Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30: The Beginning of the End Part Two

LEE's POV

Mabilis kong nakuha ang dalawang tracker stickers sa loob ng bahay. Nasa ilalim ito ng vase na nakapatong sa maliit na mesa na nasa sala. Nagmamadaling umalis ako sa bahay at hindi ko na nga nagawang i-lock pa ang pinto at ang gate. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan palayo sa bahay.

Dahil wala akong maisip na ibang lugar na ligtas ay napilitan na lamang akong pumunta muna sa Dark Phantom Mansion para hintayin doon si Alexia. Siguro naman ay walang magtatangkang magtungo sa lugar na 'yon. Suot ko na ngayon ang Black Phantom suit ko habang nagmamaneho patungo sa Dark Phantom Mansion. Kailangan ko'ng mag-ingat dahil baka bigla akong mapalaban.

Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Kira 'yon kaya sinagot ko.

"Hello?" nag-aalangang sagot ko.

"Nasaan ka? Bumalik ako sa Caiden pero wala ka na. Pauwi ka na ba?" tanong niya na halatang nag-aalala. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Baka kasi bigla siyang pumunta sa unit ko. Naisipan ko na lamang na sabihin na pauwi na ako.

"Why? P-Pauwi na ako. Pupunta ka ba sa unit ko?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makakapunta ngayon sa unit mo. I'm just checking you out. Ingat ka sa pag-uwi." malambing na wika niya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Okay. Ingat ka rin. Pasensiya na, hindi ko kasi alam na susunduin mo pala ako." nagi-guilty na sabi ko sa kanya.

"No. It's okay. It's my fault, anyway. Hindi ko nasabi sa'yo kanina. I'll hang the call now. Bye. I love you." malambing na wika niya.

"Okay. I-I love you, too." mahinang sagot ko naman sa kanya. Nawala na siya sa kabilang linya pagkatapos kong sabihin 'yon. Napapagod na ibinaba ko ang cellphone at ipinatong sa gilid. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya lahat.

Ligtas akong nakarating sa Dark Phantom Mansion. Itinago ko sa garahe ang sasakyan at tinakluban para makasigurong walang makakakita. Habang nasa garahe pa ay sinubukan ko'ng tawagan si Alexia pero hindi siya sumasagot. Bigla akong kinabahan. Nakita ko sa garahe ang kotse na dati kong ginagamit. Naisipan ko'ng gamitin 'yon para balikan si Alexia dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Sumakay ako sa kotse at nagmaneho pabalik sa subdivision. Habang nagmamaneho ay sinusubukan ko pa ring tawagan si Alexia pero wala talagang sumasagot. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Naiinis na lumiko ako sa kanto na patungo sa subdivision.

KIRA's POV

Tumawag si Vince kaya agad kong pinutol ang pag-uusap namin ni Nerd. Baka kasi tungkol kay Black Phantom ang sasabihin niya. Wala sa mga Universities at restaurants na pinuntahan namin si Black Phantom. Si Vince na lamang ang hindi pa nagrereport sa akin kaya inaasahan ko na maganda ang balita na ibibigay niya sa'kin.

"What happened?" bungad ko kay Vince nang sagutin ko ang tawag.

"Sorry, pinsan. Hindi ko nalaman kung sino ang dalawang nasa bahay. Natakasan ako. Malas dahil biglang dumating si Alexia habang nagmamanman ako." sagot ni Vince.

Napakunot-noo ako at nagtatakang nagtanong sa kanya. "Paano niya nalaman kung nasaan ka? Sinabi mo ba?"

"Hindi. Wala akong sinabi sa kanya. Nagkataon lamang na napadaan siya roon at nakita ang kotse ko." pabuntong-hiningang sagot niya.

Napailing ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa locator na hawak ko. Nasa loob ako ng headquarters at mag-isa lamang. Sina Kent naman ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Black Phantom ngayon.

May nakita akong dalawang red dots na palayo sa Dark Phantom Mansion. Bigla akong kinutuban.

"I need to check something. I'll call you later." sabi ko bago mabilis na pinutol ang tawag. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa locator at sinundan ng tingin ang dalawang red dots. Lumabas ako sa headquarters at dumiretso sa parking area ng University. Sana tama ang pakiramdam ko na isa sa mga red dots na 'yon si Black Phantom.

Tinawagan ko si Kent upang ipamonitor sa kanya kung saan patungo ang dalawang red dots dahil hindi ko 'yon mababantayan habang nagmamaneho. Sumakay ako sa sasakyan ko at mabilis na nagmaneho. Si Kent ang nagbibigay sa'kin ng direksiyon kung saan patungo ang dalawang red dots habang kausap ko siya sa cellphone.

"Papasok na siya sa Carmela Residential Subdivision. Mukhang babalik siya sa bahay na pinamanmanan mo kanina kay Vince." sabi ni Kent.

Tiningnan ko ang locator para malaman ang tamang kanto na dinadaanan ng dalawang red dots patungo sa bahay na tinutukoy ni Kent. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Sa kabilang kanto ako dumaan para harangin ang hinahabol at nagdadasal na sana ay hindi ako mapansin upang hindi niya maisipang tumakas.

Nakita ko ang itim na kotse na makakasalubong ko. Tiningnan ko ang locator at natiyak ko na ito na ang hinahabol ko. Mabilis kong iniharang patagilid ang sasakyan ko sa itim na kotse dahilan upang bigla itong mapapreno. Muntik pa ngang lumapat ang unahan ng sasakyan nito sa gilid ng sasakyan ko.

Itinago ko ang baril sa baywang ko at mabilis na lumabas sa sasakyan. Malakas ang kutob ko na si Black Phantom ang nakasakay sa itim na kotse dahil pamilyar ito sa paningin ko. Sumandal ako sa kotse ko para hintayin ang paglabas ng taong nasa loob. Nahigit ko ang paghinga nang unti-unting bumukas ang pinto ng itim na kotse.

LEE's POV

Huli na nang mapansin ko ang papalapit na red dot sa direksiyon ko. Nang makita ko ang sasakyan ni Kira na makakasalubong ko ay nabigla ako. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumakas at tumakbo pero bago ko pa man magawa 'yon ay mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan at humarang sa dadaanan ko.

Madiin akong napatapak sa preno at narinig ko pa ang maingay na pagsagitsit ng gulong ng kotse ko. Ilang dangkal na lamang ang agwat ng mga sasakyan namin bago tuluyang tumigil ang sinasakyan ko. Halos mapasubsob na rin ako sa manibela ng kotse dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Kira.

Nakita ko na bumaba si Kira sa kotse kaya napalunok ako. Ito na ba ang araw na kinatatakutan ko? Napansin ko ang kanto na tinigilan namin. Halos wala pang mga bahay na naitatayo sa parteng ito ng subdivision at madilim na rin. Tanging ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste at ang maliwanag at bilog na buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Napansin ko ang pagsandal ng likod ni Kira sa kotse niya. Halatang hinihintay niya ang paglabas ko. Sa tingin ko ay kailangan ko na lamang harapin ang kapalaran ko ngayong gabi. Bahala na kung ano ang mangyari sa'kin pero hinihiling ko na sana kahit imposible ay mapatawad ako ni Kira.

Unti-unti kong binuksan ang pinto ng sinasakyan ko. Kung makikilala niya ako ngayong gabi ay wala na akong magagawa. Depende na lamang kung paano tatanggapin ni Kira ang katotohanan. Kung mas kamumuhian pa niya ako ay tatanggapin ko na lang dahil sa umpisa pa lang naman ay ako na ang may kasalanan ng lahat. Hindi na dapat ako lumapit pa sa kanya simula pa lang.

Tuluyan na akong nakababa sa kotse ko. Isinara ko ang pinto ng sasakyan at kinakabahang tumingin kay Kira. Napatayo ng tuwid si Kira at mula sa liwanag na nagmumula sa poste ay mapapansin sa reaksiyon ng mukha niya ang galit at pagtataka. Napansin ko rin na ikinuyom niya ng mariin ang kanang palad. Halatang hindi na siya makapaghintay na patayin ako.

"We meet again, Black Phantom." wika niya sa nang-uuyam na tono. Napabuntong-hininga na lang ako dahil halata ang galit sa boses niya habang binibigkas ang salitang 'black phantom'.

"Yes and too bad for us." malungkot na wika ko sa kanya.

"You're wrong. It's 'too bad for you' only because this time, I won't let you escape. You'll die now. But how come you're alone?" he smirked.

Napailing ako sa sinabi niya. "It's none of your business."

"Trying to catch us on your bait, huh?" nang-uuyam na sabi ni Kira. Nahigit ko ang paghinga nang bigla siyang bumunot ng baril at itinapat sa ulo ko. Halatang wala siyang balak na buhayin ako. Walang pag-aalinlangan na nagpaputok siya sa direksiyon ko pero mabilis akong umupo at nagtago sa gilid ng sasakyan.

Gumapang ako patungo sa likod ng sasakyan. Mabilis kong kinuha sa gilid ng baywang ko ang dalawang hunter knife. Tumigil sa pagpapaputok ng baril si Kira. Mula sa likod ng sasakyan ay sumilip ako upang makita siya. Nang mapansin ko na nakababa na ang kanang kamay niya na may hawak na baril ay agad akong tumayo at mabilis na inihagis sa direksiyon niya ang hunter knife na pinupuntirya ang dibdib niya. Bago pa man tamaan si Kira ng hunter knife ay agad na siyang nakailag palayo. Bumaon sa salamin ng sasakyan niya ang hunter knife.

Itinago niya sa baywang ang baril na hawak at binunot ang hunter knife na inihagis ko. Galit ang tinging ibinaling niya sa'kin. Naglakad siya palapit sa'kin bitbit ang hunter knife ko. Umalis ako sa likod ng sasakyan at hinarap siya.

"I'm really curious about the face hiding behind that mask so I'm planning to unmask you using your own weapon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kilala na kita dati pa. Your voice is familiar, too. Do I really know you before?" nakangising wika niya habang nilalaro sa kanang kamay ang hawak na hunter knife. Halos isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa kaya napalunok ako. Inihanda ko ang sarili ko dahil halatang aatake na naman siya.

Mabilis na sumugod sa'kin si Kira at nagpakawala ng malakas na sipa na balak patamaan ang tiyan ko pero mabilis akong nakagalaw para umilag. Napalapit ako sa kanya kaya nagpakawala ako ng malakas na suntok sa mukha niya pero napigilan niya ang kamao ko at mabilis na pinilipit ang braso ko patalikod at itinutok sa leeg ko ang hunter knife. Napangiwi ako sa sakit ng pagpilipit niya sa braso ko pero hindi ako nagpahalata. Malakas ko siyang siniko sa tiyan dahilan upang mapabitaw siya. Naramdaman ko ang maliit na hiwa sa leeg ko na dinaluyan ng dugo na dulot ng hunter knife dahil sa biglang paggalaw ko upang tabigin 'yon palayo. Agad akong humarap sa kanya at napansin ko na sapo niya ang tiyan na nasiko ko habang hawak pa rin niya ang hunter knife. Mukhang nasaktan siya sa ginawa ko. Naaasar na tumingin siya sa'kin.

Mariin siyang napahawak sa hunter knife at muling sumugod sa kinaroroonan ko. Suntok at sipa ang pinakawalan niya para patamaan ako pero agad kong naiwasan. Nagulat na lamang ako nang biglang dumaplis sa tali ng maskara ko ang hunter knife na hawak ni Kira. Hindi ko namalayan ang bigla niyang paggalaw at pagsugod.

Napahawak ako sa maskara ko nang maramdaman ko na mahuhulog 'yon. Nawala ako sa konsentrasyon kaya naramdaman ko na lamang ang malakas na suntok ni Kira sa tiyan ko dahilan upang mahinang mapadaing ako sa sakit. Hindi inaasahang napakapit ang isang kamay ko sa balikat niya. Lalayo sana ako sa kanya pero mabilis niyang hinila ang maskara ko mula sa pagkakahawak ng isang kamay ko.

Naramdaman ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko habang nakatungo. Nanigas ang katawan ko dahil tiyak na hindi ko na mapagtatakpan ang katotohanan. Naramdaman ko ang isang kamay ni Kira na mariing humawak sa panga ko. Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko paharap sa kanya. Itinapat pa niya ang hunter knife na hawak niya sa leeg ko.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago rumehistro ang pagkalito at pagkagulat sa mukha niya dahilan upang mapabitaw siya sa hawak na hunter knife. Napaluwag ang pagkakahawak niya sa panga ko at napaawang ng bahagya ang mga labi.

"No... This can't be..." mahinang usal niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.

--------------------------------------------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com