Chapter 32: The Truth Behind the Past Part 1
KIRA's POV
Nakaramdam ako ng pag-aalinlangan nang suntukin ko si Black Phantom sa tiyan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang saktan kaya naiinis na umurong ako palayo sa kanya. Naikuyom ko ng mariin ang kamao ko habang matalim ang mga matang ipinukol sa kanya. Bakit hindi ko siya magawang labanan sa kabila ng ginawa niya sa'king panloloko?
Napalingon ako sa mga dumating na sasakyan. Napansin ko sa di kalayuan ang pagbaba nina Vince at Kent sa kotse nila. Nakita ko na hinarang nila si Blue Phantom na nagtangkang lumapit sa kinaroroonan namin ni Nerd. Nakita ko rin ang paglapit ni Aldrin sa kanila na halatang nag-aalala. Mahina akong napamura sa sarili. Naiinis ako sa mga nangyayari.
Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Nerd. Hindi ko siya magagawang labanan at patayin ngayon kung mag-aalinlangan ako. Maaaring hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla kanina dahil sa katotohanang nalaman ko. Siguro kailangan ko munang mag-isip sa ngayon hanggang sa tuluyan ko na siyang malabanan ng walang pag-aalinlangan. Sa tingin ko, sa ngayon, kailangan ko munang hayaang mabuhay si Black Phantom kahit labag sa kalooban ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa lintik na nararamdaman ko para sa kanya. Nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko dapat pinapairal ang katangahan ko sa pag-ibig pero ano itong ginagawa ko?
"Why did you hesitate?" nagtatakang tanong ni Nerd sa'kin.
"Dahil may naisip akong mas magandang plano. Gusto kong pahirapan ka muna hanggang sa ikaw na mismo ang humiling sa'kin na patayin na kita kaya ipagpapaliban ko muna ang paniningil ng utang sa'yo ngayon," matalim at malamig na wika ko sa kanya. Mapait na napangiti siya sa'kin na parang nasasaktan. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at bumaling kina Vince. Pautos na sumigaw ako sa kanila. "Tama na 'yan! Let's get out of here!"
Agad akong pumasok sa kotse ko. Sisiguraduhin ko na sa susunod na pagkikita namin ay wala na akong natitirang pagmamahal para sa kanya. Kung magagawa kong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya saka ko lamang siya magagawang patayin ng walang pag-aalinlangan. Pinaandar ko na ang kotse at nagmaneho na palayo sa kanila. Nakita ko ang pagsunod ng mga kotse nina Kent at Vince.
Gusto kong magwala sa mga oras na ito pero hindi ko pwedeng gawin. Masyadong masakit magbiro ang tadhana. Bakit si Nerd pa? Masyado na ba akong naging masama para parusahan ng ganito? Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto ko'ng sumigaw ng malakas. Hindi ko akalaing magiging ganito ako katanga pagdating sa pag-ibig.
LEE's POV
Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mga katagang binitawan ni Kira. Hindi na ako nakapagsalita pa nang tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas. Mabilis na pinaharurot ni Kira palayo ang sasakyan niya.
Napalingon ako sa malakas na pagtawag sa'kin ni Alexia habang nagmamadaling lumapit sa'kin kasama si Kuya Aldrin. Umalis na rin sina Vince at Kent at sumunod kay Kira. Buti na lamang, hindi napagaya si Alexia sa'kin.
"Lee!" nag-aalalang sigaw sa'kin ni Alexia. "Are you alright?" dagdag na tanong pa niya nang tuluyan siyang makalapit sa'kin.
Mapait akong napangiti sa tanong niya habang napapailing. "I'm alright. I'm Black Phantom, remember?" sarkastikong sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman sila sa sagot ko.
"Pasensiya na kung hindi kita natulungan." mahinang wika ni Alexia bago napayuko. Tinapik ko ang balikat niya. "Ayos lang."
"Ano'ng balak mo ngayong alam na niya?" nag-aalalang tanong naman ni Kuya Aldrin.
"Kailangan kong harapin ang galit niya. Sinaktan ko siya kaya dapat akong magbayad sa kasalanan ko." malungkot na sagot ko kay Kuya Aldrin.
"Don't worry maaayos din lahat. Dumating na siya kaya sa tingin ko mawawala na ang galit niya sa'yo." nag-aalinlangang pahayag ni Kuya Aldrin sa'kin. Tila ba tinatantiya niya kung kailangan pa niyang ituloy ang sasabihin. Napakunot-noo ako sa kanya maging si Alexia. Nagtataka ako kung sino ang tinutukoy niya.
"Sino ang dumating?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Let's talk this over on your unit. Hindi ko alam kung maganda o masamang balita ba ang sasabihin ko sa'yo." malungkot at napapailing na wika niya sa'kin.
Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Naglakad na siya palayo sa'min at tinungo na ang sasakyan niya. Pumunta na rin kami ni Alexia sa kanya-kanyang kotse. Hindi ko alam kung makakatulog at matatahimik pa ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ako mapapatawad ni Kira sa mga ginawa ko sa kanya.
Habang nagmamaneho ay hindi ko napigilan ang sarili na muling balikan ang nakaraan dalawang taon na ang nakakalipas.
--FLASHBACK--
Magkakasama kami nina Venice at Alexia sa loob ng Dark Phantom mansion. Fourth year highschool pa lang kami. Sa ibang paaralan pumapasok si Venice kaya hindi namin siya masyadong nakakasama. Ilang buwan na ang nakakalipas nang sumali si Venice sa Dark Phantom Gang at madali niyang nakuha ang loob namin ni Alexia. Naisip namin na Red Phantom na lang ang ibigay na codename sa kanya dahil kaming tatlo palagi ang magkakasama sa mga laban at training.
"Kamusta pala ang crush mo sa school?" nang-aasar na tanong ni Alexia kay Venice. Napasimangot tuloy si Venice sa tanong ni Alexia.
"Hindi ko 'yon crush! Mahal ko 'yon at saka future husband ko." seryosong sagot ni Venice habang hawak ang cellphone at mukhang may katext.
"Future husband? Weeh! 'Di nga? Akala ko ba may girlfriend na sabi mo?" pang-aasar pa ni Alexia na ikinailing ko naman.
"Magbi-break din sila." walang gatol na wika ni Venice. Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Wala talagang sinasanto si Venice.
"Paano ka naman nakakasigurong magbi-break sila?" naisipan kong itanong.
Napalingon siya sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Kinabahan ako sa paraan ng pagngiti niya sa'kin. Para bang may masama siyang binabalak pero inalis ko 'yon sa isipan ko.
"I have my ways. I'll be hitting three birds by one stone." wika niya habang nakangiti ng nakakaloko sa'kin. Gusto kong kilabutan sa sinabi niya. Para bang may ibig sabihin ang bawat binibitiwan niyang salita.
Nagtatakang nagtanong naman si Alexia ng pabiro. "Bakit three birds? Akala ko two birds lang ang sabi sa kasabihan?" Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Hindi bagay sa kanya ang magbiro ng ganun.
Nginitian lamang siya ng makahulugan ni Venice saka tumingin muli sa cellphone upang magtext. Nagkatinginan kami ni Alexa at napakibit-balikat na lamang. Hindi pa namin nakikilala ang lalaking gusto ni Venice kaya wala kaming kahit anong ideya sa mga binabalak niya.
Tumayo si Venice at sinabing may importanteng pupuntahan lamang kaya napatango na lamang kami ni Alexia bilang sagot sa kanya. Ihinatid na lamang namin siya ng tingin habang papalabas siya sa mansion.
"Why do I have a bad feeling about the way she smiles?" nakakunot-noong tanong ni Alexia sa sarili na mukhang napalakas lamang.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya at nagtanong. "Why?"
"Ewan. Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari sa susunod na araw. At nakakatakot ang sinabi niya na 'she'll be hitting three birds by one stone'. Hindi ba mukhang brutal 'yon? Kawawa naman ang mga ibon na matatamaan niya." pagbibiro niya kaya natawa na lang ako sa kanya. Akala ko seryoso siya sa sinasabi niya.
"Baliw ka talaga! Anyway, aalis na muna ako. Maghahanap muna ako ng pwedeng pagpraktisan." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumayo ako at kinuha ang black leather jacket na nakapatong sa upuan. "Sama ka?"
Umiling siya kaya umalis akong mag-isa.
--FLASHBACK END--
Naputol ang pag-iisip ko nang makarating kami sa parking lot ng condo ko. Bumaba ako at sumabay kina Kuya Aldrin paakyat sa unit ko. Gusto kong malaman kung sino ang dumating pero kinakabahan ako. Magandang balita ba ito para sa'kin?
VINCE's POV
Nang malaman ko na si Lee si Black Phantom, halos hindi ako makapaniwala. At naiinis ako sa pumapasok sa isip ko nang mga sandaling 'yon. Nang bumaba si Blue Phantom sa sasakyan patungo kina Lee ay bigla akong naghinala sa pagkatao niya. And I hate to admit it but I think I'm right with what I'm thinking.
Nang makaharap ko si Blue Phantom ay pakiramdam ko si Alexia rin ang nasa harap ko. At lalo akong naiinis habang pinagtatagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. Mukhang hindi lang aksidente ang biglang pagsulpot ni Alexia kanina sa subdivision.
Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Wala ba siyang tiwala sa'kin? Masakit na hindi ako kayang pagkatiwalaan ng tanong mahal ko. I think I need to talk to her. Pero sa tingin ko mas nasasaktan si Kira sa mga nangyayari higit kanino man. Ngayon lamang siya nagmahal muli pero niloko lamang siya ng taong mahal niya. Ang masaklap pa ay kaaway niya ang minahal niya.
Napansin ko na ang tinatahak na daan ni Kira ay ang daan pauwi sa condo niya. Mukhang kailangan namin siyang samahan dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa unit niya. Nang mamatay si Cindy, halos hindi na namin siya makausap ng matino at palaging napapaaway dahil sa kalasingan kaya nag-aalala ako sa kanya.
VENICE's POV
Sinusundan ko ang isang red dot na napansin ko sa screen. Napansin ko na patungo na ito sa airport kaya napakunot-noo ako. Nakit ko na bumaba si Xena sa sasakyan. Napasimangot ako dahil mali ang nasundan ko pero nagtataka ako kung bakit siya pupunta sa airport.
Mangingibang bansa ba siya? Wala naman siyang dalang maleta pero wala naman akong pakialam sa balak niyang gawin dito. She's not my concern. Si Lee naman talaga ang tinatarget ko. Nagpark muna ako sa di kalayuan. Tiningnan ko muli ang locator ko. Ang hirap manghula kung sino sa mga red dots si Lee.
Mas maganda siguro kung maiseset-up ko si Lee at Kira sa isang laban. Gusto kong magalit si Kira kay Lee. Napangiti ako sa iniisip dahil pakiramdam ko kapag nagawa ko 'yon ay panalo na agad ako. Mapapasakin na si Kira ng walang kahirap-hirap.
Makalipas ang kalhating oras ay muli kong pinaandar ang sasakyan ko upang umalis na sa parking lot ng airport. Tinapunan ko ng tingin ang entrance ng airport kaya nakita ko si Xena na palabas na ng airport. Bigla na lamang akong napapreno nang makilala ko ang babaeng nasa tabi niya. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko at napakapit ng mahigpit sa manibela.
No! sigaw ng utak ko.
"C-Cindy..." nanginginig at mahinang usal ko. Akala ko patay na siya. Mabilis akong sumunod sa sasakyan ni Xena nang umalis na siya sa airport para masiguro ko na tama ang mga nakita ko. Pero ipinagdadasal ko na sana namalikmata lamang ako. Sana kamukha lamang niya si Cindy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com