Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36: Change of Hearts

PRESENT

KIRA's POV

Pagpasok ko pa lang sa condo ko, agad akong nagwala. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin. Ang tanga ko! Halos gusto kong sirain lahat ng mga bagay na nakikita ko at nakaharang sa daan ko! Nag-aalalang pumasok sina Vince at Kent sa unit ko. Pinigilan nila ako sa pagsira sa mga gamit sa condo ko pero hindi ako nagpapigil. Malakas na ibinato ko sa pader lahat ng mga bagay na mahawakan ko. Galit na galit ako kay Lee maging sa sarili ko!

Buong lakas kong sinira ang mga gamit kahit ang mini table na nasa sala. Gusto kong pumatay! Pero bakit hindi ko magawang patayin si Lee? Niloko niya ako! Ang gago ko dahil ang tanga-tanga ko! Tumatalsik ang mga basag na bubog kung saan-saan.

"Kira..." mahinang tawag ni Vince na hindi malaman ang gagawin. Napasabunot ako sa ulo ko at nanghihinang napaupo sa sahig. I'm helpless. Baki sa dinami-dami ng babae ay si Lee pa? Fuck! I love her! Bakit siya pa si Black Phantom? Siguradong pinagtatawanan na niya ako ngayon dahil sa katangahan ko. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader para makalimutan siya. Para makalimutan ko ang sakit ng ginawa niya.

Gusto kong sumigaw, magwala! Naiinis ako dahil hindi dapat ako nagmumukmok ngayon. Naiinis na pinahid ko ang luha na kusang naglandas sa pisngi ko. Damn! Hindi dapat ako umiiyak dahil kay Black Phantom! I'm really an idiot! Dahil lang sa pag-ibig nagkakaganito ako!

"Bakit siya pa?" naiinis na sigaw ko. "Minahal ko siya! Ang gago ko! I should kill her but what the hell is wrong with me? I just can't do it! Fuck!" Patuloy lang ako sa pagsabunot sa ulo ko na sumasakit na. Pero mas masakit pa rin ang sugat na iniwan ni Lee sa puso ko. Sobrang sakit na hindi ko kayang tanggapin lahat ng katotohanang nalaman ko.

Napabuntong-hininga si Vince at Kent. Hindi sila nagsalita. Alam kong hindi nila alam ang sasabihin sa'kin. Hinayaan lang nila akong makapag-isip.

"Whatever is your decision, susundin ka namin. Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan ang desisyong gagawin mo habang buhay," sabi ni Kent. Alam kong hindi makagagawa ng matinong desisyon ang isang taong galit. Kahit gusto kong pahupain muna ang galit ko hindi ko magawa. Tiyak kong hindi mawawala ang galit sa puso ko para kay Lee.

"Iwanan niyo muna ako. I'll give orders, tomorrow," mahinang sabi ko. Magulo ang isip ko ngayon. Gusto kong maghiganti kay Lee at 'yon lang ang tanging pumapasok sa utak ko. Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko na kailangan kong gumanti sa kanya. Pakiramdam ko, pagod na pagod ang katawan at isip ko. Gusto kong mapag-isa.

"Magiging ayos ka ba?" nag-aalalang tanong ni Vince.

"I will. Ano pa't naging leader ako ng Red Serpent Gang? I'll be back to my feet, tomorrow. I just need my solitude, now," mahina pero maawtoridad na wika ko. Walang nagawa sina Kent at Vince kundi ang sundin ako. Lumabas sila ng unit ko. Napasandal ang likod ko sa sofa at napatingala sa kisame. Mapait akong napangiti. I'm wasted just because of a girl. I once thought that everything will work out for both of us. Pero ngayon, hindi ko na naiisip 'yon. My heart changed in an instant. Lahat ng mga planong gusto kong mabuo kasama siya ay kasamang naglaho. 

Now, I wanted to seek revenge. Gusto kong magbayad ang babaeng matagal ng may atraso sa'kin. I would change, tomorrow. Wala na akong pakialam kay Lee. Susupilin ko na ang pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. She's my greatest enemy, now. Naramdaman ko ang muling paglandas ng luha sa gilid ng mata ko. Mariin akong napapikit. Hindi dapat ako nasasaktan pero pakiramdam ko may mga patalim na sumasaksak sa puso ko. It deeply hurts that I even wanted to kill myself for escape. Fuck! I'm hopeless!

KEVIN's POV

Pagparada ko ng kotse sa condo ni Kira, nakita ko sina Vince at Kent na papalabas doon. Agad akong bumaba sa kotse at lumapit sa kanila.

"What happened? Ano'ng balita kay Black Phantom? Nakita niyo ba? Si Kira?" tanong ko sa kanila. Malungkot silang napailing na ipinagtaka ko. May problema ba?

"Nasa loob si Kira. Gusto niyang mapag-isa sa ngayon. Alam na niya kung sino si Black Phantom," sagot ni Vince.

Saglit akong nabigla. Tahimik akong naghintay sa sunod niyang sasabihin.

"She's... Monique Lee Samonte," sabi naman ni Kent. Nahigit ko ang paghinga sa gulat. Ang kapatid ni Aldrin? Ang girlfriend ni Kira? Fuck! Ang sakit namang magbiro ng tadhana! Alam ba ni Venice? I think, I need to confront Venice. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Kailangan kong malaman kung bakit siya galit kay Lee. Hindi ko muna sasabihin kay Kira ang mga nalaman ko ngayon. Mas maguguluhan siya kung malalaman niyang buhay si Cindy. Baka mabaliw na siya.

"I have to go. May kailangan akong puntahan," sabi ko at nagmamadaling tumakbo patungo sa kotse ko. Nagtaka sina Vince sa inasal ko pero nagkibit-balikat na lang. Pinaandar ko ang kotse patungo sa condo ni Venice.

Ilang beses akong nagdoorbell bago bumukas ang pinto. Galit na tumingin sa'kin si Venice. Napangisi ako. Napansin ko na namumugto ang mga mata niya. Umiyak ba siya? Nakasando lang siya at nakashorts.

"Ano'ng kailangan mo?" inis na tanong ni Venice sa'kin. Nakasimangot siya pero lalo akong napangisi. I hate to admit it but I'm really in love with this girl.

"Let's talk. Can I come in?" tanong ko.

"NO!" sigaw niya. Akmang pagsasaraduhan niya ako ng pinto pero pinigilan ko siya. "Damn! Ano ba ang kailangan mo, Kevin?" inis na wika niya. Kusa akong pumasok sa loob ng unit niya. Hindi ko na hinintay na imbitahan niya akong pumasok dahil alam kong hindi niya gagawin 'yon.

"Damn! Get out of here!" sigaw na naman ni Venice.

"I want you to tell me the truth," walang emosyong wika ko. Diretso akong nakatingin sa mga mata niya. Halos malaglag ang mga panga niya sa sinabi ko. Ako na ang nagsara sa pinto na hawak niya. I locked the door.

"What do you think you're doing? Umalis ka na!" galit na sigaw ni Venice.

Napangisi ako sa kanya. "Isang beses ko lang ito sasabihin. Tell me the whole truth or else you'll regret it," I seriously said with a warning tone. Matalim ang tingings ipinukol niya sa'kin.

"You'll not get anything from me. You're just wasting both our time," wika ni Venice at nilampasan ako. Naglakad siya patungo sa sofa pero pinigilan ko ang braso niya. Hinila ko siya palapit sa'kin na ikinagulat niya. Ipinulupot ko ang mga kamay sa baywang niya. Malapit na ang mukha namin sa isa't isa. Amoy alak ang hininga niya. Gulat siyang nakatingin sa'kin kaya napangisi ako. 

"I'll make sure my time will not be wasted. I'll surely get the information from you, by hook or by crook," paos na wika ko sa kanya. I'm tempted to kiss her slightly parted lips. Agad niyang itinikom ang bibig dahil napansin niyang nakatitig ako roon. Mas lalo akong napangisi. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Halatang kinakabahan.

"Damn! Umalis ka na lang!" inis na sabi ni Venice.

"No. Sabihin mo sa'kin lahat para matulungan kita! Alam na ni Kira na si Black Phantom ay si Lee! Magulo na lahat! Ngayon, bumalik pa si Cindy! Kung mapapatunayan na ikaw ang may kasalanan sa lahat ng mga gulong nangyari, wala ka ng ligtas, Venice! You'll be punished!" inis na sabi ko. Tiyak na aalisin siya sa pagiging leader ng gang na kinabibilangan niya. Hindi na siya pwedeng sumali sa kahit anong gang ng District 1 to 5. 

Ayos lang sa'kin kung mangyari ito pero hindi lang ito ang matatanggap niyang parusa. Tiyak na pahihirapan at sasaktan muna siya bago paalisin sa gang. Hindi ko kayang masaktan siya.

"Huwag mo na akong pakialaman! Hindi ko kailangan ang tulong mo! Wala kang alam!" sigaw ni Venice. I hate her stubbornness. Naiinis ako sa ugali niya. Masyadong mataas nag pride niya.

"Isipin mo naman ang sarili mo! Tutulungan kita! Aminin mo sa kanila ang lahat! Tiyak na mas gagaan ang parusang ibibigay sa'yo kung gagawin mo 'to! Mabait si Flash pero ayaw niyang nagkakagulo sa district na ito. Sundin mo ko!" inis na sabi ko.

Sinubukan niya akong itulak pero mas lalo ko siyang hinapit palapit. Halos wala ng space sa pagitan namin.

"Please, stop this Venice! Alam kong obsess na obsess ka kay Kira pero pwede ba? Itigil mo na! Hindi ka niya mapapansin kailanman! Fuck! Mahalin mo nga ang sarili mo!" sigaw ko sa kanya.

Natigilan siya. Napansin ko ang mga luhang sumungaw sa mga mata niya. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya. Nandito ako. Hindi niya kailangan si Kira. Pipilitin kong sumaya siya sa piling ko. Tutulungan ko siyang makalimot.

"All this time, I was never loved. Kahit ang sarili kong ama, hindi ko naramdaman na mahal niya ako. Dahil sa kanya namatay si Mom. I was betrayed by my bestfriend, Cindy. I always believed in her. I even shared every bit of my secrets wit her but what did she do? She lied to me! She made a fool out of me! Fuck! I hate this life! Tell me, how can I love myself when nobody else loves me?" umiiyak na tanong ni Venice. Hinampas niya ang dibdib ko pero pinigilan ko ang mga kamay niya.

"Who's your father?" takang tanong ko.

Mapait na napangiti si Venice. "Richard Samonte, Lee's father," mahinang sabi niya na ikinabigla ko.

"Kaya ba galit ka kay Lee? Ito ba ang dahilan? What happened to Cindy and Black Phantom that night, two years ago? It's your plan, right?" tanong ko.

Matalim na titig ang ipinukol niya sa'kin pero patuloy lang sa pag-agos ang luha sa mga mata niya. "Yes! It's all my fault! And it's none of your business! I planned to kill them both! I know my father will mourn for Lee's death and that's what I want. Sa kasamang-palad nakatakas siya at maging si Cindy," napapailing na wika ni Venice. Nainis ako. Hindi ko akalaing ganito na siya kasama.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon! You're stupid! Akala ko obsess ka lang kay Kira! Fuck! Malala ka na!" galit na sabi ko sa kanya.

Natawa siya ng malakas. "Ngayong alam mo na lahat, umalis ka na! Sabihin mo sa kanila ang ginawa ko! Wala na akong pakialam! Magsama-sama kayo!" Itinulak niya ako pero hindi siya nagtagumpay. Naiinis ako sa kanya.

"Venice, you're wrong when you said that no one loves you! Kung tumingin ka lang sana sa paligid mo, mapapansin mong may nagmamahal sa'yo. Can't you see me? I'm waiting for you to notice me! Fuck! Mahal kita noon pa! Bakit kasi nagpapakatanga ka kay Kira? I'm here and I fucking love you!" sigaw ko sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi ko at napaawang ang mga labi.

"Tutulungan kitang kalimutan si Kira pero ayusin muna natin lahat ng gulong ito. I'm ready to protect you. Aminin mo sa kanila ang lahat. Kung paparusahan ka nila, handa kong saluhin 'yon para sa'yo. Just be with me. I can be your rebound until you learn to forget him, until you learn to love me back," seryosong wika ko sa kanya. Hindi ko alam kung katangahan ang ginagawa ko pero mahal ko siya.

Ayaw kong nagkakaganito siya. Ayaw kong nasasaktan siya. "I can give all the love that you need, Venice. Just let me," dagdag ko. Nainis ako dahil sa malakas at nakakalokong pagtawa ni Venice. 

"Hindi ko akalaing mas tanga ka pa sa'kin! Damn! Kevin! You're insane! Huwag mo kong patawanin!" sabi ni Venice sa pagitan ng malakas na pagtawa. Halatang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Damn! Seryoso ako tapos tatawanan lang niya ako? Fuck!

Napatigil siya sa pagtawa nang mariin ko siyang halikan sa labi. Natigilan siya. Naiinis ako hindi lang dahil sa pagtawa niya kundi dahil kanina pa akong natutuksong halikan niya. And I wanted to do something more than a kiss.

Sinubukan niyang tinulak ako pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa ulo. I bited her lips and it parted open. Nalasahan ko ang dugo at alak mula roon pero wala akong pakialam. I wanted to invade inside. Pilit niyang inilayo ang sarili sa'kin pero ramdam ko rin ang panghihina niya. Hinapit ko siya palapit. Unti-unting tumigil siya sa pagwawala. Napapikit ako nang maramdaman ang pagtugon niya sa halik ko. Damn! I wanted more! I can't get enough of her. She wrapped her arms around my nape and pulled me closer.

My hands roamed all around her body. I wanted to make her mine. Gusto kong mawala lahat ng insecurities na nararamdaman ko. I know, I'm being selfish but I don't care. I love her.

My hands slid inside her sando and unhooked her bra. She moaned when I cupped her breast and caressed it, gently. She stopped kissing me and looked at me. "Love me, Kevin," she asked, pleading. Pinunasan ko ang pisngi niyang basa ng luha.

I smiled. Hindi ko alam kung lasing lang ba siya o ano pero wala akong pakialam. I wanted her, badly. "No need to ask. I'm always loving you," sagot ko. I claimed her lips, gently.

VINCE's POV

Kailangan kong makausap si Alexia. I knew, she's Blue Phantom. Tinawagan ko siya. Sinagot naman niya agad ang tawag ko.

"Where are you?" bungad ko.

"Sa bahay. Why?" sagot niya. Hindi pa niya alam na alam ko na ang lahat tungkol sa kanya. Napabuntong-hininga ako.

"Pupunta ako diyan. Wait for me," sabi ko bago in-end ang tawag. Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Mahal ko siya pero hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Naiinis ako. Bakit kailangan niyang maglihim?

Nang makarating ako sa bahay niya, nagdoorbell ako. Agad niyang binuksan ang gate para sa'kin at pinapasok ako. Inosenteng ngumiti pa siya sa'kin na tila wala siyang itinatago. How could she act like this? Gusto ko lang siyang hingian ng paliwanag. Hindi naman siguro niya ako pinaglalaruan lang, 'di ba? Hindi naman siguro siya kasabwat ni Lee para saktan lang kami ni Kira? I hoped not but I'm still afraid. Paano kung niloloko lang din niya ako?

-----------------------

TO BE CONTINUED...

PRIVATE po ang next chapter... RATED SPG!! You can skip that part.. POV LANG UN NI ALEXIA AND KEVIN :P Take care everyone ^^

CLICK THE EXTERNAL LINK FOR THE PRIVATE CHAPTER

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com