Chapter 33: The Truth Behind the Past Part 2
LEE's POV
Nakapasok na kami sa loob ng condo unit ko. Umupo sina Kuya Aldrin sa sofa samantalang ako ay pumasok muna sa kwarto ko upang ayusin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa sasabihin ni Kuya Aldrin ngayon. Sana magandang balita para sa akin ang mga maririnig ko.
Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kwarto at lumapit sa kanila. Umupo ako sa katapat na sofa ni Kuya Aldrin. Binigyan niya ako ng seryosong tingin bago siya bumuntong-hininga ng malalim na ikinakunot ng noo ko.
"I'm sorry about what happened between you and Kira. Hindi ko alam kung magandang balita ba para sa'yo ang pagdating niya o lalo lamang siyang makakagulo sa relasyon niyo pero ito lang ang naiisip kong paraan para malinis ang pangalan mo kay Kira," seryosong wika ni Kuya Aldrin habang nakatingin sa mga mata ko. Parang gusto niya talagang malaman ang magiging reaksiyon ko sa mga maririnig kaya hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
"Sino ba ang dumating?" napapalunok na tanong ko sa kanya. Si Alexia naman ay tahimik lamang na nakikinig sa amin sa isang tabi.
Muling bumuntong-hininga si Kuya Aldrin na para bang nahihirapang magsalita. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan na niyang ibinuka ang bibig at seryosong nagwika. "Ang tinutukoy ko ay si Cindy, ang ex-girlfriend ni Kira. Buhay siya."
"What?" Narinig ko'ng sigaw ni Alexia na halatang nagulat sa narinig. Samantala, naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw at makahinga. Napaawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Tila ba bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Kuya Aldrin.
"P-Paano? K-Kelan siya dumating?" nauutal na tanong ko kay Kuya Aldrin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa narinig. Kung bumalik na nga siya at sasabihin niya kay Kira na wala talaga akong kasalanan, maaari akong mapatawad ni Kira. Pero kapag nagkataon, dahil sa pagbabalik din niya, maaari namang bumalik ang nararamdaman ni Kira para kay Cindy. I'll be out of the picture when he realized that he wanted Cindy back on his life.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'min ito?" tanong naman ni Alexia na halatang naiinis.
"Nalaman ko kay Xena na buhay pa siya kaya hinanap ko siya sa Korea. Noong una tinanggihan niya ako sa alok ko na bumalik dito dahil masama pa rin ang loob niya sa mga nangyari, dalawang taon na ang nakalilipas. Tapos nagulat na lamang ako nang bigla akong nakatanggap ng tawag na babalik na siya rito para tulungang linisin ang pangalan mo. Ngayong araw siya dumating at sinundo siya ni Xena. I'm sorry, kailangan ko kasing makasigurado bago sabihin sa inyo. Hindi ko naman akalaing mahuhulog ang loob ni Lee kay Kira," mahabang paliwanag ni Kuya Aldrin sa akin.
"M-Mahal pa ba niya si Kira?" mahinang tanong ko kay Kuya Aldrin dahil 'yon lamang ang tanging naiisip ko sa oras na ito. Masasaktan kasi ako kung sakaling mahal pa rin nina Kira at Cindy ang isa't isa. Pakiramdam ko ay mas masakit pa 'yon kaysa sa nararamdamang galit ni Kira para sa'kin.
"I'm not sure," mahinang sagot naman ni Kuya Aldrin at hindi nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay may hindi pa siya sinasabi sa'kin. Pakiramdam ko ngayon ay hinang-hina ako dahil sa mga nangyayari.
"I think, I need to rest. Please, excuse me," mahinang paalam ko sa kanila bago tinungo ang kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama. Matagal kong tinitigan ang puting kisame hanggang sa maramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Hindi ko pinigilan ang sarili ko na umiyak. Hinayaan ko lamang ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Ano na ba ang mangyayari sa amin ni Kira? Wala na ba talaga kaming pag-asa? Ako pa rin kaya ang pipiliin niya kahit dumating na ang babaeng dati niyang minahal?
VENICE's POV
Tumigil sina Xena sa isang five star hotel. Pumasok sila sa loob kaya pasimple akong sumunod sa kanila. Nakatingin lamang ako sa likod ng babaeng kasama ni Xena. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil mukhang hindi ako nagkakamali. Si Cindy nga ang babaeng nakikita ko ngayon at mukhang dito siya tutuloy.
Nanatili ako sa ground floor nang sumakay na sila sa elevator. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa muli niyang pagbabalik. Paanong nangyari na buhay siya? Napamura ako sa isip ko at hindi mapakali sa kinatatayuan. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi magkita sina Cindy at Kira.
Paalis na sana ako sa loob ng hotel nang biglang sumulpot sa harap ko si Kevin at muntik na akong mapatalon sa gulat.
"What the fuck?" naiinis na sigaw ko sa kanya. Napangisi siya sa'kin bilang sagot. Muli akong naglakad para lampasan siya pero bigla siyang nagtanong sa'kin. "Ano'ng binabalak mo ngayon?"
"What do you mean?" naaasar na tanong ko sa kanya.
"That girl with Xena was Kira's ex girlfriend, right?" nakakunot-noong tanong ni Kevin sa'kin. I was caught off-guard with his question and my jaws almost dropped. Kung ganoon nakita niya si Cindy? I composed myself and looked directly in his eyes.
"You've mistaken. She's not Cindy. How could a dead person return back to life?" seryosong tanong ko sa kanya. Sana maniwala siya at tigilan na niya ako sa mga tanong niya dahil kapag sinabi niya kay Kira na buhay si Cindy, tiyak na katapusan ko na talaga. I needed to think a better plan now.
Napansin ko na napangisi siya sa sinabi ko. "Now, that was interesting. I really want to know how dead people rose from their graveyards. Was she back for a mind freak?"
I smirked. He would never fall for my lies. There's no point on staying here with him. Naglakad na ako palayo sa kanya pero ang nakakainis ay sinabayan niya ako sa paglalakad. Gusto kong tumakbo dahil naaasar ako sa ginagawa niya.
"Is this some kind of miracle or a playful karma?" seryoso at mahinang tanong ni Kevin pero diretso lamang ang tingin niya sa dinadaanan at hindi lumilingon sa'kin.
Hindi ako nagsalita pero nagtaka at kinabahan ako sa ibig niyang iparating. May alam ba siya sa mga nangyari? Kung mayroon man, bakit matagal siyang nanahimik?
"M-may alam ka ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
Mapait siyang ngumiti sa'kin. "I didn't know the whole truth but I know you. Alam kong may kinalaman ka sa lahat ng gulong nangyari noon. And based on your pale expression while following Xena and Cindy, I could prove to myself that you're really guilty."
"Damn you!" mahina pero mariin kong wika sa kanya. Narinig ko ang mahina pero mapait niyang pagtawa.
Nakalabas na kami ng hotel nang muli siyang magsalita. "Here's a piece of advice. Don't repeat the same mistakes again. Stop your nonsense obsession and accept the fact that he'll never be yours. Never."
"Don't tell me what to do. I know what I'm doing. Excuse me." naaasar na wika ko sa kanya bago nagmamadaling tinungo ang sasakyan ko at mabilis na nagmaneho palayo. I really hate his guts. Damn him!
KEVIN's POV
I wanted to tell her that I'm here instead but I couldn't open my mouth to let her know. Inihatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makasakay siya sa kotse niya. Napailing na lamang ako at napabuntong-hininga. Bakit ba hindi niya ako mapansin?
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa condo ni Kira. Kailangan niyang malaman ang nakita ko ngayong araw pero nag-aalala ako para kay Venice. Ano ba talaga ang totoong nangyari noon? Kailangan ko ba munang kausapin si Cindy bago si Kira? Nahihirapan akong magdesisyon.
Sinubukan kong tawagan si Kira pero nagri-ring lang ang cellphone niya at hindi niya sinasagot ang tawag ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumuloy sa condo niya kahit hindi ako sigurado kung naroon ba siya.
VENICE's POV
Dumiretso ako sa unit ko para makapag-isip. Napapagod na umupo ako sa sofa at napahilamos sa mukha. Ano na ba ang nangyayari ngayon? Ano na ang gagawin ko? Sumandal ako sa sofa at napapikit ng mariin.
Hindi ko na naiwasan ang muling balikan ang nakaraan.
--FLASHBACK--
Magkasama kami ni Cindy na bestfriend ko sa cafeteria habang patuloy lamang ako sa pagkukwento sa kanya tungkol sa lalaking matagal ko ng gusto, si Kira. Fourth year highschool na kami ngayon at noong first year ko pa gusto si Kira. Lahat ng mga simpleng encounters namin ay naikwento ko na kay Cindy at lahat ng 'yon ay binibigyan ko ng kahulugan. Iniisip ko na maaaring gusto rin ako ni Kira.
Ngumingiti lamang si Cindy sa sinasabi ko pero hindi nagkokomento.
"Sa tingin mo, may gusto rin kaya sa'kin si Kira? May pag-asa na kayang maging kami? Napansin na kaya niya ako?" kinikilig pang tanong ko sa kanya kasi kanina ngumiti si Kira sa'kin at halos himatayin na ako sa sobrang kilig.
"Ahh... best... Hindi ako sigurado eh..." nag-aalinlangang sagot ni Cindy. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ka naman, best! Sinisira mo ang pagpapantasiya ko! Pwede mo namang sabihin na may pag-asang maging kami!" nakalabing wika ko sa kanya na tila ba nagtatampo.
"Well, ayaw lang kasi kitang umasa, best," mahinang wika ni Cindy habang nakayuko at mahigpit na hawak ang baso ng milkshake na iniinom. Nagtataka ako dahil simula noong second year kami, hindi na niya sinasakyan ang mga pagpapantasiya ko kay Kira. Hindi kaya may gusto na rin siya kay Kira?
"Magtapat ka nga sa'kin, best. In-love ka na rin ba kay Kira?" seryosong tanong ko sa kanya.
Halatang nabigla siya sa tanong ko at kinakabahang nag-angat ng tingin. "Ano ba namang tanong 'yan, best! Si Kira? Magugustuhan ko? No way! Hindi niya ako mapapansin at saka baka paiyakin lamang niya ako. Ang dami kayang babaeng nagkakagusto sa kanya. At saka baka sabunutan mo pa ako," natatawang depensa niya.
Natawa ako sa sinabi niya pero napansin ko ang pamumutla ni Cindy habang nakatingin sa likod ko. Nagtatakang lumingon ako sa likod at nakita ko si Kira kasama sina Kevin na naglalakad malapit lang sa kinaroroonan namin. Salubong ang mga kilay na nakatingin si Kira kay Cindy. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Cindy kaya napakagat-labi ako. Paano kung magalit siya sa'min dahil pinag-uusapan namin siya?
Tahimik na nilampasan ng grupo nila ang table namin pero ramdam ko ang tensiyon. Nang tuluyan na silang makalabas sa cafeteria ay nakahinga ako ng maluwag at tumingin kay Cindy. "Hala ka, best! Baka narinig niya ang sinabi mo! Masakit pa naman sa ego ang mga sinabi mo," kinakabahang wika ko sa kanya.
"Ahh... a-ano, best... May pupuntahan lang ako. Kita na lang tayo sa room mamaya. May naalala lang akong gawin," nagmamadaling paalam niya at mabilis na tumakbo palabas ng cafeteria. Hindi ko na siya napigilan. Napakunot-noo ako sa inasal niya. Ano'ng problema niya? Baka natakot siya sa sinabi ko? Tumayo na rin ako para humabol sa kanya. Baka kung ano ang maisipang gawin ng babaeng 'yon.
Nang makalabas ako sa cafeteria. Hindi ko siya naabutan kaya naglakad na lang ako. Bawal tumakbo sa hallway. Nilibot ko ang buong building at sinisilip ko rin ang mga classrooms na walang klase dahil hindi ko siya nakita maging sa library at computer room. Ang tanging lugar na hindi ko pa napupuntahan ay ang rooftop kaya nagtungo ako roon.
Nakaawang ang pinto ng rooftop. Itutulak ko na sana ang pinto nang may marinig akong mga pamilyar na tinig.
"I'm sorry about earlier, Kira. I didn't mean to say that. Nabigla lang ako," nag-aalinlangang wika ng isang babae. Nakilala ko na boses 'yon ni Cindy. Napakunot-noo ako sa mga naririnig. Natakot ba siya kaya siya humihingi siya ng pasensya kay Kira? Pwede ko naman siyang tulungan.
"Damn, Cindy! Hanggang kailan ba natin itatago ang relasyon natin? Can't you just tell your bestfriend about the truth? It's almost two years! It's hard to hide and pretend. Mas masasaktan mo lang siya kung hindi mo aaminin sa kanya ang totoo." naiinis na wika ni Kira na ikinagulat ko naman. May relasyon sila at halos dalawang taon na?
"I'm sorry. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang totoo," wika ni Cindy.
Gusto ko'ng umiyak sa narinig pero pinigilan ko. Napakagat-labi ako para pigilan ang pagpatak ng luha ko. Bakit hindi sinabi ni Cindy sa'kin? Para akong tanga na araw-araw nagkukwento sa kanya ng mga bagay na tungkol kay Kira tapos malalaman ko lang na may relasyon sila? Was she making a fool out of me? Damn her! Naikuyom ko ng mariin ang mga kamao dahil sa naramdamang galit. Sumilip ako sa nakaawang na pinto at nakita kong nakapulupot ang kamay ni Cindy sa batok ni Kira. They're kissing passionately that totally broke my heart. Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko mabilis akong tumakbo palayo sa lugar at halos madapa na ako.
Pumunta ako sa open field ng paaralan na nasa likod ng school building. Mangilan-ngilan lamang ang tao sa paligid dahil tiyak na may klase na ang mga estudyante. Tahimik akong umupo sa bench at hindi ko na pinigilan ang pagpatak ng mga luha ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa mukha. Natatakot akong may makapansin sa'kin.
Ginawa lang akong tanga ni Cindy. Alam naman niya na dahil kay Kira kaya bumuo ako ng gangster group para lamang mapansin ni Kira. He's a gangster leader and I wanted to be perfect for him. Ginawa ko ang lahat para maging malakas pero mapupunta lang pala sa wala ang ginawa ko. Bakit kailangan pa niyang isikreto sa'kin? I wanted to hurt her badly. She'll pay for want she'd done.
Naramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko. I turned to him, confused. It's Kevin who's looking at me intently.
"What are you doing here?" I asked with anger. Hindi na ako nag-abalang punasan ang luha sa mga mata ko. Napabuntong-hininga siya bago iniabot ang panyo niya sa'kin. "Here."
Napakunot-noo ako sa ginawa niya. Matagal ko na siyang kilala pero lagi lang akong naaasar sa kanya. Kahit ngayon ay naaasar ako dahil sa ipinapakita niyang kabaitan sa'kin na hindi naman niya madalas ginagawa. "I don't need it," I smirked. Tinabig ko ang kamay niya.
"Come on. You need this," seryosong wika niya. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at ipinatong doon ang panyo niya. Itatapon ko sana ang panyo dahil sa inis pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Don't dare throw that handkerchief or you'll regret it," nakakatakot na wika niya. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko 'yan ibinibigay sa'yo. Ipinahihiram ko lang. Kukunin ko rin 'yan sayo. I'm not that generous, you know."
Naglakad na siya palayo pero bigla siyang tumigil at humarap sa'kin. "Just move on. Hindi siya ang para sa'yo." Inilagay niya sa bulsa ang mga kamay bago tuluyan akong tinalikuran para umalis. Napatingin ako sa panyo na nasa kamay ko at nakaramdam ako ng inis.
"Ang yabang mo!" mahina pero naiinis at nanggigigil na wika ko. Huminga ako ng malalim para kumalma. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Awtomatikong naipahid ko sa pisngi ang panyo ni Kevin nang hindi ko namamalayan dahil sa nararamdamang inis at galit. Ipinangako ko sa sarili na gaganti ako sa lahat ng taong nanakit sa'kin, kahit sa anong paraan. Kasama na sa listahan si Cindy at ang magkapatid na Samonte.
----------------
TO BE CONTINUED...
Chapter 33: The Truth Behind the Past Part 3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com