Chapter 6: Date with my Slave?
LEE
Sunday
Itinext ko si Kira kagabi pero hindi siya nag-reply. I frowned. Patay siya sa 'kin kapag hindi siya sumipot ngayon. Sinabi kong sunduin niya ako ng alas diyes ng umaga. Naligo na ako dahil quarter to ten na. Balak kong paghintayin si Kira dahil hindi niya ako nireplayan. Bahala siya sa buhay niya kapag nag-text siya mamaya. Hindi rin ako magre-reply. Gantihan lang! Sinabi kong maghintay siya sa parking lot ng condo ko.
Inabot ako ng dalawampung minuto sa shower. Paglabas ko sa bathroom, may narinig akong nagdo-doorbell. Hindi ko pinansin. Baka kung sino lang 'yon. Hindi pa ako bihis. Naka-towel lang ako. Nagpahid ako ng lotion sa katawan. Kumunot ang noo ko dahil walang tigil ang tunog ng doorbell. Hindi naman siya halatang gigil sa doorbell ko? Naiinis na ako dahil sobrang ingay. Nakakasira ng araw.
Napilitan akong buksan ang pinto. Nawala sa isip ko na naka-towel lang ako. Pagbukas ko sa pinto. Sumigaw agad ako sa bwisit na nasa labas.
"Hoy! Hindi ka naman halatang gigil sa doorbell! Ano ba'ng proble—" Natigilan ako. "Kira?" gulat na tanong ko.
"You're too loud. Annoying," nakasimangot na sabi niya.
"Annoying mo yang mukha mo! Hindi mo ba alam na halos mabingi na ako sa loob dahil sa kado-doorbell mo?" asar na sabi ko sa kanya.
"At hindi mo ba alam na nakakainip maghintay sa'yo sa parking lot? Hindi ka ba marunong tumingin ng oras? Hindi ka pa sumasagot sa tawag ko." He's irritated. Hindi ko narinig ang tawag niya. Kung sakaling narinig ko, wala naman akong balak sagutin. Tumahimik ako. Lihim akong nagbunyi dahil naasar ko siya. Naalala ko na naka-towel lang ako. Biglang nag-init ang mukha ko. Bigla akong nahiya sa itsura ko!
Napansin kong sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko nakahubad na ako sa paningin niya. Tumingin siya sa akin. Wala akong balak ma-intimidate sa tingin niya.
"Satisfied, Kira?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.
"Better get back to your room and wear something decent. You're irritating," inis na sabi niya. Lokong unggoy 'to ah! Akala yata niya ginusto kong lumabas sa ganitong itsura! Dire-diretsong pumasok si Kira sa loob at umupo sa sofa. At home na at home ang mokong.
"Buti naman hindi ka nahihiya sa lagay na yan," nang-aasar na sabi ko nang maisara ko ang pinto.
"Magbihis ka na lang," bored na sabi niya.
"Inuutusan mo ako? Master mo kaya ako ngayon!" nakapamaywang na sabi ko.
"Kung wala kang balak magbihis, hindi na tayo makakaalis dito," nakangising sabi niya. Tiningnan niya ako nang nakakaloko. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Mauubusan yata ako ng hangin sa baga dahil sa kaba. May binabalak ba siyang masama? Nakaisip ako ng kaberdehan kaya agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto. Namumula ang mukha ko.
"Bilisan mong magbihis! Madali akong mainip!" sigaw ni Kira. Sumimangot ako.
"Manigas ka d'yan!" balik-sigaw ko sa kanya. Ang aga-aga, sinisira niya ang araw ko.
KIRA
Napangiti ako nang makapasok sa kwarto si nerd. Marunong din pala siyang matakot. Kung alam ko lang, dati ko pa sana itong ginawa. Nanghinayang na umupo ako sa sofa. Gusto ko sana siyang biruin kanina. She's daring and gorgeous.
Buti naisipan niyang tumakbo kundi wala na talaga akong balak umalis dito. Dito na lang kami. I grinned. I want to kiss her. Touch her. And... Hindi ko akalaing pagnanasaan ko ng ganito si Nerd. Wala na yata ako sa tamang pag-iisip. Lumabas na si Nerd. Naka-blouse siya at jeans. Napansin kong hindi siya naka-eyeglasses. Nakalugay din ang buhok niya.
"You forgot your eyeglasses?" takang tanong ko pero alam ko ng hindi malabo ang mata niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagsusuot ng ganu'n. Wala lang siguro siyang taste sa fashion.
"Hindi ko kailangan ng eyeglasses. Sa star city tayo pupunta," sagot niya. Nakangiti siya.
"What? Star City? Pambata lang 'yon!" reklamo ko.
"Pambata ka d'yan! Masaya kaya! Wala kang magagawa dahil slave kita. Sundin mo na lang ang master mo," nang-aasar na sabi niya.
"Dinaya mo lang ako," inis na sabi ko.
"Ano'ng madaya? Wala namang rules," nakangising sabi niya. I sighed in defeat. Wala na akong magagawa.
"Tara na nga!" Tumayo na ako.
"Aye! Aye! Captain!" Nang-aasar siya. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Nakakainis dahil parang natutuwa ako sa kanya? Something's really wrong with me. Sumabay siya sa akin sa paglalakad sa hallway.
"Ang tahimik mo yata?" takang tanong ni nerd.
"Matagal na akong tahimik. Maingay ka lang!" I frowned.
"You're mean," she pouted. She's cute. Hindi na 'ko nagsalita.
LEE
Grabe! Mapapanis ang laway ko sa byahe. Ginawa ko na ang lahat para may mapag-usapan kami pero yes, no, maybe lang ang isinasagot niya. Minsan hindi pa nagsasalita. Pinoy henyo ba, 'to? Nakasimangot na tuloy ako.
Mukhang hindi magiging maganda ang date namin. Date na talaga ang tawag ko. Assuming ako, eh. Nakarating na kami sa Star City. Yes! Na-miss ko 'to! Ang lapad ng ngiti ko. Excited na bumaba ako. Sumunod naman siya.
"Ikaw ang magbayad sa entrance fee. Ride all-you-can ang bilhin mong ticket. Pati ticket sa Snow World at Dino," sabi ko. Ang galing kong mag-utos. Mayaman naman siya kaya ayos lang. Hindi siya mamumulubi!
"Ikaw ang nagyaya tapos ako ang pabibilhin mo," reklamo niya. Halatang ayaw niya.
"Okay lang yan! Mayaman ka naman," natatawang sabi ko. Wala siyang naging reaksiyon. Maya-maya lang ay bumili na siya. Excited talaga ako kaya hinila ko na siya sa entrance pagkatapos niyang bumili ng ticket.
"So, ano'ng una nating sasakyan?" tanong ko sa kanya.
"Bahala ka. Ikaw ang nakaisip nito. Wala akong balak sumakay sa rides," supladong sabi niya.
"Ang KJ mo naman! Sayang ang ticket mo. If I know takot ka lang sa rides," nang-aasar na sabi ko. Kailangang mapilit ko siya. Hindi masaya kapag mag-isa lang. Magmumukha akong tanga.
"Hindi ako takot. Mga bata lang ang sumasakay diyan. Hindi ko alam na pati mga isip-bata pwede," sagot niya.
"Aba! Sino'ng isip-bata? Umalis ka na nga! You're ruining my perfect day! Tsupi, slave!" inis na sabi ko sa kanya. Nakakasira talaga ng araw ang lalaking ito. Bakit ba kasi siya ang niyaya ko?
"Aalis talaga ako," sagot niya. Naglakad nga siya palayo. Sobrang saya ng araw na ito! Grabe! Pero may naisip akong kalokohan. Tumalikod ako sa kanya. Bigla akong umiyak nang malakas.
"Waaah! Matapos nang nangyari sa atin, iiwan mo lang ako basta-basta! Manloloko ka!" sigaw ko para marinig niya. Tuloy-tuloy ako sa pag-iyak. Maraming tumingin sa direksiyon namin. Ramdam kong huminto sa paglalakad si Kira. Lalo kong itinodo ang pag-iyak ko.
"Matapos mo akong anakan! Aalis ka na lang basta-basta! Hindi ka na naawa sa baby natin, Kira!" sigaw ko pa. Lihim akong natatawa sa ginagawa ko.
Narinig kong may kumausap kay Kira. Gusto ko na talagang tumawa. Ang baliw ko talaga. Pasimple ko silang sinilip.
"Kawawa naman ang Misis mo, Mister. Ang ganda pa naman. Baka pwede niyo pang pag-usapan," sabi ni manong. Matanda na ito at kasama pa ang asawa. Napasimangot si Kira. Alam kong wala siyang balak sagutin ang matanda. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa 'kin.
"What the hell are you talking about? Ano'ng anak?" inis na tanong niya. Akala ko ayos na. Konting acting pa siguro ang kailangan ko.
"Waahh! Wala kang kwenta pati anak natin itinatanggi mo pa!" naiiyak na sigaw ko sa kanya. Madami na ang nagbubulungan.
"Mga kabataan nga naman, kapag nagkaproblema naghihiwalay agad. Hindi na naisip ang mararamdaman ng kanilang anak," sabi ng isang babae. Kasama rin niya ang asawa at anak. Family day nga pala ngayon.
"Oo nga honey. Mabuti't hindi natin naiisipang maghiwalay kahit nag-aaway tayo paminsan-minsan," sweet na sabi ng asawa niya. Gusto kong matawa sa ginagawa kong kalokohan. Nakukunsumi na si Kira. Buti nga sa kanya. And the Best Actress Award goes to Lee Gomez!
"You're enjoying this?" he hissed. Mahina akong tumawa.
"I think so, my slave," pang-aasar ko sa kanya. Bigla akong niyakap ni Kira. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Sorry na, babe! hindi na mauulit! Kawawa naman ang mga ANAK natin kapag naghiwalay tayo," nang-iinis na sabi niya. Loko-lokong Kira sumakay pa.
"Buti naman, natauhan ka na," nang-aasar na sabi ko.
"Oo. Kaya pag-uwi natin, pwede na nating sundan si Junior," he grinned evilly. He started nibbling my ear, playfully. Bigla akong kinabahan. Naitulak ko siya nang mahina. He laughed. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Let's go. Sakyan na natin ang gusto mong rides. Baka kung anu-ano pa ang magawa mong kwento," inis na sabi niya.
"Hanga ka na sa acting powers ko?" nang-aasar na tanong ko.
"Hanga ako sa galing mong gumawa ng kwento. Pwede ka ng maging writer," nang-iinis na sabi niya. Sumimangot ako. At least, napapayag ko na siya. Marami kaming nasakyan na rides. Sigaw lang ako ng sigaw. Inis na inis naman si Kira. Hindi ako sa rides nag-eenjoy kundi sa itsura niya. Ang sarap niyang pagtripan.
"Ang ingay mo," inis na sabi ni Kira.
"Sumigaw ka rin kaya kanina," natatawang paalala ko sa kanya.
"Dahil balak mo akong ihulog kanina sa Surf Dance at Wild River!" supladong sabi niya.
"Naka-poker face ka kasi kanina. Pero aminin! Nag-enjoy ka!" natatawang sabi ko.
"Asa ka!" tanggi niya. Hindi siya makatingin sa akin. In-denial pa. Halata naman na nag-enjoy siya. Napapansin ko nga na ngumingiti siya kanina. Gabi na kaya naisipan kong pumasok sa mga horror trails.
"Sa Kilabot ng Mummy naman tayo!" excited na sabi ko. Hinila ko na agad siya kahit hindi pa siya sumasagot. May binabalak akong kalokohan.
Nandito na kami sa Kilabot ng Mummy. Hindi ako natatakot pero nakakapit ako sa braso ni Kira. Nagpapanggap ako para mas masaya. Sumisigaw ako kapag may kumakalampag sa mga rehas. May mga baliw na mummy na bumabangga sa rehas. Nasa sila ng kulungan. Pinaglalakad ko sa gitna si Kira. May surprise ako sa kanya mamaya. Ang alam ko malapit na dito 'yon. Ayan na! May mummy na tumama sa mukha ni Kira. May mummy kasing biglang nagsu-swing sa gitna ng daan. Ito ang surprise ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad. Napahawak ako sa tiyan at malakas na tumawa. Asar na asar siya.
"Plano mo 'to, ano?" galit na sabi niya.
"Hindi ah! Ang bait ko kaya! Hindi ko alam na gusto mo palang makipaghalikan sa mummy!" nang-aasar na sabi ko sa kanya.
"Ah ganun!" inis na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. He pulled me towards him and kissed me aggresively. Nasa huli kami kaya wala pang tao sa loob. Hindi agad ako nakapag-react.
I can feel his tongue trying to enter my mouth. Napaungol ako. I opened my mouth slighly and kissed him back. Sinusundan ko lang kung paano gumalaw ang labi niya. Hindi ako marunong humalik ng ganito. May bumangga sa 'min kaya bigla siyang tumigil sa ginagawa. Ngayon ko lang napansin na marami na palang tao at sumisigaw sa loob. Next batch na siguro. Panira. Dapat pala ipinasara ko na ang entrance nito kanina. Nakangiti nang nakakaloko si Kira.
"Mas gusto kitang halikan kaysa sa mummy," bulong niya. Binigyan niya ako nang mabilis na halik sa labi bago niya ako hinila palabas. Hala! Nagbago na ba ang ihip ng hangin? Ano'ng nangyayari sa kanya? Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
KIRA
Kumain kami ni Nerd bago ko siya inihatid pauwi. Itinigil ko ang kotse sa parking lot ng condominium niya. Akmang bababa na siya pero pinigilan ko. Ayaw ko muna siyang pababain sa kotse.
"Why?" nautal na tanong niya. Halatang kinakabahan.
"Afraid?" I grinned.
"It's not the time to play around, slave," inis na sabi niya.
"I'm not playing around, nerd," sabi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. I wanted to kiss her.
"Hey!" naalertong sabi niya. Umurong siya pero cornered na siya kaya wala siyang magagawa.
"Goodnight, Nerd," nakangiting sabi ko. I kissed her in her cheeks. Natulala siya. I laughed. Gulat na gulat siya.
"You're insane Kira!" inis na sabi niya. Maybe, I am. Hindi siya makatingin sa akin. Nakakatawa ang itsura niya parang hiyang-hiya. I think, she's blushing. Pagti-tripan ko muna siya para makaganti sa ginawa niya kanina.
"Akala ko ba susundan na natin si junior? Or should I say, gagawa na tayo ng junior natin?" I grinned from ear to ear.
"Tumigil ka nga! Joke lang 'yong kanina," naiinis na sabi niya. Napangiti ako.
"Bumaba ka na. Baka dito pa natin magawa si junior," pang-aasar ko sa kanya.
"Whatever. Thanks for today," she said. Dali-dali siyang bumaba sa kotse ko at tumakbo papasok sa building. I laughed. Natakot yata? Napansin ko ang cellphone ko. Maraming missed call from Justin. Hindi ko na lang pinansin. I went home and rested. Napagod ako sa kakulitan ni nerd. But I have to admit that I enjoyed this day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com