Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Unexpected Encounter

LEE


Humiga ako sa kama. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Una, na-guilty ako dahil hindi ako sumamang manood ng sine kay Rex. Pangalawa, pakiramdam ko niloloko ko lang si Kira. Hindi ko alam. Masaya talaga ako ngayong araw dahil kay Kira. As in masayang-masaya!


Pero pakiramdam ko nagiging selfish na ako. I don't want to hurt Kira. Pero hindi ko na kayang pigilin ang sarili ko na mahalin siya. Things are getting more complicated now. Paano kapag nalaman niya na ako si Black Phantom?


Hindi ko kayang magalit siya sa akin. May tumulong luha sa mga mata ko. Tiningnan ko kay stitch at binuhat ito.


"Hey! 'di ba ikaw ang first baby namin? Ano'ng pangalan ang ibibigay ko sa 'yo? Lalaki ka, 'di ba? Junior?" Para akong baliw na kinakausap si Stitch. Nag-isip ako ng pangalang ibibigay sa kanya. Ano ba'ng maganda? Kirlee? Natatawa ako na naiisip ko. Raylee na lang kaya? Pangit kasi kapag pinagsama ang pangalan namin. Ang sagwa!


"Ayan! Raylee na lang! May pangalan ka na! Mukha bang pambabae ang pangalan mo? Huwag ka ng choosy," nakangiting sabi ko. Niyakap ko nang mahigpit si Raylee. Sana mapatawad ako ni Kira kapag nalaman na niya ang totoo. Pumikit na ako. I just have to cross the bridge when I get there. Kapag nalaman na niya ang lahat-lahat.


***


Ang bilis ng araw. Malapit na ulit mag-Sunday! Naglalakad ako papunta sa canteen nang may humarang na dalawang lalaki sa akin.


"Why?" mataray na tanong ko. Ang alam kong bawal na ang mam-bully ngayon. Si Kira lang naman ang nagtatangkang mambubully sa akin pero hindi na katulad ng dati. Nang-aasar na lang siya ngayon.


"Ipinapatawag ka ni Boss. Sasamahan ka namin sa Headquarters," sagot ng lalaki.


"Boss? Sino naman 'yon?" takang tanong ko.


"Boss Kira," sagot ng lalaki. Siya pala. Ano naman ang problema niya? Sumama na lang ako. Pagpasok ko, nakita ko agad siya na prenteng nakaupo sa black couch.


"Bakit? May problema ba? Hindi naman kita ginugulo ngayong araw, ah," nakasimangot na bungad ko sa kanya.


"Kapapasok mo pa lang dito ang ingay mo na," reklamo niya. Aliw na aliw siyang nakatingin sa 'kin. Nakalagay pa ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya. Napaismid ako.


"Tse! Bakit mo pala ako ipinatawag? Miss mo na ako agad?" pang-aasar ko.


"Hindi! Masyado kang assuming," inis na tugon niya.


"Ah! Assuming pala ha? Patay ka sa akin sa Sunday." I frowned.


"Hindi ako pwede sa Sunday," inis na sabi niya.


"At Bakit? Tatakasan mo ang master mo, slave?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Nakatayo lang ako sa harap ng pintuan. Hindi ako nagtangkang pumasok.


"Birthday niya sa Sunday, Lee," sabi ni Vince. Nagulat ako. Sana sinasabi kasi agad. Gusto pala niya ng day-off. Pwede namang magsabi. Mabait pa naman ako sa mga nagbi-birthday. Pinapunta pa talaga ako rito.


"Ah! Okay. Birthday mo pala hindi sinasabi mo agad. Ibabalato ko na sa 'yo ang Sunday na 'yon. Meaning five Sundays na lang! Advanced Happy Birthday! Alis na ako. Bye," kaway ko sa kanya. Palabas na ako nang magsalita siya. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.


"Ah... Nerd... Wait k-kasi..." nag-aalangang sabi ni Kira. Ano pa ang gusto niya?


"Ano? Ang bagal namang magsalita," reklamo ko.


"Huwag na pala. Nagbago na isip ko." Naiinis na nagbawi siya ng tingin. Bahala siya.


"Kasi gusto ka niyang imbitahan sa party niya," natatawang sabi ni Vince. Magkatabi sila kaya binatukan siya ni Kira. Ipinalibot pa niya ang braso sa leeg ni Vince at parang sinasakal niya ito. Natatawa lang si Vince. Ang cute nila.


"Hindi ako aattend. Hindi naman si Kira ang nag-iimbita," nang-iinis na sabi ko. Palabas na ako sa HQ nila.


"Wait lang nerd! Hindi ko pa sinasabing umalis ka!" sigaw niya. Ang sama talaga niya. Balak pala niya akong palayasin dito mamaya. Ganu'n?


"Nagkukusa na nga ang tao," sabi ko.


"Wait lang kasi... You must come to my party. You're dead if you don't," pautos na sabi niya. Ang sweet niyang mag-imbita. Nakaka-touch! Wala man lang pakiusap sa sinabi niya.


"Kailangang bossy kapag nag-iimbita?" nang-iinis na sabi ko.


"Wala sa bukabularyo ko ang sweet na pag-iimbita," naaasar na sabi niya.


"Sinabi ko bang dapat sweet?" nakangising tanong ko.


"Umalis ka na nga!" he said, irritated. Ayan! Pinapalayas na niya ako. Gentleman talaga! Hanep. Napailing ako.


"Nagkukusa na kaya ako kanina. Panira ka ng araw, eh!" inis na sabi ko. Lumakad na ako papunta sa pinto.


"Pumunta ka ha?" He said with a soft voice. Napangiti ako. Teka! Wala ba siyang ibibigay na birthday invitation? Tumingin ako sa kanya.


"Hindi ako pupunta. Wala kasing invitation. Baka isipin nila party crasher ako," nang-aasar na sabi ko. Gusto ko lang siyang inisin. I stuck my tounge out.


"Sabihin mo na lang ang pangalan mo. Demanding ka pa. Semi-formal ang isuot mo," sabi ni Kira.


"Sige. Sasabihin ko girlfriend mo ako. Bahala ka," sabi ko.


"Bahala ka sa buhay mo. Hindi ka papapasukin. Hindi sila maniniwala sa 'yo," nang-aasar na sabi niya.


"Bigyan mo na kasi ako ng invitation," I said with a pout.


"Oo na. Ipapadala ko na lang sa inyo," napipilitang sabi niya.


"Shoot! Basta kapag walang invitation hindi ako pupunta," pahabol ko. He smirked. Umalis na ako. Hanggang tanghali lang ang klase ko kaya maaga akong umuwi. Pumunta ako sa mall para maghanap ng dress. Naghanap ako ng simpleng dress na bagay sa akin. Nakakita ako ng black dress. Sleeveless ito at hindi masyadong revealing. I won't be showing too much skin. It's simple but elegant. Naghanap na rin ako ng gift ko para sa kanya. At sobrang nahirapan ako. Hindi ako magaling pumili ng regalo para sa isang lalaki. Sumakit ang ulo ko buong maghapon. Nakakainis naman!


KIRA


May invitation naman talaga akong ibibigay para sa kanya pero nagdalawang isip ako. Naiwan ko tuloy sa condo.


"Wow naman! Akalain mong nag-invite si Kira para sa birthday niya?" natatawang sabi ni Enanz. Wala naman akong balak magpa-party. Si Ate Rhea lang ang makulit kaya wala akong magagawa. Kadarating lang niya from Paris. Fashion designer siya. Gusto niya ng party para ma-meet niya ang mga kaibigan niya.


"Walang masama kung imbitahan ko si Nerd," depensa ko.


"'Yon na nga pare! Iba to. Ngayon ka lang nag-invite ng babae sa birthday mo. She must be special, right?" sabi ni Kevin. Special? I think, she's really special. Special child. I grinned. Nasobrahan kasi siya sa kakulitan.


"Oo nga Kira. Baka naman mahal mo na si Nerd," nagdududang tanong ni Vince. Halata na ba talaga na mahal ko si Nerd? I think there's no use denying it.


"Yes. I think mahal ko na siya," mahinang pag-amin ko. Nagulat sila sa sinabi ko.


"Whoah!" sigaw nila.


"Congrats pare! Graduate ka na sa pagiging emotionless guy mo! Pero sigurado ka na ba talaga?" natatawang sabi ni Justin. Nagsisimula na naman silang mang-asar.


"Nakalimutan mo na ba siya? Sigurado ka na talaga?" seryoso at mahinang tanong ni Vince. I sighed. Hindi ko makakalimutan ang ex ko lalo na't hindi pa ako nakakapaghiganti. Pero mahal ko na talaga si nerd. Ano ba'ng magagawa ko? And this time poprotektahan ko na siya. Ayaw kong mawala siya katulad nang nangyari sa dati kong girlfriend.


LEE


Saturday. May natanggap akong mensahe. Unknown number. Naikuyom ko ang kamao ko nang makita ang larawan sa mensahe. Bugbog na mukha ng underlings ko ang nasa larawan. Kung sino man ang kumuha sa dalawa kong underlings, humanda siya sa 'kin. Ayon sa mensahe, hindi ako pwedeng magsama ng kahit na sino.


IF YOU WANT YOUR UNDERLINGS ALIVE, MEET ME TODAY. 7 PM IN AN OLD WAREHOUSE, MARS ST., UNIVERSE SUBDIVISION. BE SURE YOU'RE ALONE OR ELSE YOUR UNDERLINGS WILL DIE!


Maghanda dapat siya ng isang batallion kung gusto niya akong matalo. No choice. Kailangan kong pumunta mag-isa. Malapit nang mag-alas siyete. I wear my mask, black leather jacket and pants. Nakasuot ako ng black tube na kita ang pusod. Nakikita ang tattoo sa waist ko dahil maikli lang rin ang leather jacket. I have thirty minutes left. I searched for the place. I brought my black car. It's the same car I always use, four years ago.


Ipinarada ko ang kotse sa 'di kalayuan. Natatanaw ko na ang warehouse. Malayo ito sa kabahayan. I checked the weapons attached on my body. I sneaked silently inside the warehouse. Magagaan ang mga hakbang ko para hindi makagawa ng ingay. Hindi ko pa sigurado kung sino ang mga kalaban ko. I have to check them first before making a move. I must not be reckless. Sa likod ako dumaan.


KIRA


I received a message. Hindi ko sana papansinin dahil unknown number pero binasa ko na rin.


IF YOU WANT YOUR UNDERLINGS ALIVE. MEET ME TODAY. 7PM, IN AN OLD WAREHOUSE, MARS ST., UNIVERSE SUBDIVISION.


Nakita ko sa larawan ang dalawa kong underlings. Damn! Don't tell me, si Spencer na naman ang may kagagawan nito? I'm gonna kill him. Tinawagan ko sina Vince. Sinabi ko sa kanila ang lugar. Ipina-trace ko kay Kent kung sino ang nagpadala ng mensahe. Nagkita-kita kami sa harap ng Warehouse.


"Na-trace mo ba?" seryosong tanong ko kay Kent.


"Hindi pa. Hindi na ginagamit ang sim nang subukan kong i-trace. Pero may lead na ako. Hindi ko pa lang sigurado. Pinapa-tsek ko pa sa kakilala kong IT specialist. Pakiramdam ko iisang tao lang ang nagpadala ng email noon at nagpadala ng mensahe sa 'yo ngayon. Pagkatapos nito, sasabihin ko agad sa 'yo ang resulta," sagot ni Kent.


"Ganu'n ba? Makikita na siguro natin kung sino ang nasa likod nito," seryosong sabi ko.


"Ano'ng plano mo?" tanong ni Kevin.


"I'm going to teach him a lesson," I seriously said. Kung sino man ang taong 'yon, he'll pay for this mess.


"Let's go," utos ko. Maingat kaming pumasok sa loob.


LEE


Pumasok ako sa loob pero walang tao kundi ang mga underlings ko. May kasama pa sila pero hindi ko namumukhaan. Malayo sila sa mga underlings ko. Nakatali rin sila. I looked around. The light was dim. May napansin akong anino sa itaas. Naalerto ako. Hindi ko siya makita. Mukhang hinihintay talaga niya ang pagdating ko. Natiyak kong mag-isa lang siya. Walang nagbabantay sa mga underlings ko. Inilabas ko ang hunter knife ko. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila. Kinalag ko ang mga tali nila. Hindi pa rin lumalabas ang taong nagpadala ng mensahe. Mukhang may hinihintay pa siya.


"Umalis na kayo. Kaya ko na ang sarili ko," sabi ko sa kanila.


"Pero hindi ka namin pwedeng iwan. Malakas ang kalaban mo," nag-aalalang sabi ng underlings ko.


"You can't fight with those wounds. Magiging sagabal lang kayo. Umalis na kayo," utos ko sa kanila.


"Mag-iingat ka. We'll ask for help," sabi nila. Nanghihinang umalis sila. Nakakapagtaka na hinayaan ng nagpadala ng mensahe na umalis sila. Tiningnan ko ang dalawa pang tao na nasa isang sulok. Wala silang malay. Lalapitan ko sana sila pero naramdaman kong may pumasok na tao. Naging alerto ako.


Lumingon ako sa kanila. Ito ba ang hinihintay ng nagpadala sa 'kin ng mensahe? Pinagsisihan ko ang paglingon ko nang makita ko kung sino ang mga dumating. It's Kira kasama sina Vince. Bakit kailangang dito pa? Mabuti na lang nakamask ako. Hindi rin nila inaasahan na makikita nila ako dito. Gulat na gulat din sila. So, it was a set up? Tumingala ako. Nakikita ko pa rin ang anino sa itaas. Kung sino man siya, tiyak na nag-eenjoy siya sa nakikita. I gritted my teeth.


KIRA


Hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko. Natigilan ako sa paglalakad. Nabuhay ang galit sa dibdib ko. I clenched my fist. My jaws tightened. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Mukhang umaayon sa akin ang kapalaran.


"Black Phantom," mariing wika ko. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Totoo ngang nakabalik ang babaeng kinamumuhian ko. Tapos na ang paghihintay ko. Hindi siya nagsasalita. Tumingala siya saka nag-aalinlangang tumingin sa akin.


Parang gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Natatakot ba siya? Dapat lang siyang matakot. This will be her graveyard.


"Ano'ng gagawin mo, Kira?" nag-aalalang tanong ni Vince.


"Walang makikialam. This fight is between me and Black Phantom only," seryosong sabi ko. Natahimik sila at sumeryoso. Siguro hindi nila nagustuhan ang desisyon ko. Tumingin ako nang masama kay Black Phantom. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa loob. Umangat ang sulok ng labi niya. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalabas dito ng buhay. Pakiramdam ko, may iba pang nagmamasid sa 'min pero hindi ko makita. Ramdam kong may mali pero ito na ang pagkakataon ko.


"Imposibleng si Black Phantom ang nagpadala ng mensahe, Kira," bulong ni Kent. He looked around. "Maybe this is a set up. Huwag kang magpadalos-dalos," dagdag pa niya.


"I will leave the rest to you.Hanapin ninyo ang nagpadala ng mensahe. May atraso rin siya sa 'kin. Ako na angbahala kay Black Phantom," seryosong sabi ko. Hindi ko pwedeng palampasin angpagkakataon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com