Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34: The Truth behind the Past Part 3

VENICE's POV

Inayos ko ang sarili bago bumalik sa classroom. Nandoon na si Cindy sa upuan niya. Wala akong magagawa kundi ang umupo sa tabi niya dahil 'yon talaga ang upuan ko.

"Saan ka galing?" nagtatakang tanong ni Cindy.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa tanong ko pero ngumiti pagkatapos at inosenteng nagsalita. "Ahh.. Sa library, may naalala lang akong iresearch para sa term paper natin." 

Fuck your lies!, mura ko sa aking isipan. Pasimpleng naikuyom ko ang aking mga kamao pero makalipas ang ilang segundo ay nakontrol ko ang sarili na huwag siyang suntukin o sampalin.

Gusto niya ng laro? Puwes, ibibigay ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko. "Really? Natapos mo naman ba ang research mo? Ang sipag mo talagang mag-aral. Buti hindi ka katulad ng ibang babae na malalandi at kung saan-saan na lamang nakikipaghalikan at nakikipagharutan kung kailan nila magustuhan. Dapat ka talagang tularan. Best role model ever!" sarkastikong sabi ko habang natatawa pa. Nahalata ko ang pamumutla ng mukha niya kaya napangiti ako ng palihim.

Hindi siya makaimik. Dumating na ang teacher kaya tumahimik na rin muna ako. Mamaya ko na lamang siguro siya kokomprontahin dahil wala akong balak na isipin niya na hanggang ngayon ay kaya pa rin niya akong lokohin.

Pagkatapos ng klase, kinuha ko na agad ang gamit ko sa upuan at naglakad na paalis. Hindi ako nagpaalam sa kanya kaya alam ko na nagtaka siya dahil lagi kaming sabay umuuwi. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko ang paghabol niya pero lalo ko lamang binilisan ang paglalakad. Nang makalabas ako sa paaralan ay pumara agad ako ng taxi at sumakay. Ayaw ko siyang komprontahin sa school kaya tiyak na susundan niya ako sa unit ko. 

Dalawang oras ang nakalipas nang marinig ko ang tunong ng doorbell. I guessed it's Cindy. Ito na ang oras na hinihintay ko kaya agad kong binuksan ang pinto at hindi ako nagkamali. It's really Cindy.

"Best, bakit mo ako iniwan kanina?" nakakunot-noong tanong niya sa'kin. "May problema ba?" nag-aalalang dagdag pa niya.

I grinned devilishly. Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napansin ko ang gulat na ekspresyon ng mukha niya nang mapahawak siya sa mukha at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Humalukipkip ako at masamang tingin ang ipinukol sa kanya.

"W-Why?" maluha-luhang tanong niya sa'kin.

"That's for all the lies," mataray na wika ko sa kanya. "Actually, kulang pa nga 'yan sa panlolokong ginawa mo sa'kin. Sobrang ginawa mo akong tanga! How could you, of all people? Ikaw na nga lang ang tanging taong nasasandalan ko sa mga problema ko, tapos lolokohin mo lang pala ako? I trusted you! Damn you!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Gusto ko na talaga siyang sumbatan at saktan. Nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko sa galit.

"I-I'm sorry kung t-tungkol ito kay Kira. H-Hindi ko masabi sa'yo noon dahil n-natatakot akong masaktan kita, best," wika niya sa pagitan ng paghikbi.

Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. Natatakot siyang saktan ako? Kung ganoon sana hindi na niya pinaabot sa ganito. Oo, masasaktan ako sa simula kung sinabi niya nang mas maaga, maaaring magalit din ako sa kanya pero tiyak na mas madali kong matatanggap ang lahat. Maaari ko pa siyang mapatawad pero iba ang sitwasyon ngayon dahil pinaabot pa niya ng dalawang taon! Damn!

"Best, pwede ka ng maging best actress! Gusto mo palakpakan kita? Standing ovation pa? Fuck! O gusto mong maging bida tapos ako ang kontrabida na magpapahirap sa bida? I think, masaya 'yon. Alam mo ba na gusto kitang sabunutan, ingudngod sa sahig at patayin sa oras na ito?" galit at gigil na wika ko sa kanya. 

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at akmang lalapit sa'kin upang hawakan ako pero hindi ko siya hinayaan. "I-I'm sorry. Please! I'm such a coward for not telling you. N-Natakot ako na baka magalit ka sakin!" paliwanag niya.

"Yeah, right. Wala ka ng magagawa dahil galit na ako ngayon. You have to pay for this. Wait for my bitter revenge. You're no longer my bestfriend. Nakakasuka ka," matalim na wika ko sa kanya. Pasalamat siya dahil sampal lang ang inabot niya sa'kin ngayon.

Malakas kong isinara ang pinto. Narinig ko ang mga pagtawag at pagkatok niya sa pinto. Napasandal na lamang ako sa pinto dahil pakiramdam ko nanghihina ako. Gusto kong umiyak dahil naaawa ako sa sarili ko pero pinigil ko. Bakit kailangang lagi na lamang akong masaktan? 

After that day, I changed. Kahit anong lapit ni Cindy sa'kin hindi ko siya pinapansin. Alam na rin ng mga estudyante na girlfriend ni Kira si Cindy kaya mas lalo akong nasaktan. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakapaghiganti sa kanila.

Sumali ako sa grupo nina Lee kahit na may sarili akong gangster group. Nagpanggap akong mahina at dahil madaling utuin si Lee napaniwala ko siya agad na gusto ko talagang sumali sa grupo nila. Hindi niya alam na gusto ko lang talaga na maghiganti sa mga taong nanakit sa'kin.

TWO YEARS AGO.

LEE's POV

Ilang araw ng kakaiba ang ikinikilos ni Venice at palagi siyang busy sa pag-eensayo. Sa tingin ko ay may pinaghahandaan siyang isang malaking laban. Nagtatakang lumapit ako sa kanya nang matapos ang training.

"Hey, what's up?" tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa'kin at ngumiti. "Nothing, why?"

"Wala lang. Napansin ko lang na sobra ang ginagawa mong pag-eensayo," kibit-balikat na sagot ko sa kanya.

"Really? Do you think I improved?" tanong niya sa'kin na mukhang umaasa.

"Yes, you improved," sincere na sagot ko sa kanya.

Napangiti siya ng maluwang. "How about a match between you and me, again?" nanghahamong tanong niya sa'kin. Ilang araw na kaming naglalaban ng one-on-one. Nagtataka na nga ako dahil mukhang hindi naman siya seryoso sa bawat laban. Pakiramdam ko ay pinag-aaralan niya ang bawat galaw at atake ko sa kanya. Palagi lamang siyang umiiwas sa mga suntok at sipa ko na parang naglalaro. Hindi niya sinusubukang umatake. Hindi ko tuloy matukoy ang istilo niya sa pakikipaglaban dahil hindi ko naman napapanood ang mga laban niya.

Napatango ako sa kanya bilang sagot. Wala namang masama kung maglalaban kami. Pumunta kami sa loob ng ring na madalas naming gamitin sa mga sparring.

Napansin ko na maraming nagsilapitan sa ring upang manood ng laban namin. Ang iba sa kanila ay malakas na nagsisigawan upang mag-cheer sa'min. Napangiti kami ni Venice sa isa't isa. Lumapit na rin si Rex at Alexia upang manood.

"Hinay-hinay lang kayo sa laban! 10 minutes lang!" sigaw naman ni Kuya Aldrin sa'min. Narinig namin ang tunog ng bell, hudyat na pwede na kaming magsimula. Naalerto ako nang una siyang sumugod sa'kin. She released a strong punch directed to my face but I twisted my upper body to avoid it. Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis na pinilipit 'yon patalikod.

Ito ang unang beses na siya ang unang sumugod sa laban namin. Seryoso na ba siya ngayon?

Hindi ininda ni Venice ang ginawa ko. Siniko niya ako ng malakas sa tiyan gamit ang isang kamay pero agad akong nakalayo at binitawan siya kaya hindi niya ako napuruhan. Humarap siya sa'kin at nagpakawala ng malakas na sipa patungo sa mukha pero naiwasan ko sa pamamagitan ng pagyuko. Mabilis na ibinaba ni Venice ang paa niya at nagjogging habang nasa boxing position.

Tumayo ako ng tuwid pero sunud-sunod na malalakas na suntok ang pinakawalan ni Venice sa direksiyon ko. Napapaurong ako sa pag-ilag. Mabilis kong hinuli ang isang kamay niya at binuhat ang katawan niya dahilan upang mapahampas ang likod niya sa sahig ng ring kaya napangiwi siya. I caught her off-guard. Narinig ko ang sigawan ng mga taong nanonood.

Agad na tumayo si Venice at inis na tumingin sa'kin. Agad akong nagpakawala ng suntok sa direksiyon niya pero mabilis niyang nailagan ito. Nagulat na lamang ako nang mapagtanto na nakalapit na pala siya sa'kin. Binigyan niya ako ng malakas na suntok sa tiyan na hindi ko na nagawang iwasan. Napayakap ako sa tiyan ko habang nakangiwi. Nagawa kong tumalon palayo sa kanya nang akmang susuntukin niya ako sa mukha.

I composed myself. Hindi ko ininda ang sakit at muling humanda sa pagsugod. Mahirap lumaban lalo na kung mano-mano. Sanay pa naman akong gumamit ng sandata. Nagpaikot-ikot kami sa loob ng ring. Lumapit ako sa kanya saka nagpakawala ng malakas na sipa pero nailagan niya 'yon. She bended her body down, her hands touching the floor. Nagtumbling siya patalikod hanggang sa makatayo siyang muli. 

Akmang pareho kaming susugod sa isa't isa nang marinig na namin ang tunog ng bell. Napabuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya. 

"Thanks," wika ni Venice. Tumango lamang ako sa kanya. Bumaba na kami sa ring at lumapit sa'min sina Alexia.

"Next time tayo naman ang mag-sparring, Lee," wika ni Alexia. Natawa ako sa kanya. "Sure," wika ko.

"Tara, kain na tayo. Gabi na," yaya naman ni Rex. Sumang-ayon kami pero hindi na raw sasama si Venice dahil may gagawin siya. Hinayaan na lamang namin siya. Pumunta na muna kami sa shower room para maligo at magpalit ng damit. Unang umalis si Venice kaya kaming tatlo na lamang nina Rex at Alexia ang pumunta sa fastfood chain. Si Kuya Aldrin naman ay busy kaya hindi siya makakasama sa'min upang kumain.

VENICE's POV

It's been 5 months since I joined Dark Phantom Gang. At madalas kong pinag-aaralan ang bawat galaw ni Lee. Nabuo ko na rin ang plano kung paano makapaghihiganti sa mga Samonte at kay Cindy. Kung mapapahamak ang anak ni Richard Samonte, tiyak na masasaktan talaga siya. Siya ang dahilan ng malungkot na pagkamatay ng ina ko kaya dapat siyang magbayad sa kasalanan niya. At ang mga anak niya ang magbabayad sa mga kasalanan niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap si Cindy kahit nagtatangka siyang lumapit sa'kin. Sa tuwing nasa school ako, ang mga miyembro ng Blue Rose Gang ang nakakasama ko. 

"Ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Carmela. Nasa canteen kami ngayon at nakikita namin na magkasama at magkatabi sa table sina Kira at Cindy.

Napangisi ako sa tanong niya. Tomorrow, Saturday, was the fated day for my revenge. "Tonight, you need to kidnap her and bring her to our old hideout then you may leave the rest to me."

"Hindi ka ba natatakot kapag nalaman ito ni Kira? Lalong hindi mo siya makukuha sa gagawin mo," wika naman ni Alyssa.

Makahulugang ngumiti ako kay Alyssa. "I have my ways. No need to worry about that." Narinig namin ang pagtunog ng school bell hudyat na kailangang bumalik na kami sa klase. "Gawin niyo na lamang ang ipinagawa ko sa inyo. Wait for my signal for the final part of the plan."

Tahimik na tumango sila sa'kin. Sabay-sabay kaming tumayo upang bumalik sa klase. Tumabi sa'kin si Cindy.

"Venice, pwede bang mag-usap tayo? It's been five months, hindi mo ba talaga ako mapapatawad?" nagsusumamong tanong ni Cindy. Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang naririnig. I heard her sigh when our teacher entered the room. 

"Please, let's talk this over, later," she whispered but I ignored her. Pagkatapos ng klase umalis agad ako sa school nang hindi siya kinakausap.

***

7 p.m.

Ipinarada ko sa malayo ang kotse ko. Sa lugar na tiyak kong walang makakapansin at malayo sa dating hideout namin. Naghintay ako sa dating hideout namin nina Carmela dahil tiyak na sa oras na ito nakuha na nila si Cindy at papunta rito. Tago ang lugar na ito dahil nasa gitna ng kagubatan. Isang simpleng bahay lamang ito at walang gamit sa loob kundi ang natitirang upuan. May isang kwarto na pwedeng matulugan, isang banyo at may isa pang kwarto na tambakan namin dati ng mga armas. May ilan pang natitirang armas dahil hindi pa namin lubusang nahahakot lahat sa nilipatan naming hideout na mas malaki kaysa rito. Maluwang ang hideout na ito kung tutuusin.

Narinig ko ang ugong ng parating na sasakyan. Hindi ako tumayo sa kinauupuan habang nakahalukipkip na naghihintay. Hinintay ko na pumasok sina Carmela sa loob ng bahay. Bumukas ang pinto at nakita ko na buhat nila ang walang malay na si Cindy. I wondered what they do to her. Nakaramdam ako ng kaunting pag-aalala pero agad din namang nawala.

Agad nilang itinali si Cindy sa upuan, kamay at paa. 

"How about Black Phantom, ano ang plano mo sa kanya?" tanong ni Carmela.

"Oo nga pala, tiyak na hahanapin siya bukas ni Kira. May usapan silang magkikita bukas. Iyon ang narinig ko nang ihatid siya ni Kira sa bahay nila. Buti nga nasalisihan namin si Kira nang umalis siya sa bahay ni Cindy," paliwanag ni Alyssa na may halong pag-aalala sa boses.

"It will be better kung hahanapin niya si Cindy," nakangising sagot ko sa kanya. "Anyway, pwede na kayong umuwi. Tomorrow night, I will need you."

"You really plan to burn this place, including them?" tanong naman ni Apple na may himig ng pagtutol. Tumaas ang kilay ko sa kanya sabay seryosong sumagot. "Yes. Any problem with that?"

Tahimik na umiling lamang si Apple sabay tungo. 

"Then, we'll go. Goodluck for you, leader," wika ni Carmela. Tahimik na umalis sila sa lugar.

Tiningnan ko si Cindy at napabuntong-hininga. Buo na ang pasya ko na gawin ito kaya hindi na ako aatras pa. I checked the locks of all the doors and windows before I went to bed. Hindi dapat ako sumabit sa plano kong ito kaya kailangan kong siguraduhing hindi papalya ang bawat galaw ko.

***

Alas-otso na akong nagising. Napansin ko na hindi pa rin nagigising si Cindy. Napakunot-noo na ako sa pag-iisip kung ano ang ginawa nina Carmela sa kanya. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtuloy na sa banyo upang maligo. Nagbihis ako at inayos ang sarili.

Kumuha ako ng kalhating timbang tubig at ibinuhos ko sa natutulog na si Cindy. Halos mapatawa ako sa reaksiyon ni Cindy dahil halos mapatalon siya sa gulat nang magising.

"So how's your sleep, BEST?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Gulat at hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin.

"What's the meaning of this?" naguguluhang tanong niya. Halatang kinakabahan siya.

"This means that this is the day for my revenge," nakangising sagot ko sa kanya. "The day for you to pay for all the lies you made and the hurts you'd caused me."

"Venice, hindi mo kailangang paabutin sa ganito ang lahat! Pag-usapan natin ito!" sigaw ni Cindy. Napansin niya na nakatali siya sa upuan at hindi makagalaw kahit subukan niyang magwala.

Natawa ako ng malakas na parang nang-uuyam dahil sa sinabi ni Cindy.

"Sorry pero hindi na ako makikinig sa'yo," sabi ko at naglakad palabas ng hideout.

"Saan ka pupunta?" natatarantang tanong niya sa'kin. "Best, pakawalan mo na 'ko!" nagmamakaawang sigaw niya.

"I have to buy some foods. Anyway, huwag mo ng tangkain pang magsisigaw rito dahil tiyak na walang makakarinig sa'yo. Bye, best," I said, smiling sweetly then winked at her. Sinigurado kong nakalock ang pinto bago umalis.

***

Matapos kumain ay dumiretso ako sa bahay nina Cindy. Mag-isa lamang si Cindy sa bahay na ito dahil nasa Korea ang mga magulang niya. Sinadya kong hintayin ang pagdating ni Kira. Napansin ko na bukas ang gate pero sarado ang pinto ng bahay. Nakalimutan na sigurong isara nina Carmela ang gate dahil sa pagmamadali. 

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na ang parating na sasakyan ni Kira. Umakto akong bubuksan ang gate nina Cindy upang pumasok sa loob. Narinig ko ang pagbusina ni Kira kaya lumingon ako sa kotse niya. Bumaba siya sa sasakyan.

"Si Cindy?" agad na tanong niya sa'kin nang makalapit siya.

"Hindi ko nga alam. Kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot kaya pumunta ako rito," may halong pag-aalala sa boses ko habang sinasabi 'yon.

"Nagkaayos na ba kayo? Look. We really planned to tell you but I really don't know why she can't. Sabi niya siya na lang daw ang magsasabi sa'yo pero hindi ko alam kung bakit siya natatakot," paliwanag ni Kira.

Kiming ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Kung ganoon hindi niya alam na gusto ko siya? "Yes, nag-usap na kami kagabi at nagkaayos na. Kanina pa akong nagdo-doorbell at tumatawag sa kanya pero hindi pa siya lumalabas. Napansin ko rin na bukas ang gate kaya papasok na sana ako."

Napakunot-noo si Kira. "Hindi kaya lumabas lang ng bahay?" wika niya. Nauna siyang naglakad papasok sa gate. Napansin niyang hindi nakalock ang pinto kaya agad siyang pumasok at tinawag si Cindy.

Lihim naman akong napangiti. Sumunod ako sa kanya. Napansin ko na tinawagan niya si Cindy pero nasa loob lamang ng bahay ang cellphone niya.

"Fuck! Nasaan na ba siya?" biglang tanong ni Kira nang halos isang oras na kaming naghihintay sa loob ng bahay ni Cindy. Halatang nag-aalala na talaga si Kira at hindi na mapakali.

"Baka naman may pinuntahan lang siya?" wika ko naman.

"Dapat dinala niya ang cellphone niya!" naiinis na wika ni Kira.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi kaya may nangyari na sa kanyang masama? Kagabi kasi habang magkausap kami sa phone, bigla na lamang siyang sumigaw at nawala sa linya," nag-aalalang wika ko kay Kira.

"Fuck! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan? Kanina pa tayong naghihintay rito! Damn!" galit na sigaw ni Kira. Halos patayin na niya ako sa tingin.

"I'm sorry," apologetic na wika ko at napayuko na lamang.

"Shit! Stay here! I'm gonna find her!" inis na wika ni Kira at nagmamadaling umalis. Napangiti ako nang makaalis siya. May kalayuan sa Maynila ang lugar na pinagtaguan ko kay Cindy kaya tiyak na matatagalan siya sa paghahanap. 

-------------------------------


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com