Marami naman talagang problema, simula pa lang." Pagbibiro niya. I sighed. He's right. Marami naman talagang problema.
"Sige punta na ako diyan." Sabi ko sa kanya. Pinatay ko na ang tawag. Lumapit ako kay Kira para magpaalam na uuwi na. Nagtaka siya at inakalang galit ako sa kanya. Sinabi ko na lamang na masakit ang ulo ko kaya pumayag siya pero ihinatid niya ako hanggang sa unit ko. Ayaw pa nga sana niyang umalis, buti na lamang at napilit ko siya kahit nagtataka siya. Gusto pa kasi niyang samahan ako sa unit.
"Sige na nga aalis na ako. Inom ka na lang ng gamot, okay?" Tumango na lang ako at kunyari ay hihiga na sa kama para hindi siya magtaka. Lumapit siya sa akin. He kissed me fast before I could react.
"Magpahinga ka ng maayos, okay?" Ginulo pa niya ang buhok ko bago tuluyang umalis. Naghintay muna ako ng thirty minutes bago umalis sa unit para pumunta sa Dark Phantom Mansion. Ano kaya ang kailangan ni Kuya Aldrin? Ang alam ko kaya naman niyang ihandle mag-isa ang buong Dark Phantom Gang. Bakit kaya? Aalis na naman ba siya? I drove fast. Kinakabahan din kasi ako sa hindi malamang dahilan.
----------------------------------------------------------------
Next Chapter:
Chapter 28: The Game
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com