Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: The Beginning of the End

Xenxa na sa matagal na UD ^__^ Enjoy reading everyone..

---------------------------------------------------------

LEE's POV

LUNES.

Iniwan ni Alexia sa isang bahay na nirentahan niya ang mga tracker stickers namin. Nasa pag-iingat naman namin ang sariling locator para ma-monitor at malaman kung may mga nagtatangkang pumunta sa lokasyon ng tracker stickers namin.

Makabubuti na ang ganitong set-up para hindi ako matunton ni Kira. Kailangan ko'ng mag-ingat sa kanya. Nagkaklase na kami ngayon at katulad ng dati ay katabi ko na naman si Kira na sa tingin ko naman ay hindi nakikinig sa klase. Sa'kin kasi siya nakatingin kaya naiilang ako. Napapabuntong-hininga na lamang ako dahil sa ginagawa niya.

"Baka matunaw ako dahil sa katititig mo." mahina kong wika pero hindi tumitingin sa kanya at diretso lamang nakatingin sa whiteboard na nasa unahan. Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang matipid na ngiting gumuhit sa labi niya.

"Mas interesado ako sa'yo kaysa sa itinuturo ng professor." bulong naman niya. Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko maituon ang buong pansin ko sa leksiyon dahil sa ginagawa niya. He's distracting me. Napansin ko rin na mukhang hindi siya masyadong nagagambala sa laro. Kapag kaharap ko kasi siya parang wala siyang ibang iniisip maliban sa'kin.  Parang hindi niya iniisip kung ano ang gagawing paghihiganti kay Black Phantom sa tuwing magkasama kami na nakakapagtaka. O baka iba lamang talaga ang asal niya kapag ako ang kasama at kaharap niya?

"Wala ka bang ibang gagawin ngayon?" mahinang tanong ko sa kanya. Napansin ko na nag-isip siya saglit bago nagsalita. "Wala naman. Bakit? Balak mo ba'ng makipagdate sa'kin? Ayos lang kung 'yon ang gusto mo." nang-aasar na sagot niya sa'kin.

Hindi ko na lamang pinansin ang pang-aasar niya. Nagpanggap na lang akong nakikinig sa sinasabi ng professor. Nang matapos ang klase ay bumaba na kami sa canteen. Nakita ko sina Alexia, Vince, Rose at Enanz na magkakasama sa iisang mesa. Lumapit kami ni Kira sa kinaroroonan nila at nakiupo. Napansin ko na napapatingin sa'kin si Alexia na parang may gustong sabihin at hindi mapakali. Siguro hindi lang din siya sanay na makitang magkasama kami ni Kira lalo na at alam niya ng buong katotohanan na ako ang babaeng kinamumuhian ni Kira.

Sabay-sabay na kaming kumain ng tanghalian. Napansin ko na minsan ay nagkakatinginan sina Vince at Kira na parang sumesenyas sa isa't isa. Tiyak na kumukuha lamang sila ng tiyempo para makaalis at makapag-usap ng sarilinan. Halatang may gusto silang pag-usapan.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila para pumunta sa susunod na klase. Kaklase ko na sa sunod na klase sina Alexia at Rose kaya tumayo na rin sila. Sinabi sa'kin ni Kira na hindi na muna siya sasama sa'kin sa room dahil may aasikasuhin lang siya. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Mas mabuti rin na hindi na siya pumasok sa klase para maayos akong makagalaw anumang oras.

"Ano'ng balak mo ngayon? Sino pala ang nag-iingat ng symbol natin?" pasimpleng bulong sa'kin ni Alexia habang naglalakad. Napabuntong-hininga ako sa tanong niya.

"It's in my care." bulong ko naman pabalik sa kanya. Sa tingin ko naman ay hindi naghihinala si Rose sa pasimpleng pagbubulungan namin kaya ayos lang. Napansin ko na natahimik si Alexia sa sinabi ko at hindi na ako kinulit. Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko na mukhang malalim ang iniisip ni Alexia. 

Nang papasok na kami sa room ay nakasalubong namin si Venice na papasok na rin doon. Kaklase rin namin siya ngayon sa subject. Napansin ko ang matalim na irap niya sa direksiyon ko bago naunang pumasok sa room. Sa dulo siya umupo at humalumbaba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid ko talaga siya. Gusto ko sanang maging maayos ang relasyon namin bilang magkapatid pero hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Kakaibang kaba rin ang nararamdaman ko sa tuwing magkikita at magkakasalubong kami ni Venice sa campus. Baka kasi bigla na lamang niyang maisipan na sugudin ako at ibulgar na ako si Black Phantom. Nagpapasalamat na lamang ako dahil mukhang wala siyang balak kalabanin ako ngayong araw. Umupo kami nina Alexia sa bakanteng upuan na nasa unahan lamang ni Venice. Lahat kami ay nagpapakiramdaman dahil baka biglang may gawing masama si Venice.

"Hanggang kailan mo kaya makakayang magpanggap?" sarkastikong bulong ni Venice mula sa likod ko. Naramdaman ko ang biglang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok. Huwag naman sana niyang maisipang ibulgar dito ang lahat.

Muling nagsalita si Venice. "Saan niyo naman iniwan ang tracker stickers niyo? Nakakapagtaka na hindi madetect ng locator ko na nasa Caiden University kayo." Narinig ko pa ang mahina pero nang-uuyam na tawang pinakawalan niya. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Kung lagi kaming magbabangayan ay hindi na talaga magiging maayos ang relasyon namin bilang magkapatid.

Hindi na nakapagtimpi si Alexia kaya bigla siyang lumingon kay Venice at naaasar na nagsalita. "Alam mo kung hindi ka tatahimik, babasagin ko na 'yang pagmumukha mo."

Venice smirked. "Huwag kang sumali sa usapan. Tandaan mo, may problema ka rin sa larong ito. Lalo na't hindi rin alam ni Vince ang totoo mong pagkatao."

Pinigilan ko si Alexia nang akmang tatayo na siya at halatang hindi na talaga makapagtimpi. Madali pa namang maubos ang pasensiya ni Alexia lalo na pagdating kay Venice. Nagsalita ako. "Stop it, Alexia. Lalo lamang lalaki ang problema kung papatulan mo siya sa loob ng campus."

Napansin ko ang biglang paghalukipkip ni Alexia pero nagpaawat naman at tumingin na lamang sa unahan. Naiinis na bumuntong-hininga siya na parang kinakalma ang sarili. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Venice sa likuran namin habang nang-aasar na nagsalita. "Scared, huh?"

Napabuntong-hininga na lang din ako at hindi siya pinansin. Pasalamat siya nasa loob kami ng campus. Pasimple kong tiningnan ang locator ko para tingnan ang status ng tracker sticker namin ni Alexia.

Pasimpleng kinulbit ko si Alexia nang mapansin ko na may papalapit na isang red dot patungo sa bahay na nirentahan namin. Tumigil sa may di-kalayuan ang red dot na 'yon at hindi tuluyang nagtungo sa bahay. Sa tingin ko ay nagmamanman sa paligid ang taong 'yon at nag-aabang ng taong lalabas mula sa bahay

"Ano'ng gagawin natin?" mahinang tanong ni Alexia.

"Wala muna sa ngayon. Hangga't hindi siya tuluyang nakakapasok sa bahay ay wala tayong gagawin." pabulong na sagot ko. Nagsimula na ang klase at pasimple kaming sumusulyap sa monitor. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ang buong klase namin sa maghapon.

Hindi ko nakita si Kira nang lumabas ako sa campus. Kasunod ko si Alexia para pumunta na sa bahay na nirentahan niya. May dala na kaming mga pamalit na damit kaya wala kaming problema. Hindi pa rin nawawala ang red dot na nakapwesto malapit sa bahay kaya kailangan naming mag-ingat para hindi makilala.

KIRA's POV

Matapos kumain ay dumiretso kami nina Vince sa headquarters. Katulad ng dati ay nakatambay roon sina Kent, Kevin at Justin.

"Kamusta? Natunton niyo ba si Black Phantom?" seryosong tanong ko sa kanila.

"Mahirap alamin kung sino sa mga red dots na ito si Black Phantom. Sa tingin ko kailangan nating maghiwa-hiwalay para itsek kung sino sa kanila ang hinahanap natin." sabi ni Kent habang nakatingin sa kanyang locator. "Masyadong marami pero kung titingnang mabuti, wala si Black Phantom sa mga red dots na nasa Caiden University. Nine red dots ang narito sa Caiden. Tiyak na ang anim ay tayo at ang tatlo ay sina Rex, Venice at Aldrin." dagdag pa niya.

"Ang pakay lang natin sa laro ay si Black Phantom kaya wala akong pakialam sa iba. Maghiwa-hiwalay muna tayo sa ngayon para itsek kung sino sa kanila si Black Phantom. Iwasan niyo rin muna ang makipag-away. Kapag naconfirm niyo na kung nasaan si Black Phantom, ipaalam niyo kaagad sa'kin ang lokasyon para mabantayan." seryosong utos ko sa kanila.

Tumingin ako sa locator na hawak ko. Maraming mga red dots ang nakakalat sa labas ng University. Ang ilan sa mga red dots ay nasa ibang University samantalang ang iba ay nasa kalye ng Manila. Ang iba naman ay nasa loob ng hotel and restaurants na makikita sa landmarks ng locator. Nahihirapan akong manghula kung nasaan si Black Phantom. Napansin ko ang dalawang red dots na kanina pang hindi gumagalaw sa kinatatayuan na nasa loob ng isang residential subdivision.

Napakunot-noo ako. "Vince, check the location of these two red dots inside a residential subdivision. The others will check the hotel and restaurants. Enanz and I will check the Universities here in Manila."

Tumango silang lahat sa'kin. Kumilos na kami para makumpirma ang lokasyon ni Black Phantom. Hindi ko na rin ipinaalam kay Nerd ang biglaang pag-alis ko sa University dahil balak ko naman siyang balikan mamayang hapon kapag natapos ang klase niya.

VINCE's POV

Malapit na ako sa bahay kung saan nadetect ang dalawang red dots. Halata na minamanmanan ko ang bahay dahil kitang kita sa locator ang lokasyon ko. Tiyak na maaalerto ang kung sinumang nasa loob ng bahay. Sa malayo ko ipinarada ang kotse pero sinigurado ko na matatanaw ko ang bahay mula sa isang kanto.

Ilang oras na akong nagmamanman pero walang lumalabas mula roon. Napakunot-noo na lamang ako habang naghihintay. Hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko maiiwasang mapalaban.

Iniisip ko rin na maaaring patibong lamang ang mga red dots na nasa loob ng bahay. Maaaring wala talagang tao sa loob at naghihintay lamang ang may-ari nito na kumagat kami sa bitag. Kung papansinin kasi ay masyadong tahimik sa bahay na 'yon.

Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang isang sasakyan na pumarada mula sa likuran ng kotse ko. Halatang pinaharurot nito ang sasakyan para makarating sa kinaroroonan ko dahil sa maingay na pagparada nito.

Tumingin ako sa locator pero walang nadagdag na red dot sa lokasyon ko. Mukhang patibong nga ang mga red dots na nasa loob ng residential subdivision. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba sa kotse ko. Inihanda ko ang sarili sakaling mapalaban ako.

ALEXIA's POV

Habang nasa sasakyan ay naisipan kong tawagan si Lee. Sinabi ko sa kanya na ako ang haharap sa red dot na malapit sa bahay na inupahan ko. Wala akong balak na ipahamak si Lee dahil nasa pag-iingat niya ang symbol namin. Inutusan ko na lamang siya na pumasok sa loob ng bahay habang nakikipaglaban ako. Kailangan niyang makuha ang red dot para makalipat kami ng lokasyon.

Nagdalawang-isip siya sa suhestiyon ko pero sumang-ayon din naman pagkatapos. Itinigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan ko at isinuot ang Blue Phantom suit ko pati na rin ang maskara. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa gagawin ko ngayon. Sana hindi ko kakilala ang makakaharap ko. Natatakot din ako dahil baka makilala ang dala kong sasakyan ngayon. Bakit kasi hindi ko naisipang umuwi muna sa bahay para magpalit ng sasakyan na nakatago sa garahe? Natatakot kasi ako na baka si Vince ang makaharap ko.

Matapos magbihis ay tiningnan ko ang locator ko para malaman ang lokasyon ng taong nagmamanman sa bahay na nirentahan ko. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan para puntahan ang lokasyon nito.

Kinabahan ako nang makita ng likuran ng sasakyan nito. Kilala ko kung kanino ang kotseng 'yon. Kay Vince ang sasakyan. Bigla akong napapreno kaya maingay kong naiparada sa likuran ng kotse niya ang sinasakyan ko. Napahugot ako ng malalim na hininga. Sana hindi niya makilala ang sasakyang dala ko. Lalo akong kinabahan nang bumaba sa sasakyan niya si Vince.

Heavily tinted ang kotse ko kaya hindi pa niya ako nakikita pero napansin ko na napakunot-noo siya habang nakatingin sa kotse ko. Pakiramdam ko ay nakilala niya ang sasakyang dala ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na nagpalit muli ng uniform na suot ko kanina. Hinubad ko rin ang maskarang suot ko. Gagawa na lamang ako ng dahilan kung bakit ako napadpad dito. Dali-dali kong itinago sa compartment ang Blue Phantom suit ko.

Inayos ko ang damit ko dahil halata ang pagkagusot nito. Naglakad na palapit sa sasakyan ko si Vince. Sinuklay ko ng mabilis ang buhok ko gamit ang kamay saka nagmamadaling lumabas sa kotse. Siguro kahit kausapin ko muna ngayon si Vince ay magagawa na ni Lee ang kailangan niyang gawin.

"V-Vince?" nag-aalangang tanong ko sa kanya nang makalabas ako sa kotse. Nasa tabi kami ng kanto kaya hindi na matatanaw ang bahay na nirentahan ko. Narinig ko rin ang pagdating ng kotse ni Lee kaya nakahinga na ako ng maluwag. Siguradong nakapasok na siya sa loob ng bahay. Ang kailangan ko na lamang gawin ay ang iwasang makita ni Vince si Lee.

"Alexia? Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko kung sino na." napapakamot sa ulong sabi ni Vince.

"Ahh.. hehe.. napadaan lang tapos nakita ko ang kotse mo kaya bigla akong napapreno. Ikaw? Bakit ka narito?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Napansin ko na parang may bigla siyang naalala bago siya seryosong bumaling sa'kin. "Alexia, sa tingin ko kailangan mo ng umuwi. Baka mapahamak ka lamang dito. May gagawin lang ako tapos pupuntahan na lamang kita sa bahay mo mamaya."

Akmang tatalikuran na niya ako pero pinigilan ko siya sa kamay. Nagi-guilty ako sa ginagawa ko pero kailangan kong gawin para sa kapakanan ni Lee.

"Bakit? Ano pa ba ang kailangan mong gawin? Hindi ba pwedeng sabay na lamang tayong umuwi?" nagpapaawang tanong ko sa kanya. Halata sa mga mata niya ang pagdadalawang-isip niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Halata sa reaksiyon ng katawan niya ang pagkagulat sa ginawa ko.

"Alexia, may kailangan pa talaga akong gawin. Pasensiya na. Pupunta na lang ako mamaya sa inyo." sabi niya sabay kalas sa pagkakayakap ko. Medyo nasaktan ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko mas mahalaga pa ang pagmamanman niya kaysa sa'kin. Lalo tuloy akong natakot na sabihin sa kanya ang totoo. Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan ni Lee. Sa tingin ko ay nagawa na niya ang dapat gawin. 

Biglang nataranta si Vince at akmang tatakbo na para tingnan ang sasakyan pero pinigilan ko na naman siya. Hinila ko siya at hinagkan ng mariin sa labi. Mapusok na hinalikan ko siya para tumugon siya sa halik ko. Hindi niya maaaring makita si Lee. Naramdaman ko ang paggalaw ng mga labi niya. Nang masigurado ko na nakalayo na si Lee ay saka lamang ako tumigil sa paghalik kay Vince.

I'm sorry, Vince...

Napamura si Vince nang matauhan at nagmamadaling tumakbo patungo sa bahay. Tiningnan niya ang locator na inilabas niya mula sa bulsa at naiinis na napasabunot na lamang sa buhok. Tiningnan ko rin ang locator ko at nakahinga ng maluwag dahil nakalayo na si Lee. Agad kong itinago ang locator sa bulsa ko at lumapit kay Vince.

"Ano ba ang problema?" painosenteng tanong ko sa kanya. Umiling lamang siya sa'kin at niyaya na akong umuwi. Napabuntong-hininga ako bago sumunod sa kanya. Nag-convoy na lang kami papunta sa bahay ko. Mamaya ko na lamang tatawagan si Lee para alamin kung nasaan siya kapag umalis na si Vince sa bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com