Chapter 31: The Face Behind The Mask
KIRA's POV
Unti-unting lumuwag ang mariing pagkakahawak ko sa panga ni Black Phantom. Hindi ko inasahan ang makikita ng dalawang mata ko. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Natulos ako sa kinatatayuan ko at napaawang ng bahagya ang mga labi habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Nerd. Hindi ko akalaing ang taong mahal ko ang siyang matagal ko na palang kinamumuhian at gustong patayin.
"No... This can't be..." mahinang usal ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama ba'ng magalit sa taong mahal ko. At hindi ko alam kung tama ba'ng patawarin at tanggapin na lamang ang taong kinamumuhian ko. Ano ba ang dapat kong gawin?
"K-Kira... I-I'm s-sorry..." mahina at malungkot na wika niya. Dahil sa sinabi niya ay natauhan ako bigla. Matapos ang lahat ay 'yon lamang ang sasabihin niya? Sinadya niya ba'ng paibigin ako upang mapatawad ko siya sa kasalanang ginawa niya noon? Sa tingin ko naman ay alam niya na galit ako sa kanya at balak ko siyang patayin pero lumapit pa rin siya sa'kin.
Mariing hinawakan ko na naman siya sa panga habang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Marahas na hinawakan ko siya sa braso at hinila papalapit sa'kin. Napangiwi siya sa ginawa ko dahil halos bumaon na ang daliri ko sa braso niya pero hindi siya nagsalita. Alam kong nasasaktan na siya kahit hindi niya ipahalata pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na maawa sa kanya. Simula pa lamang ay niloloko na niya ako kaya mas nanaig ang galit sa dibdib ko. Napansin ko ang luhang naglandas sa gilid ng mga mata niya.
Napamura na lamang ako sa isipan ko dahil sa nakita. "Why?" galit na tanong ko. Hindi ko 'yon itinatanong sa kanya pero sa sarili ko. Bakit hindi ko makaya na makita siyang umiiyak kahit alam ko na niloko lamang niya ako? "Damn! Why?" malakas at galit na tanong ko. Hindi ko na napansin na mas lalo na palang dumiin ang pagkakapisil ko sa mukha niya. Napahawak na ang isang kamay niya sa pulsuhan ko dahil halatang nasasaktan siya.
"I-It's my fault. L-Let me e-explain f-first, p-please" nahihirapang wika niya na halatang nakikiusap. Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong busina ng sasakyan na papalapit na sa direksiyon namin. Mukhang dadaan ito pero nakaharang ang mga sasakyan namin. Dahan-dahan kong binitiwan ang mukha at braso ni Nerd.
"Get in to your car. Follow me. Don't dare to escape if you still want to live." nagbabantang bulong ko sa kanya. Tahimik na tinungo ko ang sasakyan na hindi nililingon si Nerd. Pagkapasok ko pa lamang sa kotse ko ay galit na napahampas ako sa manibela at malakas na napasigaw sa loob ng sasakyan. Bakit kailangang si Nerd pa si Black Phantom? Siguro matagal na niya akong pinagtatawanan dahil nahulog ako sa bitag niya. Muli akong napahampas ng malakas sa manibela. Narinig ko na naman ang malakas na pagbusina ng sasakyan kaya wala na akong nagawa kundi ang paandarin ang kotse ko.
Nagmaneho na ako palayo sa lugar. Tiningnan ko ang side mirror kung nakasunod sa'kin si Nerd. Napahigpit ako sa pagkakahawak sa manibela nang matiyak kong nakasunod siya. Sisiguraduhin ko na magsisisi siya sa ginawa niyang panloloko sa'kin. Nagkamali siya ng taong kinalaban niya.
LEE's POV
Sumunod ako kay Kira dahil ayaw ko ng palakihin pa ang kasalanan ko sa kanya. Habang nagmamaneho ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa'kin ngayong gabi. Hindi ko alam kung makikinig siya sa paliwanag ko. Hindi na ako nagtangka pang tawagan sina Kuya Aldrin at Alexia dahil kahit makatakas pa ako ngayon sa kanya ay kilala na ako ni Kira at tiyak na hindi ko na siya maiiwasan pa.
Ramdam ko pa rin ang pagsakit ng braso at mukha ko dahil sa mariing paghawak niya sa'kin kanina. Lumabas kami sa residential subdivision. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero patuloy lamang ako sa pagsunod sa kanya.
Kinabahan ako nang makita na dadaan kami sa isang madilim na kanto na wala man lamang ilaw sa poste na maaaring magbigay liwanag dito. Biglang pumasok sa isip ko na maaaring patayin na niya ako rito. Dumaan pa kami sa baku-bakong daan na sa magkabilang gilid ay mapapansin ang mataas na talahiban. Hindi ko alam kung parte pa ito ng Maynila dahil pakiramdam ko ay ilang oras na akong nagmamaneho.
Sa dulo ay may napansin akong isang bahay na tinigilan ng kotse ni Kira. Tanging isang ilaw sa poste sa labas lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Wala na akong nagawa kundi ang huminto rin doon malapit sa kotse niya. Napansin ko ang seryosong mukha ni Kira nang bumaba siya sa kotse habang hawak-hawak ang baril sa kamay niya. Lumapit siya sa gilid ng kotse niya at sumandal paharap sa kotse ko. Seryoso niyang tinitigan ang baril kaya napalunok ako. Tumingin siya sa direksiyon ng kotse ko na halatang naiinip na sa paghihintay ng pagbaba ko. Kinakabahang binuksan ko ang pinto at bumaba. He gave me an evil grin. Parang ibang Kira na ang kaharap ko ngayon. Punung-puno na ng galit ang mga mata niya. Magkaharapan kami ngayon habang nakatingin sa isa't isa.
"Kira... mag-usap muna tayo..." nag-aalinlangang wika ko sa kanya.
"May dapat pa ba tayong pag-usapan? Malinaw na ang lahat na niloko mo lang ako simula pa lang. I don't want to hear your lies anymore. You planned this all along, right? Bakit hindi ko agad naisip na maaaring ikaw si Black Phantom? Kaya pala labis ang pagtatanggol sa'yo nina Aldrin at Rex. Damn! I'm such a fool!" mariin at galit na wika niya sa'kin.
"That's not true. I didn't plan this! Hindi ko lang talaga kayang iwasan ka! Sinubukan ko pero hindi ko magawa!" naiinis na paliwanag ko sa kanya.
Nang-uuyam na napatawa siya ng malakas. "And you want me to believe you? Tama na Monique Lee Samonte. Hindi na ako maniniwala pa sa'yo. But I want to praise you for being such a good actress and a liar. Damn! I just fucked my enemy in bed!" sabi niya habang nandidiring tumingin sa'kin na parang mayroon akong nakakahawang sakit. Nasaktan at nainis ako sa sinabi niya. Ako ang nawalan at hindi siya.
Dahil sa sinabi niya ay hindi na rin ako nakapagtimpi pa. "Yeah, right and you suck! You're so gullible!" Maybe there's no point for reconciliation. Halatang hindi na rin naman niya ako pakikinggan pa. Sarado na ang utak niya. Pero alam ko na dahil sa sinabi ko ay lalo lamang siyang nagalit. Naningkit ang mga mata niya at masamang tumingin sa'kin.
Matapang at naghahamong nagsalita akong muli. "You want to kill me, right? I'm giving you the chance now. Kill me, if you can." Alam ko naman na tanging ang pagkamatay ko lamang ang gusto niya pero wala pa akong balak mamamatay ngayon kaya lalaban ako. Hindi pa ito ang oras para mamatay ako, hindi sa mga kamay niya.
Naisip ko na hindi na matatapos ang labanan at paghihiganti hangga't may namamatay. Kung mapapatay niya ako, tiyak na si Kuya Aldrin naman ang magagalit kay Kira. Kailangan ko'ng makaisip ng ibang paraan para maresolba ang problemang ito ng walang ibinubuwis na buhay.
Ikinasa niya ang hawak na baril at itinutok sa noo ko. "I have a question before you die. Bakit sa dinami-dami pa ng tao na pwede mong patayin ay girlfriend ko pa ang pinatay mo? Ano'ng kasalanan niya sa'yo? Bakit inosenteng tao pa? Wala ka ba talagang puso?" galit na tanong niya sa'kin. Malungkot na tumingin ako sa kanya.
"Maniniwala ka ba kung magpapaliwanag ako? Hindi naman, 'di ba? Bakit kailangan mo pa'ng itanong 'yan? Alam ko naman na isa na akong sinungaling sa paningin mo. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na aksidente lang ang lahat?" mahinahon at malungkot na wika ko sa kanya.
Napansin ko na napahigpit ang pagkakahawak niya sa baril. "Paanong magiging aksidente? You sent me a message that you kidnapped her and you're planning to kill her! You even gave me the abandoned house's location!" galit na sigaw niya sa'kin.
Napangiti ako ng mapait. "I didn't. You was tricked and I was framed up."
"Impossible. You killed her! I saw you in front of her, holding a gun while she's unconcious and dripping with blood!" sigaw na naman niya. Napapikit na lamang ako sa sinabi niya. Ayaw ko ng maalala pa ang nangyari noon. I did shoot her but by accident. But even though it's just an accident, I still killed her. Maybe it's really my fault.
"I'm sorry but I can't give you my life, Kira." wika ko sabay hampas palayo sa kamay niya na may hawak na baril. Lalabanan ko siya dahil alam ko na kahit mamatay ako, hindi pa rin siya matatahimik.
Tinangka ko siyang sipain sa tiyan pero nahuli niya ang paa ko. Mabilis kong hinawakan ng mariin ang kamay na humuli sa paa ko. Hinila ko 'yon at pinilipit papunta sa likod niya. Dahil malakas siya ay nagawa niyang makawala sa ginawa ko at humarap sa'kin. Gumulong ako sa hood ng sasakyan niya papunta sa kabilang gilid para makalayo sa kanya. Nahihirapan akong bumwelo dahil masyado kaming malapit sa isa't isa. Itinaas ni Kira ang baril at itinutok sa direksiyon ko.
Naglakad siya sa harap ng hood ng sasakyan niya para makalapit sa'kin nang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa'kin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Napalingon kami pareho sa dinaanan namin kanina nang may marinig kaming ugong ng sasakyan na palapit sa'min. Nang mapansin ko na nalingat siya ay agad kong sinipa ang kamay niya na may hawak na baril kaya tumalsik ang baril palayo. Masamang tingin ang ipinukol niya sa'kin at agad akong sinugod ng malakas na suntok sa mukha na agad kong naiwasan. Pinalo ko siya ng malakas sa batok kaya halatang nahilo siya pero hindi nawalan ng malay.
Narinig ko ang pagbusina ng paparating na sasakyan. Hindi ko napansin ang pagharap ni Kira kaya nabigyan niya ako ng suntok sa tiyan pero napansin ko ang pag-aalinlangan niya kaya hindi ako gaanong nasaktan. Agad siyang lumayo sa'kin na ipinagtaka ko. Napansin ko ang mariin na pagkuyom ng mga kamao niya habang inis na nakatingin sa'kin. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya. Napansin ko na marami palang sasakyan ang papunta sa kinaroroonan namin.
ALEXIA's POV
Inihatid ako ni Vince sa bahay. Halos isang oras siyang nanatili sa bahay kaya hindi ko agad nasagot ang tawag ni Lee. Kinakabahang tiningnan ko ang locator ko. Napansin ko ang tatlong red dots na palayo sa subdivision ng bahay na inupahan ko. May dalawang magkatabing red dots kaya natitiyak ko na si Lee 'yon. Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit nakasunod siya sa isang red dot. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Agad kong tinawagan si Kuya Aldrin para masundan niya ng tingin ang tracker ni Lee.
Isinuot kong muli ang Blue Phantom suit ko at kinuha sa garahe ang sasakyang nakatago roon. Pinaharurot ko ang sinasakyan para masundan si Lee. Maging si Kuya Aldrin ay sumunod din.
Napansin namin na palabas na sa Maynila ang mga red dots kaya nagmadali kami. Hindi na kasi sakop ng locator ang mga lugar na nasa labas ng Maynila kaya hindi na namin malalaman kung saan sila pupunta.
Napansin ko ang dalawang rumaragasang kotse na lumampas sa'kin. Kotse 'yon nina Kent at Vince. Napagdesisyunan ko'ng sundan sila dahil hindi na maganda ang kutob ko. Sinabi ko kay Kuya Aldrin na sasabihin ko na lamang ang lokasyon ko sa kanya para masundan niya ako. Mabilis kong pinaharurot ang kotse para sundan sina Kent habang nagbibigay ng direksiyon kay Kuya Aldrin.
ALDRIN's POV
May susunduin sana akong mahalagang tao sa airport ngayon pero hindi ko na nagawa dahil sa biglang pagtawag ni Alexia. Kinabahan ako dahil mukhang nasa panganib si Lee. Tinawagan ko na lamang si Xena upang sunduin ang taong nasa airport dahil kilala naman niya ang darating.
Sinundan ko naman si Alexia na nagbibigay ng direksiyon sa'kin kung saan siya patungo. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para maabutan na rin siya. Nakita ko siyang lumiko sa isang madilim at makipot na kanto kaya sumunod ako.
Hindi maganda ang kutob ko sa lugar dahil sa matataas na talahib na makikita sa magkabilang gilid ng daan. Sa dulo ay nakita ko sina Lee at Kira na mukhang naglalaban. Pero ang nakakagulat ay wala ng suot na maskara si Lee. Mukhang dumating na ang araw na kinatatakutan ko.
Narinig ko ang malakas na pagbusina ni Alexia. Napailing na lamang ako nang biglang tumigil ang dalawang sasakyan na nasa unahan namin. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na sa sasakyan. Maging si Alexia ay bumaba na rin at nagmamadaling tumakbo patungo kina Lee pero naharang siya nina Vince at Kent. Lumapit ako kay Alexia.
"Padaanin niyo kami." seryosong wika ko kina Kent. Napakamot naman si Kent sa ulo niya. "We can't. Unless, the leader ordered us to do so."
Naikuyom ko ang kamao. Mukhang kailangan muna namin silang harapin bago namin sila malampasan. Pero kailangan ko ng makausap si Kira. May mahalaga akong dapat sabihin sa kanya.
----------------------------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com