Chapter 38: Real Intentions
VENICE's POV
TUESDAY
10 a.m. Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko mula sa bintana. Bukas ang kurtina na nakakapagtaka. Kumilos ako upang bumangon pero ang sakit ng katawan at ulo ko. Tila ang bigat ng pakiramdam ko.
Pilit kong inalala lahat ng nangyari kagabi. Napatutop ako sa bibig nang maalala ang nangyari sa'min ni Kevin. Oh no! Inilibot ko ang paningin sa kwarto ko pero hindi ko nakita si Kevin, kahit ang anino niya. Shit! Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa salamin sa banyo ko. I did something terrible. How could I make love with that annoying bastard? Nagulo ko ang buhok ko. He took advantage of me!
Napahawak ako sa leeg ko nang mapansin ang kissmark na nandoon. Napapikit ako. How could this happen? Binuksan ko ang shower at nanatiling nakatayo roon. Pinilit kong linisin ang katawan ko pero namumula lang ang balat ko dahil sa diin ng pagkikiskis ko roon. Alam kong hindi na mababago lahat kahit anong gawin ko pero naiinis ako! This was so frustrating!
Pagkatapos, nagbihis ako ng puting polo blouse at shorts. Tapos ko ng ibutones ang damit ko nang biglang bumukas ang pinto. Napaawang ang labi ko nang makita si Kevin na naka-topless at nakapantalon lang. Magulo ang buhok niya habang nakangisi.
"So, you're awake? Akala ko mamaya ka pang tanghali gigising," he said. Nakakainis dahil pakiramdam ko kumikislap ang mga mata niya dahil sa tuwa. Inis na sinuklay ko mahaba at basa pang buhok. Napasinghap ako nang maramdaman siya sa likod ko.
"What?" inis na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin maalis ang nakakainis na ngisi sa mukha niya. Nagulat ako nang agawin niya sa kamay ko ang suklay na hawak ko. Haharap sana ako sa kanya pero natigilan ako nang siya mismo ang magsuklay sa buhok ko. Napapikit ako. Pakiramdam ko unti-unti siyang nagkakaroon ng epekto sa'kin. Tila matutumba ako dahil naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko lalo na nang hawiin niya ang buhok ko sa likod at halikan ako sa batok.
"Good morning," malambing na bulong niya. Nakaramdam ako ng init na gumapang sa buo kong katawan. Bakit kailangang maramdaman ko ito sa kanya ngayon? Natauhan ako. Fuck! This can't be happening! Inipon ko lahat ng lakas ko. Humarap ako sa kanya at itinulak siya ng malakas. Natawa lang siya sa ginawa ko. Nakakainis! Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya? It's frustrating!
Mabilis niya akong hinapit sa baywang ko. Sunud-sunod na hinampas ko ng malakas ang dibdib niya.
"Bastard! Jerk!" inis na sigaw ko sa mukha niya. Nakangisi pa rin siya sa'kin kaya lalo akong naiinis! Pinigilan niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay lang niya. Nanghihina ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Honey, you're mine, now. Only mine," nang-aakit na bulong niya sa tainga ko. Napaawang ang labi ko. Naiinis dahil biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Tila gusto na nitong lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Kinakabahan ako.
He kissed my earlobe, down to my jaws and then claimed my lips. Hindi magawang tumutol ng katawan ko. Naiinis ako dahil tila may sariling isip ang katawan ko at sumusunod ito sa bawat galaw ni Kevin. Naramdaman kong binuhat niya ako at inihiga sa kama. Mukhang alam ko na kung saan ang tuloy namin. Tumayo siya at hinubad lahat ng saplot sa katawan na tila nagmamadali. Napapikit ako nang makita ang kabuuan niya. He's damn sexy! I couldn't believe that he's damn huge!
"I love you. I'll try to figure the way out on this mess."
Narinig ko pang bulong niya habang pinapaubaya ko ang katawan sa kanya. I hate this! All I could do was moan in pleasure and respond to his every move. It's frustrating to know that I want him so bad, as well.
LEE's POV
Hindi ako pumasok ngayon sa klase. Hindi ko alam kung paano haharapin si Kira kung sakaling makasalubong ko siya o umattend siya sa klase namin. Tiyak na magkakagulo lang din kung bigla niya akong aatakihin sa loob ng campus. Alam kong galit na galit siya at hindi ko alam ang gagawin kung paano mababawasan 'yon.
Ngayong hapon naman, kakausapin namin si Cindy kaya papunta na kami sa hotel na tinutuluyan niya. Kasama ko si Kuya Aldrin. Si Alexia at Rex naman ay pumasok sa University para magmatyag sa ikinikilos ng Red Serpent Gang. Gusto ko ring makibalita sa mga nangyayari kay Kira.
Seryosong nagdadrive si Kuya Aldrin. Hindi ko siya magawang tanungin ng kahit ano hanggang sa makarating kami sa hotel. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa muli naming pagkikita. Sana pumayag siya na aminin kay Kira ang lahat pero natatakot ako para kay Venice. Tiyak na mabigat ang matatanggap niyang parusa. Kapatid ko rin siya kahit sa ama lang.
Naglalakad na kami papasok sa restaurant sa loob ng hotel. Nanigas ang katawan ko nang maaninaw mula sa malayo si Cindy. Nakaupo siya malapit sa gilid ng glass wall at kaharap si Xena. Tahimik silang umiinom ng kape.
"Hey!" tawag ni Kuya Aldrin sa pansin ko. Napatigil ako sa paglalakad nang hindi ko namamalayan. Natatakot ako sa mga maririnig ko ngayon. Hinawakan ako ni Kuya Aldrin sa braso para alalayan akong maglakad. He sighed when we started to walk, slowly. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nauubusan ng lakas.
"Be ready. Hindi ko alam kung magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap na ito," mahina pero seryosong wika ni Kuya Aldrin. Mas lalo akong kinabahan. Napalunok ako nang pumasok na kami sa restaurant. Napansin na kami ni Xena at kumaway pa sa'min. Hindi lumilingon si Cindy sa'min. Lumipat ng upuan si Xena at tumabi na kay Cindy. Umupo kami sa upuang katapat nina Cindy at Xena.
Seryosong tumingin sa'min si Cindy. Si Xena naman ay nilalaro ang kutsarita na nasa kape niya at doon nakatingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.
"Why the sudden change of decision? What's your real intention?" seryosong tanong ni Kuya Aldrin kay Cindy. Matiim siyang nakatitig kay Cindy na talagang gustong malaman ang katotohanan. Natigilan ako sa bungad ni Kuya Aldrin. Masyado siyang straight to the point.
Mapait na napangiti si Cindy. Ibinuka niya ang labi niya pero halatang nagdalawang-isip sa pagsasalita kaya mariin din niyang itinikom ang bibig. Nag-iwas siya ng tingin at lumingon sa labas ng restaurant. Mahabang katahimikan ang namayani pero binasag ko ang nakabibing katahimikang iyon.
"P-Paano ka nakaligtas?" nag-aalinlangan at mahinang tanong ko. Lumingon siya sa'kin at umangat ang sulok ng labi. Tila ba may kaunting galit na sumisingaw sa mga mata niya para sa'kin.
"You don't want me alive?" nangungutyang tanong niya. Natigilan ako. May bahid na hinanakit ang tanong niyang 'yon. Hindi ko siya masisisi. Wala akong nagawa nang gabing aksidenteng mabaril ko siya.
Umiling ako. "That's not what I meant! Masaya akong buhay ka! Tiyak na magiging masaya rin si K-Kira," wika ko pero pumiyok ang boses ko. Iniisip ko pa lang ang mga maaaring mangyari, nasasaktan na ako. Tiyak na maglalaho na ang pagtingin sa'kin ni Kira sa pagbabalik niya.
"Xena saved me. Nang malaman ng mga magulang ko ang mga nangyari sa'kin, agad nila akong dinala sa Korea. Hindi ako nagkaroon ng komunikasyon kahit kanino dito sa Pilipinas," inis na sagot ni Cindy. "Everything was ruined because of you and you're sister. Marami ang nasaktan at nasasaktan pa."
Gusto kong mapaiyak. She's right. Walang katapusan ang sakit na nararamdaman ng mga taong nasagasaan namin. Pero hindi lang naman sila ang nasasaktan, maging ako, si Kuya at lalo na si Venice kahit ayaw man niya aminin. Alam kong pride ang nag-uudyok kay Venice kaya hindi siya nagpapatalo kahit wala na siyang laban. Tahimik lang sina Kuya Aldrin at Xena na halatang nagtitimping magsalita. Hinayaan nila kaming mag-usap kahit namemersonal na si Cindy.
"Ano'ng balak mong sabihin kay Kira?" mahina kong tanong. Natatakot ako na magkita sila. Tiyak na maiitsapwera na talaga ako.
Mapait na napangiti si Cindy sa'kin. "Don't I'll tell him the detailed truth. No more, no less. Natatakot lang ako sa muli naming pagkikita. Hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako sa pagbabalik ko but I want him back. Hindi ko pala kayang mawala siya sa'kin," seryosong wika ni Cindy. Natigilan ako. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Katapusan ko na talaga. Cindy wanted Kira back. Wala akong karapatan para pigilan silang magkabalikan.
"If he believed in you, please asked him to have mercy on Venice. Kahit pagaanin na lang niya ang parusang ipapataw kay Venice," malungkot na wika ni Kuya Aldrin. Kaninang umaga, nasabi ko na kina Kuya Aldrin, Rex at Alexia ang totoong nangyari noon. Sinabi ni Rex na kakausapin niya si Kira at sasabihin dito ang totoo pero hindi siya sigurado kung makikinig ito sa kanya.
"Why are you asking me that? Hindi ba malaki rin ang atraso niya sa inyo?" mapangutyang tanong ni Cindy.
"She's still our sister," matigas na sagot ko sa kanya. "Oo, naging masama si Venice pero dahil lang 'yon sa matindi niyang pagmamahal kay Kira. At sa tingin ko, may atraso ka rin sa kanya kaya niya nagawa ang ganoong bagay sa'yo."
Nag-iwas ng tingin si Cindy sa'kin. Nakumpirma ko ang akusasyon ko sa kanya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit humantong si Venice sa muntik na niyang pagpatay kay Cindy.
"Kailan ka magpapakita kay Kira?" tanong ni Xena. Ngayon, nagtaka ako kung bakit nanahimik lang si Xena sa loob ng dalawang taon. Kung ganoon, siya ang nagligtas sa'min noon sa nasusunog na bahay.
"This Friday. Nag-iipon pa ako ng sapat na lakas na loob," sagot ni Cindy.
"Xena, bakit inilihim mo sa'min ang lahat?" lakas-loob kong baling kay Xena. Saglit na natigilan si Xena pero mapait na napangiti.
"That time, I made the wrong decision. Akala ko matatahimik na lahat kapag nawala si Cindy. Hindi ko akalaing nakita ka ni Kira noong itinulak kita palabas. I'm busy saving Cindy. She's fighting between life and death that time. Hindi ko na rin nakausap si Cindy nang umalis siya ng bansa kaya hindi ko rin alam kung ano'ng totoong nangyari pero naghabilin siya sa'kin na huwag kong ipaalam na buhay siya. Nag-imbestiga ako. Kamakailan ko lang din natuklasan ang lahat kaya sinabi ko kay Aldrin na buhay si Cindy dahil galit na galit sa'yo si Kira. I'm still thinking on how to punish Venice before I tell the Emperor. Nahihirapan ako lalo na't kapatid niyo siya pero wala akong dapat panigan na kahit na sino," malungkot na paliwanag ni Xena.
Namumuo ang luha ko sa mga mata. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Malapit na ang pakikita nina Kira at Cindy. Tumayo na ako. Hindi ko na kailangang manatili rito. Tumayo rin si Kuya Aldrin upang ihatid ako pero tumanggi ako. Sinabi kong magtataxi ako dahil gusto kong mapag-isa. Wala na siyang nagawa nang lumabas na ako sa hotel.
Nagtungo ako sa MOA. Tumambay ako sa isang bench kaharap ang malaking dagat. Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Tila gusto kong manginig. Tiyak na ganito na rin kalamig ang magiging trato sa'kin ni Kira lalo na't muli silang magkikita ni Cindy. Alam kong hindi na ako ang pipiliin niya. Pero kahit inihahanda ko na ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan. Sobrang sakit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. It's as if I couldn't move on, forever. It's so hard as hell. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang hikbi sa lalamunan ko. Bakit kailangan ko pang magmahal sa isang maling tao? I thought the timing was right, everything was right but it's totally the other way around now.
REX's POV
Caiden University
Nakasandal ako sa pader ng hallway habang hinihintay si Kira. I need to talk to him. Alam kong hindi niya ako agad paniniwalaan pero kailangan kong subukan. Nakita ko si Kira na papalapit na sa direksiyon ko kasama sina Vince, Kent at Justin. Seryoso siya at hindi lumilingon sa'kin. Papunta siya sa HQ nila.
Humarang ako sa daan niya kaya walang emosyon na tinitigan niya ako.
"Let's talk," mahinang wika ko.
"Wala na kayong dapat pag-usapan, Rex. You betrayed him!" Kent hissed.
Seryosong nakatingin ako sa mga mata ni Kira. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kent. I'm glad, I betrayed him. Dahil kung hindi ko ginawa 'yon, isang taong walang kasalanan ang masasaktan niya noon. Pero ang nakakainis lang, nasasaktan pa rin si Lee ngayon at wala akong magawa kundi ito lang.
Umangat ang sulok ng labi ni Kira. Nangungutyang tingin ang ibinigay niya sa'kin.
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?" nang-uuyam na tanong niya.
"Everything about the past! And C-Cindy," mahinang wika ko. Kumunot ang noo ni Kira. "But, if you're not interested to hear anything from me, I'll go," dagdag ko na akmang tatalikod na pero pinigilan niya ako sa braso.
"Don't you ever use her name against me!" mariing wika niya. Napangisi ako ng mapait. Mahal pa ba niya si Cindy? Paano na si Lee? Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Follow me," seryosong utos ko. Nauna na ako sa paglalakad patungo sa likod ng University kung saan walang nagagawing tao. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko.
"Just make sure you're not wasting my time with this nonsense," iritadong saad niya. Napailing ako. He's really stubborn. He never changed even when we still the best of friends.
Nang makarating sa likod ng building. Agad na umamba ang malakas na suntok ni Kira sa mukha ko na hindi ko nailagan. Napangiwi ako at napasapo sa panga ko.
"That's for using her name," inis na wika niya. Hinimas ko ang panga ko na nasaktan. Pakiramdam ko mababali ang leeg ko sa ginawa niya. Inis na tumingin ako sa nakangising si Kira. Pinigilan ko ang sariling sumuntok pabalik. Mas mahalaga ang mga sasabihin ko ngayon kaysa sa nararamdaman kong inis.
"Nakakaawa ka, Kira. You're still living with your past. Can't you just move on?" nang-aasar na wika ko sa kanya. Nakita ko ang galit na namuo sa mga mata niya. Tinamaan siya.
"Damn! Can't you just spill the beans? Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin?" inis na pakli ni Kira. Kilala ko siya. Hindi man niya ipinapahalata pero alam kong nasasaktan din siya.
"Paano kung buhay pa si Cindy? Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa? Si Lee o si Cindy?" seryosong tanong ko sa kanya. "Dahil kung hindi si Lee ang pipiliin mo, ako ang sasalo sa kanya! Gago ka rin eh! Pinagparaya ko na siya sa'yo pero sinasaktan mo lang!" galit na sigaw ko sa kanya.\
Saglit siyang natigilan pero mapait siyang napangiti. "Siya ang unang nanggago! Pero kung buhay pa si Cindy, siya ang pipiliin ko. Dahil simula pa lang, siya na ang una kong minahal!"
Hindi ko na napigilan ang sarili. Agad na lumipad sa mukha ni Kira ang isang malakas na suntok. Ang nakapagtataka, tinanggap niya ang suntok ko at hindi inilagan. Nakangisi siyang tumingin sa'kin at hindi ininda ang sakit. Siguro kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang totoo. Inayos ko ang sarili ko at diretsong tumingi sa mga mata niya.
"Hindi si Lee ang nagtangka sa buhay ni Cindy. Biktima lang siya. It was a set-up. And you don't have to be guilty anymore because Cindy's alive," diretsong wika ko sa kanya.
He stiffened in his position. Bakas ang gulat sa mukha niya at bahagya pang umawang ang mga labi niya. Mariin niyang itinikom ang mga labi at galit na tumingin sa'kin.
"Don't dare to trick me! Huwag mo ng pagtakpan pa si Lee! Kung buhay si Cindy, nasaan siya? Sa kanya lang ako maniniwala kung sasabihin niyang walang kasalanan si Lee!" inis na tanong ni Kira.
"You'll see her soon. Pero kung sakaling makita mo na siya, magbabago ba ang pagtingin mo kay Lee? Mawawala na ba ang galit mo na una pa lang, hindi naman dapat para sa kanya?" mapaklang tanong ko.
Hindi agad nakaimik si Kira. Halatang naguguluhan siya sa mga sinabi ko.
"Si Cindy pa rin ba ang pipiliin mo kapag nakita mo na siya?" dagdag na tanong ko dahil hindi siya sumagot.
Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod sa'kin. "It's Cindy all along," he said and walked away.
Mapait akong napangiti. I know him. He thought that he's guilty for Cindy's false death, so he's choosing her.
-------------------------------
TO BE CONTINUED...
Can I ask a favor? Please vote the chapters of Wonderland Magical Academy: Touch of Fire, it will be a big help :)) Thanks, if you have time :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com