Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28: The Game

LEE's POV

Mabilis akong nakarating sa Dark Phantom Mansion. Nagmamadali akong pumasok sa loob at nakita ko si Kuya Aldrin na nakaupo sa couch.

"Ano'ng pag-uusapan natin?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Itinuro niya ang sofa na katapat ng kinauupuan niya at pinaupo ako. Tahimik na sumunod ako habang nakakunot-noo. 

"Kasali ka sa game para sa pagpili ng representative. Nakatago sa vault na ibinigay ko sa'yo ang symbol na kailangan nating ingatan. Pasensiya na pero hindi ko na pwedeng bawiin ang pangalan mo sa naipasa kong listahan. It's already final. If you want, I could quit the game already."

"What? Why will you do that?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Para hindi na kayo maglaban ni Kira. I think you should quit the Dark Phantom gang and remove your tattoo for your sake." seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Saglit akong nagulat sa sinabi niya pero sumeryoso rin kaagad. "So, you're telling me to run away from the past? Kahit gawin ko 'yon hindi pa rin mababago ang katotohanan. Hindi pa rin nito maibabalik ang nakaraan. I'm just being a coward if I do that."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. "Ano ang binabalak mo kung ayaw mo akong sundin?" tanong niya sakin.

"Let's participate on the game. Kung malalaman niya na ako si Black Phantom, mas makabubuti na rin siguro. Hindi ko na kailangang maglihim at magtago pa sa kanya. Ayaw ko na rin naman siyang lokohin." malungkot na wika ko sa kanya.

Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. Nag-isip siya saglit bago nagsalita. "This Saturday, you'll meet him. Ipapakilala na lahat ng kasali sa game. I'm afraid that you'll get hurt. Are you really sure about this?" nag-aalangang tanong niya. Determinadong tumango ako sa kanya. Hindi na ako tatakbo pa. Masyado na akong naging duwag. Kahit mahal ko pa siya, hindi naman sapat na dahilan 'yon para lokohin pa siya at itago sa kanya ang katotohanan dahil lamang sa pagiging makasarili ko. Kung hindi niya ako matatanggap kapag nalaman na niya ang totoo, wala na akong magagawa. Karma ko na siguro 'yon.

Tumayo na si Kuya Aldrin. He looked troubled. Halatang hindi sigurado sa gagawin. Tumingin siya sa'kin na parang nagdadalawang-isip tapos ay napabuntong-hininga. Napailing na lamang siya. "Okay. Let's join the game." Napangiti ako sa sinabi niya. Wala ng urungan 'to.

Dumating sina Rex, Alexia, Fred at Kaname. Kami ang sasali sa game kaya kailangan naming pag-usapan ang mga gagawin. Hindi pa naman official game ang mangyayari sa sabado. Ipapaliwanag pa lang daw muna ni Xena ang rules sa laro at para na rin makilala ang mga kalahok at ang mga magiging target namin kung sakali.

KIRA's POV

Matapos kong ihatid si Nerd sa unit niya ay tinawagan ko sina Vince para pag-usapan ang tungkol sa game. Sa isang bar kami nagkita-kita, alas siyete ng gabi.

"What's up?" tanong ni Vince samantalang tahimik lamang na naghihintay sina Kevin sa sasabihin ko.

"Malapit ng magsimula ang game. This saturday, malalaman na natin kung sinu-sino ang mga kasali." seryosong wika ko sa kanila.

"And?" naghihintay na tanong ni Justin. Inaasahan niyang may kasunod pa ang sasabihin ko.

"At kung sakaling kasali si Black Phantom, huwag kayong makikialam at ipaubaya niyo siya sa'kin." Determinadong utos ko sa kanila. Napasipol na lamang si Enanz sa sinabi ko. Kinuha ko ang San Mig Light na nasa table at nilagok 'yon. Wala naman akong pakialam sa larong 'yon. Ang gusto ko lang ay ang makapaghiganti kay Black Phantom.

"Hindi mo ba pwedeng kalimutan na lamang lahat? Nandiyan na naman si Lee, 'di ba? Girlfriend mo na nga siya." tanong naman ni Kent.

"That's a different story." 'yon lang ang sinabi ko at tumayo na. Lumabas na ako sa bar at hindi ko na sila hinintay pa. Umuwi na lamang ako sa unit ko at doon ipinagpatuloy ang pag-inom. Hindi ko na hahayaan pang makatakas si Black Phantom. Kailangan ko ng malaman kung sino siya sa darating na sabado. Sana lamang ay kasali siya sa game.

LEE's POV

Saturday. Suot ko ang maskara at ang Blank Phantom suit. Maging si Alexia at nakasuot din ng maskara. Hindi kasi alam ni Vince na member siya ng Dark Phantom Gang. Kinakabahan nga siya dahil baka makaharap niya si Vince sa game. Tiyak na mahihirapan siyang lumaban.

Napabuntong-hininga ako. Sa isang abandonado at tagong warehouse kami magkikita-kitang lahat. Tatlumpong tao lahat ang kalahok sa larong ito. Tig-aanim kasi ang kasali sa bawat gang.

Nagkanya-kanya na kaming punta sa tagpuan. Halos lahat ay may sariling kotse na dala. Buti na lamang malawak ang bakanteng lupa na pinagtatayuan ng warehouse. Maraming magagara at magagagarbong kotse ang makikitang nakaparada kung saan-saan. Nakakakaba hindi pa man nagsisimula ang laro. Tiyak na magiging mahirap ang larong ito.

Ipinarada ko ang pulang kotse ko sa tabi ng kotse ni Alexia. Hindi pa kami bumababa ng sasakyan dahil naghihintay pa kami ng hudyat mula kay Kuya Aldrin. Maging ang ibang miyembro na galing sa ibang gang ay naghihintay rin ng hudyat mula sa mga pinuno nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ang isang itim na kotse na pumarada malayo sa kotse ko. Natitiyak ko na kay Kira 'yon. Parang gusto kong umurong bigla.

Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko dapat ito maramdaman ngayon. Nakita ko ang paglabas ng limang gang leaders sa kanya-kanyang kotse. Kumpleto na sila. Mas lalong tumindi ang naramdaman kong kaba ngayon. Seryoso silang nag-uusap. Matapos 'yon ay nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng warehouse. Sumenyas sila na sumunod na lamang kami.

Nagsibabaan na ang lahat sa kani-kaniyang sasakyan at sumunod na sa mga gang leaders nila. Narinig ko na may kumatok sa salamin ng kotse ko. Si Alexia 'yon. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na rin. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya ng pilit. Lumapit samin sina Rex at sama-sama na kaming pumasok sa loob.

Maluwag sa loob ng warehouse. Ang bawat gang ay hiwa-hiwalay. Nasa likod lamang kami ni Kuya Aldrin pero nakita ko ang masamang tingin na ipinukol sa'kin ni Kira nang makita ako. Parang gusto na nga niyang sumugod pero halatang nagpipigil lang. Napansin ko ang nakakuyom niyang kamao. Iniiwas ko na lamang ang paningin sa kanya at hindi siya pinansin. Hindi ako maaaring magpaapekto ngayon.

KIRA's POV

Nasa loob na kami ng warehouse kasama sina Vince nang mapansin ko na papasok na sina Rex pero ang pinakanakaagaw sa pansin ko ay ang babaeng nakasuit ng black suit at maskara. Kasali si Black Phantom. Naikuyom ko ang kamao ko. Galit na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Gusto ko na siyang sugudin pero hindi maaari. Kailangan ko munang hintayin na magsimula ang game bago ko gawin ang gusto ko sa kanya.

Pumunta sa gitna si Xena para magsalita. "Goodmorning, everyone. Sa game na ito nakasalalay kung sino ang pipiliin nating representative para sa District 1. Kung sino ang gang leader na makakakolekta ng lahat ng symbols na ibinigay ko sa bawat gang leaders, siya ang magiging representative natin. Kung sakaling maagaw na sa inyo ang symbol, pwede pa kayong lumaban para bawiin 'yon hangga't gusto niyo pa. The five members chosen by each gang leaders will act as a support. Bahala na kayo kung kanino niyo ipapatago ang symbol na ibinigay ko sa inyo. Pwedeng kahit kanino basta kasali sa game. There's only one strict rule here. Killing is forbidden no matter what happened and for what reason."

I smirked. I didn't care if killing is forbidden. I didn't mind breaking the rule at all. Ito na ang pagkakataon ko kaya hindi ko na ito palalampasin pa. Pwede namang palabasin na aksidente lamang ang lahat, 'di ba?

"Listen, kapag nagsimula na ang game, you can hunt anyone, anywhere and anytime. I'll give everyone of you tracker stickers and a pocket-size locator. May makikita kayong red dots sa mapa ng buong manila na nasa screen ng locator. Iyon ay ang mga kalaban niyo pero hindi nakalagay kung sino ang mga 'yon. Bahala na kayong dumiskarte sa pagpili ng kakalabanin. Ang mahalaga naman dito ay ang makuha niyo ang mga symbol. The game will only last for one month. Kapag hindi pa nakokolekta lahat ng symbol sa loob ng isang buwan ay ang nakakuha ng pinakamaraming symbol ang ating magiging representative." dagdag pa ni Xena.

"Why not show now the faces of those two who's wearing mask? Para mas madali ang paghahanap sa kanila? Baka rin kasi bigla na lamang kaming sugudin at dayain dahil hindi namin sila kilala." suhestiyon ni Vince kay Xena habang tinutukoy sina Black at Blue Phantom.

Maraming sumang-ayon sa suhestiyon ni Vince pero biglang pumagitna si Aldrin. "No, they won't take their masks off now. Nangangako sila na kapag nakasuot lamang sila ng masks, saka lamang sila sasali sa game. Don't worry. They won't stab anyone's back on this game. I'll take responsibility for that."

Napailing ako. Talagang pinoprotektahan ni Aldrin ang katauhan nina Black Phantom. I'm really curious who's behind that mask. Sisiguraduhin kong makikilala ko na siya sa susunod na araw.

"We will not take their masks off. The game will start this monday. Tandaan niyo ang mga kasali. Here's the complete list." wika naman ni Xena. May iniabot na papel sa bawat gang leaders ang mga underlings ni Xena. Iniabot ko 'yon kay Vince dahil hindi naman ako interesado sa ibang mga kasali. Si Black Phantom lang talaga ang gusto kong makaharap.

Binigyan din kami ng kanya-kanyang tracker stickers at locator. Masaya sana itong laruin kung walang halong paghihiganti. Itinago ko na sa bulsa ang locator at stickers na ibinigay sakin. Mas madali kong mahahanap si Black Phantom dahil sa locator.

"Ikabit niyo na lang sa kahit anong bagay na lagi niyong dala o suot. Pwede sa relo, sa bracelet, kwintas at kung saan-saan pa. Maliit lamang naman ang mga tracker stickers na 'yan. Pero kahit hindi niyo naman ikabit kung saan ang mga tracker stickers ay activated na 'yan. Mate-trace pa rin kung nasaan kayo basta dala niyo. But remember, always bring the symbol with you, too. Any questions? Is everything clear?" dagdag ni Xena.

Nagsitanguan kami. Wala namang magulo sa paliwanag niya at saka diskarte na lamang namin kung paano mananalo sa game na 'to. Wala kasing nakakaalam kung nasaan ang mga symbol. May ilang mga katanungan na sinagot ni Xena. Matapos 'yon ay nagsialisan na ang iba.

Tiningnan ko si Black Phantom na palabas na ng warehouse. Nakatalikod siya sa'kin at kasabay niya sa paglalakad sina Rex. Bakit may pakiramdam ako na parang kilala ko siya? Naiwan ang mga gang leaders para saglit na mag-usap-usap. Napalingon ako kay Venice nang magsalita siya.

"Mukhang gustong-gusto mo ng malaman kung sino si Black Phantom." nakangising wika niya sa'kin. I just stared at her blankly. Pakiramdam ko ay may alam siya base sa paraan ng pagsasalita niya. Gusto ko siyang tanungin pero ayaw ko namang magkaroon ng utang na loob sa kanya.

Napansin ko ang seryosong titig sa'kin ni Aldrin. Nagsalita siya ng mahina at halatang sa'kin lamang gustong iparating ang mga sinasabi. "Kung gusto mo'ng maging masaya, tigilan mo na si Black Phantom."

I smirked and grinned. "I'm sorry but I won't follow any advice from you." Tinitigan niya ako ng masama. Nagsukatan kami ng tingin pero biglang pumagitna si Xena na napapailing. May ilan lamang siyang ipinaalala sa'min para sa game bago kami pinaalis. Kami na lamang kasing lima ang naiwan sa warehouse dahil nagsialisan na ang mga underlings namin. Halos isang oras kaming nagtagal sa loob.

Pagkasakay ko sa kotse ay naisipan kong tawagan si Nerd. Makalipas ang ilang segundo ay sinagot na niya ang tawag ko. "Asan ka?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Why?" nagtatakang tanong niya sa'kin.

"Gusto kitang makita. Masama ba?" I smirked.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. May problema ba siya? "Pauwi pa lang ako sa unit ko." mahinang wika niya.

"Saan ka galing?"

"Namasyal lang?" sagot niya.

"Punta na lang ako sa unit mo." pagkasabi ko noon ay pinatay ko na ang tawag at saka pinaandar ang kotse. Pero biglang may humarang na kotse sa daraanan ko kaya nagpreno ako. Kotse 'yon ni Aldrin. Nakita ko siyang bumaba mula roon at seryoso ang mukha.

Nagtatakang bumaba ako sa kotse.

"What the fuck?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ba pwedeng kalimutan na lang lahat?" seryosong tanong niya sa'kin. Kung ang tinutukoy niya ay ang galit ko kay Black Phantom, hindi ko magagawang kalimutan 'yon.

"No, she killed my ex-girlfriend." mariing wika ko sa kanya.

"Do you love my sister?" naiinis na tanong niya sa'kin.

"Bakit naman napasali rito si Lee? Labas siya sa usapang ito." naiinis ring sabi ko sa kanya.

"Kung buhay ang ex-girlfriend mo, sinong pipiliin mo sa kanilang dalawa?" seryosong tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko. Nabigla ako sa tanong niya at hindi agad nakaimik. Ano ba kasi ang pinupunto niya? Naaasar na ako.

"P-Patay na si Cindy." naguguluhang wika ko sa kanya. Sino nga ba ang pipiliin ko? I heard him smirked.

"So, you're not sure. Layuan mo na ang kapatid ko. Hindi kayo magiging masaya. Pareho lamang kayong mahihirapan." 'yon lamang ang sinabi niya bago sumakay sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ng mabilis ang kotse at ako naman ay naiwang natitigilan. Ano ba kasi ang gusto niyang iparating?

LEE's POV

Nakakainis! Bakit kasi may tracker sticker pa? Nakarating na ako sa unit ko at sinubukan ang locator. Makikita nga ang isang red dot sa location ng Samonte Empire Condominium. Ang ibang red dots naman ay makikita sa iba't ibang lugar sa Manila. Shit! Hindi ko pwedeng iwanan ang tracker sticker sa loob ng unit ko kaya tinawagan ko si Alexia. Hindi rin kasi pwedeng dalhin sa bahay niya ang tracker sticker dahil malalaman ni Vince.

Sabi niya ay magrent na lamang daw kami ng isang bahay kung saan pwede naming iwan ang tracker stickers at pwedeng doon na rin kami magpalit. Dadaanan daw niya ako rito para kunin ang tracker sticker. Hindi nga lamang ako makakasama sa kanya dahil darating si Kira.

Narinig ko ang doorbell. Tsinek ko muna kung sino 'yon. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Alexia. Ang bilis naman niya. Siguro pinaharurot niya ang kotse niya. Ibinigay ko na kaagad sa kanya ang tracker sticker ko. "Ikaw na ang bahala, pasensiya na hindi ako makakasama." sabi ko sa kanya. Tumango siya sa'kin bago nagmamadaling umalis.

Inayos ko na muna ang sarili ko. Ibang kotse ang ginamit ko kanina para hindi makilala ni Kira. Sobra na yata talaga ang ginagawa ko. Aminin ko na lang kaya? Nakatingin lamang ako sa repleksiyon ko sa salamin habang nag-iisip ng gagawin.

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell pero hindi ako gumalaw. Alam ko na si Kira na 'yon. Napailing na lamang ako. Ano ba talaga ang gagawin ko? Natigil ako sa pag-iisip dahil sa sunod-sunod na tumunog ang doorbell. Napasapo na lamang ako sa ulo ko. Mainipin talaga ang lalaking 'yon. Wala na akong nagawa kundi ang buksan ang pinto. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hapitin sa baywang at halikan sa labi. Hindi tuloy ako nakagalaw agad. He kissed me aggressively. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa balikat niya at tinugon ang halik niya. He stopped to catch some air and smiled at me. "I missed you."

Tipid na ngumiti ako sa kanya. Nakakainis siya. Bakit ba siya ganito? Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.

------------------------------------------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com