Chapter 39: Ceasefire
WEDNESDAY
VENICE's POV
Sumunod ako kay Kevin. Naiinis ako dahil hindi ko siya magawang tanggihan. Sinabi niya sa'kin na aminin kay Xena ang lahat. Kausapin si Cindy, Kira at Lee upang humingi ng tawad. Mabigat para sa'kin na lunukin at aminin lahat ng mga mali kong nagawa. Alam kong mapaparusahan ako pero laging sinasabi sa'kin ni Kevin na handa siyang tulungan ako.
Kasama ko siya sa pakikipag-usap kay Xena. Xena said that my punishment will be light depending on Cindy, Lee and Kira's decision. Kailangang aminin ko sa kanila lahat ng kamalian ko at itama iyon. Kung ano'ng magiging desisyon nila ay kailangan kong tanggapin. Nagulat pa ako nang may alam pala si Xena sa mga totoong nangyari pero nanahimik siya.
Sabay kaming naglalakad ni Kevin patungo sa hotel na tinutuluyan ni Cindy para kausapin siya. Kinakabahan ako at nanlalamig ang mga kamay ko. Mahal ko pa rin si Kira at hindi ko alam kung kaya ko ba talaga siyang bitawan. Hinawakan ni Kevin ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin. Naiinis ako dahil sa kakaibang epekto ng ngiti niyang iyon. Pakiramdam ko magiging maayos ang lahat hangga't kasama ko siya.
Sumakay kami sa elevator. May ilang lalaking nakasakay doon na pasimpleng sumusulyap sa'kin. Nagulat na lang ako nang ikawit ni Kevin ang kamay niya sa baywang ko na nagsasabing pagmamay-ari niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pagiging possessive niya. Naiinis ako na natutuwa. Naguguluhan na ako. Asar lang dahil hindi ko mapigilan na mapangiti sa ginagawa niya.
"You're enjoying this," Kevin smirked.
"Not really," bulong ko na pinipigilan ang pagtawa. Napansin ko na sumimangot si Kevin. Ngayon ko lang ulit siya nakitang nakasimangot pagkatapos ng mga nangyari sa'min. Natutukso akong pisilin ang mukha niya. Mabuti na lang bumukas na ang elevator at lumabas na kami. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa baywang ko. Inalis ko 'yon. At sinabing tumabi na muna siya. Sumandal siya sa pader malapit sa suite ni Cindy habang nakahalukipkip na nakatingin sa'kin.
Napalunok muna ako bago kumatok sa pinto ng kwarto ni Cindy. Hindi ko alam kung handa na ba akong makipagkita sa kanya. Agad na bumukas ang pinto. Makikita ang pagkagulat sa mukha ni Cindy pero napalitan din agad ng galit at hinanakit.
Nagulat ako sa biglang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko. Sobrang lakas ng sampal niya sa'kin. Akmang lalapit sa'min si Kevin pero sinenyasan ko siyang huwag makialam. I need to settle this on my own. Wala siyang kinalaman dito kaya hindi dapat siya madamay. Tumingin ako kay Cindy nang nakangisi.
"Such a warm welcome, best," nang-uuyam na sabi ko. Napansin kong napailing si Kevin sa sinabi ko. Tila pinapaalala niya na nandito ako para makipag-ayos at hindi para makipag-away.
Pinag-awayan na namin ito kahapon ni Kevin. Sinabi ko sa kanya na hinding-hindi ako hihingi kaninuman ng tawad at mas gugustuhin ko pang mamatay sa parusang ipapataw sa'kin pero nagagalit siya. Ayaw niyang mawala ako sa kanya. Wala akong magawa kundi ang sundin siya ngayon kahit hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa'kin dahil ayaw ko siyang sundin. Tila nasasaktan ako para sa kanya. Pakiramdam ko unti-unting tumitibok ang puso ko para sa kanya. Maybe in no time, he'll replace Kira in my heart.
"Why are you here?" galit na tanong ni Cindy.
Hindi ko siya magawang sagutin. Naiinis akong sabihin na narito ako upang makipag-ayos at humingi ng tawad. It's like admitting my defeat. Sobrang taas ng pride ko at masakit sa'kin na ibaba 'yon.
"I come here in peace. Don't worry, I don't intend to kill you, again," I grinned.
"Venice!" inis na pakli ni Kevin. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Napabuntong-hininga siya na tila hindi na malaman ang gagawin sa'kin. At dahil pasaway ako, naisipan kong biruin muna saglit si Kevin. Natutuwa akong makita ang nakasimangot niyang mukha. Humarap akong muli kay Cindy.
"Pero wala pa rin akong balak ibigay sa'yo si Kira," nang-aasar na wika ko kay Cindy. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na nasaktan ko si Kevin. Mariin niyang itinikom ang bibig at ikinuyom ang mga palad. Naglakad siya palayo kaya napakagat-labi ako.
"Hintayin na lang kita sa lobby," sabi ni Kevin. Alam kong galit siya dahil sa tono ng pagsasalita niya pero hindi ko na muna pinansin. Sa tingin ko napasobra ako pero totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko ibibigay si Kira kay Cindy dahil para kay Lee si Kira. Sumakay na sa elevator si Kevin.
"Hindi mo naman talaga siya kailangang ibigay sa'kin dahil noong una pa lang, sa'kin na talaga siya," nakangising sagot ni Cindy. Ngumisi rin ako pabalik. Talaga lang ha?
"Sana hindi ka bumalik dito bilang bagong kontrabida. Kapag inamin sa'yo ni Kira na hindi na ikaw ang mahal niya, huwag ka na sanang maghabol katulad ng ginawa ko noon. Hayaan mo na siyang sumaya sa iba," seryosong wika ko sa kanya.
Natigilan si Cindy sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. "May mahal na ba siyang iba?" nag-aalangang tanong ni Cindy.
Nagkibit-balikat ako. Wala akong balak sabihin sa kanya ang ibang mga detalye. Siya na ang bahalang tumuklas ng mga ito. "I don't know. Si Kira lang ang makakasagot sa tanong mo. Anyway, I'm here to ask for your forgiveness on what I did in the past."
Nagulat si Cindy sa sinabi ko at napangisi. "I don't believe you. Hindi ikaw ang klase ng tao na lalapit basta at hihingi ng tawad sa kaaway. Alam kong may hidden agenda ka."
Natawa ako sa sinabi niya. Yes. That's me. Pero noon 'yon. Iba na ang sitwasyon ngayon.
"Oh, mukhang wala ka ng balak papasukin ako sa loob kaya sasabihin ko na sa'yo lahat. Nangangawit na ang paa ko sa pagtayo at wala akong balak magtagal. I really don't care if you don't believe me. As long as Kevin's there to believe in me. Siya ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Hindi ko alam. Siguro nahuhulog na ako sa kanya. I'm sorry about the past. Alam kong hindi sapat ang sorry na ito para sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo pero quits lang. Ikaw ang unang nanakit sa'kin. Again, I'm sorry. Tatanungin ka ni Xena kung ano ang punishment na ipapataw mo sa'kin. Hindi ko hinihiling na pagaanin mo 'yon. But I will gladly accept it. I deserved it," wika ko.
Hindi siya umimik. Tahimik siyang nakatingin sa'kin at seryoso. Tila tinitimbang lahat ng sinabi ko.
"There! I said it. I'll go, now," paalam ko sa kanya at naglakad na palayo.
"Wait, Venice!" sigaw niya.
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi lumingon sa kanya.
"I'm sorry. Alam kong kasalan ko rin lahat. I hope, we can be friends again!" sigaw niya.
Iwinagayway ko ang kanang kamay ko. Naglakad na ako palayo. "We can be friends but it will be different now than before. We can't turn back time. The damages were already done. We can forgive but we can't forget," bulong ko sa hangin.
Pagbaba ko sa lobby, napansin ko si Kevin na may kausap na magandang babae sa isang sulok. Nakaramdam ako ng inis pero hindi ko ipinahalata. Ayaw kong isipin niya na nagseselos ako. Ayaw ko ring aminin sa sarili ko na ganun talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Lumapit ako sa kanila at tumikhim para mapansin nila ako. Blanko ang ekspresiyon ni Kevin nang tumingin siya sa'kin. It's different on how he looked at me, yesterday. It was loving and tender but now, it's gone. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Umirap ako sa kanya.
"Let's go," wika ko at nauna ng maglakad sa kanya.
"I'm not going," seryosong wika ni Kevin. Naiinis na lumingon ako sa kanya. Kung ganoon mas gusto pa niyang makipaglandian sa babaeng kausap niya? As if hahabol ako sa kanya! Asa siya!
"Fine. Magta-taxi ako," inis na wika ko at nagmamadaling naglakad palabas sa hotel. Unconciously, padabog ang paglalakad ko dahil sa sobrang inis. Naramdaman ko na may humawak sa braso ko. Dahil sa inis, agad na umamba ang suntok sa mukha ng humawak sa'kin. Pero napigilan niya agad ang kamay ko. Si Kevin ang humawak sa'kin kaya kumunot-noo ako sa kanya. Nakangisi siya kaya malakas kong siniko ang tiyan niya na hindi niya nailagan. Napangiwi siya kaya napangisi ako.
"Honey, you're so cruel. Baka akalain nila, under mo ang boyfriend mo," natatawang bulong niya habang hinihimas ang tiyan niya.
"Hoy! Sinong boyfriend? Hindi kita boyfriend, 'no!" sabi ko sa kanya habang dinuduro ko. "Doon ka na nga sa babae mo!"
Natawa siya na ikinais ko.
"Huwag mo naman akong i-deny. Nagseselos ka ba, Hon?" nang-iinis na tanong ni Kevin. Inirapan ko siya at tinalikuran pero pinigilan niya ako.
"We can't go," natatawang sabi ni Kevin. Inis na bumaling ako sa kanya.
"Marami pa akong dapat gawin! Bakit ba?" mahina pero pasigaw na tanong ko sa kanya. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dito sa lobby. Iwinagayway niya sa harap ko ang hawak niyang card. Napapikit ako. Masisiraan yata ako ng bait sa lalaking ito! He got an access key card for a suite in this hotel!
Nagmulat ako at sinigawan siya. "You idiotic bastard!" akusa ko sa kanya. Natawa lang siya. Gusto ko siyang batukan.
"You can't blame me. That's the only way I knew for you to forget Kira," he winked. Namula ang pisngi ko. Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad kami palabas sa hotel na ipinagtaka ko.
"Pero gawin mo muna ang dapat mong gawin. You still need to talk to Lee. This card is reserved for tonight," he grinned. Hinampas ko ang braso niya.
"Paano si Kira?" nag-aalangang tanong ko.
Sumeryoso siya. "Sasabihin sa kanya ni Cindy ang totoo. Hayaan mo na siya," wika niya.
Tinawagan ko si Lee. Nasa condo siya kaya doon kami dumiretso. Naghintay na lang si Kevin sa parking lot at mag-isa pumunta sa unit ni Lee. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako sa loob.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" bungad ni Lee. Nakatingin siya sa'kin ng seryoso pero mahahalata ang katamlayan niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ako ang may kasalan kung bakit siya nagkakaganito.
"I'm sorry," mahinang sabi ko. Tumingin ako kay Lee nang hindi siya magsalita. Nakakunot-noo siya sa'kin na tila hindi naiintindihan ang sinasabi ko. Pareho kaming nakatayo sa sala.
"What do you mean?" takang tanong ni Lee.
"I'm sorry for the damages. Sa lahat ng kasalanan ko sa'yo. It's hard for me to say and admit that I'm wrong! Fuck! It sucks," nahihirapang wika ko habang nakatingin sa kanya. Napahilamos ako sa mukha ko nang mapansin na naguguluhan na si Lee. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat?
"Why are you saying this?" naguguluhang tanong ni Lee.
"Hindi ko rin alam! Ang alam ko lang sabihin ngayon ay 'sorry'. Kasalanan 'to ng pakialamerong si Kevin eh!" naiinis na wika ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin kay Lee. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lee.
"Are you in love with him?" naaaliw na tanong ni Lee.
"Hell, no!" mariing tanggi ko pero kahit ako nagdududa na sa sarili ko.
"You are!" nang-iinis na sabi ni Lee. Natawa pa ito ng malakas. Pakiramdam ko namumutla ako. Ayaw kong aminin kahit kanino.
"Lee, seryoso akong pumunta rito. I'm really sorry dahil nadamay ka sa galit ko sa ama natin. Galit ako sa kanya dahil sa nangyari sa Mom ko! Naiinis ako kasi ni hindi ko masabi at maipagmalaki sa iba na siya ang ama ko! Apelyido ni Mom ang gamit ko! Alam kong isang malaking pagkakamali ang nangyari kay Mom at sa ama natin, but it's totally unfair! Sobrang sakit!" wika ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha. Tinakpan ko ang mukha ko. I'm so helpless at ayaw kong makita iyon ni Lee.
Natigilan ako nang yakapin ako ni Lee. Lalo akong napaiyak. Hinimas niya ang likod ko. "It's okay. Naiintindihan kita. Ang problema lang hindi na nating maibabalik lahat. But it's not too late for forgiving. I'm sorry sa lahat ng nagawa ni Dad sa'yo at sa Mom mo."
Yumakap ako pabalik kay Lee. Hindi ko na pinigilan ang pag-iyak ko. Narinig ko rin ang paghikbi niya.
"I'm sorry. Dahil sa'kin nagkagulo kayo ni Kira," sabi ko habang humihikbi.
"No worries. Maaayos din lahat. This is life. I need to accept it," mahinang wika ni Lee. "But I'm glad that this means 'ceasefire' for us."
Me, too. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Kumalas kami sa yakap. Pareho kaming natawa dahil pareho kaming luhaan.
"Shall I call you 'Ate'?" natatawang tanong ni Lee.
"Yuck! That sucks! 'Sis' will be better," natatawang wika ko. Mas matanda ako ng ilang buwan kay Lee. Napatango naman si Lee sa'kin habang nakangiti.
"How about Kira? Sasabihin mo ba sa kanya?" pag-iiba ni Lee sa usapan.
Malungkot na napangiti ako. "'Yun ang balak ko. I'll talk to him but I don't know how to start."
Napasinghap si Lee. "No, 'wag mo muna siyang kausapin. Tiyak na masasaktan ka niya."
"Nakausap ko na si Cindy. Siya na lang ang kailangan kong kausapin para mawala ang galit niya sa'yo. Wala na akong pakialam kung papatawarin niya ako o hindi basta maayos ko lang ang gulong ito," wika ko.
"Pero--" tutol ni Lee na pinutol ko agad.
"I have to go, sis. It will be fine. Kasama ko naman si Kevin. Hindi niya ako pababayaan," sabi ko. "Ipaabot mo na lang kay Aldrin ang paghingi ko ng tawad."
Iniabot ko sa kanya ang symbol ng Blue Rose Gang na nasa pag-iingat ko. Matatanggal na ako sa pagiging gang leader. Alam kong mas karapat-dapat si Aldrin na maging representative ng District 1. Ayaw sanang tanggapin ni Lee pero pinilit ko siya kaya wala na siyang nagawa. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
Bumalik ako sa parking lot. Naghihintay si Kevin habang nakasandal sa kotse niya. Ngumiti ako sa kanya nang mapatingin siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit tumalon ang puso ko nang ngitian niya ako pabalik. Nakakainis!
"Saan tayo?" tanong ni Kevin.
"Kay Kira," determinadong sagot ko.
Halata ang pagdadalawang-isip ni Kevin sa sinabi ko. "Sigurado ka?" tanong niya. Tumango lang ako.
"Kumain na muna tayo," wika niya. Napansin ko na mag-aalas tres na pala ng hapon. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
"Bukas mo na lang kausapin si Kira," seryosong sabi ni Kevin nang makapasok kami sa kotse niya. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Why? Mas maganda kung mas maaga kong masabi sa kanya," sabi ko sa kanya. Seryosong tumitig siya sa mga mata ko.
"Natatakot ako. Baka kapag nakita mo siya, maisip mo na mahal mo pa rin siya at hindi mo kayang mawala siya," malungkot na sabi niya. Pinigilan ko ang pagngiti.
"Mahal ko pa naman talaga siya," nang-aasar na wika ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng masama at nag-iwas ng tingin. Ini-start na niya ang sasakyan. Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siyang paandarin ang sasakyan. Salubong ang kilay na tumingin siya sa'kin.
"What?" inis na tanong ni Kevin. Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko.
Hinawakan ko siya sa kwelyo at hinila papalapit sa'kin. Naramdaman kong bumigat ang paghinga niya. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Napansin ko ang sunud-sunod na paglunok niya. Nakatingin siya sa labi ko na tila natutuksong halikan ako. Hindi ko na pinatagal ang antisipasyong nararamdaman niya. I kissed him like there's no tomorrow. Alam kong tutulungan niya akong makalimutan si Kira.
--------------------------
TO BE CONTINUED...
Can I ask a favor? Please vote the chapters of Wonderland Magical Academy: Touch of Fire, it will be a big help :)) Thanks, if you have time :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com