Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Acting Like a Jealous Boyfriend? Part 2

LEE


Thursday. Naglalakad ako papunta sa room nang sumabay sa akin si Kira. Nasaan ang mga kaibigan niya? Bakit hindi niya kasama? Napakunot-noo ko. Nagdududang tiningnan ko siya.


"Don't look at me like that," he smirked.


"Papasok ka sa klase?" takang tanong ko.


"Hindi. Baka mamamasyal lang ako," he frowned. Matino talaga siyang kausap. Nakasalubong namin si Rex.


"Babe, sabay na tayong mag-lunch. My treat," he said and winked. Baliw talaga. Ano kayang nakain niya at nag-aalok ng libre? Papayag sana ako dahil libre pero nagsalita si Kira.


"Sa 'kin siya sasabay sa lunch," sabi ni Kira. Napatingin ako sa kanya. What the hell is he talking about? Tumingin siya sa akin na parang sinasabing huwag na lang akong kumontra. Ano'ng drama niya?


"Sa akin ka sasabay, Nerd. Libre ko," sabi niya. Nag-iwas agad siya ng tingin na parang nahihiya.


"Lee? Sa kanya ka sasabay?" hindi makapaniwalang tanong ni Rex.


"Ano kasi... Nauna siyang magyaya. Pasensiya na Rex. Next time na lang," nakangiwing sabi ko. Sumeryoso ang mukha ni Rex.


"Sige, okay lang. Wala naman akong magagawa. Punta na ako sa room ko," disappointed na sabi niya. Naawa ako kay Rex. Kasalanan ito ni Kira. Na-guilty tuloy ako. Tiningnan ko nang masama si Kira.


"Bakit?" pa-inosenteng tanong ng mokong.


"Kapag ako hindi nabusog sa libre mo, patay ka sa akin," banta ko sa kanya.


"Kahit bilhin mo pa ang buong canteen pero hindi tayo sa canteen kakain kaya sorry ka na lang," sabi niya. Kumunot ang noo ko.


"Saan tayo kakain?" takang tanong ko.


"Sa Jollibee," nahihiyang sagot niya. Ngumiti ako nang malapad. Ang cute niyang tingnan. Hindi siya makatingin sa 'kin.


"Pwede bang buong Jollibee na lang ang bilhin mo para sa akin?" natatawa kong tanong.


"Hindi papayag ang may-ari," nakasimangot na sabi niya.


"Kuripot ka lang," pang-aasar ko sa kanya.


"Pumasok na nga tayo," sabi niya.


"Kuripot," bulong ko. I pouted.


"Isa pa! Hahalikan na kita," banta niya. Asa! Hindi naman niya kaya.


"Kaya mo?" nang-aasar na tanong ko.


"Ganu'n ba? Try me," he grinned wickedly. Nanay ko po. Mukhang hindi nga siya nagbibiro. Binilisan ko ang paglalakad ko. I heard him laugh. Nakakaasar naman. Akala ko pa naman siya ang maaasar ko. Ako pa pala ang titiklop.


***


Nandito na kami sa jolibee. Ang dami naming inorder. Panlimahang tao yata. Kanina pa kami nagkukulitan dito. Natutuwa ako dahil ngumingiti at tumatawa na siya. Success ang mission ko!


Masaya ako. At the same time nalulungkot din. Nalulungkot ako dahil ako si Black Phantom. Paano kapag nalaman na niya? Tiyak magagalit siya nang sobra. Alam kong iisipin niyang niloko ko lang siya.


Wala lang akong magawa. Kahit subukan kong iwasan siya parang hindi ko kaya. Unti-unti na yata akong nahuhulog sa kanya. Ano ba'ng dapat kong gawin? Kailangan ko na ba siyang layuan? Nasabi na sa akin ni Alexia ang tungkol sa utos ni Kira sa mga underlings niya. May pabuya sa makatutunton at makakakilala sa akin. What should I do now?


"Ang lalim yata ng iniisip mo?" takang tanong ni Kira. Namalayan kong titig na titig siya sa 'kin.


"Wala naman. May naalala lang ako," pilit ang ngiting sabi ko.


"Ano naman?" takang tanong niya.


"Hindi ko akalain na ang lalaking asar na asar sa akin dati ay pwede ko palang makasundo," pang-aasar ko sa kanya. At ang taong gustong maghiganti sa akin ay unti-unti kong mamahalin. Nalungkot ako sa naisip kong 'yon. Biglang nanikip ang dibdib ko. Ang sakit sa puso.


"Hindi ko rin akalain. Ang pangit mo kaya!" natatawang sabi niya.


"Ganu'n! Pangit pala ha! Akala mo gwapo ka? Pangit ka rin naman," ganti ko.


"Lagyan mo na ng grado 'yang salamin mo. Lumalabo na ang mga mata mo," sabi niya. Mag-aaway na naman yata kami. Sa tingin ko, hindi mabubuo ang araw naman nang walang pinag-aawayan. Lagi niya akong binabara sa mga hirit ko.


"Hindi ko na kailangan magpalagay ng grado. Malinaw ang mga mata ko. Pangit ka lang talaga!" I insisted. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya. Napaurong ako. May kalokohan na naman yata siyang naiisip. Hahalikan niya ba ako?


"Sino ang pangit?" tanong niya.


"Ikaw," nag-aalangang sagot ko. Nagulat ako nang halikan niya ako ng mabilis sa labi. Aba! Para-paraan? Bakit ba ganito siya? Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Nakakainis ang puso ko. Pasaway! Ayaw makinig sa utak ko!


"Pangit pa rin?" nang-aasar na tanong niya. Hindi ko na pwedeng sabihin na pangit siya. Malamang na halikan niya ulit ako. Pero pwede rin! Ang baliw ko lang talaga.


"Madaya," sabi ko na lang. Sinampal ko siya nang mahina. Inilayo ko ang mukha niya sa 'kin. Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko. Ang gwapo niyang tumawa. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko. Sana lagi na lang siyang ganyan. Para lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Tumingin siya sa akin. He smiled.


"It's good to be with you," he sincerely said that caught me off guard. Parang ayaw pumasok sa utak ko ng mga sinabi niya. Hindi ko inakalang sasabihin niya 'yon. Gusto ko sanang bawiin ang kamay kong hawak niya. Natatakot ako sa mga sinasabi niya. Naalerto ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Pinigil ko ang sarili. Napabuntong-hininga ako nang tumunog ang cellphone ko. Natauhan siya at agad lumayo sa 'kin.


"Sorry may tumatawag sa akin. Okay lang ba?" tanong ko.


"Go ahead," sagot niya. Umalis ako sa table. Si Rex pala ang tumatawag.


"Hello?"


"Hey, Lee! Tara manood ng sine. Upside down," sabi ni Rex. Kuminang ang mga mata ko. I really want to watch that movie.


"Libre mo?" excited na tanong ko.


"Oo, Ano? Tara?" sabi niya. Ibig sabihin magka-cutting kami?


"Sige. Hindi ako matatanggi! Gusto ko talagang mapanood 'yan," nakangiting sagot ko.


"Sige. Itext mo ko kung nasaan ka. Susunduin kita," sabi niya.


"Hintayin mo na lang ako sa sinehan. Text mo na lang sa akin kung saan. Bye," sabi ko.


Inoff ko na ang call. Napatingin ako kay Kira. Okay lang naman siguro? Tapos na naman kaming kumain eh.


"Kira, kailangan ko ng umalis. Sorry. Tumawag kasi si Rex. May pupuntahan kami," sabi ko. Kinuha ko na ang gamit ko. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso. Nagtataka akong tumingin sa kanya.


"Huwag ka munang umalis, please," he said. Nagulat ako. Nakiusap siya? Bakit? Gusto kong tumanggi pero mukhang hindi ko siya matitiis.


"Bakit? Tapos na naman tayong kumain, 'di ba?" takang tanong ko.


"Edi mamasyal tayo. Kahit ano'ng gusto mong gawin basta huwag ka lang sumama kay Rex. Kahit mag-quantum tayo. Okay lang kahit saan basta ako dapat ang kasama mo," he demanded. Bakit parang ang selfish ng dating? Quantum? Gusto ko ring pumunta doon pero ang Upside Down ko!


"Paano si Rex?" nag-aalangang sabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"Hayaan mo na si Rex. Kaya niya ang sarili niya. Ako kaya ang kasama mo ngayon," pamimilit niya.


"Sige, sasama ako sa iyo but in one condition," sabi ko. Kapag hindi siya pumayag, pupuntahan ko si Rex. Parang nagdalawang-isip siya.


"Ano?" takang tanong niya.


"Kakanta ka sa Quantum," hamon ko sa kanya. Sana hindi siya pumayag.


"Ayaw ko nga," naaasar na sabi niya.


"Fine! Aalis na ako. Manonood pa kami ni Rex ng sine," sabi ko. Aalis na sana ako pero nagsalita siya. "Sige na nga! Kakanta na ako!" Natigilan ako. Seriously? Pumayag siya? Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. I sighed. Hindi yata ako makakaligtas sa kanya. Pumunta kami sa SM para mag-Quantum. Nagtext ako kay Rex na hindi na ako makakasama sa kanya.


***


Nasa Quantum na kami. Ang dami niyang biniling token. Pinakanta ko siya sa live. I grinned. Ayaw nga niyang pumayag. Sinabi ko na pupunta ako kay Rex kaya nagbago ang isip niya. Nasa maliit na stage na siya.


"This song is for you nerd," alanganing sabi niya. Nabigla ako. Ano naman ang drama niya? Nakakainis ang puso ko. Umaasa sa wala! Dapat nga kasi kay Rex na lang ako sumama. Bakit ba kasi napakapasaway ko?


I tried playing it cool

Girl when I'm looking at you

I can't ever be brave

Cause you make my heart race

Shot me out of the sky

You're my kryptonite

You keep making me weak

Yeah, frozen and can't breathe


'One thing' ang kinanta niya! Nanlaki ang mga mata ko. Kumakanta pala siya ng ganu'n! Pinigilan ko ang sarili na kiligin. Ang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan.


Some things gotta give now

Cause I'm dying just to make you see

That I need you here with me now

Cause you've got that one thing

So get out, get out, get out of my head

And fall into my arms instead

I don't, I don't, don't know what it is

But I need that one thing

And you've got that one thing


Nagtilian pa ang mga babaeng nanonood. Sumimangot ako. Ako ang kinakantahan hindi kayo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinakanta niya. Ayaw kong paasahin ang sarili ko dahil alam kong wala akong dapat asahan. Hindi niya ako mapapatawad kahit ano'ng gawin ko. I know. Love is not really enough.


Now I'm climbing the walls

But you don't notice at all

That I'm going out of my mind

All day and all night

Some things gotta give now

Cause I'm dying just to know your name

And I need you here with me now

Cause you've got that one thing


Tumingin pa siya sa akin. Nakakaloka na ito! Bakit ko ba siya naisipang pakantahin? Lalo tuloy nagugulo ang puso ko.


So get out, get out, get out of my head

And fall into my arms instead

I don't, I don't, don't know what it is

But I need that one thing

And you've got that one thing


Ngumiti siya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bumaba na siya sa stage.


"Tara na maglaro," sabi ko na lang. Hindi ko alam kung pupurihin ko ba siya o hindi. Baka lumaki ang ulo, eh. Ayaw ko rin namang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niya sa kanta niya.


"Sige," he smiled.


Madami kaming nilaro. Naglaro kami ng race car, tekken at kung ano-ano pa. Naisipan naming maglaro ng basketball. Isang ring lang ginamit namin. Halinhinan kami sa pagshoot sa bola. Natatawa ako sa kanya. Malapit nang matapos ang oras. Sabay pa kaming napahawak sa iisang bola. Nahawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako.


"Sige! Ikaw na lang ang magshoot," nahihiyang sabi ko.


"Hindi. ikaw na lang," he said. Nagkakahiyaan pa kami. Pareho pa rin naming hawak ang bola. Nakatingin lang kami sa isa't isa nang biglang tumunog ang buzzer. Natawa na lang kami. Binitawan na namin ang bola.


"Tara," sabi ni Kira. Hinila niya ako sa kuhanan ng stuff toy. Nakita ko si stitch. Gusto ko nun!


"Kunin mo si stitch, please!" sabi ko sa kanya.


"Hindi ba pwedeng ako na lang?" pagbibiro niya. Ngumuso ako. Kung pwede nga lang na siya, mas ayos sana.


"Mas gusto ko si stitch," nakasimangot na sabi ko.


"Iba-ban ko yan dito eh," inis na sabi niya. Natawa ako. Baliw!


"Huwag! Hindi ka naman kasi stuff toy," naiiling na sabi ko.


Binitawan na niya ang kamay ko. Nagsimula na siyang maglaro. Ang dami na naming nagamit na token. Hindi pa rin namin makuha si stitch. Sumubok ulit siya. Malapit na niyang makuha.


"Ayan na Kira. Malapit na! Galingan mo naman!" excited na sabi ko.


"Ginagalingan ko na nga," reklamo niya. Sumimangot siya. Natawa ako sa itsura niya. Pinagpapawisan na rin siya. Malapit na niyang makuha pero nahulog ulit. Tumawa ako ng malakas. Epic!


"Isa pa!" sabi ko.


"Oo na. Ang ingay mo kasi kaya hindi magpakuha si stitch," sabi niya. I pouted. Tumawa si Kira sa itsura ko. Sinubukan niya ulit. This time nakuha na niya! Ang saya ko!


"Ayan na! First baby natin," he grinned. Natulala ako nang iabot niya sa 'kin si Stitch. First baby? Kung pwede lang kiligin baka naghingalo na ako. Kinuha ko na si stitch. Kiming napangiti ako.


"Thanks," nag-aalinlangang sabi ko.


"Wala bang kiss?" he grinned.


"Hmp! Wala 'no!" irap ko sa kanya. Tumalikod ako. Hindi ko napigilang ngumiti kaya naglakad ako palabas sa Quantum. Humabol siya tapos inakbayan ako. Aba! Kung makaakbay parang kami na ah! Napansin kong nakangiti siya. Pasimple kong inalis ang kamay niya. Hindi ko na yata kayang pigilin na mahulog sa kanya. Help me! Hindi ko na talaga kaya! Sana awayin na lang niya ako ulit.


KIRA


Masaya ako dahil kasama ko si nerd. Sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na nga siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mahalin din niya ako. Para mapansin niya ako. Hindi kasi maganda ang naging simula namin. Hindi ako marunong manuyo sa babae. Nawala ang ngiti ko dahil makakasalubong namin si Rex.


Kasama niya si Krissy. Kababata niya ito.


"Hi Kira!" bati ni Krissy.


"Hi," bati ko. Napatingin ako kay Lee. Mukha siyang nagi-guilty habang nakatingin kay Rex.


"Rex, pasensiya na kung hindi ako nakasama," mahinang sabi ni nerd. Bakit ba siya nagso-sorry? Nakikita naman niyang may kasamang iba si Rex. Nakakaasar.


"Okay lang Lee. Next time na lang," nakangiting sabi ni Rex. I know, he's hiding the pain.


"Sige. Pauwi na ba kayo?" tanong ni nerd. Ano ngayon kung pauwi na sila? Nakakainis ang nerd na 'to. Bakit ba mukhang concern siya?


"Oo, eh," sagot ni Rex.


"Sige. Ingat kayo," sabi ni Lee. Nagpasalamat si Rex.


"Bye Kira and Lee," sabi ni Krissy.


"Bye, Krissy," nakangiting sabi ni Lee. Tumango lang ako kay Rex. Nilampasan na nila kami. Napansin kong tahimik si nerd.


"Gusto mo bang kumain muna?" tanong ko. Umiling siya.


"Hindi na. Pagod na kasi ako. Ihatid mo na lang ako sa condo," sagot niya. Pilit siyang ngumiti sa akin. Sinunod ko na lang ang gusto niya.


"Thanks for this day, Kira. Nag-enjoy ako," nakangiting sabi niya.


"It's okay. Nag-enjoy rin naman ako," sagot ko. I kissed her in the forehead. Natigilan siya. Bumaba agad siya sa kotse nang makahuma. I sighed. Hindi ako marunong manligaw. Masyado ba akong mabilis? Dumiretso na ako sa condo ko para magpahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com