Chapter 4: Black Phantom
LEE
Naglalakad ako patungo sa gym. May klase ako sa PE.
"Lee!" tawag sa 'kin ni Alexia.
"Oh, partner? Bakit ka sumisigaw?" takang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa 'kin. Parang may importante siyang sasabihin dahil seryoso ang mukha niya.
"We need to talk,"sabi niya. Hinila niya ako sa likod ng gym building kahit hindi pa ako sumasang-ayon. Parang nagmamadali siya.
"Why? May klase pa tayo," sabi ko. Baka ma-late kami sa klase.
"Sorry pero mahalaga ang sasabihin ko sa'yo," seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko. "About what?" tanong ko.
"About our gang. Bumalik ka na sa Dark Phantom Gang," nagmamakaawang sabi niya. Natigilan ako.
"Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Kapag ganito ang inaasal ni Alexia, kinakabahan ako. Seryosong tumingin siya sa 'kin. Ibig sabihin may problema nga.
"Kailangan mong pamahalaan ang gang pansamantala. Malapit nang maging magulo sa District natin. Wala pa rin si Kuya Aldrin. Hindi ko ito kaya nang mag-isa," sabi niya.
"Paanong magiging magulo?" takang tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya.
"One month ago, nagkaroon ng meeting ang lahat ng leaders ng twenty-five gangs kasama ang Emperor," paliwanag ni Alexia.
"Ano ngayon? Hindi na naman 'yon bago, ah," takang sabi ko.
"Teka lang, okay?Alam mo naman siguro na binubuo ng five districts ang pinamamahalaan ng Emperor. Bawat districts ay binubuo ng five big gangs, right?" Tumango-tango ako.
"Ngayon balak na niyang magbitiw sa puwesto. Walang nakakaalam ng dahilan. Pero may nagsasabi na dahil sa pag-ibig pero walang basehan ang tsismis," sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Magbibitiw sa puwesto? Tiyak na magkakagulo nga ang mga gangs.
"What? paano ngayon? Sino'ng papalit sa kanya?" nag-aalalang tanong ko. Mahirap pumili ng bagong pinuno. Paano kung sakim sa kapangyarihan ang pumalit sa Emperor?
"Pipili pa siya. Pero kailangang magpadala ang bawat district ng isang representative. Sa limang representative siya pipili. Susubukin niya ang mga ito," sagot ni Alexia. Sumeryoso ako. Hindi biro ang mga mangyayari sa bawat district dahil sa pagpili ng representative nila. Maraming naghahangad sa kapangyarihan ng Emperor. At kahit hindi interesado ang ibang leaders sa pagiging Emperor o Empress, madadamay at madadamay pa rin sila. This will be the greatest fight between the gang leaders of each district. Iniisip ko pa lang, naguguluhan na ako.
"Sino ang magiging representative sa district natin?" kinakabahang tanong ko. Tumingin si Alexia sa malayo.
"Wala pa. Magbibigay si Emp ng six months para makapag-decide tayo," sagot niya. Dito kami mahihirapan. Walang pinaka-leader ang bawat district. All leaders have equal rights and power. They're all strong. Natatakot ako na mauwi ang pagpili sa isang madugong labanan. Tiyak na ito rin ang iniisip ni partner ngayon kaya pinipilit niya akong bumalik. Tahimik akong nag-isip.
"Nakuha mo ba? Magiging magulo ang District 1 sa loob ng anim na buwan. Sa District 4, nagsisimula na ang labanan sa pagitan ng mga Leaders. May isang Leader doon na pinupwersa ang underlings ng ibang gang para siya ang piliin bilang representative. Nasasaktan ang ayaw sumunod sa kanya," seryosong sabi ni Alexia. Natigilan ako.
"Mukhang kritikal nga ang sitwasyon pero bakit wala pang nangyayari dito sa District 1?" tanong ko.
"Hindi pa opisyal na nagsisimula ang game. Wala pang ina-announce si Flash," sagot ni Akexia. "Pero tiyak kong magy kanya-kanya ng plano ang bawat leader pati ang kuya mo."
"Sana walang mapahamak," nag-aalalang sabi ko.
"That's impossible. Ano na ang desisyon mo? Kung sakali mang magkagulo na, tungkulin nating protektahan ang mga underlings natin," sabi ni Alexia.
"Sige. Babalik na ako sa Dark Phantom pero iniisip ko si Kira. Siya ang lalaking nakamaskara noon, Alexia. Siguradong kapag nabalitaan niya ang pagbabalik ko, magsisimula na ang war sa pagitan ng Red Serpent at Dark Phantom," nag-aalalang sabi ko.
"Alam ko. Akala ko hindi mo pa alam kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo nababanggit sa 'kin. But don't worry! Gumagawa ng paraan ang kuya mo para maayos ang problema mo," sabi ni Alexia. Alam na pala ni Alexia. Siguro nasabi na sa kanya ni Kuya Aldrin. Tumango ako.
"Tonight, gather our underlings. Magpapakita na ako sa gang natin," determinadong sabi ko. Natuwa si Alexia sa sinabi ko at masayang tumango.
Alam kong kailangan ko ng bumalik. Nagiging komplikado na ang sitwasyon. Hindi na dapat ako nagtatago at tumatakbo. Hindi na dapat ako maging duwag para tumakas sa lahat. Pupunta na kami sa gym pero may narinig kaming ingay sa likod ng building. Kilala ko ang mga boses. Tiyak na sina Camille at Dhessa ang naririnig namin. Nagkatinginan kami ni partner.
Sumilip kami upang tingnan kung ano ang nangyayari. Nakita kong sinasabunutan ng bulate chix sina Camille at Dhessa. Ginagalit talaga nila ako! Lumapit kami sa kinaroroonan nila. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Tess. Noong isang araw ko lang nalaman ang mga pangalan nila. Pinigilan naman ni partner sina Kyla at Helen sa ginagawa kay Dhessa.
"What are you doing?" galit na tanong ko.
"Hoy nerd! Huwag ka ngang makialam dito!" sabi ni Tess. Pumapalag siya sa pagkakahawak ko. Napangiwi siya dahil lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.
"Ano'ng huwag makialam? Kaibigan namin ang sinasaktan ninyo," inis na sabi ko. Napailing ako. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa mga bully na kagaya nila.
"Losers! Ang lakas ng loob ninyo! Wala naman kayong maipagmamalaki. Mga hamak na scholars lang naman kayo!" sigaw ni Helen. Kaunti na lang. Buburahin ko na ang mga pagmumukha nila sa Pilipinas. Sinasagad nila ang pasensiya ko. Tahimik lang si partner. Nahahalata na niyang mainit na ang ulo ko.
"Ano ba'ng gusto ninyo para tumigil na kayo sa ginagawa?" tanong ko.
"Ang umalis kayo dito!" sabi ni Kyla.
"'Yon lang ba? Sure. Let's have a bet on it. Ang alam ko basketball player si Tess. Varsity player pa. Let's play basketball. Kung mananalo kayo, aalis kaming mga scholars dito. Pero kapag nanalo kami, you'll stop bullying scholars. Ilalagay 'yon sa rules ng University. Kapag nambully pa kayo, pwede kayong patalsikin sa University. What do you think?" tanong ko.
Nag-isip sila. Nagkatinginan sila sa isa't isa at ngumiti nang nakakaloko.
"Deal!" sabay-sabay na sabi nila.
"Sa Friday ang match natin. Magpapaalam tayo kay Ms. Roxanne. Gagawa tayo ng kontrata tungkol sa conditions na pinagkasunduan natin ngayon," sabi ko.
"Sure. You'll regret this nerd," nakangising sabi ni Tess. Umalis na sila. Salamat naman. Kapag hindi ako nakapagpigil ay babangasan ko talaga sila. Lumapit kami kina Dhessa at Camille.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni partner.
"Oo. Ayos lang kami. Sana hindi mo ginawa 'yon, Lee. Mahirap kalabanin sina Tess. Ang alam ko nag-champion sila sa Basketball Tournament dati. Hindi rin kami marunong mag-basketball," sabi ni Camille.
"Don't worry. May oras pa naman tayo para mag-practice. Dalawang araw pa," sabi ko.
"Pero paano kapag natalo tayo?" nag-aalalang tanong ni Dhessa.
"Hindi mangyayari 'yon. Kami ni partner ang bahala sa inyo," nakangiting sabi ko. Basta basketball, hindi kami magpapatalo. Napailing si partner pero nakangiti.
"No choice," naiiling na sabi ni partner.
"Halina kayo. Si Rose pala sabihan din natin. Wala na kasi tayong makukuhang ibang players," sabi ko.
Nag-aalinlangan silang tumango. Pumunta kami sa gym. Late na kami sa klase. Nakapag-attendance na ang professor namin. Nakaalis na siya. Nakita ko sina Kira na nakaupo sa bench at pawis na pawis. Mukhang naglaro sila ng basketball. Napansin kong gwapo si Kira kapag basa ang buhok. Napalingon siya sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin. Baka isipin niya na pinagnanasaan ko siya. Nakita ko sa peripheral view ko na hinawakan niya ang bola. Ibinato niya ito sa direksiyon ko nang buong lakas. Napaka-gentleman talaga niya. Humarap ako at sinambot ang bola. Maraming nagulat.
"Nice pass," nang-aasar na sabi ko. Hindi ko ipinahalata na nasaktan ako. Nakakaloko akong ngumiti sa kanya. He scowled.
"Want to play basketball, Kira?" naghahamong tanong ko.
Hindi pa ako makakapagpalit ng PE uniform. Nakaschool uniform ako. Above the knee ang skirt with long white socks and blouse. Naka-flat black shoes ako para madaling gumalaw. Baka kasi magtripan na naman ako, Kira. Ngumisi siya.
"Try me," sagot niya. Ngumiti ako. Pumunta siya sa gitna ng court. Varsity player din si Kira. I must not underestimate him. Hindi na ako nagpalit ng damit. Tinatamad ako. Pumunta na ako sa loob ng court. Lumapit ako sa kanya at mahina kaming nag-usap.
"Ano'ng nabalitaan ko na aalis na ang mga scholars sa university?" kunot-noong tanong niya. Nagtaka ako. Ang bilis namang magkalat ng tsismis ng mga bulate chix.
"Why do you ask? Concern ka 'no?" pang-aasar ko kay Kira.
"Ako lang ang may karapatang magpaalis sa'yo dito," seryosong sabi niya.
"Correction. Ako lang ang may karapatang magpaalis sa sarili ko dito," nang-aasar na sabi ko. Ako kaya ang headmistress ng University na ito.
"Be careful. Your opponents are tough," paalala niya na ikinagulat ko. Alam niyang may laro ako sa Friday. Ang bilis talaga ng balita. Ipinasa ko sa kanya ang bola para malaman niya na handa na ako.
"Don't worry. Hindi kami matatalo sa game. Lalo na't alam ko na mamimiss mo ako kapag nawala ako," I said. I smiled mischievously. Napaangat ang sulok ng labi niya sa kakapalan ng mukha ko. Pinasa niya ulit ang bola sa akin. Nagsimula na akong mag-dribble. Sinimulan na niya ang pagbabantay. Umikot ako patungo sa likod niya. Nakalampas ako pero natapik niya nang malakas ang bola kaya nabitawan ko. Lumabas ang bola sa court.
Pinulot 'yon ni Enanz at ipinasa kay Kira. Ngayon ko lang napansin na maraming nanonood sa amin. Nagsisigawan na sila. Maraming nagtsi-cheer kay Kira. This time, si Kira na ang may hawak ng bola. Nagdi-dribble na siya
"Hey! Gawin naman nating exciting ang laro. Kung sino'ng unang makakapuntos, siya ang panalo. Ang matatalo ay magiging slave for a week," sabi ko. Saglit siyang nag-isip.
"Deal!" sagot niya.
Sinimulan na niyang sumugod papunta sa ring pero mahigpit ang pagbabantay ko. Damn! Nahihirapan ako. Ang laki kasi niya. Nang magdribble siya, nakuha ko ang bola. It's may turn. Nakatakbo agad ako papunta sa ring pero nakaabot din agad siya.
Iniisip ko kung magle-lay up ako. May problema nga lang. Ang laki niya kasing harang. May kalokohan na biglang pumasok sa isip ko. Bigla ko siyang hinalikan sa labi. Natigilan siya. Ginamit ko ang pagkakataon para ipasok sa ring ang bola. Nagtagumpay naman ako! Hindi na ako lugi sa pagsasakripisyo sa labi ko. Ang daming nagsigawang babae dahil sa kadayaan ko. Ang sabihin nila inggit lang sila.
"Yehey! Panalo ako!" natutuwang sabi ko. Bigla siyang natauhan.
"Cheater! That's not fair!" inis na sabi niya.
"It's fair. Wala naman tayong rules kundi 'kung sino ang unang makaka-shoot, siya ang panalo at ang matatalo ay magiging slave'," sabi ko sa kanya. Napamura siya at parang galit. Nakakatakot. Huwag sana akong suntukin. Pero tama naman, 'di ba? Wala naman talagang rules na napag-usapan kundi 'yon lang. Kahit alam kong madaya naman talaga ako.
"Ibigay mo sakin number mo. Itetext kita kung kailan kita gagawing slave," sabi ko sa kanya. Hindi na magbabago ang resulta kahit magalit pa siya. Panalo na ako at kailangan niyang sumunod sa deal namin.
"Wala akong number!" inis na sabi niya.
"Pakipot ka pa. Ibigay mo na, slave. Nag-hihintay ang master mo," I winked. Wala naman siyang nagawa. Ibinigay na rin niya. Mabuti na lang may isang salita siya.
"Good dog," nang-aasar na sabi ko.
"Shut up!" he said. Tumawa ako.
"Alis na ako. See you around, slave. Itetext kita kung kailan tayo magsisimula," pang-aasar ko sa kanya.
"Teka! nakakarami ka na ah!" sigaw niya sa 'kin.
"Nakakarami ng? Kiss?" tanong ko. Ngumiti ako nang nakakaloko
"No. Ng atraso," sabi niya. Tumawa lang ako. Iniwan ko na siya sa court. Marami pa akong gagawin. Pero natamaan ako sa sinabi niyang nakakarami na ako ng atraso. Nadagdagan na naman ang atraso ko sa kanya.
KIRA
Damn that nerd! Naisahan na naman ako. I'm going to be her slave for a week? I can't believe this! Pumunta ako sa kinaroroonan nina Vince. Nakangiti sila nang nakakaloko sa akin. What now?
"Akalain ninyo 'yon? Hinahayaan lang ni Cobra na halikan siya ng isang nerd?" natatawang sabi Justin. That Cobra thing! I hate that codename. Si Aldrin ang nagbigay sa akin nu'n. Wala kasi akong maisip dati kaya siya ang nag-isip para sa akin. Kailangan ng codename sa mga meetings ng five districts. For Security purposes. Hindi namin kilala ang ibang leaders maliban lang sa district namin.
"Oo nga. Hinayaan niyang makaalis si Nerd nang ganun-ganun lang," dagdag pa ni Enanz. Tawa sila ng tawa. Nakakalimutan na yata nila na ako ang leader ng gang na kinabibilangan nila.
"Hindi ba kayo tatahimik?" seryosong tanong ko. Tumahimik sila dahil napansin nila ang masamang aura ko. Wala ako sa mood ngayon. Naglakad ako paalis sa gym pero sumunod sila.
"Hey, Kira! We're just joking," sabi ni Justin. Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit ako naiinis.
"Iba ang iniisip ko. Naisahan ako ni nerd. Magiging slave niya ako for a week," nakasimangot na sabi ko.
"What? You're kidding, right?" hindi makapaniwalang sabi ni Vince.
"Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ko. I coldly stare at them. Natahimik sila. Papunta kami sa headquarters.
"So, what's you're plan?" tanong ni Kent.
Nagkibit-balikat ako. Wala akong plano. Isang linggo lang naman. Hindi naman siguro niya ako pahihirapan. Pagkatapos ng week na 'yon saka na lang ako gaganti.
LEE
Ipinatawag ako ni Ms. Roxanne. Umabot na pala sa kanya ang balita tungkol sa basketball game namin sa bulate chix.
"Why did you do that?" seryosong tanong ni Ms. Roxanne.
"Sorry, Ms. Roxanne. Naiinis na kasi ako sa kanila. This is the only way to stop them on bullying scholars," sagot ko.
"Pero kapag natalo kayo kailangan ninyong umalis dito. I don't agree with that nonsense. I will deal with those problem students," sabi ni Ms. Roxanne. Hindi nila napaparusahan ang mga nambu-bully dahil walang nagrereklamo. Kaya nakakaligtas ang mga bully sa school na 'to.
"Ganu'n din naman ang mangyayari. Aalis din ang mga scholars kapag hindi na nila natiis ang mga pambubully. So what's the difference? We need to do something," sabi ko. Natigilan siya. May punto naman ako sa sinabi ko, 'di ba? Kahit turuan niya ng leksyon ang mga babaeng 'yon, hindi pa rin matututo ang mga ito.
"Please, Ms. Roxanne. Pumayag na po kayo. Pirmahan na po ninyo ang deal namin," nagmamakaawang sabi ko.
"Varsity player ang kalaban ninyo. There's no guarantee that you'll win," sagot niya.
"We will win," I said with confidence.
"How?" takang tanong niya.
"Bahala na. Basta mananalo kami." I smiled.
"Fine. Magpapadala ako ng letter sa headmistress. Kapag sumang-ayon siya then it's settled. You can do whatever you want," she said. Hindi nga pala niya alam na ako ang headmistress. Si Mr. Williams kasi ang umaattend sa mga meetings ko. Taga-pirma lang ako. Hindi na ako mahihirapan kung approval ko naman pala ang kailangan.
"Thank you, Ms. Roxanne," natutuwang sabi ako. Lumabas na ako sa office. Naghihintay sina partner sa labas kasama sina Camille, Dhess, Rose at Vic.
"Ano'ng sabi?" tanong ni partner.
"Ayos na," sabi ko. Nag-thumbs up pa ako sa kanila.
"Ano'ng ayos? I don't think this is a good idea," nag-aalalang sabi ni Vic.
"Well, I think it is." I winked at him.
"Kadiri ka!" sabi ni Vic. Pinagpagan pa niya ang sarili. Natawa ako. Napansin kong tahimik sina Dhessa. Tinapik ko ang balikat ni Dhessa.
"Don't worry. Everything's going to be fine. Just believe on us," I assured her.
"O-okay," nag-aalangang sabi ni Dhessa. Hindi ko naman siya masisisi. Edukasyon nila ang nakasalalay rito.
"So, kailangan na nating magpraktis. Dapat alam ninyo ang rules sa basketball," sabi ko. Tumango sila. Pumunta kami sa subdivision nina Alexia kung saan may covered court. Medyo nahihirapan kami ni partner na magturo pero mabuti naman nakukuha nila. Kailangan naming manalo.
Marunong kaming maglaro ni partner. Parehas kaming magaling. Hindi naman siguro kami mahihirapan sa match. Hapon na nang matapos kami. Nagkanya-kanya na kaming uwi.
***
"I think, kumpleto na ang mga underlings natin," sabi ni partner. Habang nakatingin sa phone. Kailangan ko nga palang magpakita sa kanila ngayong gabi. Nasa loob kami ng kotse at nakatingin sa Dark Phantom Mansion. Marami na ang dumating. It's already time.
"Ganun ba? Let's go," sabi ko. Isinuot ko ang mask ko bago kami pumasok sa mansion. Maikli ang damit na suot ko. Makikita ang tattoo sa waistline ko. Black Phantom is back.
Nakatingin sa amin ang mga members habang naglalakad kami ni Blue Phantom sa gitna. She's also wearing a mask. Puro bagong mukha ang nakikita ko. Tiyak na hindi nila ako kilala. Sa likod ko pa nakita ang mga dating members. Gulat na gulat ang mga mukha nila. Pumalakpak ng tatlong beses si partner para makuha ang atensiyon ng lahat.
"Listen everyone! This is Black Phantom. She'll be the temporary leader of this gang," diretsong sabi ni partner. Umingay sa buong paligid. Maraming tumututol dahil hindi nila ako kilala. Ang mga dating members naman ay napapangiti lang sa nangyayari. Wala silang balak makialam dahil kilala nila ako. Lumingon ako sa isang nagsalita. Mukhang bago lang siya.
"We disagree. Hindi namin siya kilala. Hindi namin alam kung may kakayahan siyang mamuno at kung malakas ba siya," sabi ng isang lalaki. I grinned. Tumingin sa 'kin si partner. Ipinapaubaya na niya sa 'kin ang spotlight.
Seryosong tiningnan ko ang lalaki. "Try me," naghahamong sabi ko.
"It's settled. You can attack her if you want. Kayo na ang humusga kung karapat-dapat ba siya," sabi ni partner.
Umalis si partner sa gitna. Napalibutan ako ng mga bagong members. I have no choice. Talagang pinabayaan na ako ni partner. Nagsimula na silang sumugod. Nasa sampu ang unang sumugod sa akin. Hindi ko alam kung manonood lang talaga ang iba o susugod din pagkatapos ng sampung ito. Suntok sa sikmura at sipa sa mukha ang natamo nila mula sa akin. Do I really need to do this? May dalawang lalaki na sumugod sa 'kin hawak ang hunter knife nila. Hinawakan ko ang pulsuhan nila hanggang sa mabitawan nila ang hunter knife. I pressed the pressure points on their stomach. Namilipit sila sa sahig dahil sa sakit.
Naghanda nang sumugod ang iba. Nag-backhand spring ako palayo sa kanila. They're wasting my time. Humabol sila. Ang iba ay napatulog ko sa pamamagitan ng paghampas sa batok nila. Kontrolado ang mga galaw ko. I didn't overdo it. They will not die.
Napapunta ako sa corner kung saan may mga bat, paddle at katana. Ayaw ko sanang gumamit ng katana. Na-corner nila ako. I have no choice. Ang iba sa kanila ay may hawak na ring katana at bats. I get a katana without unsheathing it. Wala akong balak pumatay sa mga underlings namin.
Tumingin ako kay partner. Hindi siya kinakabahan sa mga maaaring mangyari. Hindi ko pa ginagamit ang katana. Suntok at sipa lang ang ibinigay ko sa kanila. Sunod-sunod na hampas naman ng katana ang ginawang atake ng isang lalaki. Sinasangga lang ng katana ko ang mga atake niya. Sa isang mabilis na galaw napalipad ko ang katana niya palayo. Binigyan ko siya nang malakas na suntok sa sikmura.
May nagtangkang umatake sa 'kin mula sa likuran. Siya na lang ang natitira. May hawak siyang katana. He's about to give me a downward slash pero nasanggahan ko ito ng katana ko. Mabuti na lang matibay ang lalagyan ng katana na gamit ko. Mabilis akong nakapunta sa likuran niya. Inalis ko na sa lalagyan ang katana. Nakatapat na ito ngayon sa leeg niya. Namutla ang lalaki sa takot. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Wala na bang susugod? Kung ganu'n wala na tayong dapat pag-usapan. I'll be the temporary leader of this gang and that's final," sabi ko. Tahimik lang lahat. Ibinalik ko sa lalagyan ang katana. Napaluhod ang lalaki sa sahig at hinihingal na humawak sa dibdib.
Naglakad ako palayo habang hawak pa rin ang katana. Muntik na akong madaplisan ng isang dagger sa mukha kung hindi ako nakaiwas agad. Lumingon ako sa paligid. Hinanap ko ang pangahas. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Mabilis akong kumilos. Nasangga ng katana ko ang atake niya. He's also holding a katana. Nasira ang lalagyan ng katana. Napangiti ako dahil kilala ko ang pangahas. He's a dear friend of mine.
"Finally! You're back," nakangiting sabi niya. He's Rex Alvarez. He lowered his katana. Inihagis niya ito sa sahig. I did the same.
"Hey Rex! Long time no see!" natutuwang bati ko sa kanya. Niyakap niya ako at binatukan pa. Napahimas ako sa ulo ko at nagreklamo.
"Kamusta, babe? Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na nasa Pilipinas ka na?" nagtatampong sabi niya.
"You know, I'm a busy person, babe," sagot ko. Baliw talaga siya. Kung ano-ano ang itinatawag sa'kin. Kumalas na ako sa pagkakayakap niya.
"Tama na yan. Marami pa tayong dapat idiscuss kay Black," sabi ni partner. Napakamot sa ulo si Rex. Madami ang nakipag-handshake sa 'kin para i-welcome ako. Natanggap na rin ako ng mga bago. Ang ilan sa mga underlings namin ay ginamot ng mga dating members. Pumasok kami nina partner sa isang meeting room matapos pauwiin ang mga underlings.
"How's life?" tanong ni Rex sa 'kin.
"Ayos naman. I'm pretending to be a nerd. Huwag kang magtaka kung makasalubong mo akong naka-nerd attire," sagot ko.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Mahabang kwento. Lee Gomez ang ginagamit ko pangalan ngayon. Huwag kang magkakamaling tawagin akong Monique Samonte, okay?" sabi ko. Tumango siya kahit halatang naguguluhan.
"San ka tumutuloy? Sa mansion ninyo?" tanong niya.
"No. Sa Samonte Empire Condo, 10th floor RM. 1003. Bisitahin mo lang ako kung gusto mo. Dala ka na rin ng foods," nang-aasar na sabi ko. I even winked at him. Ganito na kami mag-usap noon pa. Hindi pa ako nagbabago. Napailing siya pero napangiti.
"Sa susunod siguro," sabi niya. Napatingin kami kay partner.
"May nakuha akong information. Posibleng gamitin ni Spencer, ang leader ng shadows gang, ang nangyari sa pagitan ninyo ni Kira noon. Another tactic to be the representative," seryosong sabi ni partner. Napakunot-noo ako.
"Spencer? Parang narinig ko na 'yon? Saan nga ba?" biglang sabi ko. Nag-isip ako. Pilit kong inaalala. Tila may umilaw na bulb sa isip ko. Naalala ko ang mga lalaking nabangga ko sa Japan. Hinahanap din nila si Spencer.
"Saan?" takang tanong ni partner.
"May mga lalaking naghahanap sa kanya sa Japan. Mukhang may atraso si Spencer sa kanila. Anim na lalaki," sagot ko.
Saglit na nag-isip si Alexia. "Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero baka sina Kira ang tinutukoy mo. Sinaktan daw ng mga underlings ni Spencer ang underlings ni Kira. Halos lahat dinala sa ospital. Iniimbistigahan pa nina Flash ang nangyari. Galit na galit si Kira dahil doon," sabi ni Alexia.
"Ang alam ko nakausap na ni Flash si Spencer pero itinanggi nito ang bintang sa kanya. Hindi niya inutusan ang underlings niya na gawin 'yon. Pero hindi malabong pag-awayin ni Spencer ang Red Serpent at Dark Phantom. Mas madali siyang makakakuha ng tiyempo para itumba ang gang leaders ng dalawang gang kapag nagkagulo tayo,"sabi ni Rex.
Naguguluhan ako. Hindi ko kilala si Spencer. Iba ang leader ng Shadows Gang noon.
"Bago lang si Spencer. Natalo niya ang leader ng Shadows Gang kaya siya ang pumalit. Gustong iwasan ni Kuya Aldrin na maglaban ang Red Serpent at Dark Phantom. May hinahanap siyang tao na makakatulong sa sitwasyon ninyo ni Kira. Pero hindi niya binanggit kung sino," sabi ni partner.
"Mag-ingat ka muna Lee. Hindi pwedeng may makaalam na ikaw si Black Phantom. Tiyak na hindi ka titigilan ni Kira kapag nalaman niya," seryosong sabi ni Rex.
"Mahirap 'yan. May isa pang tao na nakakaalam na ikaw si Black Phantom. Hindi natin kakampi si Bloody Rose," seryosong sabi ni partner. Napakunot-noo ako.
"Bloody Rose?" takang tanong ko. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya.
"Si Bloody Rose, ang leader ng Blue Rose Gang. Si Red Phantom at siya ay iisa. We we're deceived. Nagpanggap lang siya noon para makasali sa gang natin," nagngingitngit na sabi ni partner. Nagulat ako at natakot. Paano kung sabihin niya kay Kira? Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam ang gagawin 'pag nagkataon.
"Tiyak na alam na ni Bloody Rose na bumalik ka na. Hindi natin siya hawak kaya wala tayong magagawa kung sabihin niya ang totoo kay Kira. Ipinagdadasal ko na lang na sana mapatawad ka na ni Kira," sabi pa ni partner.
Walang karapatan si Red Phantom na sabihin kay Kira ang totoo. Siya ang may kasalanan ng lahat. Pero maniniwala ba si Kira sa 'kin?
'That's not easy," malungkot na sabi ko.
"I know, pero alam kong kaya mo," sabi ni partner upang palakasin ang loob ko.
Napabuntong-hininga ako. Kung sino man ang hinahanap ni Kuya Aldrin, sana makatulong talaga siya.
***
Thursday
Bukas na ang basketball match. Nag-iimprove na sina Dhessa. Natuto na silang maglaro ng basketball kahit papa'no. Nasa canteen kami at kumakain. Lumapit sa table namin ang mga bulate chix.
"Start to pack your things now. Bukas sisiguraduhin namin na aalis na kayo sa university," nang-aasar na sabi ni Kyla. I smirked. Nag-aksaya pa talaga sila ng oras para sabihin 'yan.
"Scared?" natatawang tanong ni Tess. Walang nagsalita sa amin. Tinatamad akong makipag-usap sa kanila.
"Umurong na yata ang dila nila sa takot," sabi pa ni Helen. Whatever. Tuloy-tuloy lang kami sa pagkain. Nagulat ako nang itapon ni Helen ang pagkain ko. Naagaw namin ang pansin ng mga estudyante. Tumayo ako.
"Ang ayaw ko sa lahat, iniistorbo ang pagkain ko," inis na sabi ko sa kanya. Sinampal ko si Helen na ikinagulat niya. Gaganti sana si Helen nang may humawak sa kamay niya.
"Get lost now," malamig na sabi ni Kira. Knight in shining armor? Natakot ang mga bulate chix. Agad silang umalis at nag-sorry pa kay Kira.
"Thanks," sabi ko. Tumingin siya sa akin nang masama.
"Next time, avoid making a scene. Marami kang naiistorbo," inis na sabi niya. Ako pa talaga? Akala ko pa naman nagiging mabait na siya.
"Whatever," bulong ko. Umupo na ako. Bigla akong may naalala.
"Kira, every Sunday kita magiging slave. Meaning seven Sundays, gets? Wala ka naman sigurong balak maging slave sa loob ng campus?" I grinned.
"I have no choice." He frowned.
"Good. Bye my slave," nakangising sabi ko. I even waved at him.
"Don't call me your 'slave'," inis na sabi niya. Nag-isip ako saglit.
"Then bye, my pet?" I winked. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Ano kaya'ng pwedeng ipagawa sa kanya? Exciting. Kung pwede sanang utusan siya na patawarin na ako edi mas masaya sana.
"Did I hear it right? Slave mo si Kira for seven days, sister?" gulat na sabi ni Vic. Tumango ako. Alam ko na ang tumatakbo sa utak niya. Napailing ako.
"Bigyan mo naman ako ng isang Sunday, sister!" kinikilig na sabi ni Vic.
"Ang landi mo! No way," natatawang sabi ko.
"Ang swapang mo, sister!" nakangusong sabi niya. Tawa ako nang tawa kay Vic. Hindi pa ako nabusog. Tinatamad na akong bumili uli. Uminom na lang ako ng tubig.
"Ready na ba kayo bukas?" tanong ko. Tumango sina Camille kahit kinakabahan.
"Huwag ninyong masyadong isipin ang game bukas. Kami na ang bahala sa inyo," sabi ni partner.
"She's right. Matulog kayo nang maaga mamaya," sabi ko naman. Tumango ulit sila. Kinakabahan talaga sila. Sana makatulog sila mamaya.
"Don'tworry! Itsi-cheer ko kayo with bonggang pompoms and balloons! May kasama pangconfetti!" sabi ni Vic. Natawa kaming lahat sa kanya.
--------------------
XD
Next Chapter
BASKETBALL GAME
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com