Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Acting Like a Jealous Boyfriend?

This chapter is dedicated to jamaicabiancatunacao 

At gagawan ko to ng part 2 for shanamaechan..

Thanks for reading this :)

-----------------------------------------------------

LEE


Naglalakad ako sa University. Napansin kong may sumabay sa paglalakad ko. Akala ko mag-oovertake kaya hindi ko pinansin. Maya-maya, napansin kong hindi siya nag-oovertake. Pasimpleng tiningnan ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang kasabay ko.


"Tumingin ka sa daan. Baka madapa ka," he winked. It's Rex. Bakit siya nandito? Kumunot ang noo ko. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin.


"Nag-transfer na ako kaya huwag ka nang magtaka," he smiled.


"Talaga? Akala ko namamasyal ka lang," natatawang sabi ko.


"Ang adik mo talaga. Mukha ba akong namamasyal? Nakita mo namang naka-uniform ang tao," nakasimangot na sabi niya.


"Pasensiya na. Malabo lang ang mata," I grinned. Inayos ko pa ang eyeglasses ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tumango-tango pa ako. Inaasar ko siya.


"May eyeglasses na nga, malabo pa ang mata?" nang-aasar niyang ganti.


"Walang pakialamanan. Uso 'yon ngayon, eh," napangiting sabi ko. Pareho kaming natawa. Nagkukulitan kami habang naglalakad. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa amin. Inggit lang sila. Ang gwapo ng kasama ko.


"Saan pala ang room mo?" tanong ko.


"Room 312 ang nakalagay sa schedule ko," sagot niya.


"Sa third floor pa 'yon. Magkatabi lang tayo ng room. 311 naman ang sa 'kin," sabi ko.


"Hindi na pala ako mahihirapang hanapin ka," nakangiting sabi niya.


"Basta bawal akong tawaging Monique dito. Patay ka sa akin," paalala ko. Pinisil ko pa ang pisngi niya. Napangiwi siya. Natawa ako sa itsura niya. Napansin kong makakasalubong namin sina Kira. Ang aga-aga ang sama ng tingin niya sa akin. Hinila ko si Rex para tumabi sa daan. Balak pa yata niyang harangan ang daan nina Kira. Sobrang aga pa para gumawa ng gulo sa University.


Iritableng nilampasan kami ni Kira. Napatingin ako kay Rex. Mukhang gusto niyang patulan si Kira. Hinila ko siya papunta sa elevator. Baka magkagulo pa.


"Rex, bawal makipag-away. Kung ayaw mong mapatalsik dito," pagbabanta ko sa kanya. Ako ang headmistress. Kaya kong gawin 'yon.


"No choice. Malakas ka sakin, eh," sabi niya. Napailing ako nang kumindat pa siya. Baliw talaga.


"Mukhang may sakit ka na sa mata, ah!" pang-aasar ko sa kanya. Sumimangot siya.


"Ang pangit mo!" pang-aasar ko.


"Halikan kita diyan, eh," biglang sabi niya.


"Uy! Bawal 'yon! Hindi tayo talo, pare," natatawang sabi ko. Bumukas na ang elevator. Hinatid muna niya ako sa room ko bago siya pumunta sa room niya.


"Libre mo ko mamaya ng lunch dahil nagtransfer ka dito," pahabol ko bago siya umalis.


"Mukhang balak mong butasin ang bulsa ko, ah!" reklamo niya.


"Kailan ko kaya 'yan mabubutas? Baka kahit ilang taon mo akong ilibre hindi pa yan mabutas, eh," natatawang sabi ko.


"Oo na! Pumasok ka na," natatawang sabi niya. He patted my head. Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya. Nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya. He kissed me in my forehead. I frowned.


"Pasok ka na," sabi ni Rex. Kunot-noong sinunod ko siya. What's wrong with him? Namiss lang siguro niya ako? Umupo na ako. Wala pa ang professor. Humalumbaba ako at tumingin sa labas ng bintana. Biglang umingay sa loob ng classroom. Sumimangot ako. Ano na naman ang meron? Lumingon ako sa kanila para malaman ang nangyayari. Pumasok sa room sina Kira. Daig pa nila ang artista. Kailangang tilian? Himala na papasok sila sa klase. Magugunaw na ba ang mundo?


May vacant seat sa magkabilang tabi ko. Umupo roon si Kira. Masama ang tingin niya sa akin. What's his problem? Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa akong naghihingalo sa kinauupuan ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Tumingin ako sa labas.


"Bakit ang daming malalandi sa umaga, lalo na ngayon?" pasaring ni Kira. Ang aga-aga kung ano-ano ang inirereklamo ng mokong na ito. Biruin ko nga muna.


"Siguro dahil ang best time for love making ay 7:30 a.m. Kaya maraming malalandi sa umaga," nang-aasar na sabi ko.


"So, bago kayo pumasok, may ginawa muna kayo?" inis na tanong niya. Napakunot-noo ako.


"What are you talking about?" naguguluhang tanong ko.


"I'm talking about you and Rex," he hissed. Magkakilala pala sila? Teka! Kasama ba ako sa malalandi na binanggit niya?


"So, ako ang malanding tinutukoy mo?" inis na tanong ko.


"Hindi! Baka 'yong aso na nakita ko sa kanto kanina," nang-aasar na sabi niya.


"Pakialam mo ba sa ginawa namin? Gusto mo rin ba?" I grinned.


"Don't provoke me. Baka patulan kita," makahulugang sabi niya.


"Teka. Bakit kayo pumasok sa klase? Magugunaw na ba ang mundo?" pang-aasar ko.


"Hindi pa. Pero gugunawin ko na kapag nagsalita ka pa." He frowned. Ang sungit naman niya. Kahapon, ayos kami. Ngayon, hindi na ulit. Nasa likod namin sina Vince. Parang nagtatawanan sila sa likod. Problema nila?


Dumating si Alexia at tumabi sa tabi ko.


"Hoy, bruha! Bakit hindi kita makontak kahapon?" bulong niya sa 'kin. Kasama ko si Kira kaya hindi ko narinig ang tawag niya. Naka-silent ang phone ko na hindi ko napansin.


"Sorry, partner. May ginawa lang ako. Nakalimutan kong tingnan ang phone ko," apologetic na sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Ang hirap magsinungaling. Naghihinalang tumingin siya sa 'kin.


"Oo nga pala, Kira. Hindi rin kita makontak kahapon. Nasaan ka ba?" tanong ni Justin. Tumingin sa 'kin nang makahulugan si partner. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong may hinala na siya.


"Siguro, magkasama sila ni Lee. Pareho kasing hindi makontak!" pang-aasar ni Enanz.


"Hindi ah!" I denied.


"Oo, magkasama kami kahapon. Pakialam niyo ba?" nakasimangot na sabi ni Kira. Nanlaki ang mata ko sa pag-amin niya.Pinanlakihan ko ng mata si Kira upang sabihing huwag siyang maingay. Tinatakot ko siya gamit ang tingin. Hindi niya ako pinansin.


"Pumunta pa nga kami sa shtjdawr chihsjsty!" sabi niya. Agad kong tinakpan ang bibig niya para hindi niya maituloy ang sasabihin. Hinila ko siya palabas sa room. Ang ingay kasi niya. Balak pa akong ilaglag. Hinila ko siya sa isang sulok na hindi masyadong nadadaanan ng mga estudyante.


"Ano ba'ng problema mo?" nakasimangot na tanong ni Kira.


"Pwede bang huwag mo na lang sabihin sa kanila? Kalimutan na lang natin 'yon, please," nagmamakaawang sabi ko.


"Why? Ikinakahiya mo bang kasama ako?" kunot-noong tanong niya. What's wrong with him? Big deal ba kung hindi namin ipapaalam sa iba?


"Hindi naman sa ganun pero..." sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naghihintay ng sasabihin ko si Kira. Dapat kasi iniiwasan ko na siya pero iba naman ang ginagawa ko. Ayaw ko ring mamis-interpret nila yung paglabas namin kahapon.


"May problema ba Lee?" takang tanong ni Rex nang mapansin kami. Nakalapit na siya sa 'min. Tumingin ako sa kanya.


"Wala naman Rex. May pinag-uusapan lang kami ni Kira," nakangiwing sabi ko. Lalong sumama ang mukha ni Kira.


"Ganu'n ba? Akala ko may problema kaya sinundan ko kayo. Kita na lang tayo mamayang lunch, babe," paalam niya.


"Sure, babe," pilit ang ngiting sabi ko. Tumingin nang masama si Rex kay Kira bago umalis. Ganu'n din ang reaksiyon ni Kira. Ano'ng problema nila?


"Babe? Boyfriend mo? Ang pangit naman ng endearment ninyo," inis na sabi ni Kira.


"Friend ko siya. Ano naman sa 'yo kung boyfriend ko siya? Uy! Jelly siya!" nang-aasar na sabi ko. Napakunot-noo siya.


"Ano'ng jelly?" tanong niya.


"Jelly equals jealous! Nagseselos ka! Aminin!" pang-aasar ko. Gusto ko lang ibahin ang usapan. Sana makalimutan na niya ang pinag-uusapan namin kanina.


"Hindi ako nagseselos! Asa ka naman. Ang gwapo ko para magselos sa kanya?" inis na sabi niya.


"Defensive! You see, you're acting like a jealous boyfriend," natatawang sabi ko. Namumula na ang mukha niya at asar na asar na.


"In your dreams," he glared.


"Tara na nga sa room! Seloso ka pala, 'no?" natatawang sabi ko.


"Tigilan mo nga ako," inis na sabi niya. Kumapit ako sa braso niya pero inalis niya ang kamay ko. Sumimangot ako. Hinila ko na lang siya. Wala na siyang nagawa. Ngayon ko lang napansin na maraming nakatingin sa amin. Sige! Patayin ninyo ako sa tingin. I grinned.


KIRA


Lunch time. Nandito lang ako sa HQ. Ayaw kong pumunta sa canteen. Makikita ko lang si Nerd kasama si Rex. Baka maasar lang ako sa kanila.


"Hindi ba kayo magla-lunch, Vince at Kira?" kunot-noong tanong ni Kent.


"Tinatamad ako," sagot ko.


"Bakit?" takang tanong ni Kevin.


"Mukhang ayaw niyang makita si Lee na may kasamang ibang lalaki," pang-aasar ni Enanz. Napapikit ako. Isinandal ko ang ulo sa couch. Aasarin na naman ako ng mga lokong ito.


"Sinabi nang hindi ako nagseselos!" naiinis na sigaw ko. Nagtawanan sila. Ano ba naman ang lumalabas sa bibig ko?


"Aminin mo na kasi na nagseselos ka. Kanina nga gusto ko nang sirain ang mukha ng lalaking kausap ni Alexia, eh," asar na sabi ni Vince. Pinapatunog pa niya ang kamao. Bakit ba kami namomroblema sa babae? Madami namang nagkakandarapa para sa atensiyon namin.


"Kaya naman pala pagbalik mo sa room, hindi na maipinta ang mukha mo. Magpinsan nga kayo," sabi ni Enanz. Natatawa na lang ang iba.


"Hindi talaga ako nagseselos! Naaasar lang ako sa pagmumukha nila," nakasimangot na sabi ko. Sino ba kasi ang niloloko ko?


"Ang tahimik mo yata Justin. Ano ba ang ginagawa mo? Huwag mong sabihing porn na naman. Tanghaling tapat, yan ang inaatupag mo," pang-aasar ni Kent kay Justin. Tama siya. Ngayon lang tumahimik si Justin. Nakinig ako sa pinag-uusapan nila.


"Tumigil ka nga. Hindi ito porn. May in-add lang ako sa facebook," nahihiyang sagot ni Justin. Kumunot ang noo ko habang nakapikit. Kailan pa siya natutong mag-facebook?


"Facebook? Kailan ka pa natuto niyan?" nang-aasar na sabi ni Enanz.


"Kanina lang?" hindi siguradong sabi Justin "Ang dami na ngang nag-add sa 'kin," pagmamayabang niya. Tumingin ako sa kanya. Lumapit si Kent. Kumunot pa ang noo niya.


"Sino ang tinitingnan mo?" takang tanong ni Kent.


"Ang ex mo!" natatawang sabi ni Justin. Nagulat si Kent. Naagaw ang atensiyon ng lahat. May ex pala si Kent. Wala siyang naikwento sa 'min.


"Sinong ex?" interesadong tanong ni Enanz. Lumapit sina Vince, Kevin at Enanz. Tinakpan naman ni Kent ang picture.


"Wala. Umalis na nga kayo dito!" inis na sabi ni Kent.


"Patingin! Pasilip naman kay ex!" natatawang sabi ni Enanz.


"No!" sabi ni Kent.


"Guys, alam niyo na ang gagawin niyo kay Kent," natatawang sabi ni Kevin. Napailing ako. Pinagtulungan nila si Kent para mapaalis sa harap ng laptop ni Justin. Pinagpipiyestahan na nila ang larawan ng ex niya. Inis na inis si Kent.


"Wow, pare! Ang ganda pala ng ex mo," nang-aasar na sabi ni Enanz.


"Alin ba dito ang tinitingnan mo, Justin?" kunot-noong tanong ni Kevin.


"Si Brittney. Katabi ng ex ni Kent," sabi ni Justin.


"Saan mo siya nakilala?" seryosong tanong ni Kent.


"Sa bar. Kasama niya si Maurice kahapon," nahihiyang sagot ni Justin. Nagtaka ako sa ekspresiyon ng mukha ni Justin. Parang may itinatago.


"May nangyari ba sa inyo?" naghihinalang tanong ni Enanz. Nanlaki ang mga mata ni Enanz. Hindi sumagot si Justin. Namula ang mukha niya. Nagtawanan kami.


"Hindi na naman bago sayo 'yon pero bakit parang nahihiya ka ngayon!" nang-aasar na sabi ni Kevin.


"Iba ito! Hindi lang ito one-night-stand!" inis na sabi ni Justin.


"Napikot ka?" natatawang singit ni Vince.


"Hindi. Paggising ko kanina wala na siya sa tabi ko," nanghihinayang na sabi ni Justin. Nagtawanan kaming lahat. Bakit mukhang problemado siya?


"Habulin mo! Baka makakakuha ka ng sustento!" natatawang sabi ni Enanz. Loko talaga.


"Baliw!" inis na sabi ni Justin. Asar na asar na si Justin. Napailing ako.


"Kumain na tayo. Kira sumama ka na. Huwag mong sabihin na magpapatalo ka kay Rex?" hindi makapaniwalang tanong ni Kent. I smirked. Kahit kailan hindi niya ako matatalo. Tumayo ako. History really repeats itself. Dati kaming mag-bestfriend ni Rex. Mukhang mag-aaway na naman kami dahil sa isang babae. Nag-away kami dati dahil pinatakas niya si Black Phantom, apat na taon na ang nakalipas.


LEE


Kumakain na kami nina Rex at Alexia sina Camille, Rose, Dhessa at Vic. Naiilang na si Rex dahil sa malagkit na tingin ni Vic sa kanya. Lihim akong natatawa.


"Hindi mo naman sinabi sa akin na may gwapo ka palang kaibigan, friend!" kinikilig na komento ni Vic.


"Bakit type mo? Hindi siya pwede! Baka kawawain mo lang, eh," natatawang sabi ko. Humaba ang nguso ni Vic.


"Sabagay kay papa Kira lang naman ang puso ko," maarteng sabi ko. Malakas akong tumawa.


"Lalong hindi pwede! Baka mabangasan ka niya. Sayang ang feslak mo," natatawang sabi ko. Nasamid si Rex dahil sa sinabi ko at napangiti. Mukhang nai-imagine niya ang mga sinabi ko.


"Kyah! Parating na si papa Kira, my love!" mahinang sabi ni Vic. Napatingin kami sa entrance ng canteen. Ang daming nagtitiliang babae. Lumapit sina Kira sa table namin.


"Hi, Alexia!" bati ni Vince. Dineadma lang ni Alexia si Vince. Magkagalit ba sila?


"Hi, Rose!" nakangiting bati ni Enanz. Nagulat kami sa pagbati ni Enanz kay Rose. Namula ang mukha ni Rose. Napatingin ako kay Kira. Hindi maipinta ang mukha niya.


"Kumain na ba kayo Kira?" tano ko sa kanya. Nagpapakabait ako ngayon.


"Hindi pa, kakain pa lang," sagot niya. Sinagot niya ako nang matino? Hooray!


"Kain na kayo. Ayaw ko pa namang nagugutom ka," pang-aasar ko. Trip ko siya ngayon. Sumimangot siya pero parang namula ang mukha niya. Ang cute.


"Sabayan mo daw kumain Lee para ganahan. Ako naman diyan sa upuan mo," singit ni Vince. Katabi ko kasi si partner. Hindi ko akalain na loko-loko rin pala itong si Vince. "Sapakin kita. You like?" masungit na sabi ni partner. Ang cute nila mag-away.


"Hindi pwede, Vince! Kumakain na kasi ako! Baka kapag lumipat ako ng puwesto magkaroon ako ng maraming asawa," natatawang pagbibiro ko. Isa kasi 'yon sa mga pamahiin sa Pilipinas. Mahirap na. Baka magkatotoo.


"Hindi ako papayag," bulong ni Kira. Natahimik kaming lahat dahil sa narinig namin. Ano raw? Nanlaki ang mga mata ko.


"Hindi ako papayag na makatabi ka sa pagkain. Baka mawalan ako ng gana," depensa ni Kira. Muntik na akong kiligin! Akala ko hindi siya papayag na magkaroon ako ng maraming asawa! Paasa! Ngumuso ako. Pumunta sila sa kalapit na table. Sayang! Gusto ko pa naman siyang makasabay kumain pero saka na lang. May linggo pa naman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com