Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Baketball Game

KIRA


Friday.


Umupo kami sa pinakalikod ng bleachers. Hindi ganu'n karami ang nanonood. Tumingin ako kina Alexia. Napansin kong wala pa si nerd. Nag-aalala na ang mga kasama niya. Tumingin ako sa relo ko. 9:58 na. Alas diyes ang laro. Male-late pa yata siya. Kapag hindi siya dumating baka ma-default na sila.


"Huwag kang mag-alala, pare! Darating si Lee," pang-aasar ni Justin. Tinapik pa niya ang balikat ko. Loko talaga. Alam kong darating talaga si Nerd. Hindi siya ang tipo ng babae na tumatakbo sa laban. Ako nga, hindi inurungan. Ito pa kayang mga babaeng 'to? Hindi siya mahilig magpatalo pero parang kinakabahan ako ngayon. Pero bakit ako kakabahan? Gusto ko na nga siyang mawala sa landas ko.


Napalingon ako sa babaeng nagmamadaling tumakbo papunta kina Alexia. Muntik ko nang hindi makilala si Nerd dahil nakalugay ang mahaba niyang buhok. Sakto lang ang dating niya. Nakahinga ako nang maluwag. Bakit ba ako nag-aalala? Wala dapat akong pakialam kung hindi siya dumating ngayon.


LEE


9:30 am na ako nagising! Dali-dali akong naligo at nagbihis. Male-late ako! Isinuot ko na ang black Jersey na ipinatahi pa namin. Hindi ko na nai-braid ang buhok ko. Hinayaan ko na itong nakalugay. Hindi ako makakapaglaro nang maayos nito. Nag-motorbike ako papunta sa school para makaiwas sa traffic. Kinuha ko pa 'to sa sekretong bodega ng condo. Mabuti na lang hindi naisipang kunin ni Kuya Aldrin ang motorbike ko. Iniwan niya ang susi sa 'kin. Binilisan ko ang pagpapatakbo sa motorbike. Hindi ako pwedeng ma-late kundi katapusan na namin. At kasalanan ko 'pag nagkataon. Agad akong tumakbo sa gym. Nakita ko agad sina partner pagpasok ko. Mukhang pinakaba ko sila. Hinihingal na lumapit ako sa kanila.


"Sorry nalate ako," I said with a peace sign.


"No, sakto lang. Pero tinakot mo kami, partner," nakasimangot na sabi ni partner.


"Oh! Nandito na pala si Nerd. Akala ko nagtago ka na dahil sa takot," nang-aasar na sabi ni Tess. Lumingon ako sa kanila. Tumatawa sila. Humalukipkip ako.


"Don't worry. Hindi ako umaatras sa anumang laban. Even if it may cause me to die," nakangising sabi ko.


"Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo," inis na sabi ni Tess. Inirapan niya ako bago pumunta sa bench nila. I smirked.


"May extra ba kayong pang-ponytail? Pahiram naman," sabi ko. Bakit ba kasi nakalimutan ko? Umiling sila. Napakamot ako sa ulo. Mahirap maglaro kapag nakalugay ang buhok. Hindi ako sanay.


"Vic, ibili mo naman ako sa labas ng pang-ponytail. Hindi kasi ako makakapaglaro nang maayos. Magpapa-time out ako kapag bumalik ka," nagmamakaawang sabi ko. Wala akong mautusan na iba. Siya lang talaga.


"Ano pa nga ba?" maarteng sabi ni Vic. Umalis na siya. Inayos ko ang eyeglasses ko. Pakiramdam ko magiging sagabal ito. Hindi ako sanay maglaro na may suot na eyeglasses. Pagpasok namin sa court, nagulat kami dahil hindi maglalaro ang dalawang bulate chix. Mga varsity player ang kalaban namin. Ang basketball team nina Tess. Malaking problema ito. Natatakot na sina Camille at Dhessa. Magaling maglaro si Rose kaya parang wala lang sa kanya. Nagsisimula na nga siyang mag-stretching. Kami naman ni partner, cool lang. Wala kaming pakialam kung varsity players sila o NBA pa. Basta sisiguraduhin naming mananalo kami.


Magsisimula na ang laro. Si Alexia ang pumwesto para sa Jump Ball. Matangkad ang kaharap niya. Mas matangkad kay Alexia. May tiwala ako kay partner kaya ayos lang. Pumito ang referee bago niya ihinagis ang bola. Naalerto ako. Tamang-tama ang timing ng talon ni partner. Natapik niya ang bola papunta sa akin. Nasalo ko ang bola. Way to go, partner!


Sinimulan ko nang mag-dribble papunta sa left ring ng court. Napatigil ako sa pagtakbo dahil humarang si Tess. Patuloy lang ako sa pagdi-dribble. Tiningnan ko kung kanino ko pwedeng ipasa ang bola. Nakita ko si partner pero pinalo ni Tess ang kamay kong nagdi-dribble ng bola. Foul 'yon ah! Naagaw niya ang bola mula sa akin.


Tumingin ako sa referee pero hindi siya nagrereact. Parang wala siyang nakita. Don't tell me, luto ang laban na ito? Kaya pala mukha silang nasunog. I gritted my teeth. Kailangan naming mag-ingat. Hinabol ko si Tess. Hindi rin kasi makapagbantay nang maayos sina Camille at Dhessa. Walang patutunguhan kung makikipag-away ako sa referee. Bago ako pa ang mabigyan ng warning.


Kami na lang nina Rose ang may kakayanang pumigil sa kanila. Humarang si Alexia kay Tess. Hinarap ko naman ang binabantayan niya kanina. Man-to-man defense ang ginagawa namin ngayon. Sinubukang agawin ni Alexia ang bola kay Tess pero tinawagan siya ng foul ng referee.


"Foul! Number 11! Hand Check!" sigaw ng referee.


Whew! Ano'ng hand check? Subukan niyo kayang i-check ang kamay ni Tess?


"Hoy, Mr. Referee! Ano'ng foul du'n, ha? Malabo na ba ang mga mata mo? Gusto mo ng salamin? Ibibili kita ng isang dosena!" inis na sabi ni Alexia. This is trouble. Lumapit pa siya sa referee. Pinigilan ko agad siya. Baka ma-disqualify pa kami.


"Hayaan mo na lang, partner," bulong ko nang mailayo ko siya sa referee.


"Ang daya kasi eh!" reklamo ni Alexia. Nakasimangot na siya. Umiinit na ang ulo niya.


"Bumalik na kayo sa posisyon ninyo kung ayaw ninyong mabigyan ulit ng penalty," paalala ng referee. Shit! Umiinit na rin yata ang ulo ko. I want to raise my middle finger but I stopped myself. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Bumalik kami sa position namin.


"Ingat na lang tayo, partner. Wala tayong pang-substitute eh," paalala ko. Hindi siya umimik. Alam kong galit siya.


"Cool lang, okay?" paalala ko.


"Okay," nakasimangot na sagot niya.


"Red ball," sabi ng referee. Red ang jersey nina Tess. Sa kanila ang bola. Sumeryoso ako. Wala akong balak magpatalo.


KIRA


"Foul 'yon, ah!" sabi ni Justin


Nakita namin kung paano hinampas ni Tess ang kamay ni nerd para maagaw ang bola. Kumunot ang noo ko. Hindi pinansin ng referee ang nangyari. Gusto sanang makialam nina Vince pero pinigilan ko sila. Sinabi kong manood lang sila. Nagulat kami nang tawagan si Alexia ng foul. What the hell is happening here? Binayaran ba ng kabilang team ang referee? Halatang luto ang laban.


"Ang daya," reklamo ni Enanz.


"Kira, wala ka bang gagawin?" takang tanong ni Kent.


"Wala tayong gagawin kundi ang manood," sagot ko.


Napansin kong umiinit na ang ulo nina nerd. Unang naka-score ang Red Team. Natatambakan na sina nerd. Nakaka-score sila pero nahihirapan silang gumalaw. Tinatawagan sila ng foul ng referee kahit wala namang mali sa laro nila. Kapag may ginagawang mali ang red team, hindi naman ito pinapansin ng referee. Wala silang pag-asang manalo.


Ang score na ngayon ay 23-10. Ano'ng gagawin ninyo ngayon black team?


LEE


Nahihirapan akong maglaro dahil sa salamin ko. Nakalugay pa rin ang buhok ko. Pinagpapawisan at hinihingal na rin ako. Hawak na ni Tess ang bola. Binantayan ko siya. Bumwelo siya. Dire-diretso siyang tumakbo habang nagdi-dribble at binangga ako. Tumalsik ako at napaupo sa sahig. Damn! Sinadya niya akong banggain. Tumalsik ang salamin ko palayo. Tinapakan pa ito ng ka-team niya. Nadurog ito. Tawa sila ng tawa. Bitch! Nai-shoot ni Tess ang bola.


25-10 ang score. Tinulungan ako ni Rose na tumayo. Nagulat pa siya nang makita ang mukha ko. Maganda kasi talaga ako.


"Kaya mo pa bang maglaro kahit walang salamin?" nag-aalalang tanong ni Rose.


"Yes, I can manage," I smiled. Magsisisi sila sa pagsira sa salamin ko. Luminaw tuloy ang mga mata ko.


"Sigurado ka? Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo. Okay lang sa amin na umalis dito sa University," sabi pa ni Rose.


"Walang aalis dahil tayo ang mananalo. Don't worry," seryosong sabi ko. Humingi ako ng time out. Mabuti pumayag ang diode na referee. Bakit diode? Dahil kailangan niya ng biasing para gumana. He's biased and he can die now.


Dumating na si Vic. Nilinis ng janitor ang salamin ko. Ang mahal pa naman nu'n. Sayang! Napansin kong napatunganga sina Vic sa itsura ko.


"Baka matunaw ako," biro ko sa kanila.


"Hindi mo naman kasi nabanggit na may itinatago kang ganda, sister! Mana ka talaga sa akin!" maarteng sabi ni Vic. Natawa ako. Nag-ponytail ako at uminom ng tubig. Napansin ko na papalapit si Kira sa referee. Shit! Tumakbo ako papunta sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin niya.


KIRA


Hindi ko na natiis ang ginagawa ng red team. Tumayo ako. Lalapitan ko ang referee at tatanggalin sa trabaho.


"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Vince.


"I will just tell the referee to get lost," sagot ko.


"Hindi mo rin natiis si Lee, 'no?" nang-aasar na sabi ni Justin.


"Ayaw ko lang ng madadaya. Varsity player din tayo. Kasama tayo sa ipinahihiya nila," inis na sabi ko.


"Ngayon ko lang napansin na maganda pala si Lee," sabi ni Enanz kaya napalingon ako sa kanya. Tiningnan ko si Lee pero hindi ko nakita ang mukha niya. Umupo na kasi siya sa bench.


"Oo nga, pare! Pwede nang ligawan," sabi naman ni Justin. Tiningnan ko siya nang masama. Tumawa siya.


"Joke lang pare! Hindi naman kita aagawan! Sayong-sayo na siya," nakangising sabi ni Justin. I frowned. Wala talaga siyang magawa sa buhay niya. Bumaba na ako. Palapit na ako sa referee nang may humawak sa braso ko.


"Wait, Kira! Ano'ng gagawin mo?" kunot-noong tanong ni nerd. Humarap ako sa kanya. Natameme ako. She's beautiful. She smiled. Tila nabasa niya ang iniisip ko.


"This is enough. Hindi kayo mananalo kung hindi patas ang laban. He must be replaced," seryosong sagot ko.


"Hindi mo na siya kailangang palitan. But I have a favor to ask you," nakangiting sabi niya.


"What is it?" kunot-noong tanong ko. Nakakaenganyo ang ngiti niya.


"Kausapin mo ang referee na maging fair sa game. Mahihirapan kaming manalo kung lagi kaming tatawagan ng foul. Huwag mo na siyang palitan," sagot niya. Alam kong hindi ko siya matatanggihan. Umiwas ako ng tingin. Nakakainis isipin na mabilis niya akong mapapasunod sa hinihiling niya.


"Fine," sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya. Lalapitan ko na sana ang referee ng magsalita si Nerd. "Uhmm.. Kira! Thanks. Huwag mong masyadong takutin ang referee ha?" Pigil ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya nilingon. Baka mapansin niya ang ngiting sinusupil ko. I raise my right hand and wave like I was dismissing her. Nilapitan ko ang referee. Hindi ako nahirapang kausapin siya. Takot lang niya kapag pumalag pa siya. Bumalik ako kina Vince at nanood ng laro.


LEE


Nakausap na ni Kira ang referee. Hindi na kami mahihirapan. Huling set na ito. Dalawang set lang ang napagkasunduan namin. Tig-labinlimang minuto.


"All right, girls. Fifteen points ang lamang ng kalaban. Meaning anim na three-point shot lang, panalo na tayo. Pero kailangang hindi sila maka-score. Huwag kayong matakot, hindi na tayo mapa-foul ngayon," sabi ko. Tumango sila.


"Camille and Dhessa, ipasa niyo sa 'ming tatlo nina Rose ang bola. Kami na ang bahala sa shooting," sabi ni partner.


"Goodluck, girls! Fighting!" sigaw ni Vic. Natawa kami. Pumasok na kami sa loob ng court. Ako na ang may hawak ng bola. Walang nagbabantay sa akin. Hinihintay ako nina Tess sa ilalim ng basket. Ano'ng tingin nila sa akin? Hindi marunong ng long-distance shot? O akala nila malabo na talaga ang mata ko? Hindi ko sinusubukang mag-three-point shot kanina dahil sa salamin ko. Iba na ang sitwasyon ngayon.


Nag-dribble ako at tumakbo sa gitna ng court. Tumigil ako pero nagdi-dribble pa rin. Bumwelo ako at ihinagis ko nang malakas ang bola papunta sa ring. Hindi na ako nag-abalang tumalon. Wala naman kasing bantay. Tumama ang bola sa board at umikot sa gilid ng ring bago nag-shoot. Yes! Three-points agad. Napanganga ang mga tao sa loob ng gym pati sina Tess. Lumapit si partner at nag-appear kami.


"Nice one, partner!" nakangiting sabi ni Alexia.


"They'll regret messing with us. Partner, it's showtime!" I grinned.


"I think so, too. We don't need to hold back, right?" she asked. Tumango ako. Naka-recover na sina Tess sa pagkagulat. Tumatakbo na siya papunta sa amin habang nagdi-dribble ng bola. Mainit ang ulo niya. Isu-shoot sana niya ang bola pero na-block ko naman. Nakuha ni Alexia ang bola. Tumakbo siya papunta sa ring. Walang nagbabantay sa kanya. Pumwesto siya sa three-point shot lane at tumira. Shoot! Nice. Hindi na namin hahayaang maka-score ang kalaban.


KIRA


Nagulat ako sa ginawa ni Nerd. Magaling pala siyang mag-basketball. Ang nakapagtataka, wala na siyang salamin pero nakashoot pa siya. Malabo ba talaga ang mga mata niya?


"Wow! Ang galing ni Lee!" sabi ni Justin. Kanina ko pa napapansin na lagi niyang pinupuri si nerd. Ang ganda daw ni nerd. Sexy. Magaling maglaro ng basketball. Napailing ako at itinuon ang pansin sa game. Sinisimulan na nilang bumawi ngayon.


25-16 na ang score. Mahahabol na nila ang red team.


"Galingan mo, Alexia!" sigaw ni Vince. Napailing ako. Hindi na talaga siya nakapagpigil. Nagtawanan naman sina Kevin. Nasa red team ang bola ngayon. Nag-attempt mag-three-point shot si Number 09 pero sumablay. Nakaabang na sina nerd sa ring para sa rebound. Nakuha ni Nerd ang bola at agad na ipinasa kay Alexia. Ang galing ng coordination ng dalawa. Parehas silang tumakbo papunta sa ring. May tatlong nagbantay kay Alexia. Pero naipasa niya kay Nerd ang bola. Walang nagbabantay kay nerd. Tumira ulit siya ng three-point shot. Naipasok niya ang bola. Nice! Asar na asar na ang mga kalaban nila. 25-19. Pagod na ang red team dahil sa kahahabol sa black team.


LEE


Tiningnan ko nang nakakaloko si Alexia dahil sa pag-cheer sa kanya ni Vince. Napansin kong namula ang mukha niya. Napailing siya sa tingin ko.


"May hindi ka yata sinasabi sa akin?" nakangising tanong ko.


"Saka ka na chumika kapag tapos na ang match," nakasimangot na sabi niya. Natawa ako. Naalerto kami nang magsimulang sumugod sina Tess. Halatang galit. Dire-diretso lang si Tess papunta sa 'kin. Binangga ako ni Tess. Hindi ako natinag. Ngumisi ako kay Tess. Pinituhan siya ng referee.


"Intentional Foul! Red number 04!" sigaw ng referee. Napangisi ako. Nagulat si Tess dahil tinawagan siya ng foul ng referee.


"What the hell are you doing?" galit na sigaw ni Tess sa referee. Hindi siya pinansin ng referee. Buti nga!


"Two free throws, black Number 08!" sabi ng referee. Pumuwesto na ako para sa free throw. Nai-shoot ko ng walang kahirap-hirap ang dalawang free throw. 25-21. Umuusok na ang ilong ni Tess. Sa red team ang bola. Nag-attempt si number 12 na mag-shoot pero na-block siya ni Rose. Wow! Nice.


Nakuha ni Camille ang bola. Ipinasa niya kay Dhessa. Ipinasa naman ni Dhessa ang bola sa 'kin. Hindi naman sila takot humawak ng bola? Tumakbo kami papunta sa ring. Nakapuwesto sina Rose at Alexia sa magkabilang gilid ng three-point shot lane. May nagbantay sa 'kin at kay Alexia. Rose is free. Ipinasa ko kay Rose ang bola. Nasambot niya ang bola. Tumalon siya ng mataas bago tumira. Naipasok niya! 25-24.


Isang tira na lang, mananalo na kami. Two minutes na lang ang nalalabi. Sa red team ang bola. Pinagpapasa-pasahan nila ang bola. Balak nilang ubusin ang oras. Shit! Ipinasa kay Tess ang bola. Ako ang nagbabantay sa kanya. Nang subukan niyang i-dribble ang bola, naagaw ko ito. Tumakbo na ako sa papunta sa ring. Humabol siya sa 'kin pero hindi niya ako naabutan. Fifteen seconds na lang ang natitira. Tumigil ako sa gitna ng court at tumalon nang mataas. No choice! Sana pumasok! Cross-fingers! Napapikit ako ng ihagis ko ang bola.


10

9

8


Na-out-of-balance ako kaya natumba ako sa sahig. Hindi ko na pinansin ang paa ko. Mas kinakabahan ako kung papasok ba ang bola o hindi. Dito nakasalalay ang lahat.


7

6

5

4


Umikot ang bola sa gilid ng ring ng basket. Shit! Pumasok ka!


3

2

1


Nag-shoot ang bola bago tumunog ang buzzer. 25-27. Napangiti ako. We won! Bigla akong napangiwi dahil ngayon ko lang naramdaman na masakit ang paa ko. Hinimas ko ang paa ko. Nagkaroon yata ako ng sprain. Pero hindi naman siguro ganoon kalala. Parang may naipit lang na ugat.


"Lee, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alexia.


"Dadalhin ka na ba namin sa ospital?" nagpa-panic na tanong ni Vic.


"Ang OA mo baklush!" sabi ni Rose sabay batok kay Vic. Natawa ako sa kanila.


"Ayos lang ako. May naipit lang na ugat pero kaya ko namang tumayo," sabi ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya kaya napaupo ulit ako. Naramdaman kong may biglang bumuhat sa akin.


"Hey!" gulat na sigaw ko. Tiningnan ko kung sino ang pangahas.


"K-kira?" nautal na tanong ko. Narinig kong umingay ang paligid. Maraming tumitili pero ang pinakamalakas sa lahat ay ang kay Vic. Ramdam kong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas gwapo siya sa malapitan. Naglalakad na siya palabas sa gym.


"Ibaba mo na ako," sabi ko nang matauhan. Sinubukan kong pumalag pero hindi siya natinag.

"Huwag kang malikot. Dadalhin na kita sa clinic," seryosong sabi niya.


"Ang OA mo! Hindi seryoso ang nangyari sa paa ko. May naipit lang siguro na ugat," sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa mukha niya. Parang nahihiya ako. Bakit ba kailangan pa niya akong buhatin? Sana kumuha na lang siya ng stretcher. Mas kumportable pa akong humiga doon.


"Mabuti na ang sigurado. Huwag ka nang magreklamo diyan. Lalo kang bumibigat," naiinis na sabi niya.


"Sino ba'ng may sabing buhatin mo ko?" I pouted.


"Ang pangit mo," pang-aasar niya.


"Maganda ako! Ikaw yata ang dapat magsalamin sa ating dalawa eh," inis na sabi ko. Umangat ang sulok ng labi niya pero hindi siya nagsalita.


"Uhmm Kira?" nag-aalangang tawag ko sa kanya.


"What?" tanong niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kanya. Pero sasabihin ko na rin.


"Ano... S-salamat, ha?" nag-aalinlangang sabi ko. Unti-unti siyang ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. He smiled?


"YOU SMILED!" gulat na sigaw ko sa kanya.


"Aray ko. Ang lakas ng boses mo," sabi niya. He scowled.


"Uy! Ngumiti ka! Ngumiti ka!" pang-aasar ko sa kanya. Kiniliti ko pa siya sa tagiliran.


"Tigilan mo ko nerd! Kung hindi ibabagsak kita," pagbabanta niya. Ngumuso ako.


"Opo slave! May date nga pala tayo sa Linggo, ha?" pang-aasar ko sa kanya.


"Mischievous nerd," bulong niya. Dinala niya ako sa clinic. Hinilot ng doctor ang paa ko tapos nawala na ang sakit. Pero parang gusto kong maisprain ulit. Nawili yata ako sa pagbuhat ni Kira. Ano kayang pwedeng gawin kay Kira sa Linggo? Excited na ako.


KIRA


Kaaalis lang namin sa clinic. Akala ko malala ang sprain niya. Hindi naman pala. Sana ipinatingin ko na lang kay Kevin. Kahit hindi siya kumukuha ng kurso sa medisina, may alam naman siya. Tinuruan kasi siya ng Dad niya.


"Saan ka na pupunta?" takang tanong ko kay nerd nang mag-iba siya ng daan.


"Uuwi na. Wala akong dalang uniform. As you can see, naka-jersey lang ako," pang-aasar niya. Maikli pa ang shorts niya. I don't want to admit but she's really sexy.


"Ihahatid na kita?" biglang alok ko sa kanya. Huli na nang ma-realize ko ang lumabas sa bibig ko. Ano ba ang nakain ko ngayon? Napansin ko na sobra siyang makangiti.


"Huwag na! Motorbike kasi ang dala ko. Saka hindi na ako papasok, tinatamad na ako. Sa linggo na ulit tayo magkikita, slave," pang-aasar niya. Motorbike? Marunong siya? Nagkibit-balikat ako.


"Ikaw ang bahala," sabi ko. Naghiwalay na kami ng daan. Ihinatid ko siya ng tingin. Nakita kong ibinigay sa kanya ni Alexia ang backpack niya. Umalis na si nerd. Bumalik ako sa Headquarters.


"Wow pare! Hindi ko akalaing bubuhatin mo si nerd hanggang Clinic!" pang-aasar ni Kevin. I sighed. Umupo ako sa black couch. Binuhat ko nga siya mula sa third floor hanggang dito noon. Kung alam lang ni Kevin.


"Pare! Nai-inlove ka na yaata kay Nerd," naiiling na sabi ni Enanz.


"Sayang! Balak ko pa namang ligawan," natatawang sabi ni Justin. Tiningnan ko sila nang masama.


"I'm just playing around, okay?" sabi ko. Sino'ng niloloko ko? Sarili ko?


"Weh! Ako pupusta na maiinlove si Kira kay Nerd, ten million! Kayo mga pare? Mai-inlove o hindi lang ang pagpipilian," nakangising sabi ni Vince.


"Mai-inlove! Twenty Million!" sabi ni Justin.


"Mai-inlove siya! Fifty Million!" natatawang sabi ni Enanz.


"Same here! Twenty five Million!" sabi ni Kent habang tumitipa sa keyboard niya.


"Mai-inlove din ang pusta ko! One hundred Million! Pero paano tayo mananalo kung pare-pareho ang pusta natin?" natatawang sabi ni Kevin.


"Si Kira ang magbibigay sa atin ng pera. Hindi ang ipupusta niya. 'Di ba, Kira?" nang-aasar na sabi ni Vince. Alam nilang hindi ang sasabihin ko kaya idinamay pa nila ako. Malamang na magde-deny ako!


"Huwag ninyo akong idamay sa kalokohan ninyo," naiinis na sabi ko.


"Nakita mo na, Kira? Hindi ka na sigurado sa nararamdaman mo kaya hindi mo masabing hindi," sabi ni Vince. Nagtawanan sila. Natahimik ako. Ganu'n ba talaga 'yon? Hindi na ba talaga ako sigurado?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com