Chapter 3.2: The Game Starts Now
ito na ang part 2 XD hahaha..
________________________
KIRA
Caiden University
Lunes. Maaga akong pumasok pati sina Kent. Wala silang magagawa dahil inutos ko. Alas otso pa lang ng umaga. 8:30 ang klase namin pero hindi naman talaga kami umaattend ng klase noon pa. Pumapasok lang kami kapag may exam. Himala talaga na aattend kami ng klase ngayon.
Papunta na ako sa HQ. Marami pa kaming aayusin para sa pag-welcome namin kay nerd. Magkaibigan kami noon ni Aldrin kaya pinayagan niya akong magtayo ng headquartes sa Caiden. Sa totoo lang itinuturing ko siyang kuya pero dahil kay Black Phantom nasira lang lahat ng pinagsamahan namin.
Pumasok ako sa HQ.
"Mabuti naman at nandito ka na," sabi ni Kent. Napakunot-noo ako.
"Bakit? May problema ba?" takang tanong ko.
"Wala naman. Nalaman ko kanina na hindi si Aldrin ang nagma-manage ngayon ng university. Si Monique Samonte na, ang kapatid niya," sabi ni Kent. Napakunot-noo ako. Bakit naman kaya inilipat ni Aldrin ang pamamahala sa kapatid niya?
"Ganun ba? Hindi ako interesado sa kapatid niya. Ang kailangan ko lang malaman ay kung nasaan si Black Phantom. Tiyak na alam ni Aldrin kung nasaan siya. Kailangang mapilit ko siya na isali sa game ng District 1 si Black Phantom upang makaganti," sabi ko. Naikuyom ko ang kamao dahil sa galit.
Ang game na tinutukoy ko ay ginawa ni Flash. Kung sino ang mananalo, siya ang magiging representative ng District 1. He'll be one of the candidates for Emperor of the twenty-five gangs. Hindi ko mapapatawad si Black Phantom sa ginawa niya noon kaya hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya. Napansin ko ang orasan. Malapit nang magsimula ang klase.
"Handa na ba ang lahat, Vince?" tanong ko.
"Oo. Maayos na. First time nating papasok sa classroom. Ang aga-aga pa," nakasimangot na sabi ni Vince. Napapakamot pa siya sa ulo. Napailing ako.
"Tara na. Baka maunahan pa tayo ni nerd," sabi ko. Sumunod na rin sila. Nabibingi ako sa mga babaeng nadadaanan namin. Hindi ba sila napapagod sa pagsigaw? Si Justin kasi may pagkaway pang nalalaman. Pagpasok namin sa classroom nag-ingay din ang mga babae sa loob.
"Bawal ang maingay sa classroom na ito. Kung hindi niyo kayang tumahimik lumabas na lang kayo," inis na sabi ni Kent. Natahimik sila sa sinabi ni Kent. Umupo na kami. May pinagbantay ako sa labas kung sakaling dumarating na si nerd para bigyan kami ng hudyat.
LEE
Ito na ang pinaka-kinatatakutan kong araw. Monday o mas tamang sabihin na Hellday! Kailangan ko nang pumasok. I brought may car. Naglagay ako ng extrang damit sa kotse kung sakaling trip nila akong gawan nang hindi kanais-nais. Inilagay ko sa bag ko ang extra eyeglasses. Kailangang handa kapag susugod sa gera. Wala naman akong naging problema sa pagpa-park ng kotse ko. Tumingin ako sa paligid. Wala namang kahina-hinalang nangyayari.
Masyado naman yata akong cautious? Paranoid na ba ako? Nakita ko ang mga bulate chix. Pinilit kong umiwas sa kanila para hindi sila makasalubong. Wala akong oras para sa kanila. Sinimulan ko nang hanapin ang room ko. Hindi naman ako nahirapan at nakita ko agad.
Mukhang wala pa ang professor namin dahil maaga pa. Maaga ako ng five minutes. Pumasok na ako sa room pero may tubig na biglang bumuhos sa akin! Damn! Basang-basa ako! Nanggalaiti ako sa sobrang inis! Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto kong pumatay sa oras na ito. Tumatawa lang ang mga kaklase ko pati ang mga kasama ni Kira. I swear. I could kill someone right now. Kira is grinning from ear to ear. Damn him! Gusto kong ingudngod ang mukha niya sa semento! That worthless jerk!
"WELCOME NERD," he said sarcastically. Mapait akong ngumiti.
"Sobrang warm naman ng pag-welcome mo sa akin. Na-touch ako," I said as sweetly as I could. Warm? I mean the water is cold just like him.
"Ganu'n ba? Huwag kang mag-alala. Marami pang susunod," he smirked. He's getting in my nerves. Lumapit ako sa kanya.
"Anyway, I want to give you back the favor. Take this as a sign of my deepest gratitude. I owe you a lot," seryosong sabi. I bowed my head but afterwards I stood straight. I punched him as hard as I can in the face. Nadaplisan ang panga niya. Bahagya siyang nakailag. Nakatayo na siya sa harap ko. Nagulat ang mga classmates ko. Lalapitan sana ako ng mga kaibigan niya pero pinigilan sila ni Kira. Medyo malabo ang eyeglasses dahil basa ito ng tubig. Pero hindi ko ito pwedeng alisin.
Sinuntok ko siya ulit. Nakailag siya at bahagyang lumayo sa 'kin. Mukhang umiinit na rin ang ulo niya dahil sa pagdaplis ng kamao ko sa mukha niya kanina. Lumapit ako sa kanya. This time sisiguraduhin kong hindi na siya makakailag. Tinuhod ko ang pinakasensitibong parte ng katawan niya. Hindi niya inaasahan na gagawin ko 'yon.
Napasigaw siya at namilipit sa sakit. Mabuti nga sa kanya. Kawawa naman ang lahi niya. Gwapo pa naman siya. Sayang kung hindi siya magkakaanak. Mukhang maraming iiyak na babae. Nilapitan siya nina Vince. Kailangan kong magpalit ng damit kaya aalis muna ako.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" galit na sigaw niya. Nakakatawa ang itsura niya. Nakangiwi siya sa sobrang sakit.
"I know. Easy ka lang. Remember? I don't intend to run and hide unless hide and seek ang laro natin. Nagsisimula pa lang tayo. As you can see basang-basa ako kaya kailangan kong magpalit. Babalik agad ako para hindi mo ako mamiss," nakangising sabi ko. I winked at him. Nag-flying kiss pa ako.
"Damn you!" inis na sabi niya. I looked at him and smiled sweetly.
"Same to you," I answered.
Habang naglalakad sa hallway, may humarang sa 'king apat na lalaki. Kasama pa rin ba 'to sa laro? Giniginaw na ako. Para tuloy akong basang sisiw sa itsura ko.
"Miss, nagkamali ka ng binangga!" sabi ng pangit na lalaki.
"Ang dami pang satsat. Sugod na agad!" inis na sabi ko. Sobrang nilalamig na ako. Baka magkasipon pa ako kapag nagsalita pa sila nang kung anu-ano. Sumugod nga sila sa akin. Masunurin. Umilag ako sa mga suntok nila. Nabilis akong pumunta sa mga likod nila. May ginalaw ako sa batok nila para mapatulog silang lahat. Wala akong balak mapagod. Nagsigawan naman ang mga babae nang matumba ang apat sa sahig. OA.
Dire-diretso ako sa kotse ko. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa akin. Napansin ko na flat ang gulong ng kotse ko. Napapikit ako sa sobrang inis. Nakakaasar naman!
Sa loob ng kotse ako nagpalit ng damit. Heavily tinted naman ang kotse kaya walang makakapansin. Iniwan ko ang bag ko dahil basa ito. Cellphone at pera lang ang dala ko. Pumunta na ako sa room. Wala na doon si Kira. Nalinis na rin ang kalat sa classroom. Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko pagpasok ko. Hindi ko sila pinansin. Umupo ako sa bakanteng silya. Mabuti naman wala na sila rito. Sana hindi ko na sila makita pa.
KIRA
Ang sakit ng ginawa ni nerd! Hanggang ngayon ramdam ko pa rin. Damn her! Narito na kami sa HQ. Tawa nang tawa ang mga kasama ko.
"Tumahimik nga kayo!" inis na sabi ko.
Hindi sila natinag. Tuloy pa rin sila sa pagtawa. Umiinit lalo ang ulo ko sa kanila.
"Grabe ang itsura mo kanina, Kira! PRICELESS!" sabi ni Justin. Ang lakas ng tawa niya. I glared at him.
"Grabe si Nerd! Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon!" natatawang sabi ni Enanz.
"Paano ba yan Kira? Sumusuko ka na ba?" pati si Kevin na hindi naman madalas tumatawa ay nakikisali pa sa mga unggoy. Si Vince naman, napahiga na sa sofa sa katatawa. Si Kent, napapangiti lang sa harap ng monitor ng laptop niya.
"Shut up!" galit na sigaw ko. Binato ko sila ng unan na nahawakan ko. Natahimik kaming lahat nang biglang pumasok si Ate Roxanne. She's the University Director.
"Ano'ng naririnig ko sa buong campus? Pinagtitripan mo raw si Ms. Lee?" Nakakunot-noo tanong niya.
"Naglalaro lang sila, ate," sabi ni Vince.
"What nonsense? Siguraduhin lang ninyo na walang mapapahamak at masisira sa laro ninyong 'yan," seryosong wika niya.
"We can pay for the damages. Don't worry," sabi ko.
"I know. Kaya nga para madala kayo, you'll pay for the damages then be ready for your punishment. Is that clear?" she said. I scowled.
"Don't give me that look Kira. Kung ayaw mong makarating ito sa Ate Rhea mo!" sabi niya.
"Yes, Ate Rox," napipilitang sagot ko. Umalis na siya. Mas nakakatakot si Ate Rhea kaysa kay Ate Roxanne lalo na kapag nagagalit. Parehas sila ni Ate Rox. Kaya siguro sila nagkakasundo?
"So itutuloy mo pa ba? Patay tayo kay ate kapag may nangyaring hindi maganda," nag-aalalang sabi ni Vince.
"Itutuloy pa rin natin. Hindi ko mapapalampas ang ginawa ni Nerd," nakasimangot na sabi ko.
LEE
Lunch break. May mga naging kaibigan naman ako. Scholar sila ng University. They are Rose, Dhessa, Camille and Vic. Bakla si Vic. Nakakatuwa nga siya. Sabi nila iwasan ko ang mga mayayaman dahil baka mapag-initan ako. Sana kaya kong gawin 'yon. Nandito na rin ang partner kong si Alexia. Nagulat nga ako nang makita ko siya sa isang subject ko. Nag-transfer siya dahil nandito na ako. Baliw talaga.
Agaw-pansin kami sa mga nakakasalubong namin dahil kasama namin si Alexia. Siguro maraming nagtataka kung bakit may kasama kaming mayaman at maganda. Buti naman nandito na siya. Madadala na sa talyer ang kotse ko. Nasa canteen na kami. Buti may vacant table pa.
"Alam mo Lee, hindi ko nakeri ang ginawa mo kay papa Kira! Kalurkey ka! Baka hindi na kami magkaanak sa ginawa mo! Loka!" sabi ni Vic. Tawa ako nang tawa sa sinabi ni Vic. Pati sina partner natatawa na.
"Hoy! Hindi kayo talo ni Papa Kira!" singit ni Rose.
"Tse! Kung gusto maraming paraan, noh!" sabi ni Vic.
"Magpapa-sex change ka ba?" natatawang tanong ni partner.
"Why not? Kapag napansin niya ako!" pagbibiro ni Vic.
"Ang adik mo!" natatawang sambit ni Dhessa.
Bumili na kami ng kanya-kanyang pagkain. Iniwan nila ang bag nila sa table para walang mang-agaw. Pagbalik namin, nandoon na ang mga bulate chix. Napailing kami. Nag-alinlangang lumapit sina Rose sa table kaya kami ni partner ang pumunta doon. Inilapag namin ang pagkain namin.
"Excuse me, reserved na ang table na 'to. Nakikita mo namang nakaupo na kami," mataray na sabi ng isa sa kanila.
Napaangat ang kilay namin ni partner. Bulag ba sila? Nandito kaya ang mga gamit namin? Stupid worms!
"Oo nga! Maghanap na lang kayo ng ibang table, tsupi!" pagtataboy ng isa pa.
"Umalis na kayo dito kung ayaw niyong bangasan ko ang mga pagmumukha niyo!" matigas na sabi ko pero kinalabit ako ni Camille.
"Alis na tayo dito, Lee," natatakot na sabi ni Camille.
"Aba, lumalaban ka pa!" sabi ng isa pang bulate.
Hinampas ni partner nang malakas ang mesa. Nagulat ang mga bulate chix. Napatingin naman ang ibang estudyante sa table namin. Adik talaga si partner. Napailing ako. Nasindak ang bulate chix.
"Aalis ba kayo o hindi? Huwag na ninyong hintayin na magalit ako. Baka mapatay ko kayo sa mesang ito at kayo ang iulam ko kahit hindi kayo tasty sa paningin ko," inis na sabi ni Alexia. Nandiri naman ako sa sinabi niya. Hindi ko ma-imagine ang pinagsasabi niya. Dali-daling umalis ang mga bulate chix. Narinig pa namin ang mga pahabol nila.
"War freaks!"
"Bitch!"
"Asshole!"
Whatever. Mukhang sarili nila ang sinasabihan nila.
"Wow, Alexia! Ang tapang mo pala," hindi makapaniwalang sabi ni Vic.
"Kailangan. Para matakot sila," natatawang sabi ni partner. Natatawa ako dahil hindi alam nina Vic na isang gangster si partner.
"Kain na tayo may next class pa. Sana hindi sila gumanti sa atin," seryosong sabi ni Dhessa. Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala. Hindi lang pala kami ni partner ang mapag-iinitan kundi pati na rin sila.
"Huwag kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang mapahamak kayo," nakangiting sabi ko.
***
Alas singko na. Nadala na namin kanina ang kotse ko sa talyer. Hinatid ako ni partner sa University dahil may klase pa ako. Pumunta ako sa restroom. Solo ko lang ang restroom. Nasa third floor ako kaya kaunti na lang ang estudyante.
Pagpasok ko sa cubicle, may narinig akong nag-lock ng pinto. Damn! Mabuti na lang dala ko ang phone ko. Pagkalabas ko sa cubicle, kinuha ko agad ang phone ko. Napanganga ako nang malaman na lowbat na pala ako! Paano ako lalabas dito? Tsinek ko ang pinto kung kaya kong i-unlock. Sa labas naka-lock ang pinto. Hinampas ko nang hinampas ang pinto. Nagsisigaw ako. Nagba-baka sakaling may makakarinig sa akin mula sa labas.
"May tao ba diyan? Pakibuksan naman ng pinto! Please!" desperadang sigaw ko.
Paulit-ulit na ako. Wala pa ring nagbubukas. At dahil pagod na ako, umupo na ako sa sahig at sumandal sa dingding. Wala na akong magagawa kundi maghintay ng magbubukas nito. Baka bukas pa ito mabuksan. Kainis! Dito pa yata ako matutulog. Gutom na ako kaya napahawak ako sa tiyan ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Wala naman akong magagawa.
KIRA
Nakita ko si nerd na papunta sa restroom. Aabangan ko sana ang paglabas niya pero may nakita akong babae na nag-lock sa kanya sa loob ng CR. Naglagay pa ito ng OUT-OF-ORDER sign sa labas ng pinto. Sinita ko ang babae sa ginawa niya. Natakot yata kaya biglang tumakbo.
Lumapit ako sa pinto. Narinig kong sumisigaw si nerd. Pinag-iisipan ko kung bubuksan ko o hindi ang pinto. Tumigil siya sa pagsigaw. Napagod na siguro? Mamaya ko na lang siguro bubuksan. Tuturuan ko muna siya ng leksiyon.
Pinuntahan ko ang janitor at kinuha ang susi. Bumalik ako sa HQ. Pasipol-sipol pa ako. Mukhang makakaganti na rin ako sa kanya. Umiiyak na siguro si nerd sa CR.
"Saan ka galing?" takang tanong ni Kent.
"Sa third floor. Na-lock si nerd sa restroom," sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin na parang may ginawa akong masama.
"Bakit?" nakakunot-noong tanong ko.
"Ni-lock mo? Kawawa naman si Nerd," nangongonsensiyang sabi ni Justin. Sumimangot ako.
"Hindi ako. Babae ang nag-lock sa kanya. Hindi ko nga lang siya tinulungang makalabas, mamaya na lang. Doon muna siya," I grinned.
"Ang sama mo, pare," napapailing na sabi ni Enanz.
"Tama lang na parusahan siya dahil sa ginawa niya," sabi ko habang nilalaro ang susi sa mga kamay.
"Ano'ng oras mo bubuksan?" tanong ni Vince.
"Mga 7 pm. Umuwi na kayo kung gusto niyo," sagot ko.
"Sigurado ka?" paninigurado ni Justin. Tumango ako. Tumayo na sila. Wala talaga silang balak na samahan ako.
"Tamang tama. Dadalawin ko muna mga chics ko," natutuwang sabi ni Justin.
"Sasama ako! Dadalawin ko rin ang mga chics mo," nagbibirong sabi ni Enanz. Kinutusan siya ni Justin sa ulo kaya napa-aray siya. Mga luko-luko talaga!
"Ikaw, Kevin? Sasama ka ba?" pagyayaya ni Justin.
"May iba akong lakad," seryosong sabi ni Kevin.
"Teka Vince! Nag-transfer na pala si Alexia dito. Kasama siya ni Nerd kanina," sabi ni Kent.
"Nakita ko. Nakakapagtaka nga," seryosong sabi ni Vince.
"Bakit?" tanong ko. Nagkibit-balikat si Vince. Umalis na silang lahat. Mag-isa na ako at nagpalipas ng oras. Malapit nang mag 7 pm kaya pumunta na ako sa taas. Wala ng tao. Binuksan ko ang pinto. Hindi ako pumasok. Restroom kaya ito ng babae.
Ilang segundo na ang nakalipas pero bakit walang lumalabas? Sinilip ko ang loob. Mabuti wala na ang mga estudyante. Baka mapagkamalan pa akong pervert sa ginagawa ko ngayon. Nakita ko si Nerd na nakaupo sa sahig. Nakasandal sa dingding habang natutulog. Hindi ba siya nandidiri?
Sinubukan kong tapikin ang pisngi niya pero hindi siya nagigising. Tulog mantika. Binuhat ko siya. Medyo mabigat. Ang layo pa ng HQ. Buti na lang may elevator. Inihiga ko na lang siya sa sofa. Hanep matulog ang babaeng ito. Aalisin ko sana ang salamin niya pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagising na siya. Napabalikwas siya nang bangon.
"Ano'ng ginagawa mo sa akin?" Tinakpan pa niya ang katawan niya. Napasimangot ako. Hindi ako papatol sa nerd! Ano'ng akala niya sa akin? Asa naman itong babaeng ito.
LEE
Naramdaman kong may nagtatanggal ng eyeglasses ko. Hinawakan ko ang kamay niya bago ko iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita si Kira. Napabalikwas ako nang bangon
"Ano'ng ginagawa mo sa akin?" Nanlalaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ang katawan ko. I checked my body. Baka kung ano na kasi ang ginagawa niya. Napalinga ako sa buong paligid. Nasaan ako?
"Wala akong ginagawa sayo. Huwag kang mag-ilusyon," sabi niya. Umupo siya sa isang black couch.
"Wala raw. Eh nasaan ako? Ang naaalala ko ay nasa CR ako, ah?" naghihinalang sabi ko.
"Binuhat kita papunta rito," bored na sagot niya. Binuhat niya ako? As in binuhat? Namula ang mukha ko. Nakakahiya. Mabigat yata ako.
"At ang bigat mo," reklamo niya. Sumimangot ako. Sabi ko nga mabigat ako. Sinabi ko bang magaan ako? Loko pala siya eh! Nakaka-bitter!
"Ikaw siguro ang nag-lock sa akin sa restroom!" pagbibintang ko sa kanya.
"Hindi ako. Babae ang may gawa. Pasalamat ka nga at inilabas pa kita," sabi niya. Maniniwala ba ako sa kanya? Baka naman siya talaga ang nag-lock sa akin? Baka ganti niya 'yon, 'di ba? Biglang kumulo nang malakas ang tiyan ko. Namula ang mukha ko.
"Ahmm... Uuwi na ako, Kira. Salamat pala," sabi ko na lang. Gutom na gutom na ako. Wala pa akong kotse kaya kailangan kong mag-commute.
"Mukhang gutom ka na. Sabayan mo na lang akong kumain tapos ihahatid na rin kita," alok niya. Tila namalikmata ako sa sinabi niya. Nabibingi na ba ako? Totoo ba ang narinig ko? Tumayo na siya upang lumabas. Natitigilan pa rin ako. Tumingin siya sa akin
"Don't get me wrong! Gutom lang ako at walang kasabay kumain. Awkward kumain sa restaurant kapag ganun," depensa niya. Pakiramdam ko masyado siyang defensive. O assuming lang talaga ako?
"Sana palagi ka na lang gutom," nangingiting bulong ko.
"May sinasabi ka?" nagbabantang tanong niya.
"Wala sabi ko tara na kumain. Gutom na ako baka ikaw pa ang makain ko!" biglang sabi ko. He frowned. Ang cute niya. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad.
"Bakit nakangiti ka d'yan?" inis na tanong ni Kira.
"Ang cute mo kasi," nadulas na sabi ko. Nakagat ko ang pahamak na dila ko. Mabuti na lang hindi nag-react si Kira. Sumakay na ako sa kotse niya. Hindi niya ako pinagbuksan kaya nagkusa na ako.
"Huwag ka ngang ngumiti d'yan. Baka mahipan ka ng hangin maging permanente pa 'yan," naiinis na sabi niya.
"Uy! Concern siya," nang-aasar na sabi ko.
"Asa ka!"inis na sabi niya.
"Gwapo ka na sana suplado ka lang," bulong ko.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.
Ano'ng nakain niya ngayon? Ipapakain ko ulit sa kanya. O baka naman nasaniban lang siya ng masamang espiritu? Kailangan ko na bang magpatawag ng espiritista? Pero ayos lang! Kung sino man ang demonyong sumanib sa kanya ay huwag na sanang umalis sa katawan niya. I secretly laughed.
"Sa jollibee na lang," sabi ko.
Namiss ko kasi ang mga fastfood chains dito. Pati ang mga lutong bahay pero wala naman akong alam na pwede kainan. Tiyak na wala ring alam na ganu'n si Kira. Kung pwede ngang magfishball kami ngayon, kanina ko pa sana siyang niyaya. Kaso baka sumakit naman ang tiyan niya. Gutom na kasi siya tapos fishball lang ipapakain ko. Kawawa naman.
"Sa jollibee? Ano'ng tingin mo sa akin? Mahirap?" tanong niya.
"Hindi kaya pang-mahirap ang jollibee! Hindi ka pa ba nakakakain du'n? You're hopeless," napapailing na sabi ko.
"K-kumain na kaya ako du'n," nauutal na sabi niya.
"Weh! Sige nga ano'ng meron sa jollibee?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.
"Beef steak? French cuisines? American? Basta ganu'n!" naiinis na sabi niya. Malakas akong tumawa.
"Kailan pa nagkaroon ng ganu'n ang jollibee? Hindi ka pa talaga nakakakain du'n!" natatawang sabi ko. Natahimik siya at sumimangot.
"Iliko mo dyan. Malapit na ang Jollibee," sabi ko.
Sumunod naman siya sa akin. Pagdating namin sa Jollibee. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang gwapo kasi ng kasama ko. Mainggit kayo! Umupo kami sa parteng walang masyadong tao. Nasa sulok lang kami.
"Wala bang waiter dito?" takang tanong niya.
"Hahahaha! Bongga ang laughtrip ko sayo. Walang waiter dito! Self service! Pero kung gusto mong magvolunteer pwedeng-pwede naman. Sa tingin ko makakahila ka ng maraming customers!" pang-aasar ko.
"Ewan ko sayo," inis na sabi niya.
"Ako na ang oorder. Nakakahiya naman sayo, mahal na prinsipe," natatawang sabi ko. Nang-aasar ang tono ko. Kasi naman e, hindi man lang pamilyar sa Jollibee. Ang alam ko may commercial naman. Hindi siya mahilig manood ng TV?
"Samahan na kita. Baka lagyan mo pa ng lason ang pagkain ko," inis na sabi niya. Napailing ako. Loko. Gutom na gutom na ako kaya hindi ko na maiisip na gawin 'yon. Binigyan tuloy niya ako ng idea. Tumayo na ako. Sumunod siya sakin. Medyo mahaba ang pila. Nasisiksik pa nga kami. Mukhang asar na asar siya sa nangyayari. Pagkalipas ng ilang minuto nasa unahan na kami ng counter. Umorder na ako.
"Spaghetti with chicken, yum burger, large fries, rocky road sundae. Pineapple ang drinks," sabi ko sa cashier. Tumingin ako kay Kira. "Ano'ng sayo?"
"Grabe ka namang umorder. Parang wala ng bukas," hindi makapaniwalang sabi niya.
"Kulang pa nga 'yan sa akin. Gutom ako, okay? Saka ikaw ang magbabayad, di ba?" natatawang sabi ko.
"Sino'ng may sabi? Sabi ko sabayan mo 'ko. Nawawalan ako ng gana sa 'yo. Rice with chicken, fries na rin, pineapple na rin ang drinks ang akin," sabi niya.
"Oorder din pala ang dami pang sinabi. 'Yon lang?" takang tanong ko. Siguro hindi talaga siya sanay kumain dito.
"Oo," sabi niya. Kumain na kami. Trip ko talagang isawsaw ang fries sa sundae. Napansin kong pinapanood niya ako.
"Problema?" mataray na tanong ko. May lakas na ulit akong makipag-away sa kanya.
"Kailan pa naging sawsawan ang sundae?" nang-aasar na tanong niya.
"Ngayon lang. Obvious naman, 'di ba?" nakangusong sabi ko. Hanggang sa pagkain ba mag-aasaran pa rin kami? Tumahimik na si Kira.
"Tikman mo kaya! Masarap!" sabi ko sa kanya. Isinawsaw ko ang fries sa sundae. Isusubo ko sana sa kanya pero ayaw niya. Ang arte! Bugbugin ko ang mokong na ito eh.
"Isusubo mo to o magbubugbugan tayo rito?" nananakot na sabi ko. He glared at me. Nagpatigasan kami ng tingin. Wala na siyang nagawa kundi isubo ang fries. Nakakunot-noo siya habang ngumunguya. Ang cute talaga!
"Masarap?" excited na tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin.
"Para kang bata," sabi niya.
"Kung masarap nga kasi?" pangungulit ko. Hindi siya tumitingin sa'kin pero tumango siya. Nice! Sana lagi na lang kaming ganito. Pagkatapos naming kumain, ihahatid niya raw ako. Pwede naman siguro niya akong ihatid? Maghihinala ba siya kung Samonte ang may-ari ng condominium? Bahala na nga.
"Sa Samonte Empire Condominium," sabi ko. Napalingon siya sa akin. Mahal ang unit doon. I know.
"Nakabili ng unit ang parents ko bago sila namatay," sabi ko na lang. Huwag sana akong karmahin sa kasinungalingan ko. Ang defensive ng dating. Baka mahuli ako ng lalaking ito.
"Sorry, about that," sabi niya.
Ipinark niya sa tapat ng building ang kotse niya.
"Salamat Kira! Ingat!" sabi ko.
Mabait ako ngayon para magpasalamat. Kahit masama ng araw ko ngayon dahil sa kanya. Bumawi naman siya sa Jollibee kaya ayos na rin. Bumaba na ako sa kotse niya. Ibinaba niya ang salamin ng kotse. Nagsalita siya.
"Ngayon lang 'to. Naiintindihan mo ba?" masungit na sabi niya. Tumango ako. Masyado na akong napagod ngayong araw. Ayaw ko na nang mahabang usapan. Pinaandar na niya ang kotse. Napailing ako. Ano ba 'tong ginagawa ko? Ang goal ko ay mapatawad ni Kira hindi para lokohin pa siya. Ano ba kasing dapat kong gawin? Sabihin ko na kaya sa kanya?
KIRA
Nag-enjoy ako kasama si Nerd. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag basta nag-enjoy ako. Siguro nga nababaliw na ako. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko tungkol sa laro namin. Nagtext si Kent na magkita kami sa Jade Dragon Bar. May sasabihin siyang mahalaga.
Napatingin silang lahat sa akin pagpasok ko sa bar. Karamihan sa mga nandoon ay mga underlings ko. Nakita ko sina Kevin sa favorite spot namin. Sina Justin at Enanz naman ay nasa kabilang side at nakikipaglandian sa mga babae. Lumapit ako sa table nina Kevin.
"What's up?" tanong ko.
"May bagong information tungkol kay Black Phantom. Hindi pa namin sigurado kung totoo nga ba o hindi ang natanggap naming balita," seryosong sabi ni Vince. Umupo ako sa tabi nila.
"Kanino galing?" kunot-noong tanong ko. Naikuyom ko ang kamao. I hope it's not a hoax.
"Hindi ko pa kilala. Hindi ko ma-trace kung sino ang nagpadala sa akin ng email," seryosong sabi ni Kent habang tumitipa sa keyboard niya. He's still tracing the sender. Halatang naiinis na siya. Ito ang unang pagkakataon na nahirapan siya sa ginagawa. Lalong kumunot ang noo ko.
"Maybe, it's a trap. Ano ba'ng sabi sa email?" tanong ko.
"Black Phantom is back in the Philippines," seryosong sabi ni Kent. Tuloy pa rin siya sa ginagawa. Nanigas ang kalamnan ko. I could feel the tension building up inside my body. Bumalik na siya? Atat na akong makaganti. Hindi na ako makapaghintay na mag-krus ang mga landas namin.
"Ano pa'ng sabi?" tanong ko.
"Wala na," sabi ni Kent.
"What do you think, Kira?" tanong ni Kevin.
"Kung nandito na siya, wala tayong sasayanging pagkakataon. Kailangang mahanap natin siya," seryosong sabi ko.
"Paano natin makikilala si Black Phantom?" tanong ni Vince.
"She has a tattoo in her waist. A small black phantom mask. Kamukha ito ng mask na isinusuot niya sa mukha," seryosong sabi ko. Hindi ko maaaring makalimutan ang tattoo niya. Malinaw na malinaw sa alaala ko ang lahat.
"It's settled. Sisimulan na natin ang paghahanap sa kanya?" tanong ni Justin. Hindi namin namalayang nakalapit na pala sina Enanz at Justin.
"Yes. I-announce ninyo sa ibang members ng gang. Kung sinumang makakapagsabi kung nasaan si Black Phantom ay magkakaroon ng pabuya," ma-awtoridad na wika ko. Buo na ang desisyon ko.
"Don't overdo it. Here," paalala ni Vince. Nag-abot siya sa akin ng beer. Tinanggap ko naman at agad nilagok iyon. Hindi na ako makapaghintay na makaharap muli si Black Phantom. Buhay ang inutang niya kaya buhay rin ang kabayaran sa kasalanan niya.
____________________________________________
hoho.. ayan na po XD
next update
chapter 4
BLACK PHANTOM
:))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com