Chapter 40: Kissing Death and Cure
THURSDAY
LEE's POV
Kagabi pa akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung nasabi na ni Venice kay Kira ang katotohanan. Hindi ko makontak si Venice. Out-of-reach ang cellphone niya. Sa tingin ko ay dead battery na ang phone niya.
Magkikita kami ni Kuya Aldrin ngayon upang ibigay sa kanya ang dalawang symbols na hawak ko. Hindi ako sigurado kung mapapangalagaan ko pa ang mga ito, lalo na't ang gulo na ng mga nangyayari sa'kin.
Sumakay ako sa kotse. Sa isang restaurant kami magkikita. Mabagal lang ang pagmamaneho ko dahil traffic. Napapasulyap ako sa side mirror dahil sa sobrang pagkainip. Malapit na ako sa restaurant na tutunguhin ko pero napakunot-noo na ako. Napansin ko kasi ang itim at magarang kotse na kanina pang nakabuntot sa kotse ko at lumiliko rin kung saan ako pumupunta.
Napilitan akong iliko sa ibang daan ang kotse ko kahit hindi ito ang daan patungo sa restaurant para makumpirma ang hinala. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ito sumunod sa'kin. Siguro, napa-paranoid lang ako?
Ibinaling ko ang sasakyan at tumuloy na sa restaurant. Maliit lang ang mga symbols na nasa bulsa ko. Natanaw ko si Kuya Aldrin na nakaupo na sa loob at walang pakialam sa mundo habang nagkakape. Hindi niya pinapansin ang mga babaeng nanghahaba na ang leeg na pasimpleng sumusulyap sa kanya. Tila malalim ang iniisip niya. Napailing ako nang umupo ako sa silyang kaharap niya.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" takang bungad ko sa kanya.
Saka lang siya natauhan at napalingon sa'kin. Kiming ngiti lang ang ibinigay niya sa'kin kasabay ng pag-iling. Lalo akong nagtaka sa inasal niya. May problema ba siya?
"May problema ba?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Natawa lang siya ng malakas at sinabing wala siyang problema. Weird. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Don't mind me. May naalala lang ako," natatawang wika niya at nakakatuwa dahil tila kumikislap ang mga mata niya. Huwag niyang sabihin na babae ang dahilan kung bakit siya nawawala sa sarili? Napangisi ako.
"Babae?" nakangising tanong ko sa kanya. Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. I knew it! Natawa ako ng malakas. May nakabihag na ba sa puso niya? Inis na nilingon niya ako at sinaway upang manahimik. Nagpigil ako ng tawa at napatakip sa bibig. Napailing siya.
"Ano pala ang mahalagang ibibigay mo sa'kin?" kunot-noong tanong niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkaayos na kami ni Venice. Ngayon ko pa lang sasabihin. Sumeryoso na ako. Saka ko na siya uusisain tungkol sa kinahuhumalingan niyang babae kapag maayos na ang lahat.
"Nagkaayos na kami ni Venice, Kuya Aldrin," nakangiting sabi ko. Nagsalubong ang mga kilay niya. Alam kong hindi madaling paniwalaan lahat ng naririnig niya.
"Paano?" takang tanong niya. Mariin niyang itinikom ang bibig para hindi na dugtungan ang sasabihin. Alam kong nagdududa siya.
"Nag-usap kami kahapon. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala na humingi siya ng tawad sa lahat ng nagawa niya sa'kin. Maging sa'yo ay humihingi rin siya ng tawad. She even gave me this," wika ko sabay kuha sa symbols na nasa bulsa ko at ipinakita sa kanya. Hindi makapaniwalang napatingin sa'kin si Kuya Aldrin.
"Woah! That's new! She really gave their own symbol? Hindi kaya may hidden agenda siya sa ginagawa?" nagdududa pa ring wika ni Kuya Aldrin. Pero alam ko na unti-unti na niyang pinaniniwalaan na sincere si Venice sa ginawa. Kinuha ko ang kamay ni Kuya Aldrin at ipinatong ang dalawang symbols doon.
"Nakausap na rin niya si Cindy at humingi rin siya ng tawad dito. Sinabi niya na kakausapin din niya si Kira, kahapon, para sabihin ang buong katotohanan," mahinang wika ko. Kinakabahan ako. Wala pa akong balita kay Venice.
Hindi agad nakapagsalita si Kuya Aldrin makalipas ang ilang minuto. Tila ina-absorb pa niya lahat ng mga sinabi ko. "Do you think she's alright?" nag-aalalang tanong ni Kuya Aldrin kapagkuwan. Malungkot akong napangiti at napailing. "Hindi ko alam," tangi kong nasagot.
Malalim na humugot ng hininga si Kuya Aldrin. Tila ang bigat-bigat ng dala-dala niya. "Do you think, we have to find her? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Knowing Kira, he can kill Venice, anytime," natatarantang suhestiyon niya.
"She's with Kevin. Kevin will protect her. Ikaw na ang magtago ng mga symbols. Sa tingin ko, hindi ko mapapangalagaan ang mga 'yan," pilit ang ngiting wika ko sa kanya.
"I told you to keep this. Hindi mahalaga sa'kin kung manalo o matalo ako sa larong ito," seryosong wika niya sa'kin.
"So, magpapatalo ka kay Spencer?" napapailing na tanong ko sa kanya. Hindi pwedeng maging representative si Spencer. He's evil and greedy of power. Natahimik si Kuya Aldrin at wala ng nagawa kundi ang sundin ako. Napangiti ako.
Tumayo na ako na ipinagtaka niya. "Hindi ka ba kakain muna?" tanong niya. Umiling ako sa kanya at nagpaalam na. Gusto kong makausap si Kira kaya ako nagmamadali na umalis.
Sumakay ako sa kotse at nagmaneho. Napakunot-noo ako nang muling makita ang itim na kotse kanina na nakasunod na naman sa likod ko. Natandaan ko ang plate number nito. Nagpasya akong umiba ng daan pero talagang sumusunod ito sa'kin. Mabilis na ang pagpapatakbo ko pero napasinghap ako nang tila nakipagkarera ito sa'kin.
Akala ko mag-oovertake ito pero sumabay ito sa bilis ng sasakyan ko. Kapantay ko na ito. One-way lang ang daan kaya wala itong nakakasalubong. Nasa highway kami. Nagulat na lang ako nang bumaba ang bintana nito. Si Kira ang lalaki at mabilis na sumulyap sa'kin. Ibinalik ko ang tingin sa daan, ganun din siya. Ano'ng kailangan niya sa'kin?
Ayaw kong umasa na makikipag-ayos na siya sa'kin. Hindi pa rin naman nagbabago ang tinging ipinupukol niya sa'kin. May galit pa rin sa mga mata niya. Sa tingin ko hindi pa sila nakakapag-usap ni Venice.
Sinenyasan ako ni Kira na sumunod sa kanya. Lumiko siya sa isang kanto. Hindi ko alam kung bakit tiwala siya na susunod ako sa kanya. Marahil naramdaman niya na gusto ko siyang kausapin.
Sumunod lang ako sa likod niya. Alam kong lumabas kami sa Maynila. Dumiretso kami sa isang mahabang parang. Walang masyadong tao sa malawak na lupain. Tumigil ang sasakyan ni Kira kaya napahinto na rin ako.
Nauna siyang bumaba at sumandal sa kotse. Nakatalikod siya sa sasakyan ko. Malalim akong humugot ng hininga at kinalma ang sarili. Dahan-dahang bumaba ako sa kotse. Hindi niya ako nililingon. Lalapit sana ako sa gilid ng sasakyan niya pero napalunok ko. Kinabahan ako dahil sa patalim na nilalaro niya sa isang kamay. Balak na ba niya akong patayin dito?
Pakiramdam ko may bikig sa lalamunan ko at hindi makapagsalita. Blanko ang ekspresyon na nilingon niya ako. Patuloy lang niyang nilalaro ang patalim sa kamay niya.
"Kira, let's talk," nag-aalinlangang wika ko.
"Yeah, I'm giving you the time to talk," malamig na wika niya. Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa malayo. Itinapon niya ang patalim pababa kaya bumaon ito sa lupa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ginawa niya. Hindi pa rin niya ako nililingon.
"Nag-usap na ba kayo ni Venice?" mahinang tanong ko sa kanya.
"No. Ano naman ang pag-uusapan namin?" nakakunot-noong baling niya sa'kin. Napakagat-labi ako. Hindi ko masabing kasalanan ni Venice ang lahat. Hindi ko siya masisi ngayon dahil tinanggap na niya ang pagkakamali niya.
"I'm afraid to tell you everything. The truth is really cruel than we thought. We're victims of lies, anger and revenge. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo," mahinang wika ko sa kanya. Namumuo ang luha ko sa mga mata pero pinilit kong magpatuloy. Tumingin ako sa kanya. "Si Cindy... she's still alive. Sana kapag nakita mo na siya, maging masaya ka na. Sana mawala na ang galit na matagal mong kinimkim sa puso mo. Sana matuto ka ng magpatawad," mahinang wika ko.
Wala akong lakas ng loob na tanungin kung sino ang pipiliin niya sa'min ni Cindy. Gusto ko sanang malaman kung wala na siyang nararamdaman para sa'kin pero alam kong ako lang ang masasaktan sa maririnig ko.
"Yes, I'll be happy," sarkastikong wika niya. "Ang ayaw ko sa lahat ay inaalisan ako ng karapatan sa katotohanan. I gave you the chance to speak but you didn't reveal the truth. So now, I think we'll stop here. We'll end everything here," mariing wika niya at tumalikod sa'kin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan pero nanatiling nakatayo at nakatalikod sa'kin.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa oras na ito. Ayaw kong unahan si Venice sa pagsasabi ng totoo. Mas magiging mahirap para kay Venice ang mapatawad ni Kira kung hindi siya ang aamin sa mga nagawa niya. Hinayaan ko na lang tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko. Kinagat ko ang labi para hindi kumawala ang hikbi.
"W-Wala na bang pag-asang bumalik ka sa'kin?" nahihirapang tanong ko. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Hindi ko maintindihan. Tila bumubulong lang siya sa hangin. Agad siyang pumasok sa sasakyan at umalis. Sobrang sakit. Gusto ko siyang habulin pero nanghihina ako! Hindi ko alam kung kaya ko pang ipaglaban siya.
KIRA's POV
"If you chase me... If you fight for me... If you promised to share every secrets and truths with me... I'll change my mind and never ever turn my back on you again. But now, I'll choose to leave you to figure out the truth and decide for myself," bulong ko. Alam kong hindi niya narinig ang sinabi ko. Agad akong pumasok sa sasakyan. Hindi ako bato para hindi masaktan. Malakas kong hinampas ang manibela. Fuck!
Buhay si Cindy. Gusto kong malaman mula sa kanya ang buong katotohanan. Nagmaneho ako pabalik sa Caiden University. Si Kent ang makakatulong sa'kin para i-locate si Cindy. Gusto ko ring malaman kung katulad pa rin ba ng dati ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong malaman kung sino ang mas matimbang sa puso ko ngayon.
Naglalakad na ako sa loob ng building. Napansin ko ang isang babaeng may mahabang buhok na tumitingin sa bulletin board habang naka-side view na umagaw sa atensiyon ko. Hindi ko maaaring makalimutan ang inosenteng mukha niya at ang kanyang tindig. Hindi ko maaaring makalimutan ang ekspresiyon ng mukha niya habang aliw na aliw na pinagmamasdan ang mga nakikita at nababasa sa walang kwentang bulletin board. She's always like that when we were still in highschool while waiting for me.
"C-Cindy..." mahinang banggit ko sa pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Masaya akong makitang buhay siya at maayos. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko para lapitan siya. Ni hindi ko na rin mapansin ang lahat ng mga taong nagsisidaan at nagtataka sa ikinikilos ko.
Napalingon si Cindy sa'kin at napaawang ang labi. "Kira?" nag-aalangang tawag niya sa'kin. Unti-unti akong ngumiti sa kanya nang may pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa muli naming pagkikita. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil hindi ko siya nailigtas noon. Tumakbo siya palapit sa'kin at niyakap ako na ikinabigla ko.
"I miss you, Kira! It's really you!" nanginginig ang boses na wika ni Cindy habang mahigpit akong yakap. Naririnig ko ang mahinang paghikbi niya.
"Who else do you expect me to be?" natatawang tanong ko sa kanya. I'm really glad to see her again, alive.
Tumingin siya sa'kin habang hilam pa sa luha ang mga mata. "I miss you, boyfriend!" she said then gave me a quick kiss on the lips. Natigilan ako sa ginawa niya at itinawag sa'kin. Pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon ngayon.
LEE's POV
I decided to follow him and run for him. Hindi ko pala kayang pakawalan siya nang hindi ipinapaliwanag ang panig ko. Hindi ko kaya! Pagka-park ko pa lang sa kotse ko sa University, agad akong tumakbo papasok sa building. Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Kira habang nakatayo sa hallway at may kayakap na babae. Alam kong si Cindy 'yon.
"I miss you, boyfriend!"
Narinig kong sabi ni Cindy sabay halik niya kay Kira. Fuck! Pakiramdam ko wala na akong karapatan kay Kira lalo na't ngumiti siya kay Cindy. Naiinis ako. Gusto kong lapitan at agawin si Kira. I wanted to cry because I'm helpless! Tumakbo ako palayo, palabas sa building dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. May nabangga pa ako pero wala akong pakialam at nagtuloy lang sa pagtakbo.
"Hey! Lee!" sigaw ng isang lalaki. Boses pa lang alam ko ng si Rex ang tumatawag sa'kin pero hindi ko siya nilingon. Agad akong sumakay sa kotse ko. Nagmaneho ako palabas sa University kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa masaganang pag-agos ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na tila hinihiwa ang puso ko.
Patuloy lang ako sa pag-iyak na halos hindi ko na makita ang daan. Madilim ang kalangitan. Tila gusto pang sumabay sa pagluluksa ko dahil nag-aamba na itong umulan. Ilang minuto pa, bumuhos ang malakas na ulan kaya lalo akong nahirapang maaninag ang daan. Itinigil ko sa isang tabi ang kotse ko.
Lumabas ako sa kotse. Pakiramdam ko, maaalis ng ulan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naglakad ako sa gilid ng kalsada. Walang makakahalata na umiiyak ako. Dinama ko ang bawat patak ng ulan na tumatama sa mukha at katawan ko. Ibinuhos ko lahat ng sakit sa pag-iyak. Ang nakakatawa pa, nakukuha ko pang punasan ang luha ko sa mga pisngi ko kahit alam ko namang humahalo lamang 'yon sa ulan.
Tila isa akong zombie na naglalakad sa gilid ng kalsada na walang pakialam sa paligid. Walang kabuhay-buhay ang bawat hakbang ko at nakatungo lang ako habang patuloy sa paghikbi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Tumigil ako sa paglalakad at napalingon sa isang maliit na park. Nagpasya akong tumawid ng kalsada. Nagulat na lang ako sa malakas na busina ng rumaragasang truck kaya napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng kalsada. Nanigas ako sa kinatatayuan. Alam kong kailangan kong gumalaw para iwasan ang kamatayan pero naiinis ako dahil kusang pumikit ang mga mata ko para tanggapin 'yon. It's as if I'm kissing and embracing death, willingly. Narinig ko ang malakas na pagpreno ng truck at ang malakas na sigaw ng isang lalaki.
Naramdaman ko na lang ang mga bisig na pumalibot sa katawan ko at ang biglang paggulong namin sa kalsada. Hindi kami nabangga pero alam kong nasaktan ang lalaking nagligtas sa'kin dahil sa kanya ako bumagsak.
Narinig ko ang malakas na sagitsit ng preno ng truck sa gitna ng kalsada. Napaluha na naman ako. Agad akong inalalayang makatayo ng tagapaligtas ko at galit na hinila ako sa gilid ng kalsada. Narinig ko pa ang malakas na pagmumura ng driver sa direksiyon namin.
Dahil sa inis ng kasama ko, sinigawan din niya ang driver. "Will you shut the fuck up? You almost killed her! Damn! I'm gonna put you in jail!"
"R-Rex... Stop it!" nanghihinang awat ko sa kanya. "Kasalanan ko..."
Narinig ko ang pag-andar ng truck at pagharurot paalis. Halatang inis ang driver sa nangyari. Napayuko ako.
"Damn, Lee! You almost gave me a heartattack! Will you stop doing that again? Kung magpapakamatay ka, wag sa harap ko! Damn! Alam kong nasasaktan ka, pero sapat na ba 'yon para itapon mo ang buhay mo? You're so stupid! Bumalik ka na nga sa dati!" frustrated na sigaw ni Rex sa'kin.
Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Alam kong katangahan ang ginawa ko pero masisisi ba niya ako? Ang sakit-sakit na! Hinila ako ni Rex sa kung saan kaya nagpahinuhod ako. Saka ko lang napansin ang sasakyan niya sa 'di kalayuan. Hindi na ako nakatutol nang papasukin niya ako sa loob. Mabilis siyang nagmaneho na tila hinahabol si Kamatayan. Dinala niya ako sa unit niya kahit pareho kaming basang-basa.
Hinila niya ako papasok sa banyo na ikinagulat ko. Itinapat niya ako sa shower at binuksan iyon. Pareho kaming nababasa. Napaurong ako nang lumapit siya sa'kin. Itinuon niya ang dalawang kamay sa dingding sa magkabilang gilid ng ulo ko. I'm trapped. Inis siyang nakatingin sa'kin.
"Idiot!" mariing bulong niya. Tumulo na naman ang luha ko.
"I'm sorry..." mahinang wika ko. Nagulat ako nang hilahin niya ako para yakapin. Hindi ako nakapalag habang nasa pagitan ng dibdib namin ang mga kamay ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Mabigat din ang paghinga niya.
"Huwag mo akong pakabahin ng ganun. Ako ang nasasaktan sa ginagawa mo," bulong niya sa'kin. Napapikit ako. Wala akong sinabi. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon.
"I'm sorry..." narinig kong bulong niya. Kumalas siya sa'kin. "Maligo ka na. I'll buy you clothes," paalam niya at isinara ang pinto ng banyo. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kabahan sa ginawa niya. Sinunod ko siya. Pinilit kong gumalaw kahit hinang-hina na ako. Nagbihis ako gamit ang binili niyang mga damit. Nakapagpalit na rin si Rex.
Hinila niya ako paupo sa sofa at ginamot ang galos ko sa braso. Pero siya dapat ang gamutin dahil mas malaking galos ang natamo niya sa katawan.
"Ano'ng balak mo ngayon?" basag ni Rex sa katahimikan.
"Aalis ako ng bansa. It's the best way to escape the pain and everything," mahinang tugon ko sa kanya.
Napailing siya. "Coward," bulong niya.
Napangiti ako ng mapait. Buo na ang pasya ko. Aalis ako ng bansa para makalimot.
"Hey, si Kuya Aldrin, huwag mong pabayaan sa game," habilin ko kay Rex.
Seryosong tiningnan niya ako at napailing. "Hindi na magbabago ang isip mo?" kunot-noong tanong ni Rex. Ngumiti ako sa kanya. Hindi na talaga mababago ang desisyon ko. Hinila ako ni Rex upang yakapin at hindi ako nakatutol.
"If only I can replace him in your heart, I will. But I know, you will not let me," he chuckled bitterly. "Hindi kita pipigilan. Malaki ka na pero tandaan mo na hindi masamang tumingin sa kaliwa't kanan kung tatawid ka," he smirked.
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung iniinis niya ako o pinapagaan ang loob ko. Well, I will never forget his kindness. He's really a good friend. Sa pag-alis ko sana maging masaya na lahat kahit alam kong hindi ako kasama sa mga sasaya. Alam ko na para lang sa duwag ang ginagawa kong pagtakas at pagtakbo but I have to move on. I have to move forward without Kira... without the man I love.
-----------------------------------
I'LL BE POSTING THE EPILOGUE SOON ;)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com