Chapter 35: The Truth Behind the Past Part 4
VENICE's POV
Alas singko na nang magmaneho ako pabalik sa old hideout. Katulad ng dati, sa malayo ko ipinarada ang sasakyan ko. Papalapit na ako sa bahay nang marinig ko ang halos namamaos na sigaw ni Cindy na humihingi ng tulong. Napailing ako dahil inuubos lang niya ang lakas niya. Pagpasok ko sa loob, matalim na tingin ang ipinukol niya sa'kin. Napangisi ako.
"Gutom ka na? Nagdala ako ng pagkain para sa'yo," wika ko. Ipinatong ko ang pagkain sa isang upuan pero wala naman talaga akong balak pakainin siya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Lee.
Agad naman niyang sinagot ang tawag ko. "Hello?" wika niya sa kabilang linya.
"Lee, help me. Someone tried to kill me," nagpapaawang wika ko sa kanya.
"What? Nasaan ka ngayon?" gulat na tanong niya.
"Don't worry. Hindi siya nagtagumpay. Napigilan ko agad siya. I tied her on the chair to stop her," sagot ko sa kanya.
"Nasaan ka?" inis na tanong ni Lee. Napangiti ako at nagsalita. "Pupunta ka ba? Huwag mo na lang ipaalam sa iba. Ayaw kong mag-alala sila. Kaya ko na 'to."
Napansin ko ang masamang tingin ni Cindy sa'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Alam kong gusto niyang magsalita pero pinipigilan niya ang sarili. Kahit magsalita pa siya, tiyak na ako ang paniniwalaan ni Lee at hindi siya.
"Pupuntahan kita! Nasaan ka kasi?" inis na wika ni Lee. Ibinigay ko sa kanya ang address at sinabing huwag na siyang magsama ng kahit na sino. Pinutol ko na ang tawag at napapangising tiningnan si Cindy.
"Lee? 'Di ba siya ang kapatid mo sa ama?" she smirked. "Kung ganoon, may balak kang iset up siya para makaganti sa kanya. Hindi ko akalaing ganito ka na kasama, Venice."
Nawala ang pagkakangisi ko. "Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito. It's fine to be a devil just for my revenge."
Iniwan ko siya at pumasok sa banyo. Isinuot ko ang Red Phantom suit na ibinigay sa'kin ni Lee. I smirked while looking at my reflection in the mirror. Hindi ko muna isinuot ang maskara nang lumabas ako sa banyo. Pinunasan ko ang baril na gagamitin ko. Hindi makapaniwalang tumingin sa'kin si Cindy.
"Ano'ng binabalak mo?" natatakot na tanong niya.
"Kapag may sinabi kang hindi maganda kay Lee, tutuluyan na kita," nakangising sagot ko sa kanya. Inilagay ko ang baril sa gilid ng baywang ko.
"You're insane. Itigil mo na ang kabaliwan mo!" sigaw niya sa'kin.
Hindi ko siya pinansin. Umupo ako sa isang tabi at naghintay sa pagdating ni Lee. Si Cindy naman ay kanina pa akong sinisigawan. Tumahimik din naman siya makalipas ang ilang minuto. Tiyak na nanghihina na siya dahil sa gutom at pagod.
Alas siyete na ng gabi nang may narinig akong ugong ng sasakyan. Tiyak na dumating na si Lee kaya lumabas ako sa hide out. Nakita ko siya at nagmamadaling naglakad upang lapitan ako. Lihim akong napangiti. Iniisip ko kung nalaman na ba ni Kira kung nasaan si Cindy. Inutusan ko sina Carmela para ipaalam kay Kira kung nasaan si Cindy at sabihing si Black Phantom ang dumukot sa kanya.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Lee sa'kin. Suot ni Lee ang Black Phantom suit at maskara. Saka lang niya isinusuot 'yon kapag alam niyang mapapalaban siya.
"Cindy tried to kill me," sagot ko sa kanya. Isinuot ko na rin ang maskara ko. Pumasok kami sa loob ng room. Hindi kilala ni Lee si Cindy kaya tiyak na hindi siya maghihinala. Kapag may sinabing hindi maganda si Cindy, tutuluyan ko talaga siya nang walang pag-aalinlangan.
Pagpasok namin, masamang tingin agad ang ipinukol ni Cindy sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"For what reason?" takang tanong ni Lee. Nagkibit-balikat ako. "I don't have an idea. Siguro may lihim siyang galit sa'kin."
Lumapit si Lee kay Cindy. "She looks familiar," sabi niya. Napakunot-noo ako. Nakita na ba ni Lee si Cindy?
"Really?" takang tanong ko sa kanya. Tumango si Lee pero sinabing hindi niya matandaan kung saan niya nakita si Cindy. Maaaring nakasalubong niya kung saan si Cindy. Halatang naiinis na si Cindy sa pananahimik niya.
"Lee, huwag kang maniniwala kay Venice. She's setting you up!" sigaw ni Cindy. Natawa ako sa sinabi niya. Napakunot-noo naman si Lee sa sinabi ng babae at nagtatanong ang mga matang tumingin sa'kin.
"Huwag kang maniniwala sa kanya. Ginugulo lang niya ang isip mo para makatakas siya," napapailing na sabi ko kay Lee. Kinuha ko ang baril ko sa baywang at ikinasa 'yon. Nagulat si Lee sa ginawa ko.
"Bakit ka naglabas ng baril?" takang tanong ni Lee. Nagmamadaling lumapit siya sa'kin.
"Masyado siyang maingay. Kailangan na niyang manahimik," inis na wika ko.
"Seryoso ka ba?" Itigil mo nga yan!" wika ni Lee habang inaagaw sa'kin ang baril.
"Huwag ka ng makialam dito," wika ko at sinipa si Lee. Natamaan siya sa sikmura at napaurong. Hindi makapaniwalang tumingin sa'kin si Lee. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Venice, bawal pumatay. Mapapahamak ka lang sa gagawin mo," wika niya. Napangisi ako. "You can't stop me, now."
Tumingin ako kay Cindy na takot na takot sa nakikita. Itinutok ko sa kanya ang baril pero nagulat ako nang pilit na agawin sa'kin ni Lee ang baril. Nagpakawala ako ng suntok sa sikmura niya pero nakailag siya. Hahampasin sana niya ako sa batok pero nakaiwas kaagad ako. Parehas naming hawak ang baril at pinag-aagawan 'yon.
ALEXIA
Nagtaka ako nang biglang tumakbo palayo si Lee na tila natataranta. Nakatambay kami sa Dark Phantom Mansion kasama si Rex.
"Ano'ng problema?" takang tanong ni Rex. Napailing ako. Wala akong alam. Narinig ko ang mabilis na pagharurot ng sasakyan niya. May emergency ba?
Hindi ko alam kung sino ang biglang tumawag sa kanya. I tried to call her but she's not answering my calls. Marahil busy siya sa pagda-drive. Sa tingin ko, halos paliparin na niya ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagharurot niya.
"Do we need to follow her?" nag-aalalang tanong ni Rex. Hindi ako makapagdesisyon. Nag-aalala ako sa kanya. I could follow her through the use of GPS on my phone.
"Hintayin muna nating sumagot siya. Baka naman si Kuya Aldrin lang ang tumawag sa kanya. Alam mo namang may pagkapraning si Lee, minsan," sagot ko. Kung gusto kasi akong isama ni Lee sa lakad niya, hihilahin niya ako. Sa tingin ko, may kailangan siyang asikasuhin ng mag-isa.
LEE's POV
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Venice pero hindi siya maaaring pumatay. Nakatutok pa rin kay Cindy ang baril habang hawak namin kaya kahit ako ay natatakot sa maaaring mangyari ngayong gabi. Naglalaban kami ni Venice gamit lang ang isang kamay.
Hindi sinasadyang lumusot ang daliri ko sa gatilyo ng baril. Nagulat kaming dalawa ni Venice sa biglang pagputok ng baril. I accidentally triggered the gun. Napalingon kaming dalawa kay Cindy na malakas na napasigaw. Natamaan si Cindy sa tiyan. Napatutop ako sa bibig na halos maiyak. Akmang lalapitan ko si Cindy nang bigla akong sinuntok ni Venice sa mukha. Halos matumba ako sa suntok niya. Napaurong ako sa ginawa niya.
"Fuck! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" sigaw ko kay Venice.
Ngumisi siya sa'kin. "Hindi na kailangan dahil sa impyerno na ang diretso niya." Muling umigkas ang kamao ni Venice para patamaan ang mukha ko pero napigilan ko ang kamay niya. Kailangan ko munang talunin si Venice bago ko matulungan si Cindy.
Narinig ko ang malakas na daing ni Cindy sa sakit habang umaagos ang masaganang dugo sa sikmura niya. Hindi ko na ito matatagalan pa. Nagpakawala ako ng malakas na sipa kay Venice pero nakailag siya. Nabitawan ko rin ang hawak kong kamao niya.
Nagpakawala si Venice ng sunud-sunod na suntok kaya napaurong ako habang umiilag. Hawak pa rin ni Venice sa isang kamay ang baril. Nagulat ako nang tumama ang sipa niya sa aking sikmura na nagpatalsik sa'kin sa isang bukas na pintuan. Natumba ako sa sahig. Napansin ko na puro armas ang makikita sa loob ng silid na tinalsikan ko. Maluwag at malaki ang silid.
Tumakbo ako sa isang pader upang kumuha ng katana. Pumasok din si Venice. Lumapit siya sa isang pader at kumuha rin ng katana. Inalis niya ang bala ng hawak na baril bago ito binitawan.
"Ano ba talagang binabalak mo? Nababaliw ka na ba?" sigaw ko kay Venice. Bakit kailangan pa naming maglaban?
"Anong balak ko? Balak ko lang namang dalhin sa impyerno ang mga taong sumira sa buhay ko," nakangising wika niya. Naguluhan ako. Bakit kailangang idamay pa ako gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya?
Unti-unting lumapit sa'kin si Venice. Inihanda ko ang sarili. Iwinasiwas niya ang hawak na katana na tila nilalaro sa kamay. Naunang sumugod si Venice, napahigpit ang hawak ko sa katana. She raised her sword high, ready to plunge it down to my stomach. I twisted my body to avoid her attack. I dodged her sword using mine. Muntik na akong madaplisan ng talim ng katana niya kung hindi ko nagawang salagin ito.
I swung my sword to move her sword away. Tumalon ako palayo sa kanya. I brought my sword forward, ready to attack her. Mabilis akong sumugod sa kanya at sunud-sunod ko siyang inatake pero napipigilan niya ang mga ito gamit ang sariling katana. The blades of our swords clanged together, sharp sound echoing inside the room.
I swung my sword on her knees but she jumped and avoided my attack. Nabigla ako nang iwasiwas niya ang katana patungo sa leeg ko. Dahil mabilis ang naging reaksiyon ko, agad kong nailayo ang ulo. I bended down the floor. I directly kicked her hard on the stomach. Napalayo siya sa'kin at agad naman akong tumayo ng tuwid. Napangiwi siya sa ginawa ko.
She ran towards me and lunged for my stomach. Malakas kong inihampas ang hawak na katana sa katana niya para pigilan siya. Malakas kong iginiya ang katana niya palapit sa mukha niya habang magkalapat pa rin ang mga talim ng katana namin. Pinipigilan niya ang ginagawa ko at itinutulak palapit sa'kin ang talim. Napapangiwi ako sa lakas ng pagtulak niya. Nang magawa niya 'yon, bigla niyang ibinaba ang sariling katana kasabay ng pagyuko. Mariin niyang itinusok ang katana niya sa tagiliran ko kaya napasigaw ako ng malakas sa sakit.
Ramdam ko ang pagdaloy ng masaganang dugo sa hiwa nang marahas niya bunutin ang katana niya. Napahawak ako sa tagiliran habang nakatingin sa kanya nang tumalon siya palayo. She's serious about killing me. Napahigpit ako ng hawak sa katana at pilit na iniinda ang sakit. Hindi ako maaaring mamatay.
Hinawakan ko, gamit ng dalawang kamay, ang katana. May bahid na dugo ang kaliwa kong kamay. Napapangiwi ako sa hapdi ng sugat ko. I ran towards her and violently striked her fast. She danced to the side to avoid my attack. Walang tigil ako sa pag-atake kaya napapaurong siya. Sinasalag niya ang atake ko gamit ang katana niya. Malakas kong hinampas palayo ang katana niya na muntik na niyang mabitawan. She was caught off guard so I used the chance to hit her. Bumaon sa braso niya ang patalim kaya napasigaw siya.
Akmang sasaksakin na naman niya ako sa tagiliran kaya mabilis kong hinugot ang katana at tumalon palayo sa kanya. Napangiwi ako sa biglaang paggalaw at napahawak sa sugatang tagiliran. Masamang tingin ang ipinukol niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit umabot kami sa ganito. Kailangan ba talaga naming maglaban? Bakit hindi namin pag-usapan ito?
KIRA's POV
Mag-aalas siyete na ng gabi pero hindi pa rin ma-track ni Kent si Cindy. Nahihirapan siya dahil hindi naman dala ni Cindy ang cellphone niya. Sinubukan kong bumalik sa bahay niya pero wala pa rin siya. Was this kidnapping for ransom? Fuck! I'll give all the money they want! Pero bakit wala pa ring tumatawag sa'kin?
Inisip ko rin na maaaring ang mga dati kong nakalaban na gangster ang may pakana nito pero sa dami nila, hindi ko matukoy kung sino sa kanila ang kumidnap kay Cindy. I'm gonna kill them if they laid a hand on her! Fuck! Kanina pa akong paikot-ikot sa loob ng bahay ni Kent habang nakaharap siya sa computer.
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Handa si Kent sa ganito kaya may ikinabit siyang device sa cellphone ko para kung sakaling tumawag ang kidnapper ay agad naming matutunton kung nasaan siya. Unknown caller ang tumatawag. Napalingon sa'kin si Kent kaya napatango ako sa kanya. I answered the call and he's ready to track the caller.
"Hello?" kinakabahang sagot ko.
"I know where Cindy is. Hawak siya ni Black Phantom. If you want her alive, go to this address," wika ng nasa kabilang linya. Babae ang tumatawag. May ibinigay siyang address kaya hindi agad ako nakapagtanong. Matapos sabihin ang address ay biglang naputol ang tawag. Fuck! I tried to call her but I couldn't reach her, anymore. Black Phantom? Hindi ba siya ang isa sa mysterious member ng Dark Phantom Gang? Fuck! Ano ang kailangan niya sa'min? I'm gonna kill her!
"Ano'ng sabi?" nag-aalalang tanong ni Kent. I gave him the address. Na-track ni Kent na malapit sa address na 'yon ang babae. Kahit nagtataka ako sa tumawag, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad akong lumulan sa sasakyan at pinaharurot 'yon. Hindi ko na pinansin ang malakas na pagtawag ni Kent. Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang ay kailangan kong iligtas si Cindy. I don't think this is kidnapping for ransom. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Sana hindi pa huli ang lahat pagdating ko.
ALEXIA's POV
Inip na inip na ako sa paghihintay na sagutin ni Lee ang tawag ko. Ano na ba ang nangyari sa babaeng 'yon? Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako. Tumayo na rin si Rex na kanina pang naghihintay sa desisyon ko.
"Let's go. I can't stand waiting for her, anymore," wika ko. Dumiretso kami sa kanya-kanyang sasakyan. Nauuna ako kay Rex. I tracked Lee using my phone. Napakunot-noo ako nang mapansin ko na nasa labas siya ng Maynila. Was she planning to have a vacation? Madalas kasing sa loob lamang ng Maynila kami napapalaban. Sino naman ang dadayuhin niya sa labas ng Maynila para lang labanan? Wala akong kilala. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.
Nagulat pa ako sa rumaragasang sasakyan na biglang sumingit sa unahan ko. Nainis ako kaya malakas ko siyang binusinahan dahil muntik na niyang magasgasan ang unahan ng kotse ko. Tila walang pakialam na nag-overtake pa siya sa ibang sasakyan sa unahan. Dahil sa inis, mabilis akong sumunod sa kanya. Muntik ko na ngang makalimutan si Lee pero buti na lang isang daan lamang ang tinatahak namin. Gusto kong malaman kung sino ang pangahas na driver ng kotse. Gusto ko sanang gitgitan ang sasakyan niya pero hindi ko siya maabutan. Tila nakikipaghabulan siya kay Kamatayan.
Napatapak ako sa preno nang bigla siyang lumiko sa isang kanto. Napatingin ako sa GPS ko kung doon din ba ang daan ko. Napakunot-noo ako dahil tila isang lugar lang ang pupuntahan namin. Tumigil sa tapat ng kotse ko si Rex. Ibinaba niya ang salamin sa gawi niya at tinawag ako. Ibinaba ko ang salamin ng kotse. Nakakunot-noo siya.
"What was that? Are you trying to kill yourself?" inis na tanong niya.
"Sorry. Mamaya mo na ako pagalitan. Let's go," sabi ko. Itinaas ko na muli ang salamin at lumiko sa kanto. Maingat na akong nagmaneho dahil patay ako kay Rex kapag naging pasaway ako.
LEE's POV
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Cindy. Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ako hahayaan ni Venice na makalapit kay Cindy hangga't hindi ko siya natatalo.
Hinawakan ko ng mahigpit ang katana sa kanang kamay. Pakiramdam ko ay may kakaiba akong naaamoy. Tila amoy ng gasolina. May narinig akong mga nagmamadaling yabag sa loob at labas ng bahay.
"Are you trying to burn us alive inside?" gulat kong tanong.
"Correction, hindi ako kasama. Kayo lang ang malilibing ng buhay dito," nakangising sabi niya. Muli siyang tumakbo patungo sa direksyon ko upang umatake. Sunud-sunod na pinaghahampas niya ako ng katana. Bumabagal ang kilos ko dahil sa dugong nawala sa'kin. Pilit akong umiiwas sa walang humpay niyang atake.
Akmang itatarak na niya sa dibdib ko ang katana pero agad akong yumuko at malakas siyang sinuntok sa tiyan. Napadaing siya. Itinulak ko siya palayo at tumakbo patungo sa pinto. Nabigla ako nang harangan ng malaking apoy ang pintuang dadaanan ko. Hindi ako makakalabas sa sobrang laki ng apoy.
Napalingon ako kay Venice nang marinig ko ang pagbukas ng bintanang bubog sa loob ng silid. Tumalon siya mula roon at nakangising tumingin sa'kin. "Goodbye, Lee!" sabi niya bago tumakbo palayo. Nagulat ako nang biglang magliyab ng apoy sa labas. Napapalibutan ang buong bahay ng apoy. Fuck!
Pikit-matang tumakbo ako palabas sa pinto. Nagtamo ako ng ilang paso sa katawan kaya napangiwi ako sa hapdi. Paglabas ko, napapalibutan na ng apoy ang walang malay na si Cindy. Nagbabagsakan na rin ang umaapoy na kisame. May narinig akong malalakas na sigaw mula sa labas. Napaubo ako dahil sa nalalanghap na usok.
Hindi ko alam kung buhay pa ba si Cindy. Lalapitan ko sana siya pero nagulat ako sa humawak sa braso ko upang pigilin ako. Bigla niya akong hinila palayo kay Cindy. Mahaba ang buhok niya at hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa usok na pilit nagpapalabo sa paningin ko. Binuhusan niya ako ng isang timbang tubig at marahas na itinulak palabas sa nasusunog na bahay.
Hindi ako makatutol dahil nanghihina na ako. Napatakbo na ako palabas. Kumikirot ang katawan ko dahil sa hapdi ng paso at sugat ko. Nakita ko sina Alexia at Rex na nag-aalalang tumingin sa'kin. May nakita akong nakamaskarang lalaki na galit na tumingin sa'kin at nakakuyom ang kamao.
KIRA's POV
Nagulat ako dahil nababalot na sa malaking apoy ang bahay na pinuntahan ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero nakaramdam ako ng matinding kaba. Isinuot ko ang maskara na ginagamit ko kapag hindi ako sigurado sa pupuntahan.
Pupuntahan ko na sana ang bahay kahit hindi ako sigurado kung nandoon si Cindy pero may dumating na mga sasakyan. Bumaba si Rex doon na may kasamang babaeng nakamaskara. Fuck! They're from the Dark Phantom Gang! Rex is my bestfriend so how can he do this? Hindi ko alam ang iisipin ngayon.
"What's the meaning of this?" sigaw ko kay Rex. Napakunot-noo siya sa'kin. Tila naguguluhan siya sa tanong ko. Fuck! I don't have time for this! Kailangan kong makapasok sa bahay. Tumakbo ako patungo sa nasusunog na bahay pero humabol si Rex at pinigilan ako.
"Ano'ng gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Rex. I want to punch him. He's playing so damn innocent!
"Fuck! I need to save Cindy from Black Phantom! You fucking traitor!" sigaw ko sa kanya sabay suntok ng malakas sa mukha niya. Napabitaw siya sa'kin. Nagkaroon ng mailit na hiwa ang labi niya. Inis na tumingin siya sa'kin.
"Fuck, dude! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" sabi niya at binigyan niya ako ng mabilis na suntok sa mukha. Agad akong nakailag. Hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng panahon kaya malakas ko siyang sinipa sa tiyan. Tumalsik siya sa lupa.
Tumakbo ako patungo sa bahay. "Cindy! Do you hear me? Nandiyan ka ba? Fuck!" sigaw ko. Nagulat ako nang may lumabas na babaeng nakasuot ng black suit at nakamaskara. Natitiyak kong siya na nga si Black Phantom dahil sa tattoo na nasa waist niya. Sugatan siya at makikita ang paso sa katawan.
"Fuck! Where's Cindy!" sigaw ko sa kanya. Takang tumingin siya sa'kin na halatang pagod na pagod na. Wala sa sariling itinuro niya ang nasusunog na bahay. Naikuyom ko ang kamao sa galit at akmang susugudin na siya nang maramdaman kong may humawak sa batok ko. Napalingon ako sa likod ko. It's Rex and he's planning to knock me down to sleep.
"I'm sorry," malungkot na sabi niya bago ginalaw ang sensitibong parte sa batok ko upang patulugin ako.
"Fuck!" mahinang sambit ko bago tuluyang nawalan ng malay.
-----------------------
TO BE CONTINUED...
sorry for super late UD.. May pinagkakaabalahan kasi ako :3 Thanks sa readers.. God Bless ;)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com